April 23
Dito na kami lumabas ng resort. City tour ng konti tapos nag-river cruise. Hindi kami pumuntang Chocolate Hills. Sabi ng Mama ok lang naman daw kahit hindi namin puntahan.

Yoga + Breakfast
Gusto ko sana uli mag-gym kaso tinamad ako kasi ang layo. Nag-yoga na lang ako sa harap ng room namin. Wala namang tao tapos ang ganda ng view. Puro green tapos medyo tanaw mo yung dagat.

Pagkatapos non, breakfast buffet again! Sarap nanaman ng kain namin.

Nagkaron pa ng konting commotion sa mga outfits namin kasi kami ng Mama, color coordinated. Tapos hindi in-approve ng Mama yung outfit ng tita ko. May pinapahiram syang dress na white, mas maganda daw yun. Si Tricia naman, pink yung gustong isuot so super kakaiba sya saming tatlo kaya pinagpalit namin ng damit. Haha nakakatawa lang alalahanin.

Since all set na kaming dalwa ng Mama, nag-picture muna kami sa labas ng mga OOTD namin habang yung dalwa ay nagpapalit ng damit para maging color coordinated kaming apat 😆
Since hindi #IGMama ang Mama, sabi ko, “Mama pumindot ka lang ng pumindot.” Tapos natawa ko kasi biglang umimik ng, “O pak! Pak! Pak!” 🤣





City Tour

Nung palabas kami ng resort, nakita ng Mama ‘tong entrance ng South Palms. Nakisuyo sya dun sa driver namin na tumigil para magpa-picture 😁

First activity ay yung Loboc River Cruise. Dito na rin kami nag-lunch kasi kasama sa ticket yung buffet. Oks naman yung food. Sakto lang. Fun din kasi napapasayaw kami dun sa kumakanta ng mga oldies na songs.
Nung umaandar na, parang di ako nag-eenjoy dun sa view. Pero naisip ko baka naman pag medyo malayo na mas okay na. At yun nga, nung nakalayo-layo na kami, ang ganda na. Nakatayo na yung mga tao sa may unahan para makita yung views.






Pumunta kami sa Bee Farm after kaso under renovation sila. Konti lang yung accessible areas. At ang nakakalungkot, walang mga bees kasi na-destroy daw nung bagyo 😢



Enjoy pa rin naman kasi nakapaglakad-lakad kami sa ibang lugar tapos natikman namin ‘tong masarap na ice cream na nasa cassava cone. First time kong marinig yung cassava cone. Skeptical pa ko nung nakita ko pero ang sarap!

Lumipat kami dun sa isang farm, yung South Farm, pero wala rin kami masyadong nakita kasi may mga ginagawa pa rin. Sabi nung driver namin, bago pa lang daw nakakabawi ang Bohol since nung nasalanta sila ng bagyo.


Back to the Resort


Pagbalik sa resort, swimming uli sila. Nag-outfit lang ako pero di na ko nag-swimming. Kakatamad.


Eto na yung last night namin dito. Nag-dinner lang uli kami sa restaurant nila tapos gayak gayak na ng gamit bago matulog.



April 24
Last day!
Excited na kaming umuwi kasi pabalik na bukas ang mga pinsan namin sa UK. Bukas ng umaga ang alis nila tapos gabi pa kami makakauwi sa probinsya namin kaya konting oras na lang talaga ang meron kami. Pero kung wala kaming hinahabol at madaming budget, mas masaya kung mag-stay ng mga 2 days pa.

Bago mag-breakfast, nagyaya uli akong mag-gym tapos nagulat ako na sasama daw ang mga Mama 😄

2010 ako unang natuto mag-bike (22 y/o ako). Between 2010 and 2022, tatlong beses ko pa lang nagamit ang biking skills ko. Eto yung pangatlo. Nabangga ako dun sa mga kahoy pero di naman ako na-injury.





Bye Bohol





