Categories
Canada Life

Sick Leave + School + Drug Addicts + Ali Wong Love

Ang laki talaga ng naitutulong nitong blog ko na to sa sarili ko. Therapy talaga. Magulo kasi ang isip ko. Para bang yung movie na Inception. Patong patong. Side note: Na-experience ko na yung totoong inception. Nananaginip ako na nananaginip ako. Diba yun yun?

Anyway, absent ako ngayon. Friday ngayon. Kahapon, absent din ako. Nung Monday, absent din ako. Masama naman talaga yung pakiramdam ko tuwing umaga, pero for some weird reason, gagaling na ko after a few hours. Medyo nagguilty ako kasi kinausap na ko ng supervisor ko about absenteeism. Tapos ang dami ko nanamang absent. This week, 2 days lang ang ipinasok ko. Haha. Lagot nanaman. Eh totoo naman kasi talagang nagkakasakit ako anong magagawa ko.

Three days ago, nag-submit kami ng application dun sa apartment na gusto naming lipatan. Hindi pwedeng basta may pambayad ka, ok ka nang tumira dun sa apartment. Kailangan mag-apply. May mga background check pa silang ginagawa. Hanggang ngayon nagaantay pa din kami ng balita. Sobrang magulo simula nung naisip naming mag-decide na lumipat. Patapos na kasi yung contract namin dito sa current apartment. Kaya  magulo kasi pabalik balik yung decision namin kung lilipat ba kami o hindi na lang muna. Ang mahal kasi nung mga apartments na magaganda. Etong apartment namin ngayon, ayos naman. Sobrang upgrade eto compared sa apartment namin sa Pinas. Sobrang laki para saming dalwa.

Pero ang pangit lang, since nasa affordable range yung apartment na to, may mga tenants na masasamang loob. Yung landlord na mismo ang nagsabi. May mga tenants daw dito na nagd-drugs. At muka ngang totoo kasi minsan na kaming nawalan ng package. Nung una, pag may nagiiwan ng package sa pinto ng unit namin, wala namang kumukuha. Pero may one time na may kumuha so takot na kaming magpadeliver. Nung nagpa-deliver ako ng cat food (so medyo malaki yung box), pagdating ko, andun naman yung box sa pinto pero wasak yung box. Inattempt nilang buksan. Kung hindi pa nakita nung landlord baka mas wasak pa yun. Eh di try nilang kainin yung cat food.

Isa pang uncomforatable, laging may tumatawag saming pulis. Dito kasi, para sa mga hindi familiar kasi bago lang din sakin to dati, may buzzer. So may parang phone sa labas ng building tapos pag-dial nila ng unit number namin, may tatawag sa cellphone ko. Tapos sasagutin ko at pipindutin yung 9 para mabuksan yung gate at makapasok yung tao na yun sa building. So usually, ang tumatawag lang sakin ay mga delivery people. Nagulat ako na pulis yung kausap ko tapos sabi eh, “This is Winnipeg police. Let us enter into the building.” parang ganun. Eh di may konting kaba kahit alam naman naming wala kaming ginawa. Yun pala, akala eh landlord kami kasi yung unit number namin ay 101. Eh nasa 105 yung landlord. Inassume lang nila na yung first unit ay landlord’s unit. So dun sa mga next na tawag, dini-direct ko sila sa landlord. Hindi ko pinagbubuksan. Malay ko ba baka fake police officer sila so ayaw ko silang pagbuksan. Sabi ko tumawag kayo sa 105. Hanggang sa pag alam kong wala naman kaming delivery, hindi ko na sinasagot. At minsan pa alanganing oras tumatawag. 11 PM or madaling araw. Tapos may one time na may kumatok sa unit namin, pagbukas ni Kenneth, mga pulis na naman! Akala na naman landlord kami. So bukod sa istorbo na lagi na lang kaming tinatawagan ng pulis, nakaka-bother din na bakit may pulis? So for sure may nag-report na may gumagawa ng illegal activities. Kaya naisipan naming lumipat na basta afford.

So meron nga kaming nakita na medyo mahal kasi bago lang yung building tapos maganda yung location. Katabi lang ng grocery store tapos may mga fastfood sa tapat.  We’ll see kung maa-approve kami. Kakayanin na lang kahit mahal ng kaunti.

