Categories
Canada Family Money Diaries

Busy Friday

Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.

  • Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
  • Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
Snowflakes 😍
  • Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
  •  Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
Sayang saya sya sa steak nya
  • After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
  • Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.
Categories
Canada Career Family Life Travel

Munimuni Saturday

More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.

Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.

Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.

Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. 😄 Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).

Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*

Good food but a little spicy for me
Categories
Canada Family Pals

Zones

Isa sa mga nakakainis at nakakasad pag nasa ibang bansa ka ay (obviously) yung time difference. Gigising ka sa umaga tapos makikita mo andaming ganap sa Messenger kasi pagabi pa lang sa kanila. Tapos kung kelan may time ka na magreply, mga magtutulugan na sila kasi mga antok na at gabi na nga dun. So maghihintay ako ng matagal na oras hanggang gabi. Looking forward ako lagi na mag-gabi dito kasi umaga na dun, gising na sila ulit. Kaya minsan nagpapakapuyat na lang ako para maabutan ko silang gising para maka-usap ko sila. 😞 Sad.

 

Categories
Family Life Pals

Despedidas

Para sa friends ni Kenneth, nagbook kami thru Airbnb ng place sa Tagaytay. Maganda yung room pero mahal. For me mahal. Sabi nila mura na kasi 9 pax kami tapos 10k yung accommodation. Syempre hindi ako gagastos ng ganun kalaki. Eh may Airbnb coupon kasi ako na worth 9k so 1k plus na lang binayaran namin. Hehehe.

Naglaro lang sila Xbox most of the time tapos naginom na nung gabi. The next day, may booking naman kami sa Narra Hill. Advance 2nd wedding anniversay celebration namin. Super ganda nung place. Nature trip. Naka-set na yung expectation na walang WiFi and walang TV. Wala naman problema kasi sobrang nakakarefresh yung lugar. Kahit 1 night lang kami dun nabitin kami. Ang ganda ng view nung room namin, masarap food nila, mababait sina ate tapos tahimik lang. Ang sobrang gusto ko sa place nila, paglabas ng room amoy fresh flowers. Parang naka-air freshener yung buong Narra Hill. Ang magical feeling ko may mga fairies na lalabas.

Nung next weekend naman, sa mga friends ko naman. Pero dito lang sa Lucena, videoke lang. After ng 3 hours namin sa Welkin Tower, lumipat na kami kila Benson. Tapos biglang nagpauso si Benson ng mga message-message saming dalwa ni Kenneth. Tapos sobrang natouch ako kasi naiiyak si Benson. Tapos nag-take turns sila sa mga messages nila sakin. Lahat sila umiyak (except Xali) nung nagbibigay na sila ng message sakin. Sobrang napa-aww naman ako dun. Huhu.

Ayoko pa din masyadong isipin ang magiging future namin dun sa Canada. Nakaka-overwhelm kasi isipin. Basta ang iniintindi ko lang eh yung mga dapat namin gawin like magpapalit ng dollar, mag-empake, etc. Pero yung mismong iisipin ko yung pag dun na kami nakatira, na wala kami friends dun at konti lang ang family namin dun, nakaka-sad. Mapapaisip ka for a split second kung talaga bang tutuloy kami dun. Talagang tutuloy naman kami syempre at resigned na kami pareho at kung ano-anong preparation na ginawa namin. Pero di mo lang maiwasan na indi maisip yung mga ganun. Scary talaga ganun talaga.

Categories
Family Life

Sister Hang

Had fun with my younger sister yesterday. Na-cancel class ko so naisip ko dumiretso sa condo na tinitirhan nya.

Tapos gutom na gutom na daw sya eh nagkataon madami pagkain at leftovers sa bahay kaya niyaya ko sa apartment.

Nakita ko sa planner nya haha

Pagdating namin dito apartment kumain tapos nakipag video call kami kay Illysa. Nakakatawa bigla na lang sumayaw at nag-perform 😂

Tapos bigla naisipan nya i-try yung calligraphy so tinuruan ko. In fairness kinaya naman.

