Kahapon, hindi naging maganda ang driving lesson session ko. Sa sobrang stressed ko at dahil ngayon na yung road test ko, naiyak ako habang kinekwento kay Kenneth. Siguro yung pent up nerbyos ko, kahapon lumabas. Pinapaulit ulit ko na lang na sinasabi na, “Eh di kung bumagsak ako, may 2nd take naman and 3rd and 4th and so on. Tsaka hindi naman sobrang kailangan na magka-license ako ngayon kasi work from home naman kami pareho.” Tapos sabi ko din na, “I-eexpect ko na lang na bagsak ako para mawala yung pressure.” Pero hindi umeepek. Stressed pa din ako.
Kasi ang totoo, super gusto ko talagang pumasa. Gusto ko na ‘tong matapos. Gusto ko din ipagyabang na first take ako kasi si Kenneth at yung mga pinsan kong lalake at yung tito ko rin, naka-second take. Gusto ko na rin makapag-drive din talaga kasi si Kenneth tamad mag-drive. Pag meron akong gustong puntahan na trip ko lang and walang ibang purpose, most of the time tinatamad sya. So madaming benefits kung makapasa ako.
Pero, naisip ko ngayong umaga habang nagbabasa ako, na kung bumagsak ako, ang ibig sabihin lang nun ay: hindi pa talaga ko ready mag-drive. Kung bumagsak ako, ibig sabihin, hindi pa enough yung driving skills ko para maging less prone ako sa aksidente. So bakit ko gugustuhing pumasa kung hindi pa naman talaga ko ready? Sabi nga ng kuya ko during our almost everyday video calls, isang reason daw siguro kung bakit ang daming pasaway na drivers sa Pinas ay dahil dinaya yung pagkuha ng lisensya. Unlike dito na legit talaga. Makes sense. Dito disiplinado. Rare kang makarinig ng busina. Nagbibigayan pati madalas.
At isa pa, driving test lang naman ‘to. Hindi naman ‘to board exam na talagang masakit sa puso kung bumagsak ako.
Yun kasi ang mahirap pag gustong magmayabang. Since ang dami kong narinig na kwento na sila ay naka-second take, gusto kong maging angat at ipagyabang na nakuha ko sya sa first take. Kayabangan naman pala ang umiiral. O eh di ngayon, na-sstress tuloy ako dahil sa kayabangan ko. Hahaha. Yun lang pala yun.
May final driving lesson ako in 25 minutes so magre-ready na ko maya-maya. Tapos few hours after road test ko na. Badtrip nag-snow pa. Madulas ang kalsada. Hays we’ll see!!!
UPDATE:

Bagsak si yabang. Hahaha. Yung mali ko is dumulas ako sa snow. Dapat daw mas pinabagal ko pa yung sasakyan nung paliko ako. Dumulas tuloy ako. Badtrip kasi. Kahapon naman walang snow. Kung wala sigurong snow baka may chance pang pumasa ko. Oh well.
Tapos may kasabay ako mag-road test. Babae din na mas matanda lang siguro sakin ng konti. Mas nauna sya sakin tapos bumagsak din. Ang masaklap, birthday nya ngayon 😅 Haha ang sad. Bigo kami pareho.
Pero ang nakakasama ng loob ay hindi yung pagbagsak ko. Masama ang loob ko kasi gastos nanaman pag nag-road test ako uli. $110 din yun. Mga 4k sa peso. Sana maipasa ko na sa next para di aksaya sa pera ğŸ˜