Syempre hindi papatalo ang mga tao sa COVID. Kahit papano, based on my social media feed, masaya naman ang mga tao pagcecelebrate ng Pasko. Kami din nafeel namin ang holiday spirit lalo na nung December 24. First time namin maghanda para sa Noche Buena. Last Christmas kasi wala kaming pakana, nag-invite lang yung tito ko na mag-dinner sa kanila. Christmas of 2019 yung pinakamalungkot na Christmas sa buong buhay ko. Umiiyak ako. Pero kalimutan na natin yun. Everytime kasi maaalala ko yun, parang nagdi-dip ng konti yung mood ko. Naaalala ko kung gano ako kalungkot nung mga panahon na yun. Pero bumawi naman ngayong 2020 despite of the pandemic. Naitawid namin ang Pasko in high spirits.
Nakakatawa yung comment ng former officemate ko dun sa birthday pics ko. Sabi ko kasi sa caption ‘Wala na sa kalendaryo’ tapos sabi ni Ate Milanie, nasa lotto pa daw. Hahaha. Feeling ko lumang joke na rin yon pero ngayon ko lang yun nadinig π
So ang saya ko kahapon, ang taas ng energy ko. Tapos excited nga akong magluto tapos pasayaw sayaw pa ko. Dumaan pa ulit kaming grocery store (Sobey’s) kasi naisipan kong bigyan ng ribs yung tito ko at yung kapitbahay namin na couple. Naghehesitate lang kasi ako nung una kasi nga baka hindi masarap. And at the same time nahiya din ako na walang bigay kasi yung tito ko laging nagdadala dito ng food. So yun bumili pa kami ng isang slab. Tapos pinick-up na ni Kenneth yung cake habang nagluluto ako.
It’s mah birthday! Actually kahapon ko pa talaga birthday kasi mas advance ang oras sa Pinas and since sa Pinas ako pinanganak, kahapon ko pa birthday. Pero anywayzzz. It’s mah birthday! Ang aga ko nagising. 6:30AM pa lang dito. Busy ako mamaya pagluluto ng baby back ribs. Di ako sure kung nabanggit ko na pero meron kaming birthday cook off ni Kenneth π Sya ang nagluto nung birthday nya (Dec 1) tapos ako ngayon (Dec 15). Pero wala din naman kwenta kasi kami lang yung taste testers. Haha. For sure sasabihin nya na sa kanya yung mas masarap tapos ako syempre yung sakin. Bawal pa din kasi tumanggap ng bisita dahil pa rin sa COVID. Hanggang New Year na ata ganito.
Pero excited pa rin ako kasi simula nung dumating kaming Canada, ngayon lang kami nag-effort maghanda sa birthdays namin. Ang pinaka-excited ako is yung pagluluto ko ng baby back ribs. Yun yung main course. First time kong magluluto ng ganito kaya sana masarap. Sana masarap! Tapos ko na lutuin yung mga side dishes kahapon para hindi ako masyadong haggard ngayon. Tapos mamaya ipipick-up ni Kenneth yung ube macapuno cake dun sa bakeshop. Ngayon na lang ulit ako makakatikim nung masarap na cake na yon π
Okay magbabasa na muna ako. Normal morning routine. Pero baka hindi ko mapigilan i-check phone ko para makita kung sino nang mga bumati hehe. Ay, nag-advance celebration nga pala sila sa Pinas. Kakainggit yung handa ko pero hindi ako nakatikim huhu. Eto yung mga pics nila.
Amishuuuuu
Update: Nagbasa na ko ng mga bumati sakin. Kakatuwa yung mga nag-private message at nag-post sa wall ko ng throwback pic namin. Haha. May napansin pala ko na bagong pag-greet. Diba nauso dati yung HBD. Tapos ngayon merong MBTC. Kala ko kung ano. Para kasing MTRCB. Tapos after a few seconds na-gets ko na, ‘more birthdays to come pala’. Haha daming alam.
