6:30AM ako nagising ngayon. Ang sarap magbasa ng non-fiction sa umaga lalo kung self improvement books. It sets my day on a high note. Dapat talaga pinagiisipan ng mabuti ang morning routines. Kasi it can make or break your day.
My 6th book this month! Super duper proud of myself. Ngayon lang ‘to nangyari.
Yay tapos ko na! Kala ko hindi ko matatapos kasi first classic novel ko ‘to and super hindi ako sanay sa writing style (1813 sya na-publish). Hindi ko pa din napapanood yung movie nung sinimulan ko so nahirapan talaga ko kasi wala akong idea. Nung sinimulan ko, feeling ko hindi kaya ng comprehension ko yung mga ganito. Nakaka-intimidate. Kaya rin hindi ako mahilig magbasa ng classics.
Pero nag-attempt pa din ako kasi highly recommended sya ng mga members ng book club namin. The first 20% is a struggle. Ang hirap talaga i-absorb for me. Pero unti-unti syang nagiging interesting and na-overpower nung plot yung writing style.
QUICK AND TAMAD SUMMARY:
Merong 5 sisters at ang bida ay si Elizabeth Bennet. Ang one and only goal ng nanay nila ay maikasal ang mga anak nya sa matitinong mga lalake. Super plus points kung mayaman. And given the time period, I wouldn’t blamer her. In the process of finding suitable partners for her daughters, na-meet ni Elizabeth si Mr. Darcy. Good looking and mayaman si Mr. Darcy but Elizabeth hated his guts.
Nung around 80% na ko, pinanood ko yung movie pero hanggang dun lang sa parts na nabasa ko na.
Nag-order ako ng ready-to-blend smoothies sa Goodfood. Tapos nagkaron ako ng bright idea kasi ang dali lang naman palang gawin. So bumili akong fruits, yogurt at granola tapos pinaghalo-halo ko lang sa isang medium-sized container. Pag frozen na at gusto ko nang gawing smoothie, bubuhusan ko lang ng milk yung container hanggang medyo mapuno. Blend and voila!
Eto nilagyan ko ng kape
Ang sarap! Hindi ganun katamis. Hindi ko sya nauubos agad pero okay lang kasi kahit i-ref ko lang, masarap pa din sya kinabukasan.
Outlier
May bago akong video upload sa Youtube. Nakakapagod mag-edit. Siguro mahigit limang oras kong ine-edit yung 4-minute na video na ‘yon. Pag pinanood mo hindi halata pero seryoso. Nakaka-drain. Kaya napapaisip ako. Worth it ba? Although nage-enjoy naman ako. Napapaisip lang ako kung mas maganda bang i-divert ko na lang ang attention ko sa ibang bagay. May maganda naman syang naidulot. Natuto akong gumamit ng After Effects.
TUESDAY
Sobrang ang ganda nanaman ng sunrise nung Tuesday. Sarap titigan tapos blangko lang yung isip ko. Naka-focus lang ako sa ganda nung mga kulay.
May bago akong salad na sinubukan. Favorite ko ‘tong brand na to kasi ang sasarap ng salads nila tapos kakaiba yung ingredients. Eto merong crispy wild rice, dried cranberries, at crispy asian noodles. Masarap.
Nagpa-flu shot din kami. Ang sakit at ang bigat sa braso! Sana tumalab. Kasi nung last flu shot namin nilagnat din naman ako. Pero ayos na rin kasi libre naman.
Sa pharmacy kami nagpa-flu shot, dito sa baba ng apartment namin. Kala ko dati sa clinics lang talaga pwede. Buti na lang pwede rin dito kasi convenient and wala ding tao.
At since inspired ako ngayong week na ‘to na magpaka-healthy, gumawa din ako ng frozen banana bites.
Malapit nang maubos kaya mag-grocery kami bukas. Buti naka-leave si Kenneth ng Monday. Wala siguro masyadong tao kasi weekday. Sana. Naghigpit na kasi uli dito kasi sobrang tumataas na ang cases. Hays. Gusto ko na ulit makauwi ng Pilipinas.