Tapos dumating Shopee order ko yahoo! Tagal ko inantay yung calendar stamps para sa bujo ko. Hihi.

Then nag-Mercato kami after kasi gustom na ulit.

Then pumunta kami sa BGC Art Mart naningin lang ng mga art stuff.

Categories
Family Life Pals Travel

2017 Highlights

I’ve been meaning to do this kind of post to just put everything that I want to remember for 2017 in a nugget. So here it is:

  • Spent the New Year with F Buddies at our place. My parents were pretty strict back then; even after I graduated college. So having my friends over for a drinking session for the very first time was very unusual and memorable for me.
  • Jen, our previous LNC teammate, was back from Abu Dhabi (or was it Dubai?) and so we got together and went to our favorite spot (Rue Bourbon). It was another rare occasion.
  • Summer was spent with friends at a private resort. Loads of fun.
  • After 8 years, I finally went back to Singapore! Singapore was my first out of the country experience. It was 2011 and Nick, Xali, and I were fresh grads when we decided to try our luck to work there as nurses. We were there for three weeks and stayed not at a hotel but at Xali’s uncle’s apartment so we kind of felt like a true local. I enjoyed every minute of it. We did our own laundry, bought groceries, cooked almost everyday, watched a movie (my first 3D movie), played the lottery, etc. I even learned how to ride a bike there. So when I had the chance to go back to Singapore to visit Kenneth’s dad, I was really really excited.
  • Tricia, our youngest sibling, graduated from college. Our parents’ pride and relief were pretty apparent since all four of us were already finished with school. Finally.
  • Our dear grandfather passed away. I get teary eyed thinking about it now. We loved him so much and we extremely miss him everyday. 😔
  • Our relatives from the UK had a 1-month vacation here in the Philippines. Our cousins grew up so tall and cute and lovely. I miss them so bad.
  • We got married again, at a church this time. It was a bittersweet moment because our grandfather just passed away. It felt wrong having to celebrate our wedding when we were still mourning.
  • Attended 3 weddings and 1 christening this year
  • This was the year of “artventure”. I rekindled my passion for art and experimented with watercolor, digital design, and calligraphy. I missed being in a school-like setting so attending those art workshops were really fun and refreshing.
  • Celebrated Miguel’s 7th birthday, our cutest cousin yet. I’m still hoping for a baby boy from Ate Beng2.
  • DIY takoyaki at some resto and tried making homemade gyoza but failed. It was bland.
  • Went back to Japan (my favorite country) with Nick, Benson, Bryan and Irving. I feel like I would never get tired of this country. There’s just so much to see and explore! They have the most helpful and friendliest people ever. I purchased my first professional watercolors here as well.
  • Discovered I have gall stones. Boo!
  • We had our so-called honeymoon in Korea. It was our first time there and it was an extremely cold November (as low as 6 °C). It was a fresh experience but we can’t help but compare it to Japan. And there was a time when we got really mad at each other and separated for a while. So for me, memories of Korea were not that enjoyable. But I got to experience autumn (one of the things in my bucket list). It was breathtaking. ❤️
  • I sold my first artwork! It was very satisfying. I’m really proud of myself and I’m so excited where this artventure takes me.
  • Had our F Buddies Christmas Party/open forum. Everybody cried except Xali (boringgg 😂). I think I’ll reserve another post detailing the events and explaining why there was a lot of crying involved.
  • I got a Kindle for Christmas! It doesn’t get here until mid-January though.
  • Isabelle and Illysa, our cute cousins, hosted our 2017 Slumber Party. It was amusing how the two sisters really prepared for the party (prepared the plan of activities, invitations, balloons, snacks). Activities involved were a modeling showdown, watching a scary movie (but we ended up watching their parents’ wedding), blind makeover challenge, sharing secrets, etc. The party ended after the blind makeover game when Illysa cried because her makeup was “ugly”. It was still a lot of fun and I can’t wait for next year’s slumber party. They keep me young (channeling Regina’s mom 😂).