Unti unti nang nagiging masaya ulit ang December. Nabanggit ko noon na sinira ng Canada ang December, my favorite month of all time. Favorite month kasi nga, birthday month namin ni Kenneth tapos feel na feel mo sa paligid yung festive mood sa Pinas. Tapos eto din yung time na uuwi kami ng probinsya from Manila (kung san kami nagw-work noon) para mag-celebrate ng Pasko at New Year with family and friends. Kaya ang saya saya talaga ng December. Pero yun nga. Pagdating namin dito, parang ang bitin at ang pilit nung saya.
6:30AM ako nagising ngayon. Ang sarap magbasa ng non-fiction sa umaga lalo kung self improvement books. It sets my day on a high note. Dapat talaga pinagiisipan ng mabuti ang morning routines. Kasi it can make or break your day.
Nag-order ako ng ready-to-blend smoothies sa Goodfood. Tapos nagkaron ako ng bright idea kasi ang dali lang naman palang gawin. So bumili akong fruits, yogurt at granola tapos pinaghalo-halo ko lang sa isang medium-sized container. Pag frozen na at gusto ko nang gawing smoothie, bubuhusan ko lang ng milk yung container hanggang medyo mapuno. Blend and voila!
Eto nilagyan ko ng kape
Ang sarap! Hindi ganun katamis. Hindi ko sya nauubos agad pero okay lang kasi kahit i-ref ko lang, masarap pa din sya kinabukasan.
Outlier
May bago akong video upload sa Youtube. Nakakapagod mag-edit. Siguro mahigit limang oras kong ine-edit yung 4-minute na video na ‘yon. Pag pinanood mo hindi halata pero seryoso. Nakaka-drain. Kaya napapaisip ako. Worth it ba? Although nage-enjoy naman ako. Napapaisip lang ako kung mas maganda bang i-divert ko na lang ang attention ko sa ibang bagay. May maganda naman syang naidulot. Natuto akong gumamit ng After Effects.
TUESDAY
Sobrang ang ganda nanaman ng sunrise nung Tuesday. Sarap titigan tapos blangko lang yung isip ko. Naka-focus lang ako sa ganda nung mga kulay.
May bago akong salad na sinubukan. Favorite ko ‘tong brand na to kasi ang sasarap ng salads nila tapos kakaiba yung ingredients. Eto merong crispy wild rice, dried cranberries, at crispy asian noodles. Masarap.
Nagpa-flu shot din kami. Ang sakit at ang bigat sa braso! Sana tumalab. Kasi nung last flu shot namin nilagnat din naman ako. Pero ayos na rin kasi libre naman.
Sa pharmacy kami nagpa-flu shot, dito sa baba ng apartment namin. Kala ko dati sa clinics lang talaga pwede. Buti na lang pwede rin dito kasi convenient and wala ding tao.
At since inspired ako ngayong week na ‘to na magpaka-healthy, gumawa din ako ng frozen banana bites.
Malapit nang maubos kaya mag-grocery kami bukas. Buti naka-leave si Kenneth ng Monday. Wala siguro masyadong tao kasi weekday. Sana. Naghigpit na kasi uli dito kasi sobrang tumataas na ang cases. Hays. Gusto ko na ulit makauwi ng Pilipinas.
Booktube. Naghahanap ako ng bagong idadagdag sa TBR list ko.
WEDNESDAY
Sa daming beses kong nag-crack ng itlog, first time kong nakita ‘to. May dugo! So nag-Google ako kung delikado bang kainin kasi ready na kong itapon.
Pero safe naman daw.
Blood spots are uncommon but can be found in both store-bought and farm-fresh eggs. They develop when tiny blood vessels in the hen’s ovaries or oviduct rupture during the egg-laying process. Eggs with blood spots are safe to eat, but you can scrape the spot off and discard it if you prefer.
Since safe naman, nag-move on na ko para gumawa ng frittata cups.
