
Gloomy

Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.


Umuulan. Gumaganda talaga ang mood ko pag umuulan. Yun ay kung umuulan at hindi ko kailangang lumabas. Gusto ko lang syang pagmasdan through the windows.

Ilang araw na kong atat na atat magkwento dito. Ang dami kasing masasayang nangyari nung uwi ko ng Pinas. Lagi kong pinagpapabukas kasi alam kong matatagalan ako sa pagkikwento pero pakiramdam ko kailangan ko nang magsimula bago pa lumipas.
Unang una, ramdam ko na may nagbago. At sobrang wini-wish ko na sana permanente yung pagbabago na nangyari sakin. Or pwedeng nasa high pa ako ng bakasyon ko?
NEWS FLASH: Ngayon ko lang natanggap na pwedeng gamitin ang non-Pinoy brand tomato sauce sa mga tomato-based Filipino dishes.
Dati kasi, pag naisipan kong magluto ng afritada, o menudo, o pochero, tapos kumpleto na lahat ang ingredients except tomato sauce, at pwede naman akong bumili ng tomato sauce sa katapat naming grocery store, hindi ko pa rin itutuloy kasi foreigner yung brand ng tomato sauce nila. Ang pakiramdam ko, kailangan ko pang pumunta sa Asian store para makabili ng Pinoy brand tomato sauce, para matuloy ang balak kong lutuin.
“Eh di pumunta ka sa Asian store.”
Time to collect my thoughts and make a 2022 game plan. But first:
2021 REFLECTIONS
The year that I…
Explored A LOT of hobbies. Kaya naman little success lang ang na-achieve ko in terms of mastering a skill.
Aside from exploring hobbies, we also explored new places here in Manitoba.
This is also the year that I got serious about investing and finances in general.
What worked?
READ THIS BOOK IF…
QUICK AND TAMAD SUMMARY
Keiko is a 36 year-old Tokyo resident who works in a convenience store since she was 18. Masaya naman sya at wala syang balak na mag-quit kasi sobrang kuntento sya sa trabaho nya at sa buhay nya in general. Kaso andaming echosera na sobrang judgmental kasi sa age daw nyang yon, dapat daw may asawa at anak na sya. At dapat daw makahanap na sya ng ibang trabaho kasi minamaliit nila yung trabaho ni Keiko as a convenience store worker.

I would assume you already read the book so hindi na ko magta-try ikwento, pero gusto ko lang i-highlight yung mga moments na meron akong na-feel na strong emotions while reading the book like yung sobrang natawa ako or nagulat ako. Tapos may konting personal stories kung pano ko naka-relate.
At speaking of gulat, matiwasay lang akong nagbabasa kasi sinimulan nung author yung storya na bata pa si Keiko. So na-imagine ko naglalaro sila sa park with her playmates. Cutie cute cute. Tapos may nakita silang patay na ibon. Nung pinakita nya yung dead birdie, at nai-imagine ko pa yung enthusiasm nya, sabi nya sa nanay nya, “Let’s eat it!” At dun ko na-realize na kakaiba ‘tong si Keiko at kakaiba ‘tong librong binabasa ko.
READ THIS BOOK IF…
DO NOT READ IF…

The title of the book is a bit of an oxymoron. Kasi nga pano sya magiging “way” kung may obstacle nga. So title pa lang, it’s clear na ang gustong iparating ng book ay yung mga challenges daw, mga setbacks, mga “obstacles”, yun yung makakatulong satin para mag-improve at mas maging resilient. Yung mga problema, hindi natin dapat syang iwasan. Dapat natin syang daanan.
The impediment to action advances action. What stands in the way becomes the way.
Marcus Aurelius
He says the best way out is always through
Robert Frost
And I agree to that, or in so far
As I can see no way out but through.
READ THIS BOOK IF…

May shinare yung author about sa lola nya:
She told me to enjoy my youth, to savor the feeling of being young. Adults, she said, always ruined things. Don’t grow up, she said. Never grow up.
Lola nung author
Wala naman ako masyadong realization about dun sa sinabi ng lola nya. Shinare ko lang kasi interesting and I kind of agree. Wag maging laging seryoso sa buhay. Minsan kelangan natin maging playful at mag-try ng mga bagay bagay. Kasi ang mga bata diba laging curious.
Nagkaron nanaman ako ng time magmumi muni since solo nanaman ako dito sa apartment. Narealize ko lang kung gano ako kakuntento ngayong moment na ‘to. Oo marami pa kong mga bagay na gustong gawin pero tanggap ko na hindi pa sya abot ng kamay ko ngayon (tulad ng paguwi sa Pilipinas para makasama ko na ang pamilya ko). Tanggap kong sa future pa sya mangyayari. Kaya tuloy ngayon, ang gaan ng pakiramdam ko.
Thank you Mama at Papa dahil pina-experience nyo sakin ang buhay. Kahit alam kong hindi ako planado, salamat dahil hindi kayo marunong mag-family planning, nabuhay tuloy ako.
Oo madami ring hindi magagandang nangyari sakin. Pero mas madami pa din yung masasaya at makabuluhan. At feeling ko yung mga pangit na nangyari, yun din yung nagbibigay ng extra saya sa mga moment na masasaya. Parang sa ibang tao kung ire-rate nila yung isang masayang bagay na 6 out of 10, sakin 9.
Kaya talagang kailangan ko palang alagaan ang sarili ko. Yun lang yung pwede kong maisukli sa mga magulang ko. Alagaan yung buhay na binigay nila sakin. Kailangan kong hindi lang pahabain yung buhay ko, kundi siguraduhin din na makabuluhan sa abot ng aking makakaya. At dahil dyan, maliligo na ako.
PS:
Happy anniversary Mama at Papa!!❤️
Magsusulat na ko bago pa ko madistract ng ibang mga bagay. Pa-aga ng pa-aga ang gising ko. Siguro dahil pa-late ng pa-late ang sunrise tapos ang aga na lumubog ng araw. Nakaka-feel good kasi hindi ako fan ng sunshine. As mentioned before, gusto ko gloomy and moody yung atmosphere. Narerelax talaga yung isip ko pag ganun.
At gusto ko yung ganito na maaga yung gising ko. Gusto ko pang mas agahan. Ang peaceful kasi sa umaga. Totoo talaga na iba yung calmness pag yung mga tao tulog pa tapos ikaw nagsisimula ka na sa araw mo pero hindi ka nagmamadali. Nakapag yoga din ako kanina so ang sarap sa katawan dahil nga lagi lang naman akong nakaupo buong araw.
Extra peaceful ngayon kasi solo lang ako dito sa bahay. Kelangan pumunta ni Kenneth sa office so pwede akong mag-sounds. Tapos umaambon pa. Ang saraaap. Parang ang perfect ng start ng araw na ‘to.
Nae-excite tuloy ako mag-prepare ng breakfast ko. Baka kainin ko na lang yung tirang beef strips na minarinate sa Korean sweet sauce. Tapos yung blueberry bagel lalagyan ko ng cream cheese at strawberry jam. Sarap! Tapos manonood ako ng crypto news sa YT. Hays. Ang ganda ng araw na ‘to. Sana consistent hanggang mamaya.
Just now ginoogle (nag-struggle ako pano i-spell), ni-Google? Ginugel. Basta nag-search ako sa Google ng, “how to be less tense” dahil nga pansin ko, parang lagi akong gigil. Gigil ako maligo, mag-toothbrush, mag-luto. Yun bang feeling ko nauubusan ako ng oras so kelangan kong magmadali kahit hindi naman. Hindi ko alam bakit yung mga ordinary activities like maghugas ng pinggan, magtiklop ng kumot, parang nastress ako. Basta yun yung feeling ko. Na kelangan kong magmadali. Na hinahabol ko yung oras. Kahit alam ko naman na wala naman akong hinahabol, hindi ko kelangan magmadali. Hindi ko maintindihan.
So based sa Google, expected ko na yung mga usual advice na meditate, breathing exercises, na hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita yung benefit kahit na-try ko na sya ilang beses. Siguro dahil hindi ako consistent. Pero yung isang advice ay: mag journal. Kaya nandito ako ngayon. Kasi ito yung tried and tested method na gagaan yung pakiramdam ko once magsulat ako dito.
Hindi ko lang maintindihan bakit may ganun akong tendency and almost everyday sya. Parang everyday nga talaga. Pero recently mas nagiging aware na ko so sinasadya kong bagalan yung galaw ko pero yung utak ko sinasabi pa rin na, “Bilis bilis!” So hinahayaan ko lang sya basta sinasadya ko pa ring bagalan yung paggalaw. Pero hindi pa rin sya nakakatulong kasi ang gusto kong mawala is yung pagiisip kong magmabilis. Kelangan kong rumelaks.
*after some more googling*
Isa daw reason is perfectionism. Which I can agree. Siguro may tendency yung utak ko na isipin na, “Today should be a productive day. Today should be a perfect day.” Parang totoo nga. Whether I think about it consciously or subconsciously, mukang ganun nga yung nangyayari.
Not only is this pursuit fruitless – “perfect” simply doesn’t exist – but it’s also exhausting.
When we’re living in permanent “chaser” mode, hankering after what comes next – we miss the moment. We’re going to find ourselves struggling to find contentment with what’s happening right now.
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
May tina-try akong i-apply na mantra before (actually hanggang ngayon naman) dahil hindi naman ito yung first time na na-notice ko ‘to sa sarili ko. Yung mantra is: Slow, intentional living. Nahihirapan lang akong i-apply dahil nga hindi ko pa rin maiwasan makaalis sa “chaser mode”. I think the only thing to do is, try better next time. Try lang ng try. Parang yun lang talaga ang magagawa ko.
What’s more, it reaps havoc on our physical health. Chronic tension pushes our body into an almost constant state of “fight-or-flight” with heavy consequences (headaches, digestive issues, high blood pressure etc).
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
I bet it also causes chronic low grade inflammation—which I’m trying to avoid. Lastly from this article:
Perfectionism has been passed down by the generations before you – but it’s not your weight to carry. Shifting the focus to getting your deeper needs met – rather than the superficial ones – is going to help you gradually restructure your life in a way that allows space for fun, love and connection, bringing with it more lasting fulfilment.
https://myonlinetherapy.com/why-am-i-so-tense-all-the-time/
Ugh gusto ko yung “Perfectionism is not your weight to carry.” at “getting your deeper needs met”. Ganda. So yun. Sinasabi ko na nga ba pagsusulat lang ang sagot (and Google). See? I feel so much better. Self therapy is the best. I guess yun nga. Just try to be better. And again, self compassion if I screw up. Be patient with myself. Thanks self!