Two days ago, umattend ako ng tinatawang nilang ‘Information Session’. Eto yung parang “mini seminar”  at dinidiscuss nila yung program (or course) na gusto mong i-take sa school nila. Namention ko na to previously pero dito, imbis na course ang tawag, program yung tawag nila (Nursing program, IT program). Tapos imbis na subjects, courses yung tawag nila (English course, Math course). So yun. Back to Information Session, yung program na gusto kong i-take ay Digital Media Design. Two-year program sya. May isa nanamang kakaiba dito in terms of college education. Dito, kelangan mong mag-apply para makapasok. As in magsusulat ka ng essay kung bakit ito yung program na napili mo, tapos since Digital Media Design ang pinili ko, magssubmit ako ng mga drawings, paintings, arts and crafts, etc. (portfolio ang tawag). Tapos may deliberation. 40 students lang daw ang tinatanggap nila sa program na to. So medyo scary talaga. Kelangan mong galingan sa portfolio. So yun ang pagkakaabalahan ko sa upcoming weeks. April pa naman yung deadline pero maigi na yung maagap. Kailangang galingan. Dun sa attendees ng Information Session, mag-gauge mo na kung ilan yung applicants na interested dun sa program. Puno yung hall so madaming competition. Kailangang galingan.

Kanina, since absent nga ako ngayon, naka-punta ako dun sa dental appointment ko. Alanganin kasi yung oras ng appointment, 11AM. May sina-suggest na ipagawa sakin since na-chip nga yung ngipin ko nung kumakain ako ng popcorn. Buti hindi ngipin sa unahan. Crown yung gustong ipagawa sakin. Eh ang mahal nun! Yung estimate na binigay sakin nasa $1,100. Php 44,000! Di bale na! Pagtyatyagaan ko na lang na may tumutusok sa side ng dila ko. Ang pointy kase nung ngipin after may natanggal so tumutusok sa gilid ng dila ko. Sobrang hindi komportable. Feeling ko magkakasugat yung dila ko. Eh hindi daw pwedeng pasta lang gusto talaga nila crown. Tapos $1,100?! Di bale na talaga. Hahanap na lang ako ng ibang dentist na willing pasta-an o kaya paguwi kong Pinas dun ko na lang ipapagawa.

Sobrang nagmamasid ako kanina nung nasa labas ako kasi yung dental clinic, malapit lang sa office namin. Hihi. Baka biglang makasalubong ko si sungit-pero-minsan-friendly-pero-parang-fake-friendly-our-team-assistant Ryan. Ngayon ko lang naisip na medyo ang pangit pala nung job title nya na Team Assistant. Kung satin sa Pinas, Assistant Supervisor yun. Pero dito, Team Assistant ang tawag so parang assistant sya ng team. So parang assistant namin sya. Haha. Ang daming kakaiba talaga dito sa Canada.

Ang haba na ng post ko pero gusto ko lang idagdag na sobrang nakakatawa yung binabasa ko ngayon:

Favorite ko na si Ali Wong talaga. Sobrang walang pretentions sa katawan. Ang vulgar minsan ng humor nya pero okay pa din. Stand up comedian sya pero una ko syang napanood dun sa movie nya na Alway Be My Maybe. Nung nakita ko sya dun naisip ko, “Sino kaya tong artista na to at pumayag si Keanu Reeves na magpa-kiss sa kanya?” Hindi ko sya masyadong gusto dun sa movie. Sya ata yung nagsulat at nagproduce nung movie na yun. Pero nung napanood ko sya dun sa Netflix special nya na Hard Knock Wife, sobrang tawang tawang tawa talaga ako! As in sobra. Yung Netflix special ni Aziz Ansari ang dami ko nang tawa pero kay Ali Wong talaga extreme! Kahit hindi naman ako super maka-relate kasi puro mom and pregnancy jokes yung kanya, halakhak talaga ako.

So yun lang. 2 AM na pala. Ang aga ko kasing nakatulog kanina, 8 PM, tapos nagising ako ng 11 PM. Gigisingin ko na si Kenneth at nakatulog na sa salas panonood ng Mandalorian. Goodnights!

Categories
Canada Life

January 2 Part 2

Sabi ko na nga ba eh magiging okay-ish na din ako after. Pagkatapos ko dun sa January 2 blog post ko, nanood kami ng Star Wars ni Kenneth pero nakatulugan ko yung The Empire Strikes Back. Isa ako sa konting percentage ng tao na hindi pa napapanood ang Star Wars. So since nakatulog ako kagabi feeling ko yun lang ang gagawin namin ni Kenneth maghapon. Baka matapos namin yung buong franchise ngayon.