Eto yung mga araw na ang sipag ko ulit magluto. Isang motivation dun eh dahil nagtitipid kami. Nung mga nakaraang months kasi sobrang hagad namin sa deliveries. Eh nung palaki na ng palaki yung bayaran sa credit card, natauhan na ko. Malapit nang magpasko. Gift giving nanaman. Kelangan ng budget. At hindi pa din ako ganun ka-satisfied sa savings namin. Kaya kelangan magtipid-tipid.
Dessert
Peanut butter filling
THURSDAY
Inuubos ko na lang yung binili kong smoothies. Ang weird netong smoothie na ‘to kasi may berries tapos may kale. Parang hindi bagay. Pero nung blended na, hindi mo na rin naman malalasahan yung kale. Kaya baka gawin ko din ‘to para extra healthy yung smoothies.
Lactose intolerant ako. Hindi ako nagiinarte π
Leftover sesame salad at pizza. Hilig ko talaga sa healthy + unhealthy combo.
FRIDAY
May sinimulan akong bagong series. For more than 2 weeks hindi ako nanood ng Netflix. Siguro hindi pa ko nakaka-move on sa huling series na natapos ko (Modern Family). Tapos bigla kong naisipan maningin ng palabas. Just in case may magustuhan ako. Madaling araw na ‘to siguro 1AM na. Tapos nakita ko yung Gilmore Girls.
Naririnig ko na ‘to lagi. Alam kong popular sya. Pero ngayon ko lang sinubukan. Ang cute nya. Medyo ang annoying lang ni Lorelai pag nagiging childish sya. And bakit halos lahat ng dialogue ng characters eh puro sarcasm? Uso siguro noon. Pero minsan ang annoying na. Hindi talaga sila nauubusan ng sarcastic remarks. Pero nag-eenjoy naman ako. Buti may nahanap na uli akong series na mapapanood pag gusto kong mag-chill.
May bago kaming delivery from Hello Fresh. Eto yung mga meal kits naman na portioned na yung ingredients so walang nasasayang. And pag tamad kang magisip ng lulutuin.
Yung meal na ‘to ay kakaiba. First time kong gumawa ng something na ganito. Yun din yung gusto ko minsan sa mga meal kits kasi nakakapag-explore ako ng iba-ibang recipes tapos nakaka-encounter ako ng mga kakaibang ingredients. Tulad nitong sage.
Tapos sobrang cute nitong mini jar ng apricot jam!
Porkchop na may apples, raisins and sage filling
Masarap naman sya. Matamis. Kaya ko din siguro nagustuhan. Ang weird lang talaga kasi yung gravy may apple din.
May dumating din kaming package. Kala ko ba nagtitipid?! Haha! Pero eto naman ay na-order ko na bago pa yung realization ko na kelangan mag-tipid. Tsaka useful naman ‘to tsaka for the health (defensive much?).
Eto yung 3-layer mask. Kasi may nabasa ako na ideal daw na 3 layers yung mask. So naghanap ako at nag-order. Paubos na din yung disposable masks namin kaya okay din na may ganito kami na washable.
Wadap.
Yung last two items naman sa package ay pang-topping sa yogurt. Ang lakas kasi ng influence ni Jenn Im (Youtuber). Lagi kong nakikita sa yogurt nya yung cacao nibs and goji berries. Gusto kong i-try kase parang ang sarap at ang healthy.
SATURDAY
Nag-snow nanaman ng medyo malakas. Feeling ko tuloy tuloy na ‘to. Medyo decided na ko na ayaw ko munang mag-road test para sa driver’s license ko. Na-trauma na ko sa snow.
Feel na feel ko ang pagbabasa with my salad and snacks and yogurtwithcacaonibsandgojiberries π
SUNDAY (today!)
Done with our book of the month! And na-achieve ko na rin finally yung reading goal ko this year π
Ang nostalgic ko kanina kasi nag-oorganize ako ng hard drive ko. Inaayos ko per category like βFamilyβ, βKennethβ, βFriendsβ tapos per category, naka-organize per year and month. Like this:
Sobrang dami ko pang kailangan i-sort. Siguro nasa 25k photos pa or more. Tumigil na muna ko. Ang sakit na sa mata.
