Categories
Hanash Insights

Foreigner na Tomato Sauce

NEWS FLASH: Ngayon ko lang natanggap na pwedeng gamitin ang non-Pinoy brand tomato sauce sa mga tomato-based Filipino dishes.

Dati kasi, pag naisipan kong magluto ng afritada, o menudo, o pochero, tapos kumpleto na lahat ang ingredients except tomato sauce, at pwede naman akong bumili ng tomato sauce sa katapat naming grocery store, hindi ko pa rin itutuloy kasi foreigner yung brand ng tomato sauce nila. Ang pakiramdam ko, kailangan ko pang pumunta sa Asian store para makabili ng Pinoy brand tomato sauce, para matuloy ang balak kong lutuin.

“Eh di pumunta ka sa Asian store.”

Sa tamad ni Kenneth mag-drive, kailangan ko pang maghintay ng mga 1 week para maging ready yung utak nya na pupunta kami sa Asian store na 20 minutes away lang naman. Hindi rin ako marunong mag-drive.

“Eh di mag-bus ka.”

Ayoko COVID. Ayaw din ni Kenneth.

“Eh di gumamit ka na ng kahit anong tomato sauce.”

Yun na nga. Hindi ko nga sya magawa nung una. Kahit alam kong reasonable naman, na tomato sauce din naman yun, hindi ko alam basta hindi ko kaya. Para kasing mali. At kung tutuusin, magkaiba naman talaga ang lasa ng Pinoy tomato sauce sa foreign tomato sauce. Mas matamis yung Pinoy brand.

“Eh di timplahan mo na lang ng asukal.”

Yun na nga. Yun na nga ang ginawa ko kanina. Kahit matagal ko na syang naisip, ngayon lang ako naglakas ng loob na subukan. At pagkatapos kong magluto ng afritada gamit ang foreign brand tomato sauce at masarap naman ang kinalabasan basta madaming asukal, napaisip ako kung bakit ba ngayon ko lang ‘to ginawa.

Ang ibig kong sabihin, meron tayong mga paniniwala at mga kinasanayan na walang katuturan. Suriin natin ang mga paniniwalang ito at tukuyin kung pinipigilan ba tayo nito sa mga magagandang posibilidad na pwede nating makamit. Tulad ng masarap na afritada gamit ang foreign brand tomato sauce 🍅

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s