Umo-okay okay na ko. Nakakalakad na ko ng maayos, pero medyo dahan-dahan pa din. Yung isang incision ko medyo fresh pa. Tapos may mga sumasakit pa din ng pakonti-konti kaya alalay pa sa paggalaw.
Lugaw forever. With lechon belly 😋
Dinalaw ako ni Sam kahapon. Nakakatawa ngayon lang kami nakapag-meet, lampas 1 year na kami dito sa Winnipeg. Nakakatuwa at nagi-guilty daw sya. Super okay lang naman kasi sobrang busy nya pagaasikaso ng pagiging nurse nya dito. Parang 3 years na daw nya inaasikaso yun grabe. Eh di kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nakakatuwa yung mga kwento nya kasi parang bumalik ako sa mundo ng ospital. Parang napa-reminisce ako ng konti pero tamang ganun na lang. Ayoko pa din mag-nurse.
Tapos sobrang na-motivate akong ituloy yung pag-apply ko sa Graphic Design program. Eto yung full-time student na talaga ko. Hindi yung kinuha ko na part-time program lang. Pag full time, talagang kelangan magre-resign ako tapos 2 years akong estudyante. Recently kasi nagdadalwang isip ako kung itutuloy ko pa ba. Kasi nga insufficient funds (bigla kong naalala yung Red Alert). Pero nung nakausap ko si Sam, dun ko ulit na-realize na kaya naman talaga. May student loan naman tsaka pwedeng suportahan ng government. Although naisip ko pala baka hindi ako ma-approve dun sa loan kasi yung program, iisipin nila na arts arts lang. Pero bahala na. Push ko na talaga. Magpapa-schedule na ko ng CANTest next week. Sana makapasa ako! Kase pag hindi, hindi ako makakapag-apply dun sa program. So yun na lang muna ang first step. Pag di ako nakapasa, no choice. Next intake na lang ulit.
My sister, Tricia. I-drawing ko daw sya.
Netong nakaraang week. May pinanood akong class about digital illustration. So nasa mood akong mag-drawing drawing. Hindi pa ko fully satisfied sa mga ginawa ko pero hayaan na. Hindi naman siguro sobrang pangit.
First attempt
Proud din naman ako kasi hindi ko inexpect na kaya kong mag-drawing ng ganyang cartoon-ish tapos walang gayahan. Fan na ko ng hindi perfectly shaped na tao. Yung tipong hindi talaga match yung proportions. I-eexplore ko pa yung ganung style. Eto yung mga recent inspirations ko: @dianaillustrates at @jaromvogel.
Gusto ko pang mag-drawing kaso kelangan ko nang matapos yung book namin for this month (The Stand by Stephen King). May discussion yung book club namin next week. Kelangan ko nang humabol kasi mga tapos na sila. Babayu!
So inoperahan na naman ako for the 3rd time. Una appendectomy tapos laparoscopy nung endometriosis ko. Same year tong dalwa, 2015. Tapos ngayon, as expected, bumalik yung endometriosis ko so lap nanaman. Kaya nakabasyon ako ngayon ng 2 weeks. Ang daya dito kasi satin sa Pinas, 2 months ang pahinga ko non. Actually medyo looking forward ako dito sa 3rd surgery ko kasi nga bored na bored na ako sa trabaho ko gusto ko munang makawala. Ang dami kong planong gawin sa bakasyon ko pero hindi ko pa fully magawa. Sobrang weak ko pa at nangangalay ako pag hindi ako nakasandal.
8 hrs fasting
Naisipan kong mag-post ulit kasi tinag ako ni Aryan sa story nya. Nasa Japan kasi sya ngayon tapos nag-story sya nung ride sa USJ, yung favorite ko na Space Fantasy. Tas may caption na thank you daw sa blog ko. Ang tinutukoy nya eh yung Japan blog ko kasi nabanggit ko dun na unexpectedly, super nagustuhan ko yung Space Fantasy ride. So binalikan ko yung post ko na yun tapos natatawa ako kase super detailed. Nilagay ko pa dun yung mga pag-aaway namin ni Kenneth kasi naliligaw kami lagi at nung umiyak ako dahil sa collagen. Tapos, napansin ko dun sa mga posts ko, may mga comments from 2017 and 2018 ng mga tao na hindi ko kilala. Nagtatanong sila ng something about sa trip namin sa Japan kasi sila din, papuntang Japan. Natuwa ako kase may nakakadiscover pala ng blog ko at nakakatulong pala sya. Haha. Eto yung isang comment:
Haha sorry Carmel wala akong idea na may makakabasa pala ng blog ko
So na-inspire ulit akong magsulat. And na-miss ko din ilathala ang mga mundane parts ng buhay ko. Sarap din balikan paminsan-minsan.
So inoperahan na nga ako. Nakakatampo lang kasi walang nakaalala sa mga kamag-anak ko. Mas naalala pa nung mga kaibigan ko. Mama ko hindi naalala. Busyng busy sa Korea trip nila. Kaya ang lungkot ko non. Hindi ko na lang masyadong inisip baka ma-stress lang ako, makaapekto pa sa recovery ko. Pero sobrang tampo ako. SOBRA! 😤
On the bright side, super thankful ako kay Kenneth. Grabe sobrang maalaga. Nagugulat ako laging areglado ang gamot ko. Sana lagi na lang akong may sakit hindi kami nagaaway at nagkakainisan. Haha. Bukas baka magpabili ako ng Jollibee. Parang kulang ang pagkakasakit pag walang Jollibee.
Lugaw a la Kenneth. The best!
Yung mismong operation ko naman, k lang. Ibang iba nung inoperahan ako satin. Although naka-set na yung expectation ko kaya hindi na ko masyadong nag-expect ng special treatment. Dito kasi, pagka-opera, uuwi na. Hindi ka i-coconfine. Andun na kami ng 6am (2 hrs before the surgery). May isang room dun tapos pinagbihis ako dun ng gown. May binigay sakin na plastic bag para paglagyan ng damit at sapatos ko. Yung mismong operation inabot lang ng 1.5 hrs. Tapos sa recovery room, mga 2 hrs. Nung na-feel nung nurse sa recovery room na “kaya” ko na. Kahit hilo-hilo pa talaga ko at nanghihina at ang sakit pa nung tyan ko from the operation, pinalakad na ko agad. Tapos sabi ni ate, “I think she’ll need a wheelchair.” Wow. May option palang wala? Tapos inabot na sakin yung plastic bag ko at pinagbihis na ko. Walang assist assist ha. Grabe walang awa.
Kachat ko si Aryen, yung friend ko na nurse din. Gulat na gulat na pinauwi ako agad. Naka-general anaesthesia daw ako tapos basta basta lang ganun. Well, matagal na nila tong sistema so wala naman akong magagawa. Talagang hindi lang ako sanay na ganito. Sobrang independent agad. Satin medyo bine-baby pa eh. Sa St. Luke’s pa ko lagi non kaya special treatment talaga. Ilang doctor ang nagrrounds sakin. Pero yun nga, libre kasi dito. Although libre din naman satin kasi may health coverage din naman from the company. Pero dito libre lahat ng Canadians at permanent residents, so almost lahat ng tao. Walang private hospitals dito, lahat government owned. So nag-create sila ng system para ma-accomodate lahat. Yun ang naiisip ko.
Friday ako inoperahan, Monday na ngayon. Wala akong ginawa kundi manood ng movies at series. Throwback Sunday ako kahapon kasi yung mga pinanood ko: Clueless, Wild Child, Matilda at Nanny Mcphee. Tapos nung minsan naman marathon ng Brooklyn 99. Kaya ayan yung title: ya boring. Ang funny at cute cute ni Amy Santiago. Ngayon naman Lucifer ang minamarathon namin. Sana mas productive na ko sa mga susunod na days. Napapagod na kong umupo at humiga. Ang sakit sakit na din ng pwet ko parang magkaka bed sore na ko. Naglalakad lakad naman ako kaso nakakangalay sa likod. Hindi ako makatuwid ng likod sumasakit yung tahi. Tapos parang dumugo pa nung minsan. Ayun.
Paul Rudd. Hihi.
PS:
In a couple of years, possible ulit bumalik yung endometriosis ko kase, that’s just how it is. Bastos kasi tong endometriosis na to eh. I-Google nyo at mababasa nyo na unknown cause, no treatment. Iba din.
Eksaktong 1 year na kami dito sa Canada. August 9 last year, first time kong makapunta sa ibang bansa na hindi Asia. Tapos hindi para magbakasyon, for good na. Sobrang nabibilisan ako. Hindi ko ma-imagine na 1 year na kami agad dito. Pero parang andami na din nangyare. Try kong i-recall:
First snow experience. Minus 50 degrees Celsius! Grabe. Pag yung aircon nga sa office ko dati 24 degrees lamig na lamig na ko. Sabi Manitoba daw ang pinaka-malamig na province sa Canada.
April 2019 kami nag-move out sa tito ko. Okay naman dito sa apartment namin. Matahimik. Nasa tapat lang namin yung bus stop. Buti nandito yung unit namin sa harapan, may view kahit papano. Compared sa dating apartment namin sa Taguig, sobrang laki nitong apartment namin dito para samin. Bukod sa usual na couch at dining area, nakapaglagay pa kami ng dalwang study tables. Tapos balak kong bumili ng piano, yung digital lang para kasya pa din. Pagiipunan ko muna kasi $1.3k din, 50k sa peso.
Cashew and Walnut! May pusa kami dati sa Pilipinas, si Almond. Pero since hindi namin sya madadala dito, kumuha kami ng pusa. Parang hindi na namin kaya na walang alagang pusa. Love na love namin sila. Nung una si Cashew lang. Eh parang feeling ko ang lungkot ni Cashew pag pumapasok kami sa office kaya kumuha pa akong isa. Gusto ko pa nga ng pangatlo, Chestnut ang pangalan. Sabi nila Pistachio naman daw, parang ang haba naman masyado. 5 months pa lang sila pero super laki na, lalo na si Cashew.
WalShew
Nabili ka na yung mirrorless camera na matagal ko nang gusto. Yung Fuji X-T30. Kaso hindi ko pa masyadong magamit. Excited na kong mag-travel para makapag picture-picture na ng kung ano ano. Dito kasi sa Winnipeg parang wala masyadong okay na scenery. Try namin mag-road trip sa weekend pag hindi on call si Kenneth.
Nakabili na kami ng sasakyan. Si Kenneth ang pumili, Rav4 daw. Since wala naman akong alam sa sasakyan, ako ang in charge sa kulay. Silver pinili ko. Tapos ang galing nung plate number kase KGM yung initials, K at G syempre for Kenneth and Glenice tapos yung M, pwedeng Magsusugal or Magkaaway or Mwah. 😅
Nag-enroll ako sa school. Graphic Communications yung name ng program. Part-time program lang sya pero baka next year try ko yung full time. Yun eh kung may budget kami kasi kelangan kong mag-resign nun pag nagkataon. Habang wala pa kaming babies eto muna aatupagin ko. Gusto ko na talagang mag-shift ng career, yung sa gusto ko talaga.
Okay naman ang work. Hindi masyadong mahirap. Pero may kumontak sakin na medyo mas mataas yung offer so may interview ako sa Monday. Clerk yung position tapos sa government. Okay lang sakin kung makuha man ako or hindi kasi ang goal ko naman talaga eh sa graphic design. So kung matanggap man ako, malamang mag-reresign din ako dun. Pero ewan ko, feeling ko matatanggap ako. Haha. Kelangan ko lang galingan sa interview. Bukas ako magp-prepare.
Nagpasimula ako ng Book Club. As of now, merong 50+ members. Bale ang goal is 1 month, 1 book, tapos discussion sa end ng month. Kakastart lang namin ngayong August. Yung book na binabasa namin for August ay yung ‘The Hate U Give’ by Angie Thomas. Tuwang tuwa sila na merong book club kasi yung mga members, sila yung super hilig magbasa dati katulad ko. Tapos nung nagka-work na, nawawalan na ng time. So etong book club yung motivation namin para mag-start ulit sa pagkahilig magbasa.
So far parang yun yung mga highlights. Mag-aaral na ko ulit tapos nood ng Strong Girl Bong-soon or Money Heist.
Recently, I find myself frequently thinking about my old job when I was still in the Philippines. I don’t miss my job there. What I miss is the location of our office building in McKinley Hill Taguig. The first thing that comes to mind is the nearby Starbucks. I miss it. I don’t drink coffee, but I love sweets. So when sugar cravings hit, I would just go down from the 7th floor, walk a few minutes, and head to Starbucks to buy myself a chocolate chip macadamia cookie (my favorite) or banoffee pie or cakes or brownies. It’s just so convenient. When I have to get that one missing ingredient or need to buy laundry detergent, I can just go to the nearby grocery store and do a little grocery shopping. And also, that grocery store is inside a mall; so you can just imagine what else I can do during my lunch break or after work hours. Again, very convenient. There’s sugaring and hair salons too. I forgot the complete name of the mall but we just call it “Venice” or “Canal”. The mall was designed to replicate the Grand Canal in Macau and it looks okay and it’s Instagrammable so it’s mostly crowded.
If I crave pizza, ramen, sushi, or milk tea, no problem. Just a few minutes walk and I could indulge myself. Before coming here in Canada, I can’t imagine myself missing McKinley. I thought this place would be — better. Better restaurants, better hangout spots, better atmosphere in general. Unfortunately, I was kind of disappointed. If I would to describe this place, it’s bleak and quite boring. Sorry Winnipeg. I noticed most businesses here don’t care about presentation or aesthetics and design. And that’s one of the things that I miss because Taguig has such a cool and creative vibe. Here, not so much. Yes, they try to have fun events and festivals but — it’s just different.
Maybe that’s why I thought (or still thinking) about moving to a bigger city like Toronto or Vancouver. To get that similar vibe again. And since we don’t know a lot of people here, moving to a more attractive place would make up for the home sickness a little bit. It would somehow distract me from missing my relatives and friends. Good for my mental health, I guess.
When I daydream, like winning the lottery, my immediate thought would be to go back to the Philippines and buy a condo in Taguig. Or if we finally retire and have lots of savings, I’ll think of moving back to the Philippines and live our final years there. Anything that involves having lots of money, I’ll initially think of going back to the Philippines. Maybe we should just go back? Ditch the dollars, say goodbye to free health care and every good thing this country has to offer? UGH. Maybe I’m just feeling extremely home sick. Let’s give it a few days.
PS:
Meron pala kong previous post na sabi ko hindi ako naho-home sick. Ano ka ngayon.
Kanina, nagd-daydream na naman ako about school days. Nung elementary, highschool tapos nung college. Yung mga highlights ng student days ko. Naalala ko nung first week ng college, nakapaskil sa bulletin board yung mga top 10 sa college entrance exam per subject. Basta tanda ko may English & Math tapos baka yung iba IQ and Logic. Basta almost lahat dun sa subject na yun andun yung pangalan ko tapos nasa top 5. Tapos ako non syempre ang yabang ko deep inside pero kunwari too cool to care ako. Haha. Pero pag dating ko sa bahay binida ko na agad sa mga Mama tapos ang Kuya, 2nd year college sya non, nakita din pala nya yung bulletin board. Tapos sinasabi nya daw sa mga kaklase nya, “Kapatid ko yan!” Ngayon nasasayangan ako dapat pala pinicturan ko yung bulletin board 😄 Kase yung mga top students nung highschool nataasan ko pa sa ibang subjects dun sa college na entrance exam. Eh wala naman ako sa top nung highschool kase di ako masipag magaral. May pagka-trouble maker ako non kaya nagulat siguro sila na napasama ako dun sa top. Muntik pa kong masuspend nung highschool kase nagdala ako ng baraha sa school tapos tinuruan kong magsugal yung mga seatmates ko. Nahuli kame tapos nakita nung teacher yung mga perang pusta. “Kaninong baraha yan?” Eh since catholic school super against sila sa any type ng gambling kaya ayun. Example lang yun mababaw pa lang yun.
