For about 3 weeks now, I have been spending a lot of time away from social media. So ang dami kong na-free up na time. And ang naging result non ay ang dami kong nabasang libro (mostly non-fiction), ang dami kong na-encounter na YT videos na thought-provoking, at eto, ang dalas ko na lalo magsulat sa blog ko. I try to minimize muna yung panonood ko ng mga videos na ang sole purpose ay mag-entertain. Ewan ko. Feel na feel ko lang ang self-improvement these past few weeks. Why not.
So naisip kong mag-list ng four videos na nagkaron ng magandang contribution sa buhay ko recently. Parang ang naging theme netong November sakin ay self-awareness and self-improvement. Na feeling ko mawiwirdohan yung mga may kilala sakin kasi medyo not very like me. Nevertheless, nagsimula ‘to sa first YT video on this list:
- JENN IM | 10 Books You Need to Read
So dito nga nagsimula ang lahat. Feeling ko kung hindi sya YouTuber, ang galing nyang saleswoman. Bentang benta sakin lahat ng books na ni-recommend nya. I’m sure naka-encounter na kayo ng YouTuber na annoying pero hindi sya ganon. Ang totoo nya lang magsalita and yung perkiness nya sa videos is just the right amount.
Kaya din ako na-attract sa channel nya kase may mix of cooking, life tips, self-reflection and yun nga, book recommendations. I think yung pinaka-nagustuhan ko sa kanya eh yung vulnerability nya. Dahil sa video na ‘to, binasa ko agad yung Digital Minimalism and as mentioned a couple of times already dito sa blog ko, life-changing sya for me. At kaya rin ako nakagawa ng 5-part review (more like a book report) about sa book na yon. You can read it here.
2. ANNA AKANA | 5 Things to Stop Bragging About
Super nakakatawa ‘to. This video is a double-edged sword. Ang dami kong kilalang ganito pero at the same time, natamaan din ako dun sa isang minention nya. Nagagawa ko pala yun minsan and salamat dito kasi mas naging aware ako 😅
Yung na-attack ako is one-upping yung sinabi sakin ng kausap ko. Pero hindi ko nari-realize na ganun pala yung effect and wala sa consciousness ko na nilalamangan ko yung sinasabi nya sakin. Yung tumatakbo kasi sa isip ko pag ganun is, “Ay relate ako jan. Eto naman sakin blah blah…” Yun na kasi yung default response ko for the longest time and gusto ko lang din mai-share sa kanya yung similar experience ko. Pero. Natutunan ko nang mag-shut up. Gine-gauge ko na lang din yung conversation na, “Okay, this is her moment. Hindi ko kailangan laging isingit yung thing ko.” Una ko ‘tong na-realize nung may gumawa din sakin nito. Ang annoying pala 🤣
Yung isang nakakatawa is yung bragging about something na wala sya pero meron syang kakilala na may ganun. Ilang beses ko na ‘to na-encounter at natatawa ko pero yung iba nakakaasar. I have 3 examples:
Niyayabang nya na ang laking kumita nung kakilala nya and the way nyang i-kwento is parang sya yung kumikita ng malaki. And nung time na naguusap kami, ang irrelevant na ikwento nya ‘yon kasi hindi naman napunta dun ang usapan. Gusto nya lang iyabang yung kinikita ng officemate nya with the intention of impressing us. Although na-impress nga ako. Hahaha. Pero later na-realize ko, ang labo nung ginagawa nya. So isa ‘yon.
Yung isa naman is something about sa gadgets. Bumili kami ng robo vacuum. Tapos sabi sakin nung isa, “Ah yung sa kakilala ko may WiFi capabilities yung robo vacuum nila tapos naka-program yung layout ng buong bahay nila.” Eh di wow.
And yung isang pinaka naasar ako kasi may pagka-personal. Pero lipas na naman ‘to. Bigla ko lang naalala nung napanood ko yung video. Yung friend ko sa Pinas nagtanong sakin kung bakit daw kami sa Canada nag-migrate and hindi sa US. Na-bring up kasi sa conversation namin yung common friend namin na nasa US and siguro ang nasa isip nya ay, “US is the place to be! US or nothing!” So parang ang yabang pero yung friend naman namin ang nasa US hindi sya. And mase-sense mo kasi kung tinanong lang nya for informational purposes or may ini-insinuate kasi sa phone kami magkausap, so dinig ko yung tone of voice. May malicious intent. Ayun haha. Hindi ko maiwasang hindi ma-offend. Eh ano naman kung Canada? Eh ano kung US? Eh ano kung Dubai, UK, Singapore or kahit saang bansa pa yan? Eh sa eto yung posible samin eh. And sobra sobrang grateful kami dun. Hindi ko naman sya pinapakelaman sa gusto nya. Sabi nga ni Jonel kay De Lima, “Walang basagan ng trip.”