Paalam 2017!

Categories
Family Life Pals

Christmas 2017

Merry Christmas! Hindi ako masyado na-excite nung mga nakaraang days na malapit na ang pasko. Pero nung nasa mga Christmas parties na ko, dun ko uli naisip na December nga talaga ang favorite month ko. Umuwi kami ng Quezon province for Christmas pero 3 days lang. Bitin nga. Ang strict kasi kila Kenneth bawal basta basta mag-leave. So sa day 1 ng bakasyon namin, umattend kami ng binyag ni Leon.

Day 1 – Dec 23: Leon’s Christening & F Buddies Christmas Party

Andun mga friends namin sina Benson, Dimple, Kat Neric, Mcdo. Favorite kong kasama si Benson pag may videoke kasi pareho kaming pasikat. Baka ganun talaga pag nangarap kang maging famous singer pero hindi ka naman naging ganun so dinadaan mo na lang sa videoke. Nakakatawa pa kasi ang hina nung mic kaya hindi kami mapakali ni Benson. Bothered na bothered kami na hindi naririning ng mga tao yung kanta namin. Pag alis ni Benson, kachikahan ko lang si Dimple and Kat about HS life. Mga naging crush, ex, naka-away, naka-fling, kung sino bang pinakagwapo sa batch na to, mga katangahan, kung ano ano pa.

Tapos nagtext na Xali about sa Christmas party naming F Buddies. Dinadramahan pa namin yung dalwa ni Bong and Nick kasi hindi nagpaparamdam.

Napilitan na sila

Tapos ok na sinundo na ko ni Nick kila Lee. Nagsuggest sya ng videoke so syempre payag na payag naman ako at nabitin ako kumanta kaya napunta kami sa Welkin Tower. Naka-ilang skip kami ng F Buddies Christmas party through the years kaya medyo big deal na natuloy kami netong year with exchange gifts and all.

Ayun masaya lang kami tapos nung pahuli nag iyakan. Nakakatawa. First time ko makita umiyak si Bong. Si Nick siguro mga second time (hindi kasali yung mga fake cries nya). Ako cry baby naman talaga. Si Xali lang ang strong siguro kasi hindi naka-inom. Parang sya lang ang pinaka matinong kausap nung gabing yun. Haha. Almost 5AM na kami natapos. Hindi ko na namalayan ang oras. Si Ian at Kenneth sumuko agad tulog sa kotse. Basta ang mga tanda kong tidbits ng pinagdramahan namin: Pag si Bong ay may gustong i-share about sa life nya, hindi na nya iisipin na babarahin lang namin sya. Tapos si Nick naman, ittry nyang hindi na maging super OA sa pagka-neutral pagdating sa mga opinions nya. Parang yun lang naman ang laman nung ilang oras naming dramahan.

Masaya pose

Day 2 – Dec 24: Diaz Christmas

Siguro mga past tanghali na kami nagising. Sumaglit lang kami sa SM bumili ng gift wrappers tapos pumunta nang Pagbilao. Tumambay lang ng konti at gumawa ng oobleck. After nun, umuwi na ulit Lucena (around 10PM) pumuntang RGR kila Lee, tapos pumuntang bayan kila Lola tapos sa Site kila tito Joey then umuwi na sa bahay. Nasweetan ako sa gift ni Kat Sister kase art related. Super na-appreciate ko. Yung gift ni Kenneth na Kindle (na ako din ang bumili) on the way pa. Super excited na din ako dun ang tagaaal.

Lagot ang dami

Day 3 – Dec 25: Merene Christmas Party

Last day na namin sa Quezon tapos luluwas na din pa-Manila ng hapon. Kelangan umuwi ng medyo maaga para hindi ma-traffic. Pero mga past 5PM na din ata kami nakaalis. Mga past 10AM na ata ako nagising tapos kelangan ko pa magbalot ng mga gifts. Isa pa lang nababalot ko. Pagka gising ko direcho agad ako sa taas para magbalot. Eh 11AM daw kasi kelangan nandun na sa Pagbilao sa mga Mommy. Pagdating namin sa Pagbilao ng mga 12NN, mga tulog ang tao. Sila Ate Gigi pala galing din Manila.

