Categories
Family Pilipinas

Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant | PH 2022 Series

April 24 – 29

Etong time na ‘to, meron na lang akong 10 days at magbaba-bye na muna ulit ako sa Pinas. Pero bago ako magba-bye, mauuna munang umalis ang mga taga UK. Kelan kaya namin uli sila makakasama 😢

DAY 18

With Mommy/Grandma 🥰

Last night with the British peeps

Nasa bahay uli kami ng lola namin. Usapan namin walang tulugan since last night na nga nila. Naglaro lang ata kami at tumambay in general. May gift giving din na naganap kasi may pa-going away gift si Marcus samin ni Tricia. How sweeet. Iyak na iyak si Tricia 😂 Bandang 1 or 2 AM nakatulog na rin kami.

DAY 19

Sinong magaakala na 20 years ang tanda ko sa mga ‘to 🤣 (thank you rin sa height ko)

Iyakan na!

Bandang 7AM, gising na kami at nagaayos na sila ng mga maleta at kahon nila. Puro pictures at videos at iyakan nung umaga. Ang bilis. Almost 3 months ago na pala yun. Pero naiiyak pa din ako pag naaalala ko. Eto kasi yung uwi nila na mas naging close kami lahat.

Ni-recreate ng kuya at ni Marcus (plus Illysa) yung pic nila around 10 years ago:

Few minutes na lang bago sila umalis, nagpatugtog si Kim ng theme song naming magpipinsan 🤣

After nilang umalis, ang lungkot ng bahay. Ang tahimik. Mga hindi pa kami lahat maka-move on. May video pa ko ni Illysa at Tricia na humihibi.

Random photo of a cup keyk choco mocha na sobrang paborito ko dati

DAY 20

Marcus’ gift! I named her Macadamia 😄 Mia for short.

Sad. Wala na ang mga UK peeps. Constant communication pa din sila samin katulad nito nung nag-send si Louisa ng pic nya 😅

Wala ako masyadong maalala sa araw na ‘to pero nanonood lang ata ako ng Rhythm + Flow na ni-recommend ni Kenneth tapos pumunta akong kabila (bahay ng lola namin).

Day 21

Mommy bonding

Siniguro ko na merong isang araw na lalabas kami ng Mommy so eto yun. Nung last ko na uwi, dito rin kami kumain sa Mesa. Pero bago yun, sinamahan ko muna syang magpa-checkup.

Ang saya ko nung araw na ‘to kasi nakapagkwentuhan ulit kami ng Mommy ng matagal. Siguro na-miss ko lang yung dati na tutok sya samin na mga unang apo nya. Pero ngayon kasi sobrang dami na namin kaya hindi na ganun. Wala lang. Na-miss ko lang talaga.

Few days ago, napagkwentuhan na naman namin nung nag-AWOL ako sa ospital. Napagsabihan nanaman ako ng very slight kasi dapat daw umalis ako ng maayos etc. Sinabi ko lang yung dati kong sinasagot na nagpaalam naman ako sa Head Nurse ko at nag-submit ng resignation letter, pero di na ko nag-render.

Fast forward to ngayon, kumakain kami sa Mesa at inorder ko ang paborito kong salted egg shrimp, di ko na maalala ba’t namin napagusapan yung teacher days ng Mommy. Matagal na kong napapaisip kung bakit hindi sya naging school principal pero ngayon ko lang natanong. Yun pala meron syang hindi nakasundo dun sa school.

Ang Mommy, sobrang detelyadong magkwento. Sa kanya ko siguro namana ang magkwento ng magkwento. So kwinento nya in detail yung hindi nila pagkakasunduan nung tao na yun. In short, ayaw syang payagan mag-leave ng ilang araw kahit na-ospital ang Daddy. Ang sabi daw sa kanya, “Ang asawa mo isa lang, pero ang mga estudyante mo madami.” Eh di wow. So syempre nag-leave pa rin ang Mommy. At after non, hindi na sya bumalik.

“Eh di nag-AWOL ka din pala Mommy!” sabi ko after nyang magkwento. Tapos napatawa sya, “Aba ay oo nga ano.” Tawa kami ng tawa. Kasi pinagsasabihan nya ko nung nag-AWOL ako, pero yun din pala yung ginawa nya noon. Hays ang saya nung moment na yun. I miss you Mommy 🤍

Hi Almond!

After namin sa SM, pumunta naman ulit kami kina Kenneth. First time makapunta ng Mommy sa bahay nila Kenneth. Nagkikwentuhan lang sila habang kami ni Almond ay naglalambingan.

Daily Dose

After kila Kenneth, magkakasama ulit kami ni Nick at Bong. Nagkita muna kami ni Bong sa SM at pumunta kaming Puregold. Nag-mini grocery ako ng Sunshine at Eden cheese tapos binayaran ni Bong. Thanks Bongga! After nun, sa Daily Dose kami magiinom. Maganda yung lugar na pinuntahan namin, may mini stage. So kumanta kami ni Nick syempre. Wala namang tao. Or baka kaya walang dumadating na tao kasi kumakanta kami.

Smoke effects by Nick

Lumipat kami dun sa may Cafe Jungle kasi magsasara na ata yung Daily Dose. Tanda ko pinagtatawanan namin yung pita bread at pino-pronounce namin sya as ‘phitha vreadth’. Di ko na maalala kung bakit. Naguwian at hinatid na rin ako ni Nick ng mga past 12.

Eto yung gabi na sabi ng Mama pagdating ko, bakit daw ang aga kong umuwi. Sobrang kakaiba sa pandinig! Samantalang dati, 9PM panic mode na ko pag nasa labas pa ko.

DAY 22

Ginising ako ni Ate Glo.

Eto naman yung day na magkikita kami ni Benson kasi umuwi din sya. Kaya lang parang di ko masyadong na-feel yung bonding namin kasi distracted sya sa election tapos nagtatae pa sya nung araw na ‘to. So sa inuman, alis sya ng alis para mag-poop. Ayaw nyang mag-poop dun sa CR na malapit kasi di daw sya matatae dun, so umuuwi pa sya sa bahay nila na may kalayuan din. Siguro nakadalwang alis sya. Tapos ang boring pa kasi hanggang 10 or 11 PM lang sya dahil may lakad pa raw sya kinabukasan ng madaling araw. Boooo! Jam-packed din kasi ang sched nya.

DAY 23

Tanda ko eto yung day na wala si Tricia. Nasa Manila sya para sa isang shoot for Samsung (wow mowdel!) Basta ramdam ko na wala yung presence nya sa bahay kaya bigla ko syang namiss. Nagchat ako sa kanya ng “Mishu ☹️”.

Buddy’s + Foot spa

Super fully booked ko ng araw na ‘to. Lumabas uli kami ng mga Mommy with Isabelle and Illysa. Kumain kaming Buddy’s (yay) tapos may binili lang sa department store ang Mommy.

After SM, nakipagkita na ko sa Mama. Magpapa-foot spa at mani-ped raw kami. Di ko namalayan, nakatulog na pala ko habang minamasahe yung paa at binti ko.

Na-realize ko lang na eto yung isa sa mga mami-miss ko pagbalik ng Canada. Sa Pinas, ang daling i-pamper ang sarili kasi hindi ganun kabigat sa bulsa. Yung pag stressed or malungkot ka tapos gusto mo lang ng instant pick-me-up, di ka masyadong manghihinayang. Sa Canada, never pa kong nagpagupit or nagpa mani-ped dito. Yung pedicure sa probinsya namin na 80 pesos, sa Canada 1k. More than x10 ang difference. Kaya hindi na lang. Magiisip na lang ako ng ibang magpapasaya sakin.

Dagat, Gubat, Hardin, Alapaap Kusina

Sobrang weird nung pangalan ng restaurant na pinuntahan namin for dinner. Dagat, Cusina, Gubat Restaurant ang pangalan. Masarap naman yung food at masaya yung ambience. Di ko lang talaga maintindihan bakit yun ang naisip nilang pangalan. Nagyaya yung tita/ninang ko kasi gusto nya akong i-treat bago ako umalis. Sinama ko ang Mama at Mommy.

Ang interesting nung restaurant. Para syang malaking malaking bahay kubo. Tapos may mga lumang karaoke na naka-display at iba pang makalumang bagay. Maya-maya, nagpatugtog na ng mga pang-ballroom at may mga oldies na nagsayawan kasama ang mga dance instructors nila.

May pinauso na dance step si Louisa na lagi naming ginagaya. Pinagawa ko sa Mommy 😂

Na-sense ko na na enjoy na enjoy ang mga kasama naming oldies. At maya-maya nga ay nakisayaw na rin sila. Inaakit (niyayaya) ako ng tita at Mama at Mommy na makisali sa pagsayaw. Siguro kung highschool or college pa ko, sobrang makokornihan ako. Pero ngayong matanda na ko, wala na kong pake. Tsaka minsan lang may ganito kaya sobrang inenjoy ko lang talaga ang mga pagkakataon.

Habang tumatagal at napapagod na kami ng isa kong pinsan sumayaw at sobrang init din kasi, naupo na lang kami habang ang mga nanay namin ay walang tigil pagsayaw. Grabe talaga. Enjoy na enjoy talaga sila pagsasayaw. Nung una tuwang tuwa ako sa kanila pero nung sobrang tagal na talaga ay naiinip na ko. Haha sori Mama and Ninang.

Super cute pic of Mommy na nilalagyan ng towel ang Mama sa likod kasi pawisang pawisan kakasayaw 🥺

Naumay rin naman sila pagsasayaw at naguwian na rin. Pero hindi pa ko uuwi. May one last booking pa ko.

Toi

Nagkwentuhan at nagchikahan lang kami ni Xali at Ian. Di ko na maalala kung anong oras kami umuwi pero medyo late na rin. Buti na lang natuloy kaming magkita nitong gabi na ‘to kasi yung upcoming days ay super jam packed na talaga.

PH 2022 SERIES

Part 1: Reunions + Yummy Food + Avalon
Part 2: Slumber Parties + Unlimited Lamon + Emooo
Part 3: Boodle Fight + Sarah G + Sweetie Almond
Part 4: Bohol Trip • 1 | 2 | 3
Part 5: You are here
Part 6: Last Few Days

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s