Okay masyado na kong na-carried away. Hahaha. Good vibes lang dapat eh. Eh kahit gano naman kadaming self-help books ang basahin ko, tao lang naman tayo. Mahina din. “At least I’m tryinggg” 🎵 (to the tune of ‘this is me trying’ by Taylor Swift).
3. ALI ABDAAL | How Stoicism Made Me Happier
Unlike the two videos above na very conversational and parang barkada lang yung kausap, etong third YouTuber is yung mga tipo ng tao na marinig mo pa lang magsalita, alam mo nang henyo. Pag ganito yung mga kausap ko mai-intimidate agad ako. At doctor din kasi sya so medyo technical din syang magsalita. Plus nakatulong din yung British accent nya. 😂
So yung diniscuss dito is about the principles of Stoicism. Na encounter ko na yung word na ‘stoic’ nung college student ako. Parang nabanggit sya as isang symptom of a mental condition. Hindi ko alam na ginagamit din pala sya as something na philosophical.
As discussed sa video, it’s about not focusing on things we cannot control but instead focusing on the things that we can. I’m sure we’ve encountered this phrase before. Pero may mga times lang talaga na kahit alam mong sobrang tama nung sinabi, walang masyadong dating sayo so nalilimutan mo agad. It’s either hindi ganun ka-impactful yung pagkakasabi or you just choose to snub the thought in that moment. But there are times that it just hits you. Like now. Pwedeng kasi sobrang engaging lang talaga nung nagsabi or kasi kelangan mo yung advice na ‘yon right at that moment kaya mas madaling i-absorb.
So siguro nung pinanood ko ‘to kanina, nasa mental state ako na accepting yung utak ko and siguro kasi napapanahon din. Gusto ko yung part na, may mga times daw talaga na we cannot control our initial reaction and they call it ‘proto-passion’. Diba pang matalino.
So for example nasira ng pusa ko yung cable ng charger ko. Nginatngat nya tapos naputol (nangyari pala talaga ‘to). Ang proto-passion ko is “Waaaa anong ginawa mo??” Pero after non matatawa na lang ako and hindi ko naman ip-punish yung pusa ko. So proto-passions (gustong gusto ko na talagang gamitin yung word) are okay. It’s something involuntary and natural. Pero your action after that involuntary reaction is the one that matters. Kasi meron ka nang choice after non. Choice mo bang magalit o kumalma? Choice mo bang dibdibin o intindihin? Pero sa mga extreme situations mahirap ‘to i-apply.
Another principle na sobrang tumama:
We suffer more in our imagination than in reality.
Seneca
I am an overthinker. That’s why therapeutic sakin ‘tong blog kasi naiilabas ko kahit anong gusto ko. More than a decade ko na ‘tong ginagawa and nakatulong talaga sya sa mga moments na malungkot ako or anxious ako.
Pero ngayon, iniiwasan ko nang maging overthinker and I think successful naman. Thank you sa mga librong nabasa ko at sa mga videos na napanood ko this November. Kaya mahilig din akong mag-share ng mga kung ano-ano kasi baka kelangan din ng iba.
4. TED | The Power of Vulnerability by Brené Brown
So this one is a TED Talk. I suggest listening to their podcast as well for other powerful talks like this and if you enjoy tech and science-y stuff like I do.
So Brené Brown talks about how vulnerability will connect us and free us. Vulnerability in a sense that she encourages us to speak our truth and have the courage to show our imperfections no matter how vulnerable it makes us feel. Because there is beauty in vulnerability. My favorite quote from her talk:
I know that vulnerability is kind of the core of shame and fear and our struggle for worthiness. But it appears that it’s also the birthplace of joy, of creativity, of belonging, of love.
Sobrang entertaining and engaging pati nyang magsalita. Kung may favorite ako sa mga videos na napanood ko recently, eto ‘yon.
So yun lang. Gutom na ko.