Concert day! Ang dami ko nang na-witness na friends at kakilala na naka-attend na ng concert or music festival. Yung bunso nga naming kapatid naka-ilan na. Kaya parang for me, as a 33-year old music lover, medyo na-late ako. Pero it’s never too late naman. And I experienced it for the first time nung Friday!
Ang nostalgic ko kanina kasi nag-oorganize ako ng hard drive ko. Inaayos ko per category like ‘Family’, ‘Kenneth’, ‘Friends’ tapos per category, naka-organize per year and month. Like this:
Sobrang dami ko pang kailangan i-sort. Siguro nasa 25k photos pa or more. Tumigil na muna ko. Ang sakit na sa mata.
Ang saya talagang mag-reminisce. Kahit wala na ang Daddy (lolo ko), natutuwa ako pag nakikita ko yung mga photos nung andito pa sya. And pasalamat ako sa sarili ko non na nag-take ako ng pictures nung mga moments na ‘yon.
Noong digicam days, college days ko ‘yon, sobrang obsessed ako sa pictures. Kung nabasa nyo yung post ko na Fleeting Dreams, kahit ano talaga pini-picturan ko. Feeling ko pati ang galing galing ko. Pero nung nawala na sa uso yung pi-picturan mo yung bawat event, bawat inuman, bawat lahat, na-conscious na kong mag-take ng pictures. At pinagsisisihan ko yun kasi minsan, yung mga uneventful ganaps ang nakakatuwang balikan.
Ngayon, ang pictures na lang na nasa phone ko eh puro pusa namin at mga niluluto ko. Ang rare na namin mag-picture ni Kenneth kasi duh, palagi lang naman kami andito sa bahay. Pero minsan pala magpi-picture ako. Pandagdag lang sa memories. Tapos gagawa ako ng baduy na slideshow ireregalo ko sa anniversary namin 😂
Naisip ko din na gumawa ng mga throwback blog post (eto nanaman ako sa mga blog post series ko). Kukuha ako ng random photo sa hard drive ko tapos ita-try ko alalahanin yung nangyari nung araw na ‘yon. Parang ang saya non. Simulan ko na pala ngayon. Papapiliin ko si Kenneth ng year and month. Tapos random category.
March 16, 2013
So eto ako. Kumakanta kasama ang banda ko sa B-Side. JOKE. So eto si Sarah Gaugler. Pero ang reason talaga ba’t ako umattend ng gig na to eh gawa ni Saab kasi nga girl crush tapos reader ako ng blog nya etc. First time ko din sya ma-meet so ang saya ko nung gabi na ‘to. Pero parang nagka-issue ata si Saab at yung kapatid ni Sarah Gaugler. Haha basta may nabalitaan akong ganun.
So kasama ko si Nick dito. Si Kenneth malamang nasa Cebu for work. So eto ata yung mga times na kinupkop ko si Nick ng ilang months. Tapos nung nabalitaan kong nasa B-Side si Saab para mag-host ng gig, niyaya ko si Nick kasi malapit lang samin. Si Candy ata yung co-host nya. Hindi pa sila Cheats. Isingit ko na din yung pic namin ni Saab kahit sobrang nakakahiya sa balat nya.
Tapos naging crush ni Nick si Sarah Gaugler 😂
Ang hot nga naman kasi ni Sarah Gaugler nung gabi na ‘to. Tas nagustuhan ko din yung music nila.
Wala na kong masyadong maalala nung gabi na ‘to. Hindi ko na din alam kung sino pang mga tumugtog kasi sila lang dalwa yung kinunan ko ng pics. Ang goal ko lang talaga nung gabi na ‘to eh magpapicture kay Saab. And it’s a success! 😂
Yun lang! Magbabasa na ko ng BOTM namin. Gusto ko nang matapos kasi malapit lapit na rin ang discussion.