Booktube. Naghahanap ako ng bagong idadagdag sa TBR list ko.
WEDNESDAY
Sa daming beses kong nag-crack ng itlog, first time kong nakita ‘to. May dugo! So nag-Google ako kung delikado bang kainin kasi ready na kong itapon.
Pero safe naman daw.
Blood spots are uncommon but can be found in both store-bought and farm-fresh eggs. They develop when tiny blood vessels in the hen’s ovaries or oviduct rupture during the egg-laying process. Eggs with blood spots are safe to eat, but you can scrape the spot off and discard it if you prefer.
Since safe naman, nag-move on na ko para gumawa ng frittata cups.
Eto yung mga araw na ang sipag ko ulit magluto. Isang motivation dun eh dahil nagtitipid kami. Nung mga nakaraang months kasi sobrang hagad namin sa deliveries. Eh nung palaki na ng palaki yung bayaran sa credit card, natauhan na ko. Malapit nang magpasko. Gift giving nanaman. Kelangan ng budget. At hindi pa din ako ganun ka-satisfied sa savings namin. Kaya kelangan magtipid-tipid.
Dessert
Peanut butter filling
THURSDAY
Inuubos ko na lang yung binili kong smoothies. Ang weird netong smoothie na ‘to kasi may berries tapos may kale. Parang hindi bagay. Pero nung blended na, hindi mo na rin naman malalasahan yung kale. Kaya baka gawin ko din ‘to para extra healthy yung smoothies.
Lactose intolerant ako. Hindi ako nagiinarte 😆
Leftover sesame salad at pizza. Hilig ko talaga sa healthy + unhealthy combo.
FRIDAY
May sinimulan akong bagong series. For more than 2 weeks hindi ako nanood ng Netflix. Siguro hindi pa ko nakaka-move on sa huling series na natapos ko (Modern Family). Tapos bigla kong naisipan maningin ng palabas. Just in case may magustuhan ako. Madaling araw na ‘to siguro 1AM na. Tapos nakita ko yung Gilmore Girls.
Naririnig ko na ‘to lagi. Alam kong popular sya. Pero ngayon ko lang sinubukan. Ang cute nya. Medyo ang annoying lang ni Lorelai pag nagiging childish sya. And bakit halos lahat ng dialogue ng characters eh puro sarcasm? Uso siguro noon. Pero minsan ang annoying na. Hindi talaga sila nauubusan ng sarcastic remarks. Pero nag-eenjoy naman ako. Buti may nahanap na uli akong series na mapapanood pag gusto kong mag-chill.
May bago kaming delivery from Hello Fresh. Eto yung mga meal kits naman na portioned na yung ingredients so walang nasasayang. And pag tamad kang magisip ng lulutuin.
Yung meal na ‘to ay kakaiba. First time kong gumawa ng something na ganito. Yun din yung gusto ko minsan sa mga meal kits kasi nakakapag-explore ako ng iba-ibang recipes tapos nakaka-encounter ako ng mga kakaibang ingredients. Tulad nitong sage.
Tapos sobrang cute nitong mini jar ng apricot jam!
Porkchop na may apples, raisins and sage filling
Masarap naman sya. Matamis. Kaya ko din siguro nagustuhan. Ang weird lang talaga kasi yung gravy may apple din.
May dumating din kaming package. Kala ko ba nagtitipid?! Haha! Pero eto naman ay na-order ko na bago pa yung realization ko na kelangan mag-tipid. Tsaka useful naman ‘to tsaka for the health (defensive much?).
Eto yung 3-layer mask. Kasi may nabasa ako na ideal daw na 3 layers yung mask. So naghanap ako at nag-order. Paubos na din yung disposable masks namin kaya okay din na may ganito kami na washable.
Wadap.
Yung last two items naman sa package ay pang-topping sa yogurt. Ang lakas kasi ng influence ni Jenn Im (Youtuber). Lagi kong nakikita sa yogurt nya yung cacao nibs and goji berries. Gusto kong i-try kase parang ang sarap at ang healthy.
