Categories
Food Life Today's Log

Today’s Log #17 | Itlog for Sale

MONDAY

10:10 AM

Wow nasusunod ko ang morning routine na ginawa ko. Tapos na kong mag-meditate, yoga, magbasa (naka 45 mins ako agad sa goal kong 1 hour per day), kitty care (scoop litter + refill tubig + vacuum ng nagkalat na litter) at gratitude journal. Naksss.

Pero mukang hindi ko magagawa yung exercise. Kasi after kong mag-yoga, nakaramdam ako ng several sharp pains sa tagiliran ko, yung area na inoperahan ako. Kaya maghihinay hinay muna ako.

Naghahamagan sila dito
Advertisement
Categories
Canada Food Life

Healthy Things + Gilmore Girls

MONDAY

Nag-order ako ng ready-to-blend smoothies sa Goodfood. Tapos nagkaron ako ng bright idea kasi ang dali lang naman palang gawin. So bumili akong fruits, yogurt at granola tapos pinaghalo-halo ko lang sa isang medium-sized container. Pag frozen na at gusto ko nang gawing smoothie, bubuhusan ko lang ng milk yung container hanggang medyo mapuno. Blend and voila!

Eto nilagyan ko ng kape

Ang sarap! Hindi ganun katamis. Hindi ko sya nauubos agad pero okay lang kasi kahit i-ref ko lang, masarap pa din sya kinabukasan.

Outlier

May bago akong video upload sa Youtube. Nakakapagod mag-edit. Siguro mahigit limang oras kong ine-edit yung 4-minute na video na ‘yon. Pag pinanood mo hindi halata pero seryoso. Nakaka-drain. Kaya napapaisip ako. Worth it ba? Although nage-enjoy naman ako. Napapaisip lang ako kung mas maganda bang i-divert ko na lang ang attention ko sa ibang bagay. May maganda naman syang naidulot. Natuto akong gumamit ng After Effects.

TUESDAY

Sobrang ang ganda nanaman ng sunrise nung Tuesday. Sarap titigan tapos blangko lang yung isip ko. Naka-focus lang ako sa ganda nung mga kulay.

May bago akong salad na sinubukan. Favorite ko ‘tong brand na to kasi ang sasarap ng salads nila tapos kakaiba yung ingredients. Eto merong crispy wild rice, dried cranberries, at crispy asian noodles. Masarap.

Nagpa-flu shot din kami. Ang sakit at ang bigat sa braso! Sana tumalab. Kasi nung last flu shot namin nilagnat din naman ako. Pero ayos na rin kasi libre naman.

Sa pharmacy kami nagpa-flu shot, dito sa baba ng apartment namin. Kala ko dati sa clinics lang talaga pwede. Buti na lang pwede rin dito kasi convenient and wala ding tao.

At since inspired ako ngayong week na ‘to na magpaka-healthy, gumawa din ako ng frozen banana bites.

Malapit nang maubos kaya mag-grocery kami bukas. Buti naka-leave si Kenneth ng Monday. Wala siguro masyadong tao kasi weekday. Sana. Naghigpit na kasi uli dito kasi sobrang tumataas na ang cases. Hays. Gusto ko na ulit makauwi ng Pilipinas.

Booktube. Naghahanap ako ng bagong idadagdag sa TBR list ko.

WEDNESDAY

Sa daming beses kong nag-crack ng itlog, first time kong nakita ‘to. May dugo! So nag-Google ako kung delikado bang kainin kasi ready na kong itapon.

Pero safe naman daw.

Blood spots are uncommon but can be found in both store-bought and farm-fresh eggs. They develop when tiny blood vessels in the hen’s ovaries or oviduct rupture during the egg-laying process. Eggs with blood spots are safe to eat, but you can scrape the spot off and discard it if you prefer.

http://www.healthline.com

Since safe naman, nag-move on na ko para gumawa ng frittata cups.