Ang saya talagang mag-reminisce. Kahit wala na ang Daddy (lolo ko), natutuwa ako pag nakikita ko yung mga photos nung andito pa sya. And pasalamat ako sa sarili ko non na nag-take ako ng pictures nung mga moments na ‘yon.
Noong digicam days, college days ko βyon, sobrang obsessed ako sa pictures. Kung nabasa nyo yung post ko na Fleeting Dreams, kahit ano talaga pini-picturan ko. Feeling ko pati ang galing galing ko. Pero nung nawala na sa uso yung pi-picturan mo yung bawat event, bawat inuman, bawat lahat, na-conscious na kong mag-take ng pictures. At pinagsisisihan ko yun kasi minsan, yung mga uneventful ganaps ang nakakatuwang balikan.
Ngayon, ang pictures na lang na nasa phone ko eh puro pusa namin at mga niluluto ko. Ang rare na namin mag-picture ni Kenneth kasi duh, palagi lang naman kami andito sa bahay. Pero minsan pala magpi-picture ako. Pandagdag lang sa memories. Tapos gagawa ako ng baduy na slideshow ireregalo ko sa anniversary namin π
Naisip ko din na gumawa ng mga throwback blog post (eto nanaman ako sa mga blog post series ko). Kukuha ako ng random photo sa hard drive ko tapos ita-try ko alalahanin yung nangyari nung araw na βyon. Parang ang saya non. Simulan ko na pala ngayon. Papapiliin ko si Kenneth ng year and month. Tapos random category.
March 16, 2013
So eto ako. Kumakanta kasama ang banda ko sa B-Side. JOKE. So eto si Sarah Gaugler. Pero ang reason talaga ba’t ako umattend ng gig na to eh gawa ni Saab kasi nga girl crush tapos reader ako ng blog nya etc. First time ko din sya ma-meet so ang saya ko nung gabi na ‘to. Pero parang nagka-issue ata si Saab at yung kapatid ni Sarah Gaugler. Haha basta may nabalitaan akong ganun.
So kasama ko si Nick dito. Si Kenneth malamang nasa Cebu for work. So eto ata yung mga times na kinupkop ko si Nick ng ilang months. Tapos nung nabalitaan kong nasa B-Side si Saab para mag-host ng gig, niyaya ko si Nick kasi malapit lang samin. Si Candy ata yung co-host nya. Hindi pa sila Cheats. Isingit ko na din yung pic namin ni Saab kahit sobrang nakakahiya sa balat nya.
Tapos naging crush ni Nick si Sarah Gaugler π
Ang hot nga naman kasi ni Sarah Gaugler nung gabi na ‘to. Tas nagustuhan ko din yung music nila.
Wala na kong masyadong maalala nung gabi na ‘to. Hindi ko na din alam kung sino pang mga tumugtog kasi sila lang dalwa yung kinunan ko ng pics. Ang goal ko lang talaga nung gabi na ‘to eh magpapicture kay Saab. And it’s a success! π
Yun lang! Magbabasa na ko ng BOTM namin. Gusto ko nang matapos kasi malapit lapit na rin ang discussion.
Since madalas na kong tumambay dito sa blog ko, inaayos ko yung mga categories ng every post para mas organized and mas madaling magpaka-senti pag feel kong mag-reminisce. Tapos nakita ko yung post ko nung October 2017. Ang title ay Art Day Fun Day + Iβll Be Careful on October 2020. Tapos bigla kong naalala kung bakit. Kasi every October… Pano ko ba i-eexplain. Basta 3 years yung interval ng mga hindi magandang kaganapan tapos nangyayari sya every October 22. Nagsimula nung 2011 tapos may nangyari ulit nung 2014 (the worst!) tapos nung 2017 ulit.
An excerpt from that post
So napa-check tuloy ako kung anong ginawa ko nitong October 22, 2020. At sakto meron akong blog post on that day. Pero wala namang nangyari, sobrang uneventful. Haha. Nanood lang ako ng documentary ng BLACKPINK tapos konting hanash lang sa buhay. The curse is broken!!!
