
Sira ang plano ko ngayon. Kung kelan finally nagkaron ako ng motivation na mag-film ulit ng video para sa YT channel ko—balak ko sana gumawa ng isa pang ‘Draw with Me’ video kasi nasa mood din ulit akong mag-drawing—pero sumasakit nanaman yung braso at kamay ko. Nagse-self diagnose ako pero feeling ko repetitive strain injury pero sana naman wag carpal tunnel. Nakakaasar ilang beses na ‘tong paulit ulit. Parang kelangan kong maghinay-hinay sa mga hobbies ko.
Pansin ko kasi sumasakit pag medyo matagal akong nagd-drawing or after ko mag-piano. Hays miss ko na mag-piano ulit pero natatakot ako na baka sumakit nanaman katulad nung dati. Nakakainis talaga. Pero kelangan kong ipahinga ‘to at baka lalo pang lumala. Pero eto yung nasimulan ko kasi balak ko gumawa ng new sticker sheet para sa aking online shop.

Anyways, nakatapos ulit ako ng isang libro kanina kaya maganda ang simula ng araw ko. Pasira lang talaga ‘tong braso ko. Pero masaya at natutuwa ako sa progress ko kasi pampitong libro ko na ‘to this year. Mukang on track ako sa aking goal na 40-50 books. Essentialism yung natapos kong book kanina. Hindi ko sya masyadong bet. Naka-ready na yung draft sa book review/report ko sa librong ‘to kaya dun ko na lang i-explain kung bakit 2.5 out of 5 stars lang sya sakin. Excited akong simulan yung dalwang non-fiction books sa aking lineup. First yung Educated by Tara Westover at yung isa is The Psychology of Money by Morgan Housel.

Sa non-fiction naman, nasimulan ko na yung February book of the month ng book club namin which is yung Get a Life, Chloe Brown by Talia Hibbert. So far ok naman sya. Chapter 1 pa lang ako. Isunod ko dito yung Norwegian Wood by Haruki Murakami.
Isa pang good news. Finally nakaipon kami nung target kong amount para makapag-donate sa WWF. Yung ginawa ko is symbolic adoption so may pinadala silang stuffed toy plus certificate of adoption. Sobrang cute!! Yung pinili namin ay polar bear. Pero next time pipili kami ng hindi popular na animal kasi ang dami na masyadong nag-aadopt ng polar bear. Kawawa naman yung ibang animals. Eto yung adoption kit. Kung gusto nyo din mag-adopt eto yung website: https://shop.wwf.ca/collections/adoptions


Hindi ko pala na-share ata dito pero before Cashew and Walnut, merong Almond. Sya yung naiwan naming pusa sa Pinas kasi hindi payag yung tito ko na magdala kami ng pusa dito sa Canada. Eh since sa kanila kami titira, ayaw nila ng pusa so wala kaming choice. Pero buti na lang may napaghabilinan kami sa kanya, yung super close friend ko na si Aryen. Pero eventually parang bigay na rin kasi kita ko sa kanila kung gano nila ka-love si Almond. Happy din si Almond kasi ang daming nyang friends kasi may iba pa silang pets.

Pero merong masaklap na nangyari kaya at risk of being homeless si Almond. Grabe talaga yung mga araw na yun. Tatlong araw akong nagiiyak kaiisip kung san iiwan si Almond and at the same time ang lungkot lang talaga nung nangyari sa kaibigan ko at sa family nila. Hays. Although may mga volunteers naman na may mag-adopt kay Almond, hindi kami sigurado kung magiging safe at masaya si Almond. Pero buti na lang!! Buti na lang pumayag yung parents ni Kenneth na i-adopt si Almond. Kaya ngayon mukang happy naman sya at natutuwa din sa kanya yung family ni Kenneth. Lalo na ata si Kat (kapatid ni Kenneth) kasi lagi syang may post ng pics nila ni Almond. Pati rin parents ni Kenneth minsan nagsesend ng pics. Buti na laaaang. First pet namin si Almond at hindi namin kakayanin pag napabayaan sya.


Na-miss kong magsulat dito ng wala lang. Puro book reviews na lang yung lagi kong naii-post kahit meron akong gustong ikwento. Pero eto na lang yung random pics in the past few weeks:










