Concert day! Ang dami ko nang na-witness na friends at kakilala na naka-attend na ng concert or music festival. Yung bunso nga naming kapatid naka-ilan na. Kaya parang for me, as a 33-year old music lover, medyo na-late ako. Pero it’s never too late naman. And I experienced it for the first time nung Friday!

Pagpasok ko pa lang sa venue, na-feel ko agad yung excitement. Nung highschool kasi until few years after college, sobrang uso ng mga banda. Halos lahat nagbubuo ng banda, every month may battle of the bands, may mga gigs, yun yung norm noon. Yung last na naka-attend ako ng gig ay mga 8 years ago na. Kaya nung nakita ko yung stage na may tumutugtog na banda (mga front acts), na-transport ako sa college days ko. Super nostalgic. Yun ang theme ng araw na yun at ng post na ‘to: nostalgia.
So super pumped up ako lalo sa concert nung na-feel ko yung ganung vibe. Pero napaltan ng disappointment kasi ang dami nang tao pagdating namin! Nakakainis. Maliit kasi ako kaya ang goal ay maka-pwesto kami sa unahan para naman best possible experience yung first concert ko. Mali ang naging diskarte ko. 6PM yung nasa ticket pero alam ko na 8PM pa ang start ng Kamikazee so sabi ko kay Kenneth, kahit 6PM kami umalis ng bahay para 6:30 andun kami.

Parking lot pa lang, sobrang dami nang sasakyan. As in puno na pala talaga. Medyo magulo na yung park ng mga sasakyan at dun kami sa pinaka-dulo nakapag-park. At yun nga pagpasok namin, occupied na yung mga pwesto na malapit sa stage. Hindi pa naman masyadong siksikan so nakasingit pa kami dun sa mga spaces. Tapos yung nasa unahan kong matangkad, dumidiskarte din sa pagsingit kaya sumusunod lang ako sa kanya. So ang ending, napunta kami sa 5th row (yung first three rows ay mga organizers kaya parang nasa second row talaga kami nung crowd, so kung iisipin mo not bad). Pero hindi pa rin good enough!! Kasi nga ang liit ko tapos ang tatangkad nung mga nasa unahan. Ang baba rin kasi nung stage so effort pa rin talaga para makita sila. Kelangan tumikdi at habaan ang leeg. Inisip ko na lang, buti hindi kami yung mga nasa pinaka likod talaga. So lesson learned as a petite person: kelangan mauna sa venue.
Habang unti-unti ko nang natatanggap ang fate ko, eto na! This is the main event! Pagtingin ko sa likod ang dami na talagang tao. After nung last song nung last front act, biglang nag-lights off. Ramdam mo na yung excitement at anticipation ng crowd. Nagbi-build up lalo yung excitement. May mga makukulit na sumisigaw na, “Jay lumabas ka na!” May mga taga-setup pala sila ng instruments so akala namin nung una, sila na yun. Nagsisigawan na sila pero hindi pa pala. Hanggang finally, ayun na.
Sobrang badtrip ko sa mga matatangkad na nasa unahan ko. Parang mga tuod! Fan ba talaga kayo? Di ko man lang sila nakikinig na nakikikanta. Nangangalay na yung binti ko kakatikdi at yung leeg ko na-reach na yung maximum limit. Kainis. Hindi nyo deserve pumwesto sa unahan! Dapat yung mga ganun, kahit nauna kayo sa venue, wag kayong pupwesto sa malapit sa stage. Dun kayo sa likod!
Okay breathe in, breathe out.
Maiba ako, buti nalaman ko sa kaibigan ko na nung nag-concert ang Kamikazee sa LA last month, hindi daw kasama sa lineup yung ‘Girlfriend’ so na-set na yung expectation ko. Kasi kung di ko yun nalaman at hindi nila tinugtog yung ‘Girlfriend’, madi-dissapoint talaga ko. Kaya naman ginawa ko ang aking makakaya para ma-communicate sa kanila na tugtugin nila yun. So yun nga nag-DM ako kay Jomal kasi sya naman yung kakanta ng ‘Girlfriend’. Di sya nagreply pero ang importante na-seen nya. Tapos nung nag-post ako ng pic namin with them, nilagay ko din sya sa caption tapos tinag ko sila. Alam kong nabasa ni Jomal yung post ko kasi nag-like sya. Sabi ko dun, “Please tugtugin nyo yung Girlfriend pleaseeee!”
After 7 songs, wala pa ring ‘Girlfriend’. Ramdam kong nalulungkot si Kenneth for me kasi alam nya kung gano ako ka-excited na marinig yung kanta na yun live. Tanggap ko na pero may konting disappointment pa rin. Isip ko, super nag-enjoy pa rin naman ako at ang kulit ng mga jokes ni Jay. Parang 70% rock concert, 30% comedy show. Tsaka yung mga kantang favorite ko aside from Girlfriend, tinugtog nila lahat.
After nilang tugtugin yung ‘Ung Tagalog’, hindi ko agad na-pickup yung next song nila kasi nangingibabaw yung drums. Tapos nung narinig ko na yung “It never even crossed my mind…” sigaw na ko ng sigaw! Nagtatalon na ko. Haysss ang saya ko talaga nun. Sabi ko nga dun sa story ko na ni-repost ni Jomal, kahit yun lang yung tinugtog nila masayang masaya na ko. Either nasa lineup talaga nila yun or pinagbigyan nila ko, thank you talaga huhuhu!