Para naman hindi puro depressing stuff ang nandito, eto yung isa sa mga bagay na nillook forward ko. Baka lumipat na kami ng apartment next month. Yahoo. Baka 2-BR yung kunin namin pero titingnan pa sa budget. Halos kapresyo kasi nung apartment namin ngayon pero bagong bago tapos merong in-suite laundry at dishwasher. Tapos yung usual na ref, stove at microwave meron na din. Kaya perfect time na lumipat. At ang pinaka importanteng part, it’s pet friendly!! Excited na ako para kina Cashew and Walnut. Ang struggle lang is mag-disassemble ng mga malalaking furniture. Pero ok lang it’s gonna be worth it. Sana okay talaga dun sa apartment na yun. Kaka-excite hihi.

Kahit mostly okay na ko ulit, may mga stragglers pa din na kailangan kong gawan ng action pero dine-delay ko. Katulad nung portfolio para makapasok ako sa Digital Media Design program. Kelangan kong galingan pero siguro magstart na lang ako after kong umattend nung information session sa January 8. Isa pa eh yung approval ng leave ko sa February. Hindi talaga ko pinayagan kahit unpaid leave. May isa pang option akong ita-try pero pag hindi pa din, magreresign na ko. Kaya dapat ko nang ayusin yung online shop ko para may income pa din or maghanap ako ng online job.

Eto namang mga to eh somehow within my control. Talaga lang na pag nawala ako sa mood or nadepress ako, nawawalan ako ng ganang gumalaw. Kaya kelangan kong mag snap out of my current state at mas maging positive. Maghanap ng inspiration at magisip ng maayos. Kasi kung hindi, para akong hinihigop ng dilim at lungkot and as a result, nawawalan ng pakinabang. Ang grim pero yun talaga ang naffeel ko nowadays. Usually parang tatawanan ko lang or gagawin kong light ang mga bagay bagay pero kelangan ko tong i-address. Akala ko pa naman puro happy thoughts tong post na to pero ito na lang siguro yung one last hurrah ng pagkadepress ko. Feeling ko on the verge na talaga ako sa depression pero kita ko pa naman yung liwanag sa dilim. Haha grabe bakit ganito na kong magsalita. Usually hindi ko ine-entertain yung ganitong thoughts pero baka makatulong pag sinusulat ko. Parang andito ako sa state na nasakin yung decision kung hahayaan ko akong lumubog or magiging malakas ako para labanan yun. And I’d like to think of myself as a strong person. Sobrang madidisappoint ako sa sarili ko pag hahayaan ko to. Madami naman akong dapat ipagpasalamat at may mga tao pa din namang hindi disappointment sa buhay ko. Kelangan mo talagang magfocus sa liwanag o dun sa positive and really try to magnify it. Wag mong hahayaang mag-fade. Okay! I think na-sort out ko na ng maayos ang mga nasa isip ko at alam ko namang equipped ako para labanan ang pangit na parte ng sarili ko. Seryoso muna tayo ngayon.

Categories
Canada Life

January 2

Nakakainis ang lungkot lungkot naman ngayong Christmas season. Gusto ko nang matapos. Nakakalungkot na dati sobrang favorite ko ang December pero ngayon gusto ko syang murahin. Parang lumipas lang yung birthdays namin at Pasko na parang wala lang. Eto dapat yung pinaka masayang month of the year eh. Anyare?

Dumagdag pa yung stress ko sa mga kamaganak ko at yung pressure na magbigay ng magbigay dahil Pasko. Tapos yung paguwi ko nakaka stress na din kasi alam mong may expectation na dapat madaming pasalubong tapos for sure may mga kain pa yan sa labas. Tapos mahihiya naman ako kung hindi ako ang magbabayad. Kasi may mga kamaganak kami sa ibang bansa and every time na uuwi sila noon, yun yung nassense ko sa mga kamaganak ko na dapat sagot nung balikbayan. Hindi nila naiintindihan na posible namang kapusin din kahit nandito sa ibang bansa. So yun ang naiisip ko kahit pauwi pa lang naman ako. Pwede ding ako lang nagiisip nito pero pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko. Nastress na ko agad kahit wala pa ko sa sitwasyon na yun. Eto yung alam kong isang problema sakin na hindi ko naman macontrol. Advance ako masyado magisip.

Isama mo pa yung mga tao na sobrang hindi ko magets bakit kayang kaya nilang mang seen zone after kang may sabihin na malungkot or basta something na kareply reply dapat. Mga insensitive at walang pakealam. Hindi ko talaga kasi yun kaya. Hindi ako ganun kaya masama sa loob ko. Yun yung mga times na gusto ko na lang i-delete yung Messenger ko kasi mga walang kwenta namang mga kachat. Libreng magreply baka nakakalimutan nyo lang. Wag na lang kayong magstart ng conversation kung di nyo naman kayang makipagusap ng matino. Walang pwedeng magsabi na imposibleng gawin yun kasi may isa din akong katulad ko na hindi bastos kachat. Salamat naman at least may isa. Actually parang dalwa. Thank you sa inyong dalwa.