For about 3 weeks now, I have been spending a lot of time away from social media. So ang dami kong na-free up na time. And ang naging result non ay ang dami kong nabasang libro (mostly non-fiction), ang dami kong na-encounter na YT videos na thought-provoking, at eto, ang dalas ko na lalo magsulat sa blog ko. I try to minimize muna yung panonood ko ng mga videos na ang sole purpose ay mag-entertain. Ewan ko. Feel na feel ko lang ang self-improvement these past few weeks. Why not.
So naisip kong mag-list ng four videos na nagkaron ng magandang contribution sa buhay ko recently. Parang ang naging theme netong November sakin ay self-awareness and self-improvement. Na feeling ko mawiwirdohan yung mga may kilala sakin kasi medyo not very like me. Nevertheless, nagsimula ‘to sa first YT video on this list:
JENN IM | 10 Books You Need to Read
So dito nga nagsimula ang lahat. Feeling ko kung hindi sya YouTuber, ang galing nyang saleswoman. Bentang benta sakin lahat ng books na ni-recommend nya. I’m sure naka-encounter na kayo ng YouTuber na annoying pero hindi sya ganon. Ang totoo nya lang magsalita and yung perkiness nya sa videos is just the right amount.
Kaya din ako na-attract sa channel nya kase may mix of cooking, life tips, self-reflection and yun nga, book recommendations. I think yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya eh yung vulnerability nya. Dahil sa video na ‘to, binasa ko agad yung Digital Minimalism and as mentioned a couple of times already dito sa blog ko, life-changing sya for me. At kaya rin ako nakagawa ng 5-part review (more like a book report) about sa book na yon. You can read it here.
2. ANNA AKANA | 5 Things to Stop Bragging About
Super nakakatawa ‘to. This video is a double-edged sword. Ang dami kong kilalang ganito pero at the same time, natamaan din ako dun sa isang minention nya. Nagagawa ko pala yun minsan and salamat dito kasi mas naging aware ako π
Yung na-attack ako is one-upping yung sinabi sakin ng kausap ko. Pero hindi ko nari-realize na ganun pala yung effect and wala sa consciousness ko na nilalamangan ko yung sinasabi nya sakin. Yung tumatakbo kasi sa isip ko pag ganun is, “Ay relate ako jan. Eto naman sakin blah blah…” Yun na kasi yung default response ko for the longest time and gusto ko lang din mai-share sa kanya yung similar experience ko. Pero. Natutunan ko nang mag-shut up. Gine-gauge ko na lang din yung conversation na, “Okay, this is her moment. Hindi ko kailangan laging isingit yung thing ko.” Una ko ‘tong na-realize nung may gumawa din sakin nito. Ang annoying pala π€£
Yung isang nakakatawa is yung bragging about something na wala sya pero meron syang kakilala na may ganun. Ilang beses ko na ‘to na-encounter at natatawa ko pero yung iba nakakaasar. I have 3 examples:
Niyayabang nya na ang laking kumita nung kakilala nya and the way nyang i-kwento is parang sya yung kumikita ng malaki. And nung time na naguusap kami, ang irrelevant na ikwento nya ‘yon kasi hindi naman napunta dun ang usapan. Gusto nya lang iyabang yung kinikita ng officemate nya with the intention of impressing us. Although na-impress nga ako. Hahaha. Pero later na-realize ko, ang labo nung ginagawa nya. So isa ‘yon.
Yung isa naman is something about sa gadgets. Bumili kami ng robo vacuum. Tapos sabi sakin nung isa, “Ah yung sa kakilala ko may WiFi capabilities yung robo vacuum nila tapos naka-program yung layout ng buong bahay nila.” Eh di wow.