After kumain (sarap nung pata tim at carbonara), games naman. Kahit ang tanda ko na tuwang tuwa pa din ako makisali sa games. Pinaka favorite ko yung musay kasi kahit matatanda agawang agawan. Na-injure pa yung likod ko kasi napasalpok sa kuya. Work from home tuloy ako ngayon. Para akong nabugbog. After games, intermission number ni Illysa. Nagprepare daw sya ng 6 na sayaw (pero sabi nya sakin nung isang araw 4 lang daw so nadagdagan pa haha). Sabi ni Ate Beng2 gabi gabi daw nagppractice ng sayaw si Illysa para sa Christmas party. Haha. After sayawan, gift giving na tapos kailangan na namin umalis. Huhu. Sinisigawan kami ng “Boringggg!”. Ayoko pa talaga umalis pero yun nga, kesa mapagod magdrive si Kenneth baka biglang abutin ng sobrang traffic. Naiyak ang Mommy nung gift giving kasi naaalala ang Daddy. First Christmas namin na hindi kasama ang Daddy. 😔

So yun ang Christmas 2017 namin. Fun and emotional. Injured ako sakit talaga ng likod ko parang feeling ko pa ay kinakapos ang hinga ko. Pagka gising ko lang ngayon saka ko naramdam yung sakit.

Bruised knees every year

Sa Friday ay uuwi ulit kami for New Year naman. Sa Pagbilao naman kami magbabagong taon. Yun ang setup namin. Christmas kila Kenneth then New Year sa amin. Wala pa akong namimiss kahit isang New Year sa bahay kaya sobrang importante sakin ng New Year. Tsaka hindi kasi kami naghahanda ng Pasko, New Year lang talaga. Ang Papa pala hindi ko na nakita nung uwi namin kasi duty, sa New Year na lang daw. Then may slumber party din kami nila Isabelle and Illysa. Haha.

Categories
Family

terror

Bad news. Patay na si Terror. Yung aso namin. Di ko inexpect na ganto ang magiging impact nya sakin at sa pamilya namin. Kahit yung mga barkada ng mga kapatid ko nalungkot din nung nalamang wala na sya. Si Kim apektadong apektado di daw sya makatulog. Si Tricia at ang Kuya nagiyak din. Ako nagulat ako nung naiyak ako. Di talaga ko mahilig sa kahit anong pet pero nakakalungkot talaga. Siguro dahil antagal na nya samin. 8 years na pala namin syang kasama. Ibig sabihin highschool pa lang ako nasamin na sya. Di ko sigurado pero parang mejo malaki na sya nung napunta sya samin. Ang nakakalungkot pa, sabi ni Kim tahol pa daw ng tahol si Terror nung bago sya mawala. Parang hindi mo aakalain na maya maya pala mawawala na sya. Hai.

Sabi ng mga Mama kukuha daw ulit kami ng aso na Labrador din na golden retriever tapos Terror din ang pangalan. Ok sakin yun 🙂 Parang indi pa din sya nawala.

Mamimiss kita Terror kahit di tayo ganun kaclose. 

Categories
Family Ramblings

121212 and other things

Ang cool ng date na to. 121212 (Dec. 12, 2012). Matagal na ulit bago magkaron ng ganto kasi 2013 na ang kasunod. 12 lang naman ang months.

Malapit na birthday ko. Sana makabili na ko ng iPod touch na 5th gen. Tanda ko na 24 na ko. Parang dati sabi ko mag-aasawa na ko ng gantong edad. Tas ngayon kung iisipin mo, parang antagal pa nun mangyayari. Wala pang pera. Wala pang ipon.