SATURDAY
Nag-snow nanaman ng medyo malakas. Feeling ko tuloy tuloy na ‘to. Medyo decided na ko na ayaw ko munang mag-road test para sa driver’s license ko. Na-trauma na ko sa snow.
Feel na feel ko ang pagbabasa with my salad and snacks and yogurtwithcacaonibsandgojiberries 😂
SUNDAY (today!)
Done with our book of the month! And na-achieve ko na rin finally yung reading goal ko this year 😊
Sarap ng ulam ko. Bangus from Mama Nors tapos nag-sauté lang ako ng spinach at yung Beyond Meat sausage. Kung masarap sana yung vegan sausage na ‘to bibili sana ako ulit eh. Kaso hindi. Ang hirap maging healthy huhu.
Buti hindi kumakain si Kenneth ng taba mwahaha it’s all mine
A ship is set to sail to Amsterdam to transport a super valuable and mysterious thing called ‘The Folly’. But someone is wreaking havoc and the passengers are relying on Samuel Pipps (world’s greatest detective) and Arent Hayes (his loyal bodyguard) to uncover the culprit. Thing is, Samuel is being held prisoner, so Arent has to step up and do the investigating himself.
This book is an adventure. Na-inlove ako dun sa setting and how the author narrates the story. It’s as if I’m there as a passenger enjoying the sea breeze, watching the dolphins, and being amused and entertained by sailors fighting. Super fond of how the author describes scenes.
Dusk arrived in ribbons of purple and pink, a few stars puncturing the sky. There was no land in sight. Only water.
I also liked how the chapters were short. My Kindle is set to show how many minutes each chapter would take to read, and most of the time it would show ‘5 mins left in chapter’, sometimes even 1 minute. So whenever I see that the next chapter would only take 2-6 minutes to finish, the tendency is to read “just one more chapter”.
I can’t remember being bored reading this book. Impatient maybe. Kasi gustong gusto ko nang malaman kung sinong nag-devise ng plan to sabotage the ship! They all seemed so innocent. Sobra.
Also, this is our book club pick for November.
START OF SPOILERS
Una kong hula ay si Vos. Ang creepy nya kasi pero parang ang obvious masyado. Kaya napunta naman ako kay Sara. Kasi she seemed so kindhearted. Kaya naiisip ko na baka may surprise sa huli na masama pala sya. And sobrang hate nya din pala yung asawa nya (justifiably so) kaya hindi pa rin talaga sya lusot. Gustong gusto na nyang makawala kay Governor General. So andun yung motive. Kahit nung nasa island na sila sya pa din yung primary suspect ko 😂
Naisip ko pa na, with the urge from Sara, si Lia ang nag-plano ng lahat. Kasi nga Promil kid sya. And at one point naisip ko rin na baka related si Lia kay Samuel Pipps kase pareho silang gifted. Mali nanaman!
Yung mga gripping scenes dun sa book is yung storm and nung nagkakagulo na. Feel na feel ko yung chaos. Nung una diba parang adventure lang tapos after mangalahati, puro patayan na. Nagulat ako nung pinatay yung Captain. Napaisip tuloy ako bakit nga ba nag-deviate sa plan si Crauwel? Magtatanong pala ko sa book club Discord.
Kaya naman kase hindi ko napagkamalan si Creesjie, kasi yung pinapakita nyang character is someone who only cares about having a wealthy husband. So I only perceived her as a simple minded woman who’s a gold digger and cares too much about her looks. Tsaka diba nagpakita sya ng interest kay Vos nung nag-propose sya and promised her a comfortable life. It’s all an act pala. Kaya rin nasa baba sya ng list ko of suspects gawa dun.
Mas mataas si Pipps sa suspect list ko kesa kay Creesjie. Pero sa isip ko kasi, sobrang imposible na maging involved sya kasi nga nakakulong sya. Sobrang pa-victim pati nya. Ang hirap din maging sobrang suspicious sa kanya kasi nung binigay yung background nya sa una, akala mo yun na ‘yon. Not until nung na-reveal sa huli yung totoong family history nya. Tapos yung Saardam pala is specifically designed para makalabas sya sa kulungan nya. Tss.
