Categories
Family Life Pilipinas

Last Few Days | PH 2022 Series

April 30 – May 4

Ito ang last installment sa aking PH 2022 series. At last matatapos ko na! And I made sure na organized para mabalikan ko ng maayos ang mga memories.

Day 24

Papunta kaming Maynila ngayon kasi ninang sa kasal ang Mama at kami (Ate Beng2, Tricia at ako — the Boholers) ang mga PA ng Mama. Nag-stopover kami sa Mcdo para mag-lunch at nagulat ako na may ebi burger. Yung first and only time kong natikman ‘to ay nung pumunta kami sa HK ng Mama so na-excite akong i-try ulit kasi nalimutan ko na yung lasa.

Di ako masyadong natuwa. Dapat nag chicken fillet with rice na lang ako.

Sayang talaga hindi ko na-video pero tawang tawa kami ng Ate Beng2 sa Mama nung napaupo sya sa may gutter sa parking lot. Haha anyways..

Mall Hopping

Sa Conrad Manila yung wedding and reception (sa LŌLA). Hindi pa ko nakakapunta sa hotel na ‘to kaya nagulat ako pagpunta namin dun kasi ang ganda (bano moment).

Actually pagpasok namin, kala ko nasa mall kami. Nagtataka ko bakit hindi ko pa narinig ‘tong mall na ‘to. Pero hotel pala sya na may mall. Iniwan na namin ang Mama dun sa venue para makapunta na kaming MOA (tapat lang ng Conrad). Dun kami tatambay habang busy ang Mama sa kasal.

SOBRANG DAMI ng tao sa MOA. Parang may event dahil ang daming naka-cosplay. Hindi kami masyadong nasiyahan mag-ikot kasi syempre takot kaming magkasakit. Kami lang ng Ate Beng2 ang magkasama kasi si Tricia pumunta sa office nila para makapagtrabaho ng maayos. Pupuntahan na lang nya kami pag tapos na sya.

With my favorite tita but more like an older sister I never had 🤍

Masaya ako lagi pag may nata-try akong ibang food or drink so na-excite akong tikman ‘tong Koomi yogurt drink kasi nakita ko ‘to sa podcast ni Megan Young at asawa nya. May nakita rin akong interesting na Japanese cake so bumili ako ng isang box.

K naman. I’m up to trying the other flavors.
K lang din. Pero di super amazing.

Ramen amen

Nung last kong uwi sa PH, hindi ako nakapag ramen. Mahilig kasi kami sa ramen ni Kenneth at nung nasa Pinas pa kami, madalas kami sa Ramen Nagi (unpopular opinion: Ramen Nagi > Ichiran). Basta kung kakain kami sa labas at ayaw namin ma-disappoint, automatic ramen ang go-to namin. So isa sa mga goals pagbalik ko ay makatikim ulit ng masarap na ramen. Kasi dito sa Winnipeg, wala pa kong natitikman na kasing sarap ng Ramen Nagi or Mendokoro or Ramen Kuroda man lang. At mukang ngayon ang araw na masa-satisfy ang ramen cravings ko kasi may Ramen Nagi sa MOA! Plus libre daw ng Ate Beng2 yay!

Pero sa kadahilanang ang dami ngang tao sa MOA, naisip namin na bumalik sa Conrad at dun na lang tumambay. Sabi ko okay lang kahit hindi na ramen, basta kumain na lang kami ng dinner kung anong meron dito. Tapos nakita ni Tricia na may ramen place pala! Uma Uma yung name at parang narinig ko na sya before. Although hindi ko alam kung masarap.

Unfortunately, hindi ako masyadong natuwa sa kanya. Hindi ko alam kung mali lang ba yung flavor na inorder ko kasi nung triny ko yung kay Tricia, mukang masarap naman. Malas lang. So hindi pa rin completely na-satisfy ang cravings ko. Ok lang. Next time na lang uli.

Whiskey being Whiskey

Day 25

May two bookings ako ngayon. Makikipag-meet ako kay Dyn at Pat tapos sa hapon, lalabas kaming magkakapatid ng kami lang for the very first time! So sila Dyn muna ang kinita ko at nagkwentuhan lang tapos sumunod si Mcdo. After a few hours, kelangan na rin maguwian kasi paluwas pa sila Dyn at Pat. Tapos ang sweet kasi may pabaon sakin si Dyn na scented candles at cat rug. Cute!

Since same place lang yung meeting place naming magkakapatid (my idea, para efficient 😄), hindi na ko umalis kasi parating na rin ang Kuya. Ang kuya ang nag-akit (nagyaya) na lumabas kaming apat. Tapos since first time nga ‘to mangyari, kinukulit kami ng Mama. China-chat kami isa isa. Mag-picture daw kami ng marami. Since gusto kong surahin (asarin) ang Mama, sabi ko mag-picture kami ng hindi nakaharap sa camera.

Eventually nag-uwian na rin at limot ko na kung anong nangyari nung gabi. Pumunta ata kaming kabila (bahay ng lola namin).

Day 26

Sisters movie marathon

Eto na ang second to the last day at wala na kong commitments kasi gusto ko na lang i-spend yung natitirang araw with family. Yung day na ‘to ay sisters movie marathon (Abadilla sisters and Enverga sisters). Pinapanood namin sa kanila yung favorite movies namin when we were their age: Freaky Friday, Parent Trap, limot ko na yung iba naming pinanood. Basta Freaky Friday yung memorable. Tapos eto yung day na naputulan kami ng internet kasi nalimutan ni Tricia magbayad haha. Pero buti na lang din kasi hindi sila distracted sa phones nila.

Haranahan

Na-interrupt yung panonood namin nung may nanghaharana sa kapit bahay namin. Kapit bahay namin yung isa naming pinsan (yung kasama namin sa Dagat Ulap Resto) tapos hinaharana sya kaya nag ala Marites kami at lumabas para silipin kung anong nangyayare. Tawang tawa kami sa mga pangyayari at chineer yung manliligaw ng pinsan namin. Pero parang mas kinikilig yung tita ko kesa sa pinsan namin 🤣

Ang Mommy, naglakad papunta sa bahay ng wala sa oras para ma-witness ang panghaharana haha.

Transformed into rock stars

After ng haranahan, tinuloy namin ang panonood. Sa mga parts na tumutugtog yung banda ni Anna Banana, naalala ko kung gano ako sobrang nacool-an kay Lindsay Lohan that time. At eto ang nangyari (pati ang Mommy naki-jam 🤣):

DAY 27

Hi Papa!🤍

Eto talaga ang second to the last day pero madaling araw kasi ang alis ko kinabukasan so hindi na counted yung bukas. Nagpakana lang ang Mama na kumain sa Palay-Isdaan.

Why’d you have to go and make things so complicated!

Tapos nung gabi, may surprise pala ang mga kapatid at mga pinsan ko! Huhuhu. Super sweet 😭 Again, special thanks sa sister ko at Isabelle & Illysa (the Enverga sisters) sa effort mag-edit ng videos. Bizu bizu! Naiyak ako syempre.

Core Memory

Paguwi namin galing kabila, nagre-ready na kami ng Mama na matulog tapos bigla syang may sinabi at hinug ako. Limot ko na yung exact na sinabi nya pero na-gets ko, na eto na yung last night namin as roommates huhuhu. Di ko masyadong pinakita pero na-sad ako. Nai-imagine ko pa yung hug namin at super nakaka-melt ng heart. Love you Mama 🤍 (syempre naiiyak ako ngayon)

DAY 28

Aww Whiskey 🥺

Time to say goodbye 😭 Dalwang beses pa lang ako nakakauwi sa Pinas pero eto ang the best. Kaya naman triny kong alalahanin halos lahat ng nangyare. As mentioned previously, I wasn’t my best before ako umuwing Pilipinas pero paguwi ko, tanggal lahat ng worries, anxieties, mood swings, at lahat ng negativity sa buhay ko. Again, I will liken it to magic. Kaya na-realize ko na sobrang necessary talaga na makauwi ako at makasama ang pamilya ko as much as I can. It’s the best therapy.

😭😭😭

Narita Airport

Unlike ng paguwi ko, sobrang smooth ng pagbalik ko. At sobrang saya ko nanaman kasi nakabalik akong Japan! (kahit hanggang airport lang) Bumili ako ng favorite Japanese snacks namin ni Kenneth at finally matitikman ko ulit yung almond tiramisu!

Sobrang sarap!

Back to my second home

May isa pa kong layover sa Vancouver and at last, I will finally be reunited with Kenneth and the kitties.

Nasabi ko na ‘to dati pero dalwa na talaga ang home ko. I know na pag nandito ako sa Canada, I always look forward sa pagbalik sa PH pero pag nasa Pilipinas naman ako, nami-miss ko si Kenneth at ang mga pusa namin. Ganun siguro talaga. Hays. Hanggang sa muli Pilipinas!

PH 2022 SERIES

Part 1: Reunions + Yummy Food + Avalon
Part 2: Slumber Parties + Unlimited Lamon + Emooo
Part 3: Boodle Fight + Sarah G + Sweetie Almond
Part 4: Bohol Trip • 1 | 2 | 3
Part 5: Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant
Part 6: You are here

Advertisement

2 replies on “Last Few Days | PH 2022 Series”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s