Nakaka… disappoint? asar? tawa? na hanggang ngayon, lagi pa din akong tinatanong ng Mama ko at ibang kamaganak ko kung ano daw ginagawa ko. Akala daw nila nagaaral ako kahit ilang beses ko nang sinabi na HINDI NGA AKO TUMULOYYY. Nakakafrustrate na kahit nanay ko hindi alam. Tinanong daw kasi sya ng lola ko tapos hindi nya daw alam ang sasabihin. Kahit nasabi ko na sa kanila ng ilang beses at kahit madalas akong magshare sa social media ng ginagawa ko (at nagcocomment pa sila lagi na okay daw maganda daw), parang hindi talaga nila magets yung concept of freelancing. Or in denial pa din sila hanggang ngayon na hindi ko piniling maging nurse? Parang sarado ata yung isip nila na, “Kung nurse ka dapat nurse ka.” 9 years na po akong hindi nagpa-practice. Mag-give up na po kayo.
Nasa isip ko, ano bang problema nila sa pinili kong gawin? Dahil ba hindi nakakaproud sabihin na:
AMIGA: O nasa Canada pala yung anak mo. Anong trabaho?
MAMA: Nagd-drawing.
Kailangan ko bang makapasok sa Disney para maging proud sila na ang trabaho ko ay mag-drawing? Hayssss. Eh hindi naman kami nangungutang sa kanila, hindi kami nagugutom, nakakapagbigay naman kami sa kanila ng papasko, pabirthday etc., sobrang kuntento ko sa buhay namin dito pero ba’t parang sila yung hindi mapakali? Hayssss ulit.
3 replies on “Haysss.”
*hugs*
LikeLiked by 1 person
Hayaan mo sila. Isa natutunan ko sa buhay ang art of deadma 😂. Basta masaya ka sa ginagawa mo at wala ka inaapakaan tao yun.🥰
Hindi lahat may talent na ganyan kaya I am so proud of you! Bahala sila kung ano sabihin nila. 😜
LikeLike
Maraming salamat!!😊
LikeLike