Anyway, nung hindi pa nari-reveal ang lahat, nag-panic ako dun sa fake act ni Isabel. Kala ko talaga totoo! In fairness kay Sara and Arent naisip pa nila ‘yon.
RATING [4 🌟]
While I enjoyed almost everything and sobrang nakakaloko yung culprits, I feel like the ending is the weakest point in the book. Hindi ako super na-satisfy dun sa execution nung reveal. And yung ending, parang, ganun na lang ‘yon? But I must say it’s still worth reading kahit medyo let down yung ending.
Nakakaasar yung magkapatid kasi halos walang remorse. Mej nakakaasar din yung sobrang curiosity ni Sara and Lia nung ina-unfold na nung magkapatid kung pano nila na-execute yung devious plans nila. Parang may halong wonder pa nga. Mas nangibabaw yung curiousity nila kesa sa galit.
Although ang intention talaga is to kill Jan Haan, ang dami pa din nadamay na tao. Plus the animals huhu. Mapapatay pa ni Vos si Arent. So parang hindi ako ganun ka-agree na walang justice. Naging “Let’s just forgive and forget and form a star-studded group.” na lang.
QUOTES
I chuckled at this:
“What brings fine sirs like yourselves down to the arse end of the ship?” asked the constable, putting a dried piece of fish into his mouth. Far as Arent could tell, there wasn’t a single tooth waiting for it.
Power should be a burden, not a shield. It should be used to everybody’s betterment, not merely for the person who wielded it.
Sara: Courage isn’t an absence of fear. It’s the light we find when fear is all there is.
Sammy had once told him that love was the easiest thing to spot, because it didn’t look like anything else. It couldn’t hide itself, it couldn’t disguise itself, it couldn’t go unnoticed for very long.
Ang nostalgic ko kanina kasi nag-oorganize ako ng hard drive ko. Inaayos ko per category like ‘Family’, ‘Kenneth’, ‘Friends’ tapos per category, naka-organize per year and month. Like this:
Sobrang dami ko pang kailangan i-sort. Siguro nasa 25k photos pa or more. Tumigil na muna ko. Ang sakit na sa mata.
Ang saya talagang mag-reminisce. Kahit wala na ang Daddy (lolo ko), natutuwa ako pag nakikita ko yung mga photos nung andito pa sya. And pasalamat ako sa sarili ko non na nag-take ako ng pictures nung mga moments na ‘yon.
Noong digicam days, college days ko ‘yon, sobrang obsessed ako sa pictures. Kung nabasa nyo yung post ko na Fleeting Dreams, kahit ano talaga pini-picturan ko. Feeling ko pati ang galing galing ko. Pero nung nawala na sa uso yung pi-picturan mo yung bawat event, bawat inuman, bawat lahat, na-conscious na kong mag-take ng pictures. At pinagsisisihan ko yun kasi minsan, yung mga uneventful ganaps ang nakakatuwang balikan.
Ngayon, ang pictures na lang na nasa phone ko eh puro pusa namin at mga niluluto ko. Ang rare na namin mag-picture ni Kenneth kasi duh, palagi lang naman kami andito sa bahay. Pero minsan pala magpi-picture ako. Pandagdag lang sa memories. Tapos gagawa ako ng baduy na slideshow ireregalo ko sa anniversary namin 😂
Naisip ko din na gumawa ng mga throwback blog post (eto nanaman ako sa mga blog post series ko). Kukuha ako ng random photo sa hard drive ko tapos ita-try ko alalahanin yung nangyari nung araw na ‘yon. Parang ang saya non. Simulan ko na pala ngayon. Papapiliin ko si Kenneth ng year and month. Tapos random category.
March 16, 2013
So eto ako. Kumakanta kasama ang banda ko sa B-Side. JOKE. So eto si Sarah Gaugler. Pero ang reason talaga ba’t ako umattend ng gig na to eh gawa ni Saab kasi nga girl crush tapos reader ako ng blog nya etc. First time ko din sya ma-meet so ang saya ko nung gabi na ‘to. Pero parang nagka-issue ata si Saab at yung kapatid ni Sarah Gaugler. Haha basta may nabalitaan akong ganun.
