Categories
Career Insights Life

30% Artist, 70% Housewife

Napatigil ako sa book reporting ko ng ‘Recapture the Rapture’ nung nabasa ko ulit yung isang hinighlight ko.

I arise in the morning torn between a desire to improve (or save) the world and a desire to enjoy (or savor) the world. This makes it hard to plan the day.”

E. B. White, author of the children’s classic Charlotte’s Web

Sobrang nakaka-relate lang ako dun sa dilemma. Sabi ko nga sa kwentuhan namin ni Nick kahapon, ang role ko as of now ay 30% artist/freelancer, 70% housewife. At alam kong fortunate ako na nagkaron ako ng ganitong option. As someone na madaming curiosities at interests sa buhay, ang swerte ko na ang dami kong time gawin lahat yun. As long as areglado ang household at finances namin, as long as we’re self-sufficient, walang problema si Kenneth sa mga pinipili kong gawin. Supportive pa nga sya.

At na-mention nya sa previous heart to heart namin na wag ko raw isipin ang mga comments ng iba (usually mga kamaganak) kasi di naman kami nangungutang, nakakapagbigay kami ng extra sa families, kumbaga hindi kami pabigat. Sabi nya proud sya na nakakapag-provide sya sakin at sa mga pusa namin. At yung mga bagay na kino-contribute ko (pagma-manage ng finances, pagluluto, pag keep track ng mga supplies na paubos na, anong mga kelangan bilhin, sinong magbi-birthday at kailangan bigyan ng regalo, pagpapa-schedule ng appointments, pag-plano ng mga trips, anong kakainin today, etc.), yung mga small things na pag pinagsama-sama mo ay nakaka-overwhelm, hindi man sya monetary contribution, sobrang thankful nya. Kasi yun daw ang mga bagay na taxing para sa kanya. Kaya siguro this is how we balance each other out kasi di ko rin kaya ang ginagawa nya pagdating sa work.

Pero babalik ako dun sa quote. Kahit completely alam ko na 100% walang problema samin ni Kenneth ang ganitong setup namin, there’s a nagging feeling na nagi-guilty ako. Hindi ko alam bakit kasi wala naman akong ginagawang masama. Siguro dahil alam kong meron pa kong kayang i-offer na value (improving the world) pero hindi ko sya masyadong ine-exercise? Since meron akong freedom na i-explore ang mga interests ko (savoring the world), napapasobra na yung self-indulgence? Parang ganun yung naiisip ko. Parang may imbalance.

Ngayon ko lang ‘to na-verbalize pero nung lumulutang pa lang sa utak ko yung thoughts, gumawa na ko ng action. At yun nga ay yung paghahanap ko ng trabaho. Na-realize ko na hindi pala sakin magwo-work ang pagiging full-time freelancer, full-time housewife, or full-time employee. Kaya yung mga hinahanap kong trabaho ngayon ay mga part-time jobs. May time na magta-trabaho ako, may time na babalik ako sa pagiging artist slash Diaz household manager. Yun yung balance para sakin at again, I acknowledge that I am fortunate to have this option. Obvious naman siguro dito sa blog ko na hindi ako nagkukulang sa self-awareness. Napapasobra pa nga minsan.

Ang sinasabi nga pala ng mga kamaganak ko, mas okay daw kung may full-time job din ako para daw stable kami. Sabi ko, “Bakit hindi ba kami stable?” Tas napatigil sya, naisip nya siguro na nami-meet naman namin ang definition ng stable. Yung isa pang comment, sayang daw ang talino ko. Ang nasa isip ko naman, kaya ako nag-quit sa full-time job ko ay dahil ginamit ko ang talino ko. Ang dami kong kilala na nagsasabing, “Gusto ko nang mag-resign, gusto ko na lang mag-business.” Kung binigyan ako ng choice na gawin yun, bakit hindi ko pipiliin? Bakit ako magpapaka-hypocrite?

Pero nung nalaman ng mga kamaganak ko na naghahanap na ko uli ng trabaho, sobrang sobrang halata na very pleased sila. Parang may part sa kanila na na-satisfy nung nalaman nila yung info na yun. Minsan di mo malaman kung yung mga comments nila are coming from a place of concern, or dahil ibang path yung pinili ko, their personal choices in life are being threatened. Parang gusto nila ng more proof na yung pinili nila ang the best and only way so they push people to do the same. Pero sabi nga sa napakinggan kong podcast, “There are different ways of living life.” I respect your choices, so please respect mine.

Advertisement

3 replies on “30% Artist, 70% Housewife”

Sometimes I worry that I don’t have full time work too. Kaso hindi talaga kaya ng katawan ko. Anong magagawa ko? 😂😂😂

I’m also like you, doing part time jobs that I can. Tapos I start home based business.

Tingin ko rin kaya siguro hindi na ako magka-boyfriend because they see me as spoiled brat na socialite. High maintenance daw. Uwu.

It was nice you found someone who really supports you in exploration of the beauty of earth. Hahaha. 😃😄

Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s