Categories
Art Japan Life

Dust Designs

Haven’t done any blogging lately and I’m hating myself for it. It always crosses my mind but I wasn’t getting myself around to do it. I almost didn’t want to write now because I’m about to sleep already. My neurons are still kind of recuperating from the art class that I took this morning (I took an art class! Yay!). But so much stuff has been happening lately and I need to talk about it. I want my future self to go back and remember these things. Let’s have it as a list.

  • CANADA We’re done with our medical test and we passed! All we have to do now is wait for the passport request. Once we get notified of this, it means that they’re going to stamp our passports with PR visas (finally)! So keeping our fingers crossed for that. It’s kind of bittersweet though because that also means we’re leaving our families here in the Philippines. 😢 Oh well.
  • ART VENTURE I’m becoming more serious in pursuing my passion in art. Last week, I took my first ever art workshop about water brush calligraphy and it was a lot of fun. It was kind of bitin and pricey (Php 2,000 for 2 hours) but I enjoyed it. What I liked most about the experience is meeting the artist. I saw firsthand how she works and just listening to her tips and insights made me feel really good about this art venture. Seeing how good she is at what she does motivated me more to be as skilled as her. And then earlier this morning, as previously mentioned, I attended another workshop. This time, it’s about the fundamentals of drawing (Php 1,950 for roughly 5 hours). I guess I’d have to reserve a separate post for this because I’m thinking of writing every detail that happened today because it’s still fresh from my memory. To cut things short, I learned A LOT today. Didn’t think of actually being able to draw this (pictured below). I felt more confident than yesterday and I’m actually glad that I’m taking the necessary steps to improve my skills (even if it comes with a price). It’s definitely worth it! The instructor (Joms de Mesa) said something that I want myself to always remember. He said something along these lines, “If you were able to do this on your first try, just imagine what you can do if you keep on doing this for a year.” And that’s very true and a really good reminder to keep on going. To tie this all up together, I made an IG account dedicated to my art called @dust.designs (hence the title of this blog post). I hope to see a transition (from noob to expert) on my future posts so I need to keep on learning and practicing.
  • TRAVEL Hope everything goes well when we apply for our Japan visas next week. We’re hoping to go back there again this coming October. Nick should better be approved this time! I’m excited to stroll around the districts of Osaka then maybe go back to Kyoto. Not sure. Haven’t made an itinerary yet. I’m also looking forward to go visit some art stores in Japan. I hope I won’t get overwhelmed and start buying everything that looks kawaii. I also notice that most of the quality tools that’s being recommended in art blogs are from Japan, so I think I can buy it cheaper there. More better reasons to go back!
  • LIFE IN GENERAL I’m actually in good spirits right now. Mainly because of me trying to do the things I love like drawing, watercolor and some traveling. I feel happy whenever I produce a decent work and see myself improving. It’s an extra boost if I post it and somebody likes it (sometimes ❤️ or 😲 if I’m using Facebook 😄). Although in hindsight, I sometimes worry and think about some negative things. Thoughts like, “What are you planning to do with art? Are you going to get money from it? There’s a lot of people better than you.” and “Why do you keep on traveling? Traveling costs a lot of money. Do you have a lot of money? No you don’t! Why not save it instead and use it for things that really matter? You’re being selfish.” Stuff like that. I try not to think of these things because it dampens my mood and it demotivates me. I know that this “art thing” isn’t something that’s certain to make me earn money; but I’m loving every minute of it! What’s important is that I’m doing what I’m passionate about and for me, that matters. But it doesn’t mean that I’m going to quit my job (for now) and just do art. Of course I’ll keep my job (for now 😁) while doing stuff I like on the side. I’m just now in a state where I fully understand that life is really short. Yes, earning money is necessary to live. But making art and traveling is what I live for. For me, it gives more value and quality to my life. I’m just thankful that I finally know what I want to do. I felt very lost before. I was in a position where I’m very discontented and don’t know what I’m doing. I wan’t someone to tell me what to do and give me the answers because I have no clue what I’m supposed to be doing.

    And then, just like magic, I finally figured out who that someone is. That someone who will give me the answers. Me. Finally, I was able to figure it out. And I’m not gonna stop now.

dust-designs-callig.png
My logo!

Okay, that’s it. Got kind of emotional back there. Haha. I hope I can blog more frequently. I almost forgot that writing feels soothing and therapeutic. It also keeps my mind in the right perspective. Until then!