So kasama ko si Nick dito. Si Kenneth malamang nasa Cebu for work. So eto ata yung mga times na kinupkop ko si Nick ng ilang months. Tapos nung nabalitaan kong nasa B-Side si Saab para mag-host ng gig, niyaya ko si Nick kasi malapit lang samin. Si Candy ata yung co-host nya. Hindi pa sila Cheats. Isingit ko na din yung pic namin ni Saab kahit sobrang nakakahiya sa balat nya.
Tapos naging crush ni Nick si Sarah Gaugler 😂
Ang hot nga naman kasi ni Sarah Gaugler nung gabi na ‘to. Tas nagustuhan ko din yung music nila.
Wala na kong masyadong maalala nung gabi na ‘to. Hindi ko na din alam kung sino pang mga tumugtog kasi sila lang dalwa yung kinunan ko ng pics. Ang goal ko lang talaga nung gabi na ‘to eh magpapicture kay Saab. And it’s a success! 😂
Yun lang! Magbabasa na ko ng BOTM namin. Gusto ko nang matapos kasi malapit lapit na rin ang discussion.
Since madalas na kong tumambay dito sa blog ko, inaayos ko yung mga categories ng every post para mas organized and mas madaling magpaka-senti pag feel kong mag-reminisce. Tapos nakita ko yung post ko nung October 2017. Ang title ay Art Day Fun Day + I’ll Be Careful on October 2020. Tapos bigla kong naalala kung bakit. Kasi every October… Pano ko ba i-eexplain. Basta 3 years yung interval ng mga hindi magandang kaganapan tapos nangyayari sya every October 22. Nagsimula nung 2011 tapos may nangyari ulit nung 2014 (the worst!) tapos nung 2017 ulit.
An excerpt from that post
So napa-check tuloy ako kung anong ginawa ko nitong October 22, 2020. At sakto meron akong blog post on that day. Pero wala namang nangyari, sobrang uneventful. Haha. Nanood lang ako ng documentary ng BLACKPINK tapos konting hanash lang sa buhay. The curse is broken!!!
In the beginning part of the book, the author discussed how our society, our culture, our families and relationships shape our beliefs and identities. That we didn’t have a choice when we were little. And now that we’re older, he is challenging us to question these beliefs/practices or these “agreements”.
Another thing he talked about is how sometimes people just go with the flow to gain approval in order to have a sense of belongingness. Which is a natural thing for humans. Sabi nga ni Aristotle, we are social animals. But he also challenges that. Like saying no if we want to say no. Or attempting to ask even if it meant rejection.
For about 3 weeks now, I have been spending a lot of time away from social media. So ang dami kong na-free up na time. And ang naging result non ay ang dami kong nabasang libro (mostly non-fiction), ang dami kong na-encounter na YT videos na thought-provoking, at eto, ang dalas ko na lalo magsulat sa blog ko. I try to minimize muna yung panonood ko ng mga videos na ang sole purpose ay mag-entertain. Ewan ko. Feel na feel ko lang ang self-improvement these past few weeks. Why not.
So naisip kong mag-list ng four videos na nagkaron ng magandang contribution sa buhay ko recently. Parang ang naging theme netong November sakin ay self-awareness and self-improvement. Na feeling ko mawiwirdohan yung mga may kilala sakin kasi medyo not very like me. Nevertheless, nagsimula ‘to sa first YT video on this list:
JENN IM | 10 Books You Need to Read
So dito nga nagsimula ang lahat. Feeling ko kung hindi sya YouTuber, ang galing nyang saleswoman. Bentang benta sakin lahat ng books na ni-recommend nya. I’m sure naka-encounter na kayo ng YouTuber na annoying pero hindi sya ganon. Ang totoo nya lang magsalita and yung perkiness nya sa videos is just the right amount.
Kaya din ako na-attract sa channel nya kase may mix of cooking, life tips, self-reflection and yun nga, book recommendations. I think yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya eh yung vulnerability nya. Dahil sa video na ‘to, binasa ko agad yung Digital Minimalism and as mentioned a couple of times already dito sa blog ko, life-changing sya for me. At kaya rin ako nakagawa ng 5-part review (more like a book report) about sa book na yon. You can read it here.
2. ANNA AKANA | 5 Things to Stop Bragging About
Super nakakatawa ‘to. This video is a double-edged sword. Ang dami kong kilalang ganito pero at the same time, natamaan din ako dun sa isang minention nya. Nagagawa ko pala yun minsan and salamat dito kasi mas naging aware ako 😅
Yung na-attack ako is one-upping yung sinabi sakin ng kausap ko. Pero hindi ko nari-realize na ganun pala yung effect and wala sa consciousness ko na nilalamangan ko yung sinasabi nya sakin. Yung tumatakbo kasi sa isip ko pag ganun is, “Ay relate ako jan. Eto naman sakin blah blah…” Yun na kasi yung default response ko for the longest time and gusto ko lang din mai-share sa kanya yung similar experience ko. Pero. Natutunan ko nang mag-shut up. Gine-gauge ko na lang din yung conversation na, “Okay, this is her moment. Hindi ko kailangan laging isingit yung thing ko.” Una ko ‘tong na-realize nung may gumawa din sakin nito. Ang annoying pala 🤣
Yung isang nakakatawa is yung bragging about something na wala sya pero meron syang kakilala na may ganun. Ilang beses ko na ‘to na-encounter at natatawa ko pero yung iba nakakaasar. I have 3 examples:
Niyayabang nya na ang laking kumita nung kakilala nya and the way nyang i-kwento is parang sya yung kumikita ng malaki. And nung time na naguusap kami, ang irrelevant na ikwento nya ‘yon kasi hindi naman napunta dun ang usapan. Gusto nya lang iyabang yung kinikita ng officemate nya with the intention of impressing us. Although na-impress nga ako. Hahaha. Pero later na-realize ko, ang labo nung ginagawa nya. So isa ‘yon.
Yung isa naman is something about sa gadgets. Bumili kami ng robo vacuum. Tapos sabi sakin nung isa, “Ah yung sa kakilala ko may WiFi capabilities yung robo vacuum nila tapos naka-program yung layout ng buong bahay nila.” Eh di wow.
And yung isang pinaka naasar ako kasi may pagka-personal. Pero lipas na naman ‘to. Bigla ko lang naalala nung napanood ko yung video. Yung friend ko sa Pinas nagtanong sakin kung bakit daw kami sa Canada nag-migrate and hindi sa US. Na-bring up kasi sa conversation namin yung common friend namin na nasa US and siguro ang nasa isip nya ay, “US is the place to be! US or nothing!” So parang ang yabang pero yung friend naman namin ang nasa US hindi sya. And mase-sense mo kasi kung tinanong lang nya for informational purposes or may ini-insinuate kasi sa phone kami magkausap, so dinig ko yung tone of voice. May malicious intent. Ayun haha. Hindi ko maiwasang hindi ma-offend. Eh ano naman kung Canada? Eh ano kung US? Eh ano kung Dubai, UK, Singapore or kahit saang bansa pa yan? Eh sa eto yung posible samin eh. And sobra sobrang grateful kami dun. Hindi ko naman sya pinapakelaman sa gusto nya. Sabi nga ni Jonel kay De Lima, “Walang basagan ng trip.”
Okay masyado na kong na-carried away. Hahaha. Good vibes lang dapat eh. Eh kahit gano naman kadaming self-help books ang basahin ko, tao lang naman tayo. Mahina din. “At least I’m tryinggg” 🎵 (to the tune of ‘this is me trying’ by Taylor Swift).
3. ALI ABDAAL | How Stoicism Made Me Happier
Unlike the two videos above na very conversational and parang barkada lang yung kausap, etong third YouTuber is yung mga tipo ng tao na marinig mo pa lang magsalita, alam mo nang henyo. Pag ganito yung mga kausap ko mai-intimidate agad ako. At doctor din kasi sya so medyo technical din syang magsalita. Plus nakatulong din yung British accent nya. 😂
So yung diniscuss dito is about the principles of Stoicism. Na encounter ko na yung word na ‘stoic’ nung college student ako. Parang nabanggit sya as isang symptom of a mental condition. Hindi ko alam na ginagamit din pala sya as something na philosophical.
As discussed sa video, it’s about not focusing on things we cannot control but instead focusing on the things that we can. I’m sure we’ve encountered this phrase before. Pero may mga times lang talaga na kahit alam mong sobrang tama nung sinabi, walang masyadong dating sayo so nalilimutan mo agad. It’s either hindi ganun ka-impactful yung pagkakasabi or you just choose to snub the thought in that moment. But there are times that it just hits you. Like now. Pwedeng kasi sobrang engaging lang talaga nung nagsabi or kasi kelangan mo yung advice na ‘yon right at that moment kaya mas madaling i-absorb.
So siguro nung pinanood ko ‘to kanina, nasa mental state ako na accepting yung utak ko and siguro kasi napapanahon din. Gusto ko yung part na, may mga times daw talaga na we cannot control our initial reaction and they call it ‘proto-passion’. Diba pang matalino.
So for example nasira ng pusa ko yung cable ng charger ko. Nginatngat nya tapos naputol (nangyari pala talaga ‘to). Ang proto-passion ko is “Waaaa anong ginawa mo??” Pero after non matatawa na lang ako and hindi ko naman ip-punish yung pusa ko. So proto-passions (gustong gusto ko na talagang gamitin yung word) are okay. It’s something involuntary and natural. Pero your action after that involuntary reaction is the one that matters. Kasi meron ka nang choice after non. Choice mo bang magalit o kumalma? Choice mo bang dibdibin o intindihin? Pero sa mga extreme situations mahirap ‘to i-apply.
Another principle na sobrang tumama:
We suffer more in our imagination than in reality.
Seneca
I am an overthinker. That’s why therapeutic sakin ‘tong blog kasi naiilabas ko kahit anong gusto ko. More than a decade ko na ‘tong ginagawa and nakatulong talaga sya sa mga moments na malungkot ako or anxious ako.
Pero ngayon, iniiwasan ko nang maging overthinker and I think successful naman. Thank you sa mga librong nabasa ko at sa mga videos na napanood ko this November. Kaya mahilig din akong mag-share ng mga kung ano-ano kasi baka kelangan din ng iba.
4. TED | The Power of Vulnerability by Brené Brown
So this one is a TED Talk. I suggest listening to their podcast as well for other powerful talks like this and if you enjoy tech and science-y stuff like I do.
So Brené Brown talks about how vulnerability will connect us and free us. Vulnerability in a sense that she encourages us to speak our truth and have the courage to show our imperfections no matter how vulnerable it makes us feel. Because there is beauty in vulnerability. My favorite quote from her talk:
I know that vulnerability is kind of the core of shame and fear and our struggle for worthiness. But it appears that it’s also the birthplace of joy, of creativity, of belonging, of love.
Sobrang entertaining and engaging pati nyang magsalita. Kung may favorite ako sa mga videos na napanood ko recently, eto ‘yon.
The fact na naisip kong basahin ‘to, ibig sabihin andun na yung desire ko na i-improve yung good habits ko and i-eliminate as much as possible yung bad. Pero the beginning part of the book still provides more encouragement to increase your desire to improve. And gusto ko yun kasi once I implement the steps, mas may conviction behind it. Mas mapapangatawanan ko kumbaga.
Madaming tips and strategies yung book para ma-cultivate yung good habits. Madami ring examples pero of course, some or most of the examples wouldn’t apply to my life. So kelangan ng extra effort para makaisip ka ng iba-ibang ways para ma-apply yung strategies na yon sa buhay mo mismo.
THINGS I LEARNED:
Link your identity to the good habits
You might start a habit because of motivation, but the only reason you’ll stick with one is that it becomes part of your identity.
I think eto yung pinakang tumatak sakin. Kase everytime na maf-frustrate ako sa sarili ko kasi hindi ko nagagawa yung mga sinasabi kong gagawin ko, yung internal monologue ko lagi is, “Wala, ganito na talaga ako. Procrastinator talaga ako. Sa una lang ako magaling.” I identified myself as lazy. When in truth, our identities are not set in stone sabi nga dun sa book. We can edit our identities. Hindi naman ‘to touch move. We can improve. Hindi pwede yung mags-settle na lang ako dun sa paulit ulit kong sinasabi na tamad ako. May choice akong baguhin yung identity ko for the better and stop making excuses like, “Ganito na kasi talaga ko.”
You may want more money, but if your identity is someone who consumes rather than creates, then you’ll continue to be pulled toward spending rather than earning. You may want better health, but if you continue to prioritize comfort over accomplishment, you’ll be drawn to relaxing rather than training.
Kahapon, hindi naging maganda ang driving lesson session ko. Sa sobrang stressed ko at dahil ngayon na yung road test ko, naiyak ako habang kinekwento kay Kenneth. Siguro yung pent up nerbyos ko, kahapon lumabas. Pinapaulit ulit ko na lang na sinasabi na, “Eh di kung bumagsak ako, may 2nd take naman and 3rd and 4th and so on. Tsaka hindi naman sobrang kailangan na magka-license ako ngayon kasi work from home naman kami pareho.” Tapos sabi ko din na, “I-eexpect ko na lang na bagsak ako para mawala yung pressure.” Pero hindi umeepek. Stressed pa din ako.
Kasi ang totoo, super gusto ko talagang pumasa. Gusto ko na ‘tong matapos. Gusto ko din ipagyabang na first take ako kasi si Kenneth at yung mga pinsan kong lalake at yung tito ko rin, naka-second take. Gusto ko na rin makapag-drive din talaga kasi si Kenneth tamad mag-drive. Pag meron akong gustong puntahan na trip ko lang and walang ibang purpose, most of the time tinatamad sya. So madaming benefits kung makapasa ako.
Pero, naisip ko ngayong umaga habang nagbabasa ako, na kung bumagsak ako, ang ibig sabihin lang nun ay: hindi pa talaga ko ready mag-drive. Kung bumagsak ako, ibig sabihin, hindi pa enough yung driving skills ko para maging less prone ako sa aksidente. So bakit ko gugustuhing pumasa kung hindi pa naman talaga ko ready? Sabi nga ng kuya ko during our almost everyday video calls, isang reason daw siguro kung bakit ang daming pasaway na drivers sa Pinas ay dahil dinaya yung pagkuha ng lisensya. Unlike dito na legit talaga. Makes sense. Dito disiplinado. Rare kang makarinig ng busina. Nagbibigayan pati madalas.
At isa pa, driving test lang naman ‘to. Hindi naman ‘to board exam na talagang masakit sa puso kung bumagsak ako.
Yun kasi ang mahirap pag gustong magmayabang. Since ang dami kong narinig na kwento na sila ay naka-second take, gusto kong maging angat at ipagyabang na nakuha ko sya sa first take. Kayabangan naman pala ang umiiral. O eh di ngayon, na-sstress tuloy ako dahil sa kayabangan ko. Hahaha. Yun lang pala yun.
May final driving lesson ako in 25 minutes so magre-ready na ko maya-maya. Tapos few hours after road test ko na. Badtrip nag-snow pa. Madulas ang kalsada. Hays we’ll see!!!
UPDATE:
Yung snow talaga yun eh!😆
Bagsak si yabang. Hahaha. Yung mali ko is dumulas ako sa snow. Dapat daw mas pinabagal ko pa yung sasakyan nung paliko ako. Dumulas tuloy ako. Badtrip kasi. Kahapon naman walang snow. Kung wala sigurong snow baka may chance pang pumasa ko. Oh well.
Tapos may kasabay ako mag-road test. Babae din na mas matanda lang siguro sakin ng konti. Mas nauna sya sakin tapos bumagsak din. Ang masaklap, birthday nya ngayon 😅 Haha ang sad. Bigo kami pareho.
Pero ang nakakasama ng loob ay hindi yung pagbagsak ko. Masama ang loob ko kasi gastos nanaman pag nag-road test ako uli. $110 din yun. Mga 4k sa peso. Sana maipasa ko na sa next para di aksaya sa pera 😭