You’re interested in themes revolving around beauty vs morality
You want to read about a despicable lead character
QUICK AND TAMAD SUMMARY
Yung libro ay patungkol sa isang napaka-poging bachelor (si Dorian) na sobrang na-obsess sa kagwapuhan nya. Pumapasok din sa horror genre yung book kasi meron syang painting ng muka nya tapos imbis na sya yung tumatanda, yung painting yung nagiging matanda at pumapangit while he remains youthful and pogi.
You’re in the mood to read something strange and different
You want to read about disturbing and misanthropic characters, but still very likeable
You want something haunting and charming at the same time
QUICK AND TAMAD SUMMARY
It’s a story about two sisters, Merricat and Constance, living in a “castle” without adult supervision because everyone in their family is dead (hindi counted si Uncle Julian kasi may sakit sya and si Constance yung nagaalaga sa kanya). They are super anti-social and hate sila ng mga townspeople for being unusual and rich.
You want to read a story about talking farm animals
Gusto mong mas maging mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan
Gusto mong mabilang sa milyong milyong tao na nakabasa na ng librong ‘to
QUICK AND TAMAD SUMMARY
The farm animals had enough! Hindi na nila kayang i-tolerate ang pagpapalakad ng amo nila na si Mr. Jones. Kaya naman gumawa sila ng paraan para mapatalsik ang amo nila at sa wakas! The animals reign supreme! Pero ngayong nasa pamumuno na sila ni Snowball (white pig) at Napoleon (fierce-looking boar), ano ang magiging kapalaran ng mga farm animals? Mas naging mabuti nga ba or worse?
📷: Katie Troy
This book is about power and how it can potentially change anyone who acquire them. At kahit animals ang main characters dito, the message is clear and strong. The author intended for it to be a reflection of the events that happened during the Russian Revolution so it’s a political satire. Pero I think pwede din syang ma-apply in the workplace somehow.
My 6th book this month! Super duper proud of myself. Ngayon lang ‘to nangyari.
Yay tapos ko na! Kala ko hindi ko matatapos kasi first classic novel ko ‘to and super hindi ako sanay sa writing style (1813 sya na-publish). Hindi ko pa din napapanood yung movie nung sinimulan ko so nahirapan talaga ko kasi wala akong idea. Nung sinimulan ko, feeling ko hindi kaya ng comprehension ko yung mga ganito. Nakaka-intimidate. Kaya rin hindi ako mahilig magbasa ng classics.
Pero nag-attempt pa din ako kasi highly recommended sya ng mga members ng book club namin. The first 20% is a struggle. Ang hirap talaga i-absorb for me. Pero unti-unti syang nagiging interesting and na-overpower nung plot yung writing style.
QUICK AND TAMAD SUMMARY:
Merong 5 sisters at ang bida ay si Elizabeth Bennet. Ang one and only goal ng nanay nila ay maikasal ang mga anak nya sa matitinong mga lalake. Super plus points kung mayaman. And given the time period, I wouldn’t blamer her. In the process of finding suitable partners for her daughters, na-meet ni Elizabeth si Mr. Darcy. Good looking and mayaman si Mr. Darcy but Elizabeth hated his guts.
Nung around 80% na ko, pinanood ko yung movie pero hanggang dun lang sa parts na nabasa ko na.