Categories
Ramblings

Short Story

Pagkatapos kong mag-CR, naisip ko na mag grocery at dumaan sa Boulangerie para bumili ng discounted bread. Malapit na kasi mag 7PM. Pagbaba ko ng office, nakita ko yung officemate ko papasok. Sabi ko sa kanya, “Uy ang aga mo ah!” 8PM pa kasi pasok nya. Pagpasok ko ng Grand (amoy) Canal Mall, binati ako nung security guard ng usual nya na, “Buona sera!” Umakyat muna ako para i-check kung may aloe vera gel na sa MUMUSO (wala pa din). Sabi naman ni ate na taga MUMUSO, “Annyeong haseyo! Mumuso!” Napansin ko medyo madaming tao. Friday kasi siguro. Nung papunta na ko sa tinapayan, may madadaanan uli ako na guard. Eh di bumati sya ulit ng, “Buona seraaa!” tapos sinundan nya ng “Bukas ang zipper nyo Ma’am.”

Categories
Ramblings

randomness

Waaah! Nasira ref namin. Ah ah nakakasura. Pano na ko makakapagluto ng masasarap (?) na pagkain?? Hay. Sana mapaayos pa ref namin. Kung ako nga masusunod sana bumili na lang kami ng bagong ref. Second hand lang kasi yung ref namin na yun. Hay pano na.

May consultation nga pala ko mamayang 2pm sa Health Way Greenbelt. Mag-12 PM na pala. Tinatamad pa ko maligo. Saka ansarap ng panahon ansarap mahiga lang at magchill. Kainis parang tumila na ulan. More rain please!

Ay sige pala pupunta ko Greenbelt tas dun na din ako kakain. Kaya lang. I have no money. Magbabayad na ko ng kuryente namin bukas kaya wala na talaga. Ang mahal ng kuryente namin eh. 2,711! Halos tig 1k kame. Grr. Kung kelan naman nagtitipid ih.

Gusto ko na itry yung lucid dreaming.

Kakasura ang tamad ko ngayon. Where is the motivation??

Categories
Family

terror

Bad news. Patay na si Terror. Yung aso namin. Di ko inexpect na ganto ang magiging impact nya sakin at sa pamilya namin. Kahit yung mga barkada ng mga kapatid ko nalungkot din nung nalamang wala na sya. Si Kim apektadong apektado di daw sya makatulog. Si Tricia at ang Kuya nagiyak din. Ako nagulat ako nung naiyak ako. Di talaga ko mahilig sa kahit anong pet pero nakakalungkot talaga. Siguro dahil antagal na nya samin. 8 years na pala namin syang kasama. Ibig sabihin highschool pa lang ako nasamin na sya. Di ko sigurado pero parang mejo malaki na sya nung napunta sya samin. Ang nakakalungkot pa, sabi ni Kim tahol pa daw ng tahol si Terror nung bago sya mawala. Parang hindi mo aakalain na maya maya pala mawawala na sya. Hai.

Sabi ng mga Mama kukuha daw ulit kami ng aso na Labrador din na golden retriever tapos Terror din ang pangalan. Ok sakin yun 🙂 Parang indi pa din sya nawala.

Mamimiss kita Terror kahit di tayo ganun kaclose. 

Categories
Family Ramblings

121212 and other things

Ang cool ng date na to. 121212 (Dec. 12, 2012). Matagal na ulit bago magkaron ng ganto kasi 2013 na ang kasunod. 12 lang naman ang months.

Malapit na birthday ko. Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen. Tanda ko na 24 na ko. Parang dati sabi ko mag-aasawa na ko ng gantong edad. Tas ngayon kung iisipin mo, parang antagal pa nun mangyayari. Wala pang pera. Wala pang ipon.

Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Wala pa kong chat kahit isa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain.. Yun na yun. Parang gusto ko na ng mahirap-hirap na trabaho. I want to be a medical coder. Kelan kaya yun.. Hai.

Pangit ng balat ko. Wawa naman magiging anak ko.

Uuwi na ko sa Pagbilao bukas 🙂 Halos isa’t kalahating buwan na din nung huli kong uwi samin. Kaya ko pina-adjust VL ko, para makauwi na ko bukas.

Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema. Konting pangyayari na di mo nagustuhan parang nagiging malala. Pag nagkasakit ka, nakakaiyak kasi wala ka man lang kasama para alagaan ka. Maaawa ka na lang sa sarili mo. Nakakatamad din maglinis ng bahay kasi wala naman ibang makakakita ng kalat mo kundi ikaw lang. Kahit nakakatuwa dahil pauwi na si Kenneth, di pa din ako matuwa ng lubusan dahil alam kong aalis din sya. Baka mas matagal pa. Hai. Nakakalungkot. Nakakainip. Pag nagluto ako ng kakaibang potahe, nakakalungkot din kasi ako lang ang kakain. Gusto kong ipatikim sa iba kung masarap ba, kung kulang pa o kung patapon yung niluto ko. Buti na lang din samin muna nakatira si Nick, pero madalang din kami magkita dahil sa shift ng trabaho namin. Dadating ako ng bahay, wala sya. Dadating sya ng bahay, tulog ako. Pag gising ko, tulog sya. Pag gising nya, nakaalis na ko. Pero ok na din, iba pa din yung pakiramdam na alam mong may kasama ka sa bahay kesa sa wala talaga.

Kaya natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy, Tito at Tita ko, mga pinsan ko, si baby Gilian, mga barkada ko, mga Pagbilaoins, etc.

Napaka-ironic. Dati rati, naiisip ko nang magsarili. Tas natutuwa ako sa idea na solo lang ako sa bahay tas parang ang saya. Naiimagine ko dati parang mas sasaya ako sa ganung buhay. Siguro dahil dati, hindi ko naiimagine yung mga parts na kelangan mong maglinis, magluto, magbayad ng bills, magtipid at kung ano ano pa. Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun. Yung magnenet lang ako, magbabasa ng libro tas solo lang ako. Mali pala. Di pala nakakatuwa.

Categories
Ramblings

deonat

Na-curious kase ako. Tas ang description pa eh non-sticky, non-staining, alcohol at paraben free. Di ko lang alam kung ano yung paraben na yun. Search ko mamaya.

Mabilis sya matuyo. Ewan ko lang kung ok yung mismong action nya. Nagsisisi ako kung ba’t yung spray form ang binili ko. Ang hirap pindutin tas napapa-spray pa sa muka ko yung iba. Sa susunod roll-on na lang. Yun eh kung maganda ang effect.

Categories
Career

applying @ UHG

Andito ko ngayon sa Taguig. Nag-apply sa United Health Group. Kakatapos ko lang ng final interview. Ang last step eh online assessment daw, wala pang specific date. At ang probable date ng start ng work eh sa July 30 pa. Ang tagal. Magaapply pa ko sa iba. Habang hinihintay yun. Maganda daw kasi dito sa UHG. Andame kong kasabay na nag-apply na currently employed sa ibang call centers at gusto nilang lumipat dito. Online assessment na lang ako tas ok na. Eh madali na yun. Very easy na yun. Haha. Yun pati ang pinakagusto kong part. Yung test. Haha. Sana makapagstart na ko sooner. Ayoko maburo ng 1 month.

Excited na ko magtrabaho dito. Kaya lang ang hirap makapunta dito. Di pa din ako marunong. Akala ko makakapagsolo na ko pabalik ng Makati pero di din pala. Inaantay ko Kenneth ngayon puntahan nya ko dito. Sakit ng ulo ko eh. Nakakailang kasi isuot tong salamin ko anlaki-laki. Kaya di ko sinusuot kanina sakit tuloy ng ulo ko.

Nasa Market Market na daw si Kenneth. Kahit pa sabihin nya wala din naman akong idea kung san yun. Nagtanong pa ko. Haha.

Ok din magtrabaho dito kaya lang yung building ng UHG ang layo layo. Tas ang layo din ng mga kainan. Kapagod mag-lakad. High-heeled shoes are a no-no.

Ah ah I really want to start na next week! San pa kaya makapag-apply. Sa Thomson daw maganda din. Kaya lang parang ayoko ng account dun. Hindi related sa health care.

Categories
Career

i will quit nursing for good

After graduation, nung una, habang di pa ko tinatawagan ng mga ospital regarding sa application ko sa kanila, nag-aapply ako sa mga call center. Bale dalwa na naging trabaho ko bago maging staff nurse. Sa PLDT, nag-uuli kami sa mga bahay-bahay sa Quezon Province para mang-alok sa mga tao na magpakabit sila ng landline or internet. Nakakapagod. Pero joke-joke lang yung trabaho naming yun. Wala lang talaga ko magawa nun. Di ganun kaseryoso. Pagkatapos nun, nag-call center kami sa isang maliit na company sa Lucena. Mga 4 or 6 months ata ako dun. Di ko maalala. Pagkatapos nun, na-hire na ko sa Mt. Carmel Diocesan General Hospital. Eh di ok na. Tuwa na mga kamag-anak ko kasi nagtatrabaho na talaga ko as staff nurse.
One and a half years na ko sa Mt. Carmel. Mula una pa lang hanggang ngayon, di ko talaga nakikita ang sarili ko na magiging nurse ako hanggang mag-retire ako. Dati, nasa isip ko lang yun. Tamang nasa isip ko lang yung thought na yun pero di ko inaaksyonan. Pero ngayon, nagkaron ako ng strong feeling tungkol dito. Ngayon, desidido na talaga kong mag-quit sa pagiging nurse at maghanap ng ibang trabaho. Basta ayoko na sa ospital. Ok lang sakin maging company nurse pero talagang inayawan ko na ang ospital. Hindi ko kaya ang stress ng ospital. May mga araw na sa buong 8-hour shift, hindi man lang ako naka-inom ng tubig, nakakain, naka-ihi, di ko man lang nasulyap phone ko para malaman kung sino yung nag-text. Basta 100% pure trabaho. 110% pa nga kasi minsan, tapos na ang shift, di pa tapos ang trabaho kaya kelangan pa tapusin. Tapos may mga extra-curricular activities pa tulad ng CME (Continuing Medical Education), para syang mini seminar. Minsan kelangan na mag-renew ng BLS at ACLS. Kaya imbis na uuwi na ko para magpahinga, imbis na day off ako, kelangan ko pa umattend sa mga ganun. Tapos minsan, tatawagan ka pa ng station kapag may kulang ka or may nangyaring kung ano. Hindi naman araw-araw na ganto. Pero ayoko nang magkaron ng araw na ganun. Kaya parang hindi ko na kinaya.
Balak ko last day ko na sa June 8. Magpapaalam na ko sa kanila. Ang pinakamamimiss ko syempre sa trabaho ko eh yung mga kasama ko. Nakakalungkot lang. Mamimiss ko sila lahat, kahit yung mga hindi ko ganun ka-close at kasundo. 
After ko umalis sa Mt. Carmel, ano na kaya mangyayari sakin. Magiging ok kaya ako? Makakahanap kaya ako agad ng trabaho? Ng magandang trabaho?
Basta. Hindi ako papayag na hindi.

Categories
Career

double pays

Yahoo nagsweldo na ko! Haha. Naisama na yung mga double pay ko sa wakas! Haha. Halos 7k ang sweldo ko. Bihira yun. Tas may 13th month pay pa sa 19 daw tas yung pa-birthday ni bishop na 1k daw yun. Hahaha. Mayaman pala ang mga taga-carmel pag May. Hehe.

Ang ipon ko na eh 12.2k pero kulang na kulang pa din. Tas sigurado mababawasan pa to kase uuwi si Kenneth ng weekend. Tas punta kami Manila sa katapusan kasi sasama ko sa pagsundo kina Ate Beng. Makakapag-shopping ako. Haha. Parang gusto ko bumili ng dress saka mga blouse at maluluwang na damit. Haha. Saka pala gusto ko din bumili ng sapatos. Dun ko na lang kaya ibuhos ang 13th month pay ko? Hmm..Pero gusto ko na din kasi talagang magka-phone. Tas napapaisip pa ko kung Samsung Galaxy S 3 or HTC One S ang bibilhin ko. Haha parang may pera na ko. Wala pa naman. Napaka-unti pa. Haha.

May bago nga pala kong kinakaadikan na game sa iPod. Street Food Tycoon. Pinoy ang gumawa. Tas nakakatawa kasi may mga character na Manny Pacquiao saka si Pres. Ninoy tas may character din na nakasuot na t-shirt na may logo na ‘It’s more fun in the Philippines’. Haha ang cool. Tas may mga tinda na fishball at kwek-kwek. Nakakatawa. 

Categories
Ramblings

perfect life

A perfect life would be:

• Makabili ng Nikon Coolpix AW100, 13-inch Macbook Pro, Canon PowerShot S100, HTC One S at piano

• Manood ng series, movies, mga gusto kong reality shows at cooking shows kahit kelan ko gusto

• Mag-tumblr at mag-blog

• Mag-piano

• Mag-travel around the world at mag ala pro photographer