Eto yung mga araw na ang sipag ko ulit magluto. Isang motivation dun eh dahil nagtitipid kami. Nung mga nakaraang months kasi sobrang hagad namin sa deliveries. Eh nung palaki na ng palaki yung bayaran sa credit card, natauhan na ko. Malapit nang magpasko. Gift giving nanaman. Kelangan ng budget. At hindi pa din ako ganun ka-satisfied sa savings namin. Kaya kelangan magtipid-tipid.

Dessert
Peanut butter filling

THURSDAY

Inuubos ko na lang yung binili kong smoothies. Ang weird netong smoothie na ‘to kasi may berries tapos may kale. Parang hindi bagay. Pero nung blended na, hindi mo na rin naman malalasahan yung kale. Kaya baka gawin ko din ‘to para extra healthy yung smoothies.

Lactose intolerant ako. Hindi ako nagiinarte 😆
Leftover sesame salad at pizza. Hilig ko talaga sa healthy + unhealthy combo.

FRIDAY

May sinimulan akong bagong series. For more than 2 weeks hindi ako nanood ng Netflix. Siguro hindi pa ko nakaka-move on sa huling series na natapos ko (Modern Family). Tapos bigla kong naisipan maningin ng palabas. Just in case may magustuhan ako. Madaling araw na ‘to siguro 1AM na. Tapos nakita ko yung Gilmore Girls.

Naririnig ko na ‘to lagi. Alam kong popular sya. Pero ngayon ko lang sinubukan. Ang cute nya. Medyo ang annoying lang ni Lorelai pag nagiging childish sya. And bakit halos lahat ng dialogue ng characters eh puro sarcasm? Uso siguro noon. Pero minsan ang annoying na. Hindi talaga sila nauubusan ng sarcastic remarks. Pero nag-eenjoy naman ako. Buti may nahanap na uli akong series na mapapanood pag gusto kong mag-chill.

May bago kaming delivery from Hello Fresh. Eto yung mga meal kits naman na portioned na yung ingredients so walang nasasayang. And pag tamad kang magisip ng lulutuin.

Yung meal na ‘to ay kakaiba. First time kong gumawa ng something na ganito. Yun din yung gusto ko minsan sa mga meal kits kasi nakakapag-explore ako ng iba-ibang recipes tapos nakaka-encounter ako ng mga kakaibang ingredients. Tulad nitong sage.

Tapos sobrang cute nitong mini jar ng apricot jam!

Porkchop na may apples, raisins and sage filling

Masarap naman sya. Matamis. Kaya ko din siguro nagustuhan. Ang weird lang talaga kasi yung gravy may apple din.

May dumating din kaming package. Kala ko ba nagtitipid?! Haha! Pero eto naman ay na-order ko na bago pa yung realization ko na kelangan mag-tipid. Tsaka useful naman ‘to tsaka for the health (defensive much?).

Eto yung 3-layer mask. Kasi may nabasa ako na ideal daw na 3 layers yung mask. So naghanap ako at nag-order. Paubos na din yung disposable masks namin kaya okay din na may ganito kami na washable.

Wadap.

Yung last two items naman sa package ay pang-topping sa yogurt. Ang lakas kasi ng influence ni Jenn Im (Youtuber). Lagi kong nakikita sa yogurt nya yung cacao nibs and goji berries. Gusto kong i-try kase parang ang sarap at ang healthy.

SATURDAY

Nag-snow nanaman ng medyo malakas. Feeling ko tuloy tuloy na ‘to. Medyo decided na ko na ayaw ko munang mag-road test para sa driver’s license ko. Na-trauma na ko sa snow.

Feel na feel ko ang pagbabasa with my salad and snacks and yogurtwithcacaonibsandgojiberries 😂

SUNDAY (today!)

Done with our book of the month! And na-achieve ko na rin finally yung reading goal ko this year 😊

Sarap ng ulam ko. Bangus from Mama Nors tapos nag-sauté lang ako ng spinach at yung Beyond Meat sausage. Kung masarap sana yung vegan sausage na ‘to bibili sana ako ulit eh. Kaso hindi. Ang hirap maging healthy huhu.

Buti hindi kumakain si Kenneth ng taba mwahaha it’s all mine

Gutom na ko puro pagkain ang pinagsasabi ko dito.

Kakain na ko