Back to first few weeks ng college. Parang first day namin sa Anatomy class non. Tapos isa yun sa mga kinakatakutan na subjects ng nursing students; kasama na ko dun. So first day non so medyo basic pa yung discussion. Nagtanong yung professor sa class kung sang intestine daw naa-absorb ang nutrients, kung sa small daw or sa large intestine. Sa isip ko, very basic yung tanong kasi napag-aralan na to nung elementary pero naririnig ko yung mga kaklase ko ang sabi “Laaaarge!”. Sabi ko “Smaaaall.” pero medyo mahina lang pero loud enough para marinig nung prof. So since hindi unanimous ang sagot namin, pinataas nung prof kung sino daw ang in favor sa large intestine. Lahat sila halos tumaas. For a split second, nag-doubt ako baka mali ang stock knowledge ko. Tapos pinataas na kung sino ang sa small intestine so tumaas ako ng kamay eh di tinginan sila kase ako lang ang tumaas. Yung iba pa ang sama ng tingin. Sure na sure siguro sila sa sagot nila. Kung alam ko lang na papatayuin ako para i-explain yung sagot ko, hindi na sana ko tumaas ng kamay. Eh first day kase tapos super di pa ko komportable at hindi ko naman kilala ang 95% sa kanila. At hindi ko naman alam pano i-explain. Basta alam ko lang na yun ang tamang sagot. Grr. So inulit ko lang yung statement nya kanina (words not exact), “Sa small intestine naa-absorb yung nutrients from food tapos sa large intestine napupunta yung waste.” Kahit di ko na-explain ng very hard, mukang good enough na sa kanya yung sagot ko kase sabi nya, “Correct. The small intestine absorbs nutrients and minerals blah blah blah…” Tapos after nya mag-explain tinawag pa nya kong “Miss Genius” Arrghh. Cringe. Genius hindi naman ako genius. Baka sobrang mag-expect sila na sobrang talino ko hindi naman. Ayun 80 lang yung final grade ko sa Anatomy haha. Genius pala ha.
Kala nya siguro nung first day na yun isa ko sa mga magiging butihing estudyante nya pero after ilang weeks lang nakita nya din ang totoo kong kulay. From Miss Genius naging Miss Problematic. Lagi nyang sinisita yung black nail polish ko na minsan nagtutuklap tuklap na. Isa yun sa mga hindi nya nagustuhan. Tapos yung pinaka-worst ko sigurong ginawa sa klase nya, at ngayon eh hindi ako makapaniwalang ginawa ko yun kase sobrang rude, eh nung habang nagdidiscuss sya, nag earphones ako kase meron akong gustong pakinggan na kanta. Sa isip ko nun, ok lang yun kase hininaan ko naman yung volume para makinig ko pa din yung dini-discuss nya. Ang tanga nung argument 😂 Pero nung na-look back ko sya after ilang years, sobrang mali talaga haha. Napaka-rude. Nung nakita nya kong naka-earphones, “Miss Abadilla, naririnig mo ba ko?” Sabi ko, “Yes po.” Tapos hindi ko pa din tinanggal yung earphones. Nagtino na naman ako ng konti lalo nung sinabing 85 na daw ang passing. Parang 2nd year college pinatupad yun. Buti na lang.
Medyo madami pa kong naaalala pero tinamad na ko kasi nagising na si Kenneth tapos sa kanya ko na nakwento lahat tinamad na kong ulitin for now. Babayu.
When I sleep, I sing songs I’ve never heard before. I see places and things so bizarre that it would make a great art piece. My creativity flourishes. But then I’d wake up. And all I’m left with is my boring, conscious thoughts.
Minsan hindi ko talaga mapigilan maisip kung anong mangyayari sa art venture ko. Gusto kong isipin na ginagawa ko lang sya for fun. As a creative outlet kasi talagang meron akong satisfaction na nararamdaman pag nakaka-create ako ng something na matino. Kaso pag may nakikita ako na super successful sa creative business nila, gusto ko din maging ganun. So parang nap-pressure ako. Hanggang sa hindi na sya nagiging fun. Lagi akong naghahanap ng validation at nagiisip ng iba-ibang ways para masabi kong “I made it!”
Since wala akong magawa ngayon kahit nasa office ako at kelangan kong magtrabaho, nagbabasa-basa ako ng articles. Tapos may nabasa ako about sa “the gig economy”. About sa mga solo entrepreneurs. May na-mention about people na nagsimula sa hobby lang tapos super successful na ngayon. Bigla kong na-imagine kung pano kaya kung ako yun. Tapos di ako natuwa dun sa thought. Parang na-imagine ko na super busy ko tapos hindi na ako nag-eenjoy sa ginagawa ko kasi para sa clients lang lahat ng ginagawa ko. Imbis na ma-motivate ako dun sa article, parang nagka-urge ako na magslow down. Na wag i-pressure ang sarili ko na maging successful. Na truly i-enjoy ko na lang tong creative side ko. Yung impulses ko na “Sana dumami ang clients ko!” is nag-fade. Tingin ko good thing to sakin. Kase minsan yung utak ko hindi ko na ma-control parang and dami masyadong iniisip na hindi naman ganun ka-importante. Kaya siguro gustong gusto ko laging madistract kase kung hindi parang mababaliw ako. Non-stop kasi talaga ang utak ko sobrang sobrang dami kong iniisip mapa-past, present or future. Ang dami kong opinyon sa mga bagay-bagay at ang dami ko masyadong feelings. Overthinking to the max talaga. Kelangan ko na siguro talaga ng meditation.
May naisip ako. Hindi pala ako magaling sa commitment. Kase naiisip ko na i-ban na ulit ang social media sa life ko. Ang gagamitin ko na lang eh yung IG ko for business purposes. Eh ilang beses ko na yun ginawa hindi naman ako nag-succeed. Pero ita-try ko ulit. Gusto ko na lang makipag-interact sa friends ko thru chat.
Ang isa pa, yung mini clique ko sa office ngayon. Kami yung magkakasama during training tapos nagkaron kami ng agreement na sabay sabay pa din kaming magla-lunch kahit tapos na yung training. Magkakaiba kasi kami ng unit so hindi na kami magkakasama everyday. Tapos recently, nagkick in yung pagka-antisocial ko. Kahapon nagstay lang ako sa desk ko tinamad ako maglunch na may kasama. Hinanap nila ako sabi ko na lang I’m not feeling well. Minsan kase kakapagod din talaga makipag-usap tapos paulit-ulit lang minsan. Iba pa din talaga pag Pinoy interaction. So either antisocial mode ako or annoyed lang talaga ako dun sa isang biglang sumama na lang sa grupo namin. Matagal-tagal na sya sa company pero parang loner sya kaya biglang sumama saming mga newbies. Ok lang sana kung mabait sya pero hindi ko kasi gusto personality nya. Condescending makipagusap. And kahit yung mga ka-department ko nag-warning sakin about sa kanya. So mukang hindi talaga maganda ang track record nya. Sya ang reyna ng small talk talaga. Sobrang repetitive ng mga tanong nya at boring na boring ako sa kanya. “So how was your weekend? What did you do last night? What did you bring for lunch? So how was your weekend? What did you do last night?” Ah awan sayo fuck you! Haha joke joke. Pero sobrang umay na umay na kase ako sa kanya. Tapos makikipagusap pa sayo may kulangot sa ilong, may amos sa bibig tapos sabog sabog yung pagkain sa damit nya. Haha oo ganun ka-gross. Feeling ko sya talaga ang dahilan eh kaya di ako sumama sa lunch.
Pero ngayon sumama na ako kaninang lunch kahit di ko pa din feel. Baka maisip pa nila na ayaw ko na sila ka-hang out hindi naman sa ganun. May ganito lang talaga kong moments na wala sa mood minsan. So as expected, itong si booger girl ganun nga ang mga tanong. So blah blah blah? Did you blah blah blah? Parang ang template kasi masyado ng conversational skills nya. Hindi spontaneous na smooth yung flow. Parang laging pilit. Ayaw ko ng ganun di nakakatuwa. Tapos yun nga may attitude pa sya. Whatever booger.
First time ko kahapon maka-attend ng Christmas party ng mga puti. So kahapon nga, Christmas party namin sa work. Eto yung mga differences na napansin ko:
FOOD
Nung nadinig ko pa lang na ang food daw namin ay sandwiches and wraps, cheese and crackers at salad, kitang kita na agad ang difference. Nasan ang shanghai? Nasan ang caldereta ni ate Janice? Cake wala man lang. Ice cream? Spaghetti or pansit, cheesy pichi pichi ng Amber’s. Hay kakamiss. Pero eto ang trip nila:
Parang meryenda lang ng nagda-diet
Kakapanibago. Sanay ako na pag Christmas party at kainan na, yung tipo na hindi na ko magkaintindihan kung anong kukunin ko kasi ang daming pagkain at lahat mukang masarap.
EXCHANGE GIFT
Di ko masyado trip yung amoy nung essential oils
Dito Secret Santa ang tawag. Nung tinanong ako ng supervisor ko, “Are you joining Secret Santa?” Eh di “Sure!” naman ako. Nung sinabi na kung magkano daw ang exchange gift at sinabing $20 aka 800 pesos, sa isip ko sana di na lang pala ako sumali. Kase may mga hindi sumali. Kala ko lahat kasali kaya gasing sali naman ako. Tapos ang nabunot ko pa lalake. Hirap regaluhan ng lalake. Tapos nung mismong bigayan na ng gifts, yun pala sabay-sabay nyo bubuksan yung regalo tapos hindi necessarily kelangan na malaman mo yung “Secret Santa” mo. Kaya nga secret eh.
CLIQUES
Eto hindi necessarily related sa Christmas party pero eto yung napapansin ko pag may mga events yung unit namin tapos nasa isang conference room lang kami. Pansin ko sa mga puti, wala silang cliques. Kasi ako dati sa Pilipinas meron akong constant group na kasama sa work. Yung talagang as in naging close friends ko na sila. So pag lunch, corporate events, lakad outside office, or meetings, meron akong clique na lagi kaming magkakatabi. Pero dito, pansin ko sa mga puti, wala sila non. Kahit san sila mapa-upo ok lang. Kase mga hari at reyna nga sila ng small talk eh. Makaka-survive sila kahit san sila ilagay. Ako palpak lagi sa small talk. Magcocompile pala ko ng mga fail at awkward small talks ko.
Overall, okay naman. Di nga lang ako nanalo sa raffle. Merong isa kaming officemate na may gift sya sa lahat samin. Ang cool nung naisip nya gusto ko din gawin next time.
I won $2
Tapos kahit sobrang awkward ko sa mga small talks, buti yung katabi ko sobrang daldalita tapos shineshare nya yung love life nya sa group. Sya lang yung salita ng salita tapos twice or thrice nya ata nabanggit na, “I played erotic bingo last weekend.” Sobrang oversharing talaga nakakatawa. Tapos nakwento nya yung dine-date nya tapos nalaman nya na yung friend nya, same lalake sila ng dine-date. Dami nyang kwento. Sa loob ng 1 hour, dami ko na agad alam sa kanya tulad ng: 27 y/o sya, single, mahilig sya sa chocolates, mahilig sya sa bingo at dildos, at madami syang dates na fail.
Nung second time nya binanggit yung erotic bingo, na-curious na ko sabi ko sa kanya, “How does that work?” “Oh it’s just a regular bingo except you win sex toys. I was one number away from the dildo.” Napatawa kami pero nafeel ko yung iba, super jina-judge na sya. Parang napapatawa ba na napapakunot. Ako naaaliw sa kanya. Super la sya pake. Tapos nung dinistribute na yung gifts, yung nareceive nya is nakalagay sa paper bag na mahaba na parang wine ang nakalagay. Basta mahaba and patayo yung shape nung paper bag. Sabi ni erotic bingo, “Ooohh. I wonder what this is.” Tapos sabi ko sa kanya, mahina lang, “It’s a dildo.” Super hagalpak sya ng tawa. Tapos sabi nya, “Guys! Did you hear what she said?!” Tapos sinabi nya yung sinabi ko. Napatawa na may halong surprise yung mga puti (isa dun yung supervisor namin). Tawa lang din ako ng tawa. Tapos kwento na ulit sya na next time daw dadalhin nya yung nanay nya sa pagbibingo.
More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.
Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.
Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.
Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. 😄 Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).
Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*