Categories
Art Career

Validated Pero Magulo

Few days ago, nag-reply sakin yung art agent for children’s book illustrators kasi nag-submit ako ng portfolio ko. Although hindi successful, sobrang natuwa ako sa feedback nya kasi sobrang detailed. Super agree ako sa sinabi nya na feeling daw nya nag-eexplore pa ko ng style ko. Na hindi pa ganun ka-cohesive yung portfolio ko. Sobrang saya ko talaga nun. Pinuri nya din yung mga illustrations ko. Sobrang nagpasalamat talaga ko. Sabi nya:

I love your palette and many of your pieces – the image of the animals in a haystack, the old man sitting in a takeaway, and this image of a tree I saw on your instagram stood out. Also, your hand-lettering is wonderful, and that’s a skill which can come in handy especially for jacket illustrations. However, I get a sense that you are still exploring and haven’t yet found your personal style.

Nagandahan daw sya dito ❤️

Yan yung first part ng sinabi nya. Mahaba pa. Sobrang na-appreciate ko talaga yung feedback. Tapos sabi nya rin na i-update ko daw sya sa mga bago kong gawa para makapagbigay sya ng more feedback. After kong super magpasalamat, nag-reply nanaman sya ng super haba. Eto yung sobrang natuwa ako:

You’re very welcome! And I want you to know that I review submissions from a lot of self-taught artists and your work is already at a very high level. Formal training isn’t necessary to succeed in this industry, what’s more important is a passion for children’s literature and a dedication to honing your craft. I’m sure you will get there! 

Napansin ko a day after kong super mag-rejoice sa e-mail exchanges namin nung art agent, naguguluhan ako. Parang naiintindihan ko na bakit naguguluhan ang mga Mama sa ginagawa ko kasi ang dami ko masyadong ginagawa. Oo malinaw sakin na ang gusto ko ay something to do with art at pagd-drawing. Pero hindi ko alam kung san ako magf-focus. Sa ngayon eto yung mga gumugulo sa isip ko:

  • Ang end goal ko ba ay ma-hire sa isang animation studio? Kasi kung ganun, dapat naka-focus na yung mga drawings ko sa ganung klase ng trabaho para malinaw yung portfolio ko.
  • Gusto ko bang maging children’s book illustrator? Kasi kung ganun, dapat mag-focus ako sa mga illustrations na swak sa mga children’s books. Hindi dapat pabago-bago. Dapat yung subjects ko targeted sa mga bata.
  • Bakit ako nagaaral ng HTML at CSS kung dapat mas mag-focus ako sa portfolio ko? Lalo tuloy gumugulo.

Gusto ko ba talagang magtrabaho sa isang animation studio or maging illustrator ng books? Ughh I’m flaking out. Parang naduduwag ako. Nawawalan tuloy ako ng direction. Feeling ko kung anong nakikita ko at that moment yun yung gagawin ko. So kung paiba-iba yung nakikita ko, nababago rin yung inspiration ko. Kelangan kong mag-decide 😭

Thinking out loud:

I want to be able to draw sceneries. At dahil mas madali na sakin mag-drawing ng single objects, I think yun yung indication na kelangan kong aralin magdrawing ng scenes/environment para ma-challenge ako. At mas nasa-satisfy kasi ako pag nakakapag-drawing ako ng scenes. Fascinated ako sa lights and shadows, sa light and color. Feeling ko ang weakness ko ay portraits. Okay lang since mas trip ko talaga yung mga nature or buildings kahit mahirap. Mas hinahangaan ko rin yung mga artists na ganun yung mga kayang i-produce kaya yun yung gusto kong ma-achieve. Siguro para ma-target ko yung dalwa (animation studio at children’s books), gawa ako ng mga environments na parang charming and whimsical yung feels tapos may mga animals. So parang 2 in 1. Dalwa yung opportunity na pwede kong i-target. Kasi syempre iniisip ko din na since may kumontak na saking agent ng publishing house for children’s books, may mas linaw yung sa books. Pero parang ang saya pa din maging part ng isang studio. Right now ang nasa isip ko ay Netflix. Pero syempre kelangan ko din mag-aral ng animation. Okay parang medyo nagkaron ng linaw. Ang hirap lang kasi talaga pag wala kang mentor. Huhu. Sana magkaron ako ng someone na knowledgeable sa mga ganito para may guidance man lang ako.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s