April 22

Day 2! Ang agenda ngayon ay mag-stay lang sa resort buong araw. Kumain, mag-swimming, kumain. Malawak yung resort kaya mukang ma-ooccupy naman kami maghapon.
Gym + Breakfast




Kahapon ng gabi, sinabihan ko na si Tricia na mag-gym kami pagkagising namin. Nag-aalala na kasi ako sa effects ng mga lamon ko simula nung uwi ko kaya naging extra conscious ako sa timbang ko. So perfect opportunity na gumalaw-galaw dahil walang hinahabol na oras. Pero pagkatapos, diretso kami sa breakfast buffet.



Madami pa kaming hindi na-explore kasi ang lawak nya talaga. 40 hectares daw sabi ng Mama. Pero gutom na kami.



Pag nadinig mong may breakfast buffet, diba ang exciting? Unang pumapasok sa isip ko, may bacon kaya? Yung bacon kasi ang nagdadala ng breakfast buffet. Pag may bacon, kahit di masarap yung ibang ulam, solb na ko.






ANG SARAP ng breakfast buffet nila. Everyday may bacon. Ang dami ring choices of ulam. Tapos may congee station, omelette station, waffle station. Wala lang silang masyadong dessert pero okay pa rin kasi may matamis na mangga. Rare na kasi ako ngayon makakain ng mangga kasi dito sa Kenede mahal, tapos chamba pa kung matamis. Basta in short, enjoy na enjoy kami sa umaga kasi masarap yung breakfast spread nila tapos may variations din everyday.



“Beachy beach” —Mama
Lagi namin tinatawanan ni Tricia yung mga captions ng Mama sa FB. Haha cringey kasi tulad ng “Beachy beach”, “Livin’ in the slow lane” hahaha love you Mama!!🤣

Maghapon lang kaming nasa beach. Chilling, relaxing, konting swimming, kain ng chichirya.. Hay sarap.



Nag-ganito rin kami (limot ko na yung tawag):

Tsaka eto limot ko rin ang tawag:


More tambay-chill-tulog photos:








Ka-chat din namin ang Mommy (lola). Naiinggit daw sya, sana daw ay sumama siya. Sayang super mag-eenjoy sigurado ang Mommy 🥺

Lunch na! Ang pinili ko for today ay yung fish wraps.





Nung hapon, merong banda. Ang galing nila. Nag-request kami ng mga kanta so enjoy na enjoy ang Mama. Kung nagtanong yung banda kung sinong gustong mag-jam baka nag-volunteer na ang Mama 😂





Nissin cup noodles
Since napapagastos na kami masyado sa restaurant nila, cup noodles na ang hapunan namin. Madami kaming dalang cup noodles kasi alam namin na medyo malayo kami sa kabihasnan so wala kaming choice kundi kumain sa restaurant nila. Eh 2 days pa kami dito, kung sa resto kami lagi kakain, baka maubusan na kami ng pampasalubong 😂

Pero bago yun, nag-swimming uli sila. Sa pool naman. Di na ko sumali kasi nakaligo na ko. Kakatamad maligo nanaman.

Sabi ni Tricia may meteor shower daw tonight. So matagal akong nakaabang pero wala naman akong nakita.

