Pag sinabi yung pandemic, naaalala ko yung Pandemic board game na binili ko noon na nilalaro namin ng mga pinsan ko. Ngayon, eto na nga: COVID-19. Nung una, halos walang sumeseryoso sa kanya. Pero ngayon, lahat takot lumabas ng bahay para iwas hawa. Eto yung photo na pinadala ni Nick sakin. View from their apartment sa Manila.

Mas strict sa Pilipinas. Naka lockdown sila ngayon. Pero ang mas gustong gamitin na term ng mga nakatataas ay ‘Enhanced Community Quarantine’. Para daw di mag-panic.
Dito naman sa Canada, wala pa ngang COVID-19 case, nag-hoard na ang mga tao. Lalo na nung nagka-positive. Tapos ang daming naging racist kasi Pinoy yung unang taong nag-positive. Tapos may history sya ng travel sa Pinas. As of now, 18 cases yung nandito. Kaya siguro medyo lax pa sila. Pero kahit dineclare nang ‘state of emergency’ na daw dito sa Manitoba, nagpapapasok pa din dun sa company namin. Buti na lang resigned na ko. Last day ko kahapon. Eto yung card na binigay nila sakin and thank you naman sa Starbucks GC. Di ko inexpect na may ganun.


Ang daming nangyari. Ang dami ding nangyari sa buhay ko na hindi related sa virus. Pero yung mga related muna sa virus:
- Lahat galit sa China
- Madaming natawa at natanga kung bakit nagkakaubusan ng toilet paper
- Overpriced alcohol from resellers na hindi mo malaman kung totoo bang alcohol
- Quarantine passes? Yun ba yung tawag dun. Basta kelangan ng pass para makalabas ka ng bahay (PH only)
- Nagsilabasan ang mga TikTokers at ang daming taong na-hook so ang daming cringy TikTok videos sa feed mo. Pero nakakaaliw naman yung iba. Pero karamihan sobrang papansin lang.
- Bukod sa TikTok videos, nagsilabasan din ang mga taong selfish. Eto yung mga hoarders, naka-admit (kasi positive sa COVID) tapos tumakas sa ospital, mga taong labas pa din ng labas kahit sinabing bawal nga muna, etc.
- “Mother Earth is healing” posts sa social media and yung mga articles na may naka-predict na daw na mangyayari tong virus na ‘to this 2020
- Online concerts, online talk shows (Jimmy Kimmel, Jimmy Fallon, basta sila), daily podcast episodes (kasi dati weekly lang mag-release ang podcasters), online yoga classes, basta lahat ng pwedeng gawing online ginawa nilang online which is very good naman. Pantanggal inip.
- Time. Ang dami nang time. Siguro wala nang nag-ppost ng “<insert verb here> pag may time.”
I think yung mga ibang nangyari na hindi related sa virus bukas bukas na lang since Pandemic na yung title ng blog post na to. Basta sana bumalik si Kenneth ng nasa maayos na kalagayan and virus-free (kasi nasa Calgary sya ngayon) and sana maging productive naman ako sa coming days kasi nanood lang ako ng Love is Blind maghapon (watch kung gusto nyong maasar at maaliw at the same time) at nag-Insta and FB plus Youtube. And super sana, sana gumaling na ang mga kitty cats. Hays.

