Nakakainis ang lungkot lungkot naman ngayong Christmas season. Gusto ko nang matapos. Nakakalungkot na dati sobrang favorite ko ang December pero ngayon gusto ko syang murahin. Parang lumipas lang yung birthdays namin at Pasko na parang wala lang. Eto dapat yung pinaka masayang month of the year eh. Anyare?
Dumagdag pa yung stress ko sa mga kamaganak ko at yung pressure na magbigay ng magbigay dahil Pasko. Tapos yung paguwi ko nakaka stress na din kasi alam mong may expectation na dapat madaming pasalubong tapos for sure may mga kain pa yan sa labas. Tapos mahihiya naman ako kung hindi ako ang magbabayad. Kasi may mga kamaganak kami sa ibang bansa and every time na uuwi sila noon, yun yung nassense ko sa mga kamaganak ko na dapat sagot nung balikbayan. Hindi nila naiintindihan na posible namang kapusin din kahit nandito sa ibang bansa. So yun ang naiisip ko kahit pauwi pa lang naman ako. Pwede ding ako lang nagiisip nito pero pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko. Nastress na ko agad kahit wala pa ko sa sitwasyon na yun. Eto yung alam kong isang problema sakin na hindi ko naman macontrol. Advance ako masyado magisip.
Isama mo pa yung mga tao na sobrang hindi ko magets bakit kayang kaya nilang mang seen zone after kang may sabihin na malungkot or basta something na kareply reply dapat. Mga insensitive at walang pakealam. Hindi ko talaga kasi yun kaya. Hindi ako ganun kaya masama sa loob ko. Yun yung mga times na gusto ko na lang i-delete yung Messenger ko kasi mga walang kwenta namang mga kachat. Libreng magreply baka nakakalimutan nyo lang. Wag na lang kayong magstart ng conversation kung di nyo naman kayang makipagusap ng matino. Walang pwedeng magsabi na imposibleng gawin yun kasi may isa din akong katulad ko na hindi bastos kachat. Salamat naman at least may isa. Actually parang dalwa. Thank you sa inyong dalwa.
Gustuhin ko mang lumabas ng bahay para kahit papano ba eh may gawin, mas pinili kong magkulong na lang dito sa bahay. Mukang wrong move pala. Dapat pala lumabas kami. Sobrang lamig naman kasi. Nakakatamad lumabas hindi nakakatuwa yung lamig. Napapaisip ako baka talagang hindi kami para dito. Or hirap lang akong tanggapin na ganito talaga dito. Pinili naming pumunta dito. Eh hindi ko naman kasi inexpect na ganito kalamig at magiging ganito kalungkot.
Kala ko pagpunta namin dito mas magkaka financial freedom kami. Parang lalo pa ngang nagiging limitado. To think hindi kami maluho. Damit ko nga paulit ulit eh. Buti na lang wala naman akong pake. Ang importante laba. Hay siguro kung wala kaming pusa mga baliw na kami. Baka kelangan ko na talaga ng psychiatrist. Parang ang unhealthy ng mind ko. Lahat parang either kinakainisan ko or ikakalungkot ko. Minsan yung mga pusa na lang namin ang nakakapagbigay ng comfort sakin. Buti na lang din mas nakakausap ko na si Kenneth parang mas nagkakasundo na kami ngayon.
Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala. Yung mga taong wala at mga bagay or lugar na wala. Nung kumain kami sa Jollibee ayun ang saya ko non. Tapos magffade na pag lumipas na. Para bang yung scene sa Inside Out na movie. Feeling ko biglang hahawakan ni Sadness yung ball of joy tapos ayun, malungkot na. Parang nung mga nakaraan naman ok ako. Bigla lang nag-Pasko tapos nasira na. Puro masasayang pictures na lang ang nakikita ko. Scroll pa din naman ako ng scroll.
Nakakatawa pagtingin ko sa date, Pasko pa din pala dito. Kala ko December 26 na. Tulog kasi kaming dalwa kanina tapos paggising ko nakita ko 9:00 pero di ko alam kung AM or PM. Inisip ko AM. PM pa lang pala. So Pasko pa. Gusto ko nang mag January 2.
PS:
Most of the time, pag malungkot or galit ang post ko, after kong ilabas dito, gumagaan yung pakiramdam ko kahit papano. Kaya kalimitan, yung feeling ko dito sa post ko at yung feelings ko after kong i-post to, magkaiba na.