Nasa Costco ako at tinitingnan ‘to:

Merong puti na lumapit sakin. Feeling ko in her 60s na sya. Tawagin natin syang Molly.
Nasa Costco ako at tinitingnan ‘to:

Merong puti na lumapit sakin. Feeling ko in her 60s na sya. Tawagin natin syang Molly.
Gusto ko yung natutunan ko sa ‘Waking Up’ app:
Parang sabi wag daw tayong ma-feel bad if we’re missing out. Kasi missing out means you get to focus on just a few things or people, hence, living a richer life. Kasi pag yes lang tayo ng yes sa lahat, or collect lang tayo ng collect ng friends/acquaintances, sabog sabog yung experience. We’re spreading ourselves too thin.

Naihalintulad ko yung fear of missing out sa paginom ng mango juice na overly diluted with water. Hint na lang nung mango yung malalasahan ko. Nakakabitin at hindi enjoyable. Unlike pag pure mango juice, ang sarap, ang rich ng flavor. So tingin ko ang sinasabi dito, mas masarap ang buhay if you only commit your time to a few important things/events/hobbies/people.
At dahil dyan, nagkaron ng another level of meaning for me yung saying na, “Less is more.”
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
After meditating, gusto ko yung sinuggest ni Headspace to set intentions for the week. So napaisip ako at pinicture ko kung ano ba yung mga possibilities for the week ahead:
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
Bago pa matapos ang May, ike-kwento ko muna ‘to. Nalaman ko somewhere na ang buwan ng Mayo ay ‘Masturbation Month’. Meron palang ganun. Sabi ko kay Kenneth, “Ang May pala ay Masturbation Month.” Nagulat na natawa lang sya, pero na-feel kong medyo na-awkward.

Pagbukas ko ng bintana, bumulagta sakin ang malawak na asul at matingkad na kahel. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nakatitig lang ako ng ilang minuto habang nakangiti at nilalanghap ang sandaling ito. Inisa-isa kong tinitigan ang mga punong walang dahon at napansin kong umiindayog sila sa ihip ng hangin na mistulang kumakaway. Hindi maikakaila na panandalian nitong naiibsan ang lumbay at ligalig ng buhay—kahit ilang minuto lang. Salamat sa kamangha-manghang palabas. Sana bukas ulit.

Napatigil ako sa book reporting ko ng ‘Recapture the Rapture’ nung nabasa ko ulit yung isang hinighlight ko.
I arise in the morning torn between a desire to improve (or save) the world and a desire to enjoy (or savor) the world. This makes it hard to plan the day.”
E. B. White, author of the children’s classic Charlotte’s Web
May pinapanood ako at bigla kong naalala yung time na na-stranded ako sa Incheon Airport. Konting konti na lang nasa Pilipinas na ko tapos nagkaproblema pa grrr. Pinipigilan ko yung emotions ko that time pero nung kausap ko na ang Mama, wala umiyak na ko. Ang layo na kasi ng nilakbay ko (18 hrs!) tapos papabalikin lang ako?! Pero yung best part, wala akong ibang narinig sa Mama kundi, “Makakauwi ka.” Kahit 99% sure akong hindi na ko makakauwi, ang sarap pa rin pakinggan nung konting hope na baka nga makauwi ako. As a recovering pessimistic, kelangan ko talaga ng mga positive people sa buhay ko. At bilang ganti, kelangan ko rin mas maging positive para sa ibang tao.
This is the 3rd day na constant yung knot sa chest ko. Siguro made-describe ko sya as parang kinakabahan without the dugdug of the heart. Sabi ng Mama magpa-consult na raw ako at baka may problema ako sa puso. Magpapa-sched ako mamaya.
Hindi ito ang first time na naramdaman ko ‘to kaya may tatlo akong naiisip na rason: