Categories
Books Life TV

Morning Routines + Online Courses + Current Reads

Every morning eto na ang naging routine ko:

  • Gising + Poop
  • Feed kitties
  • Scoop litter box
  • Drink water
  • Make bed (kung gising na rin si Kenneth)
  • Read non-fiction
Another beautiful sunrise

6:30AM ako nagising ngayon. Ang sarap magbasa ng non-fiction sa umaga lalo kung self improvement books. It sets my day on a high note. Dapat talaga pinagiisipan ng mabuti ang morning routines. Kasi it can make or break your day.

As mentioned before, nung habit ko pa na phone agad ang hawak ko pag gising na pag gising ko sa umaga, very much likely naaapektohan yung mood ko. Feeling ko nara-rush ako. Bombarded ako agad ng mga outside ganaps. Tapos pag-check ko ng Messenger at may mga unread messages, may urge akong mag-reply agad. Tapos I find myself na parang nakapako sa kama, chatting while browsing Instagram or checking e-mails. Ngayon ko na-iimagine na ang chaotic sa utak nung ginagawa ko noon. Kaya ngayon super enjoy ko ang slow mornings.

Ang binabasa ko ngayon na non-fiction ay A Guide to the Good Life: The Ancient Art of Stoic Joy by William B. Irvine as recommended by Pearl, one of our book club members. Nag-eenjoy ako sa bagong insights. At feeling ko, match kami ng Stoicism. Parang ang hirap lang nya i-practice kasi for so many years ganito na yung way of life ko. Pero determined ako na subukan.

May mga days na gusto ng brain kong mag-chill at mag-give in sa mga unnecessary pleasures. So nung isang araw, I started watching RuPaul’s Drag Race. Aware ako dun sa hype nya when it started pero hindi lang ako interested that time. Nag-success ako sa goal ko na mag-chill kasi it was really entertaining. Parang si Nina Flowers ang favorite ko and si Rebecca (?). Naka-isang episode lang ako. I’ll save the rest sa mga tamad days ko.

[Feel ko mag-Taglish ngayon pero yung next paragraph ay few days ago ko pa sinulat tapos feel ko mag-English that time. Ang weird lang nung transition pero tinatamad na ko i-edit.]

I also started a new online course from Harvard’s array of free online courses. I had former knowledge of this offering but when I heard about it in a podcast yesterday, I immediately checked their website and tried to look for a course that would be interesting and helpful at the same time. That’s why I chose Rhetoric: The Art of Persuasive Writing and Public Speaking.

So far nagugustuhan ko yung course kasi sobrang interesting nya sakin. May option din na mabigyan ng certificate para mailagay sa resume and Linkedin pero may bayad. 170 USD. Mahal! Pero oks lang naman sakin na walang certificate. Importante sakin ay yung free knowledge.

Tapos may recorded lectures din from the professor na gumawa nung course. Feeling ko isa ko dun sa mga Harvard students na nakikinig. Lol. Ang galing nung prof, super engaging. Ang dami kong notes from the lecture. Sobrang enthusiastic kong matuto ng kung ano-ano ngayon. Sana ganito ko ka-eager nung college ako.

Yung fiction novel naman na binabasa ko ay A Feast for Crows by GRRM. Sya yung fourth book sa A Song of Ice and Fire series. Actually wala ako sa mood talaga magbasa sa ngayon about Westeros, pero gusto ko nang ma-clear yung ‘currently reading’ list ko sa Goodreads. Natapos ko na yung Pride and Prejudice na medyo natagalan din akong tapusin, so ngayon eto naman.

Ang haba rin kasi! 1,061 pages tapos 27% pa lang ako. Pero itutuloy ko na kahit ang daming fiction books na mas interested akong basahin ngayon. Pag kasi nagsimula nanaman ako ng isa pa na book, baka lalo kong hindi matapos. Pero sobrang saya ko this month kasi nakatapos ako ng anim na libro! Major achievement for me. Ngayon lang nangyari ‘to. Laking tulong talaga nung book na Digital Minimalism.

Kaya naman for the first time ever, na-meet ko yung reading challenge ko sa Goodreads! I set to read 15 books this year and so far naka-16 na ko. Feeling ko kaya ko pang dagdagan ng tatlo. So next year 25 books yung goal ko. Hihi so exciting!

3 books ahead of schedule!

And since nagustuhan ko yung Pride and Prejudice (5 out of 5 🌟), nagka-interest ako sa iba pang classic novels. Tapos bigla kong naging trip magkaron ng physical copies. Na-checkout ko na, na-charge na yung credit card ko. Pero…

My potential haul

Pero bigla akong napaisip kinabukasan. Kelangan ko ba talaga ngayon ng physical copies as in now na? May pambili ba talaga ko? May paglalagyan ba ko? So nahimasmasan ako at kinancel ko yung order. Haha buti pwede pa i-cancel. Next time na lang pag may enough pera na talaga pambili. Bastos kasi ng mga Black Friday sales. Nakaka-tempt.

Kakain na ko.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s