Limang oras na ko dito sa office at limang oras na din akong walang ginagawa. Wala pa kong chat kahit isa. Inaantok na ko. Nagttumblr lang ako, internet ng konti. Kain.. Yun na yun. Parang gusto ko na ng mahirap-hirap na trabaho. I want to be a medical coder. Kelan kaya yun.. Hai.

Pangit ng balat ko. Wawa naman magiging anak ko.

Uuwi na ko sa Pagbilao bukas 🙂 Halos isa’t kalahating buwan na din nung huli kong uwi samin. Kaya ko pina-adjust VL ko, para makauwi na ko bukas.

Ang boring ng buhay dito sa Maynila pag wala kang kasama. Pag solo ka lang sa bahay. Nakakadepress. Feeling mo andami mong problema. Konting pangyayari na di mo nagustuhan parang nagiging malala. Pag nagkasakit ka, nakakaiyak kasi wala ka man lang kasama para alagaan ka. Maaawa ka na lang sa sarili mo. Nakakatamad din maglinis ng bahay kasi wala naman ibang makakakita ng kalat mo kundi ikaw lang. Kahit nakakatuwa dahil pauwi na si Kenneth, di pa din ako matuwa ng lubusan dahil alam kong aalis din sya. Baka mas matagal pa. Hai. Nakakalungkot. Nakakainip. Pag nagluto ako ng kakaibang potahe, nakakalungkot din kasi ako lang ang kakain. Gusto kong ipatikim sa iba kung masarap ba, kung kulang pa o kung patapon yung niluto ko. Buti na lang din samin muna nakatira si Nick, pero madalang din kami magkita dahil sa shift ng trabaho namin. Dadating ako ng bahay, wala sya. Dadating sya ng bahay, tulog ako. Pag gising ko, tulog sya. Pag gising nya, nakaalis na ko. Pero ok na din, iba pa din yung pakiramdam na alam mong may kasama ka sa bahay kesa sa wala talaga.

Kaya natutuwa na kong umuwi samin. Madami ako kasama sa bahay. Miss ko na ang Mama, ang Papa, mga kapatid ko, Daddy, Mommy, Tito at Tita ko, mga pinsan ko, si baby Gilian, mga barkada ko, mga Pagbilaoins, etc.

Napaka-ironic. Dati rati, naiisip ko nang magsarili. Tas natutuwa ako sa idea na solo lang ako sa bahay tas parang ang saya. Naiimagine ko dati parang mas sasaya ako sa ganung buhay. Siguro dahil dati, hindi ko naiimagine yung mga parts na kelangan mong maglinis, magluto, magbayad ng bills, magtipid at kung ano ano pa. Haha nakakatawa lang. Parang dati winiwish ko yung buhay na ganun. Yung magnenet lang ako, magbabasa ng libro tas solo lang ako. Mali pala. Di pala nakakatuwa.

Categories
Family

mother-daughter

hai. kakatapos ko lang manood ng house. super iyak nanaman ako ih. hindi yung basta may luhang natulo sa mata ah. yung may sounds talaga na iyak. tapos na yung palabas eh iyak pa din ako ng iyak. masyado kase akong na-touch dun sa relationship ni cuddy sa nanay nya. basta yung nanay nya eh masyadong mahigpit sa kanya tas parang hindi sya mahal. pero sa huli naintindihan na ni cuddy kung bakit ganun. hindi ko masyado ma-explain basta nagkaron sila ng pagkakaintindihan sa huli. kahit magkaiba sila ng ugali eh parang naintindihan nila ang isa’t isa. kahit mas magkapareho ng ugali yung nanay nya at yung isang kapatid ni cuddy na babae eh hindi ibig sabihin eh mas mahal nya yung isa. basta hindi ko talaga mapaliwanag ng maayos. basta sobrang naiyak lang ako. bow.

miss ko na nga pala ang mama at taba. nasa singapore pa din sila. uuwi na din ata sila bukas. kung pwede lang talagang ben & jerry’s ang ipasalubong sakin ih. hmp.

* time not accurate

* Copy pasted from my old blog. Forgive my jeje writing style.