Categories
Family Life Pals

Despedidas

Para sa friends ni Kenneth, nagbook kami thru Airbnb ng place sa Tagaytay. Maganda yung room pero mahal. For me mahal. Sabi nila mura na kasi 9 pax kami tapos 10k yung accommodation. Syempre hindi ako gagastos ng ganun kalaki. Eh may Airbnb coupon kasi ako na worth 9k so 1k plus na lang binayaran namin. Hehehe.

Naglaro lang sila Xbox most of the time tapos naginom na nung gabi. The next day, may booking naman kami sa Narra Hill. Advance 2nd wedding anniversay celebration namin. Super ganda nung place. Nature trip. Naka-set na yung expectation na walang WiFi and walang TV. Wala naman problema kasi sobrang nakakarefresh yung lugar. Kahit 1 night lang kami dun nabitin kami. Ang ganda ng view nung room namin, masarap food nila, mababait sina ate tapos tahimik lang. Ang sobrang gusto ko sa place nila, paglabas ng room amoy fresh flowers. Parang naka-air freshener yung buong Narra Hill. Ang magical feeling ko may mga fairies na lalabas.

Nung next weekend naman, sa mga friends ko naman. Pero dito lang sa Lucena, videoke lang. After ng 3 hours namin sa Welkin Tower, lumipat na kami kila Benson. Tapos biglang nagpauso si Benson ng mga message-message saming dalwa ni Kenneth. Tapos sobrang natouch ako kasi naiiyak si Benson. Tapos nag-take turns sila sa mga messages nila sakin. Lahat sila umiyak (except Xali) nung nagbibigay na sila ng message sakin. Sobrang napa-aww naman ako dun. Huhu.

Ayoko pa din masyadong isipin ang magiging future namin dun sa Canada. Nakaka-overwhelm kasi isipin. Basta ang iniintindi ko lang eh yung mga dapat namin gawin like magpapalit ng dollar, mag-empake, etc. Pero yung mismong iisipin ko yung pag dun na kami nakatira, na wala kami friends dun at konti lang ang family namin dun, nakaka-sad. Mapapaisip ka for a split second kung talaga bang tutuloy kami dun. Talagang tutuloy naman kami syempre at resigned na kami pareho at kung ano-anong preparation na ginawa namin. Pero di mo lang maiwasan na indi maisip yung mga ganun. Scary talaga ganun talaga.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s