Categories
Insights Life

2021 Game Plan

DO’S

  • Read at least 40 books. 5o talaga yung original target ko pero baka hindi ko kayanin so 40 na muna. Also, read a variety of books from different topics. It sparks creativity.
  • Invest atleast $5,000 sa stocks. Gustuhin ko man na mas malaki pa dito yung ma-invest namin. Parang eto yung achievable sa current situation namin.
  • Learn 5 new piano pieces. Unlike sa pagbabasa ng libro na naka-build na talaga ko ng strong reading habits, problema ko ‘tong sa pagtugtog ng piano kasi may moments na sobrang ganado ako. Pero once sumakit nanaman yung wrist at braso ko, ang tagal kong mapapatigil. Masisira na yung momentum. Siguro wag ko na lang araw-arawin.
  • Learn basic French. Hay isa pa ‘tong hirap ako gawing consistent. Sa pagbabasa kasi, talagang naka-stick ako na morning, magbabasa ko ng non-fiction tapos sa hapon yung fiction. Siguro imbis na nanonood ako ng YT videos habang kumakain, magdu-Duolingo na lang ako. Tapos reward ko yung isang YT video pagkatapos ko mag-Duolingo.
  • Donate regularly to WWF. And siguro pag may extra pa, donate sa ibang charities.
  • Go outside more. As a home buddy, hindi ako madaling mainip kahit andito lang ako sa bahay. Pero aaminin ko na iba talaga ang effect pag nasa outside world ka. And madami ding studies na nagsasabi about sa mental health benefits ng paglabas lalo na pag ma-nature yung lugar.
  • Create new sticker designs. Check your bestsellers and create something that’s similar.
  • Play with the kitties more. Para hindi sila ma-bore and maging obese.
  • When feeling down, journal. Sort my thoughts. Na-prove ko na ang power ng journaling sa mental health ko so I’d like to do this regularly.
  • Eat healthier. More fish and veggies. Less sweets and bad fat.
  • Stick to the budget. Less deliveries and frivolous things.

DONT’S

  • I will not buy any piece of clothing this year. Feeling ko madali lang ‘to bilang hindi naman talaga ko mahilig bumili ng damit.
  • Hindi ako iinom ng milk tea for the first 6 months of 2021. Unless. Unless bigay. Pero pag galing sa pera namin hindi pwede.
  • I won’t exceed 2 hours on my daily screen time. Galingan mo.
  • I will not buy a new MacBook Pro and iPad Pro this year kahit 2 years ago ko pa gustong gusto. Or kahit anong gadget na hindi naman talaga kelangan hindi ako bibili.

Dagdagan ko ‘to pag may naisip pa ko.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s