And yung isang pinaka naasar ako kasi may pagka-personal. Pero lipas na naman ‘to. Bigla ko lang naalala nung napanood ko yung video. Yung friend ko sa Pinas nagtanong sakin kung bakit daw kami sa Canada nag-migrate and hindi sa US. Na-bring up kasi sa conversation namin yung common friend namin na nasa US and siguro ang nasa isip nya ay, “US is the place to be! US or nothing!” So parang ang yabang pero yung friend naman namin ang nasa US hindi sya. And mase-sense mo kasi kung tinanong lang nya for informational purposes or may ini-insinuate kasi sa phone kami magkausap, so dinig ko yung tone of voice. May malicious intent. Ayun haha. Hindi ko maiwasang hindi ma-offend. Eh ano naman kung Canada? Eh ano kung US? Eh ano kung Dubai, UK, Singapore or kahit saang bansa pa yan? Eh sa eto yung posible samin eh. And sobra sobrang grateful kami dun. Hindi ko naman sya pinapakelaman sa gusto nya. Sabi nga ni Jonel kay De Lima, “Walang basagan ng trip.”
Okay masyado na kong na-carried away. Hahaha. Good vibes lang dapat eh. Eh kahit gano naman kadaming self-help books ang basahin ko, tao lang naman tayo. Mahina din. “At least I’m tryinggg” π΅ (to the tune of ‘this is me trying’ by Taylor Swift).
3. ALI ABDAAL | How Stoicism Made Me Happier
Unlike the two videos above na very conversational and parang barkada lang yung kausap, etong third YouTuber is yung mga tipo ng tao na marinig mo pa lang magsalita, alam mo nang henyo. Pag ganito yung mga kausap ko mai-intimidate agad ako. At doctor din kasi sya so medyo technical din syang magsalita. Plus nakatulong din yung British accent nya. π
So yung diniscuss dito is about the principles of Stoicism. Na encounter ko na yung word na ‘stoic’ nung college student ako. Parang nabanggit sya as isang symptom of a mental condition. Hindi ko alam na ginagamit din pala sya as something na philosophical.
As discussed sa video, it’s about not focusing on things we cannot control but instead focusing on the things that we can. I’m sure we’ve encountered this phrase before. Pero may mga times lang talaga na kahit alam mong sobrang tama nung sinabi, walang masyadong dating sayo so nalilimutan mo agad. It’s either hindi ganun ka-impactful yung pagkakasabi or you just choose to snub the thought in that moment. But there are times that it just hits you. Like now. Pwedeng kasi sobrang engaging lang talaga nung nagsabi or kasi kelangan mo yung advice na ‘yon right at that moment kaya mas madaling i-absorb.
So siguro nung pinanood ko ‘to kanina, nasa mental state ako na accepting yung utak ko and siguro kasi napapanahon din. Gusto ko yung part na, may mga times daw talaga na we cannot control our initial reaction and they call it ‘proto-passion’. Diba pang matalino.
So for example nasira ng pusa ko yung cable ng charger ko. Nginatngat nya tapos naputol (nangyari pala talaga ‘to). Ang proto-passion ko is “Waaaa anong ginawa mo??” Pero after non matatawa na lang ako and hindi ko naman ip-punish yung pusa ko. So proto-passions (gustong gusto ko na talagang gamitin yung word) are okay. It’s something involuntary and natural. Pero your action after that involuntary reaction is the one that matters. Kasi meron ka nang choice after non. Choice mo bang magalit o kumalma? Choice mo bang dibdibin o intindihin? Pero sa mga extreme situations mahirap ‘to i-apply.
Another principle na sobrang tumama:
We suffer more in our imagination than in reality.
Seneca
I am an overthinker. That’s why therapeutic sakin ‘tong blog kasi naiilabas ko kahit anong gusto ko. More than a decade ko na ‘tong ginagawa and nakatulong talaga sya sa mga moments na malungkot ako or anxious ako.
Pero ngayon, iniiwasan ko nang maging overthinker and I think successful naman. Thank you sa mga librong nabasa ko at sa mga videos na napanood ko this November. Kaya mahilig din akong mag-share ng mga kung ano-ano kasi baka kelangan din ng iba.
So this one is a TED Talk. I suggest listening to their podcast as well for other powerful talks like this and if you enjoy tech and science-y stuff like I do.
I know that vulnerability is kind of the core of shame and fear and our struggle for worthiness. But it appears that it’s also the birthplace of joy, of creativity, of belonging, of love.
Sobrang entertaining and engaging pati nyang magsalita. Kung may favorite ako sa mga videos na napanood ko recently, eto ‘yon.
Kahapon, hindi naging maganda ang driving lesson session ko. Sa sobrang stressed ko at dahil ngayon na yung road test ko, naiyak ako habang kinekwento kay Kenneth. Siguro yung pent up nerbyos ko, kahapon lumabas. Pinapaulit ulit ko na lang na sinasabi na, “Eh di kung bumagsak ako, may 2nd take naman and 3rd and 4th and so on. Tsaka hindi naman sobrang kailangan na magka-license ako ngayon kasi work from home naman kami pareho.” Tapos sabi ko din na, “I-eexpect ko na lang na bagsak ako para mawala yung pressure.” Pero hindi umeepek. Stressed pa din ako.
Kasi ang totoo, super gusto ko talagang pumasa. Gusto ko na ‘tong matapos. Gusto ko din ipagyabang na first take ako kasi si Kenneth at yung mga pinsan kong lalake at yung tito ko rin, naka-second take. Gusto ko na rin makapag-drive din talaga kasi si Kenneth tamad mag-drive. Pag meron akong gustong puntahan na trip ko lang and walang ibang purpose, most of the time tinatamad sya. So madaming benefits kung makapasa ako.
Pero, naisip ko ngayong umaga habang nagbabasa ako, na kung bumagsak ako, ang ibig sabihin lang nun ay: hindi pa talaga ko ready mag-drive. Kung bumagsak ako, ibig sabihin, hindi pa enough yung driving skills ko para maging less prone ako sa aksidente. So bakit ko gugustuhing pumasa kung hindi pa naman talaga ko ready? Sabi nga ng kuya ko during our almost everyday video calls, isang reason daw siguro kung bakit ang daming pasaway na drivers sa Pinas ay dahil dinaya yung pagkuha ng lisensya. Unlike dito na legit talaga. Makes sense. Dito disiplinado. Rare kang makarinig ng busina. Nagbibigayan pati madalas.
At isa pa, driving test lang naman ‘to. Hindi naman ‘to board exam na talagang masakit sa puso kung bumagsak ako.
Yun kasi ang mahirap pag gustong magmayabang. Since ang dami kong narinig na kwento na sila ay naka-second take, gusto kong maging angat at ipagyabang na nakuha ko sya sa first take. Kayabangan naman pala ang umiiral. O eh di ngayon, na-sstress tuloy ako dahil sa kayabangan ko. Hahaha. Yun lang pala yun.
May final driving lesson ako in 25 minutes so magre-ready na ko maya-maya. Tapos few hours after road test ko na. Badtrip nag-snow pa. Madulas ang kalsada. Hays we’ll see!!!
UPDATE:
Yung snow talaga yun eh!π
Bagsak si yabang. Hahaha. Yung mali ko is dumulas ako sa snow. Dapat daw mas pinabagal ko pa yung sasakyan nung paliko ako. Dumulas tuloy ako. Badtrip kasi. Kahapon naman walang snow. Kung wala sigurong snow baka may chance pang pumasa ko. Oh well.
Tapos may kasabay ako mag-road test. Babae din na mas matanda lang siguro sakin ng konti. Mas nauna sya sakin tapos bumagsak din. Ang masaklap, birthday nya ngayon π Haha ang sad. Bigo kami pareho.
Pero ang nakakasama ng loob ay hindi yung pagbagsak ko. Masama ang loob ko kasi gastos nanaman pag nag-road test ako uli. $110 din yun. Mga 4k sa peso. Sana maipasa ko na sa next para di aksaya sa pera π