Categories
Health Insights

Happy Masturbation Month!

Bago pa matapos ang May, ike-kwento ko muna ‘to. Nalaman ko somewhere na ang buwan ng Mayo ay ‘Masturbation Month’. Meron palang ganun. Sabi ko kay Kenneth, “Ang May pala ay Masturbation Month.” Nagulat na natawa lang sya, pero na-feel kong medyo na-awkward.

Tanda ko pa kung san ko unang nalaman yung word na masturbate. Sa mIRC32 chat room. Highschool ako at walang kamuwang-muwang. Favorite kong tumambay sa computer lab ng school namin para sa free internet. Isa or dalwang oras lang yung allowed samin per day kaya nakakabitin. At least libre.

Doon sa computer lab, kung hindi ako nagsi-search ng mga lyrics ng kanta or nagpapakain ng mga alaga ko sa Neopets, nakikipag-chat ako sa mga strangers for fun. Brand new pa samin ang technology ng chatting at wala pa kong idea sa existence ng mga perverts. So one time, may naka-chat ako tapos ang sabi nya sakin, “I masturbate 10x a day.” Hindi ko alam ang ibig sabihin nung word na yun at hindi ko rin naisipan i-search yung meaning (di pa uso ang “i-Google mo gago”). Pero na-sense kong may something. Kasi bakit mo gagawin ang isang bagay ng 10x a day?? Ang excessive masyado.

Klasik

Nung sinabihan kami na time’s up na, eh di umalis na kami. Kasama ko yung ka-school service ko, si Josephine. Mas matanda sya sakin ng isang taon. Kwinento ko sa kanya yung sinabi nung nakachat ko, “Nagma-masturbate daw sya 10x a day.” Ang ine-expect ko magugulat sya or something. Di ko rin talaga alam kung ano bang ine-expect ko na isasagot nya pero hindi yung mismong sinagot nya. Kasi sabi nya, “O ano naman?” Ha? Lalo akong naguluhan. At ayoko pa rin aminin sa kanya na hindi ko alam kung anong meaning ng word na yun.

Later on, nalaman ko na rin kung anong totoo nyang ibig sabihin at nung una, akala ko para lang sya sa mga lalake. Kaya ko rin gustong magkwento about dito ay dahil lately, ang dami kong pinapakinggan na podcast at nag-binge ako sa podcast ni Ava at Belle. Napaisip ako na, sana noon pa lang may ganito na kasi ang empowering nya for women.

Since meron akong younger sister at mga pinsan na teenagers, gusto ko silang maging informed about sexual wellness as early as now. Ayoko silang maging awkward about it. Ayoko silang ma-guilty or ma-pressure. So nag-send ako sa kapatid ko ng isang episode nung podcast as a source of information about this topic. Apparently, nakikinig na pala sya at super happy ako about it. Wala pa kami sa level na naguusap kami openly about this pero ready ako anytime kung comfortable syang mag-share sakin.

For me it’s so helpful that you’re exposing yourself to these kinds of topics if you’re someone who’s inexperienced. Kasi the more you’re exposed, the less scary it seems. At ayokong ma-experience ng kapatid ko at mga pinsan ko yung na-experience ko dati na ang daming guilt. Kasi kahit ngayon as a full-grown, married-for-seven-years adult, hindi ko pa rin completely ma-detach yung negative feelings towards it. Parang nag-linger sa adulthood yung guilt kahit wala naman akong dapat ika-guilty noon pa lang. Nakakaasar lang na women lang yung nakaka-experience ng ganito and men have all the sexual freedom.

Ngayon, I see sexuality not only as a form of intimacy and expression of love, but also as a means of exploring and knowing your body. Siguro as long as you’re safe, you’re not being pressured, and you know your limits, it’s okay. I’ve also read that masturbation is an act of self care. Wag lang siguro 10x a day. Happy Masturbation Month!🤍

2 replies on “Happy Masturbation Month!”

Happy masturbation month! (Kahit ngayon ko lang nalaman na may ganto pala!) Sobrang classic nung mIRC! Hahahaha, panay jowaan naman ang kwento ng mga classmates ko niyan dati. Hahaha

Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s