Categories
Insights Life Pilipinas

Dugo, Pawis at Tae

Paglabas ko ng apartment namin, hindi pa sumisikat ang araw. Medyo nakakatakot kasi 5:15 AM pa lang at medyo madilim pa. Pero ganitong oras dapat magsimula ang byahe ko para hindi ako ma-late sa opisina. Six years na ang nakalipas pero tandang tanda ko kung anong bag ang gamit ko at damit na suot ko.

Masaya ako sa trabaho ko kasi relax lang. Wala rin akong kaaway. Looking forward ako na umupo sa desk ko, mag-sounds habang nagmumukang busy at makipag-kwentuhan sa officemates ko. Hindi malaki ang sweldo ko pero naisip ko, dito na ko magre-retire. Basta gusto ko madali lang at komportable. Looking forward ako sa isang ordinaryong araw sa office.

Isa’t kalahating oras after kong lumabas ng apartment, nasa emergency room ako. Umiiyak habang dinidiin ko yung tela sa braso ko para hindi lalong magdugo. Butas din yung paborito kong slacks. Asar na asar ako sa nangyari.

Tatlong bagay ang tumatakbo sa isip ko habang nakahiga ako sa ER. Una: “Kailangan kong tawagan ang boss ko para sabihin na hindi ako makakapasok.” Pangalwa: “Gano kaya kadumi yung pinanghiwa sa braso ko. Baka puro kalawang pa yun ma-tetano pa ko.” At panghuli: “Ayoko na talaga dito sa Pilipinas.”

Balik tayo sa apartment. So paglabas ko, may nalampasan akong dalwang lalake na nakamotor dun sa kanto. Siguro mga isang minuto after ko silang lampasan, may nagsalita ng, “Holdap ‘to”. Halos nakadikit na sya sakin pero hindi ko sya naramdamang lumapit. Unang pumasok sa isip ko, “Ows di nga??” Alam kong talamak ang holdapan sa Maynila pero nung pagkakataon na yun, pakiramdam ko nasa pelikula ako. Kasi sa pelikula lang ako nakakakita ng hinoholdap. Nung naghihigitan na kami ng bag, dun ko pa lang na-realize na totoo nga. Holdap nga to.

Medyo matagal kaming nagrarambulan ni kuya holdaper. Ayokong bitiwan yung bag ko. Hindi dahil sa ayokong makuha nya ang wallet at cellphone ko. Ayoko lang talagang bumitaw. Eto pala yung sinasabi nila na ‘fight or flight’.

Sa sobrang ipinaglalaban ko yung bag ko, napadapa na ko sa kalsada. Pero nakakapit pa din ako ng mahigpit sa bag ko habang hinihila nung holdaper yung kabilang dulo. Kaya everytime hinihila nya yung bag, nakakaladkad ako. Ang lakas ni kuya holdaper kahit mukang mas matanda ako sa kanya. Malamang naka-rugby ‘to.

Eto pala yung sinasabi nilang ‘adrenaline rush’. Kasi hiniwa na pala nya yung braso ko para bumitiw na ko. Pero wala talaga akong naramdaman na sakit. Ayoko pa din ibigay yung bag ko. Ang daming nagsabi sakin na dapat daw binigay ko na lang yung bag. Pero wala akong magagawa kasi yun talaga yung initial reaction ko nung time na yun. Kaya tuloy pa din ang kapit ko habang kinakaladkad at umiiyak at sumisigaw ng tulong.

Pero mukang mas malakas ako kasi hindi nya nakuha yung bag. May dumating na tulong bago pa maubos ang energy ko at bumitaw. Hindi nya nakuha ang mahiwagang bag. Nung nakasakay na ko sa taxi papuntang ER, naisip ko na between sakin at ni kuya holdaper, ako pala yung may nakuha. Nakuha ko yung hiwa sa braso, nakakuha din ako ng madaming gasgas at sugat at sakit ng katawan. Dun ko pa lang naramdaman at naamoy lahat. Naamoy kasi habang kinakaladkad ako, may nakuha din pala akong tae ng aso.

Habang sinusulat ko ‘to, nagdadalwang isip pa din ako kung anong mas pipiliin ko. Yung mawalan ako ng bag o yung hiwa, gasgas, sugat, sakit, iyak at tae. Alam kong masaklap yung nangyari sakin pero nagdadalwang isip pa din talaga ko. Siguro kung hindi ‘to nangyari, baka nag-stay pa din ako sa komportable kong trabaho. Umupo sa komportable kong desk at isipin na eto na talaga yun. Na hanggang dito lang yung mundo ko. Hindi ko siguro maiisip na umalis. Baka nag-stay lang ako sa comfort zone ko forever.

Pero ngayon na nakapagisip-isip na ko at inalala ang mga nangyari, biglang nawala yung pagdadalwang isip. Minsan pala kailangan mo pang literal na masugatan at mapahiran ng tae bago ma-realize na may kailangan ka palang baguhin.

Advertisement

2 replies on “Dugo, Pawis at Tae”

Hellooo. Madalas ko binabasa ‘tong blog mo! Gusto ko lang sabihin na sobrang husay mo magkuwento. Nai-imagine ko talaga ‘yung eksena, hehe, tapos may pa-profound na realization pa sa dulo. Ayos! 🙂

Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s