So bakit ba yun yung favorite ko? Wala namang mabigat na reason. Pure nostalgia lang talaga kasi yun yung tinugtog namin ng una kong banda sa first battle of the bands ko nung highschool. So ang daming memories na kakabit nung kanta na yun. Naalala ko yung mga araw na looking forward kami lagi after school para mag-practice. Tapos kelangan mag-audition para makasali sa battle of the bands kasi maarte yung school namin.
Nung audition day, sobrang nagaalala yung mga kabanda ko (at ako rin) kase wala pa ko. Sinisisi ko yung boyfriend ko that time na hindi supportive kaya na-late kami ng alis, na-traffic kami. Nung medyo malapit na kami sa studio pero traffic pa rin, bumaba na ko at naglakad. Tanaw ko na yung mga ka-banda ko na nagaantay sa labas tapos nagtatalon sila nung nakita nila ko. Napa-hug pa sakin yung lead namin sa sobrang tuwa tapos na-awkward ako kasi nasa likod ko lang yung then-boyfriend ko. Haha buti di kami nag-away.
Nakapasa kami sa audition at yun. Ang sayang alalahanin. Fun fact: kalaban namin yung banda ni Kenneth hahaha. Classmates kami nung 4th year highschool. Wala pang something samin nun. Sya pala ang may something sakin pero baka sabi nya lang yun nung naging kami na. Bassist sya nung banda nila tapos ako naman vocalist. Hindi kami nanalo pero masaya pa din. Ayaw siguro ni sister (Catholic school kami) ng maiingay 😂
May isa pang memorable thing nung mismong battle of the bands na. May usapan na sabay-sabay kaming tatalon dun sa isang part nung kanta (so classic 😂). Tapos nakakatawa kasi super na-awkward ako nung tumalon ako so tumalikod ako sa crowd. But apparently, sabi nung isang barkada ko na babae, kung lalake daw sya hindi raw sya aalis ng gym hangga’t hindi nakukuha ang number ko. So mukang cool naman pala yung ginawa namin hahaha. Fun fact ulit: lesbian na sya ngayon. Kaya pala 😂 Ang ganda at ang girly nya so hindi namin na-suspect. Anyway…
Okay tapos na kong mag-reminisce. Balik na sa concert. ANG SAYA! At nung last song nila, nakita ko yung mga organizers na umaalis so sumiksik na ko at pumunta sa pinaka unahan. Yehey! Sobrang sulit nung $100. Sabi nung kakilala namin mahal daw pero para sakin sulit na sulit. Pure, unadulterated entertainment talaga. Unforgettable. For sure kasama ‘to sa ‘Best Nine 2022’ ko.
Ang plano ko pa nga, hindi ako masyadong magvi-video para feel na feel ko lang. Pero hindi mo mapipigilan. Gusto mo talagang i-capture yung moment. At good idea rin pala na mag-take ng videos kasi nung pinapanood ko sya kinabukasan, na-extend nya yung saya nung gabi. Tapos kakilig nung hineart ni Jay at ni-repost ni Jomal yung stories ko. Hihihi.

Isa pang lesson learned: magdala ng tubig. Kasi nakakauhaw. Buti pagkatapos nung concert, may bilihan ng tubig sa labas. Almost 11PM ata kami nakarating ng bahay at kahit enjoy na enjoy rin naman si Kenneth, at nagkanda piyok-piyok pa sya pagsabay sa mga kanta nila, medyo bitter pa rin sya kasi hindi nya mapapanood si Jo Koy. So paguwi namin, nakita nya na may bagong Netflix special si Jo Koy so nanood kami for ilang minutes hanggang nakatulog na ko.
Thank you Kamikazee sa super memorable na gabi!! Sa US/Canada tour nila, kami yung ika-12th pero di mo mahahalata yung pagod nila. Ang taas ng energy lalo na si Jay, Jomal at Mikki. Si Mikki keyboards sya pero kung maka-headbang bigay na bigay. Tapos ang ganda ng boses nya! Sya yung kumakanta dun sa mga female parts ng mga songs at ang galing. Ang taas ng boses. Tapos si Jomal ang likot din sa stage at yun nga, kinanta nya yung Girlfriend. Thank you!! Pero ang nakakabilib din talaga eh si Jay. Nagsasayaw, naghe-headstand, tapos nagpapatawa pa. Tsaka okay pa rin yun pagkanta nya ng live. Kasi yung iba diba ang layo sa studio version.
Thank you sa pagbigay ng 100% para ma-entertain kaming mga concert goers at lalo na sa mga first timers like me. Na-set nila ng mataas yung standard para sa mga next concerts na mapupuntahan ko. Nagiisip na kami ni Kenneth kung sinong artist ang aabangan namin. Ako baka Billie Eilish, Taylor Swift, Vampire Weekend, Paramore, at hindi sya musician, pero si Ali Wong gusto ko din mapanood live. We’ll see!