Gustuhin ko mang lumabas ng bahay para kahit papano ba eh may gawin, mas pinili kong magkulong na lang dito sa bahay. Mukang wrong move pala. Dapat pala lumabas kami. Sobrang lamig naman kasi. Nakakatamad lumabas hindi nakakatuwa yung lamig. Napapaisip ako baka talagang hindi kami para dito. Or hirap lang akong tanggapin na ganito talaga dito. Pinili naming pumunta dito. Eh hindi ko naman kasi inexpect na ganito kalamig at magiging ganito kalungkot.

Kala ko pagpunta namin dito mas magkaka financial freedom kami. Parang lalo pa ngang nagiging limitado. To think hindi kami maluho. Damit ko nga paulit ulit eh. Buti na lang wala naman akong pake. Ang importante laba. Hay siguro kung wala kaming pusa mga baliw na kami. Baka kelangan ko na talaga ng psychiatrist. Parang ang unhealthy ng mind ko. Lahat parang either kinakainisan ko or ikakalungkot ko. Minsan yung mga pusa na lang namin ang nakakapagbigay ng comfort sakin. Buti na lang din mas nakakausap ko na si Kenneth parang mas nagkakasundo na kami ngayon.

Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala. Yung mga taong wala at mga bagay or lugar na wala. Nung kumain kami sa Jollibee ayun ang saya ko non. Tapos magffade na pag lumipas na. Para bang yung scene sa Inside Out na movie. Feeling ko biglang hahawakan ni Sadness yung ball of joy tapos ayun, malungkot na. Parang nung mga nakaraan naman ok ako. Bigla lang nag-Pasko tapos nasira na. Puro masasayang pictures na lang ang nakikita ko. Scroll pa din naman ako ng scroll.

Nakakatawa pagtingin ko sa date, Pasko pa din pala dito. Kala ko December 26 na. Tulog kasi kaming dalwa kanina tapos paggising ko nakita ko 9:00 pero di ko alam kung AM or PM. Inisip ko AM. PM pa lang pala. So Pasko pa. Gusto ko nang mag January 2.

PS:

Most of the time, pag malungkot or galit ang post ko, after kong ilabas dito, gumagaan yung pakiramdam ko kahit papano. Kaya kalimitan, yung feeling ko dito sa post ko at yung feelings ko after kong i-post to, magkaiba na.

Categories
Canada Ramblings

Random Thoughts #5

More than a year here in Canada and this conversation still sounds so absurd to me.

AT THE BUS STOP

LOLO: Next week will be warm. Just minus two, minus six (degrees Celsius).

LOLA: Yeah that’s nice.

Diba. Kelan pa naging warm and negative 6 degrees? Satin nga sa Pinas yung 24 nilalamig na ko. Pero kahit ang weird pakinggan, super nag-agree ako kay lolo. Kase nung mga nakaraang araw, -30 degrees. Grabeng lamig. So kung ang forecast next week ay -2 or -6, ang saya. Maakit pala si Kenneth lumabas non.

Ang dami kong naiisip sa bus na gusto kong ikwento sa future self ko pero inaantok na ko ngayon. Makaidlip muna at hindi pa ko pwedeng makatulog nagluluto pa kong adobo.

Categories
Canada Family Money Diaries

Busy Friday

Wala kaming pasok ngayon ni Kenneth pero ang busy ng araw na to.

  • Nagpacheckup ako and diniscuss kung anong nangyari dun sa surgery ko nung November 8. Ayos naman daw, mukang natanggal naman ang dapat matanggal. Plus Letrozole. Plus may binayaran kaming $650 (Php 26k) na IVF registration fee. Wala lang yun as in registration lang. Naka-lista lang pangalan mo. Napaka-mahal eh. Non-refundable pa.
  • Pumunta kami sa mall (Polo Park) at namili pa ko ng extra pasalubong. Grabe wala na talaga kaming pera. As in pa-negative na. Hindi ko matiis na hindi bumili kahit wala na talaga kaming budget. Hays.
Snowflakes 😍
  • Pumunta kami sa isa pang mall (Winnipeg Outlet). Again, pasalubong. Tapos binalik namin yung mugs na binili namin last week. Haha. Ganito kasi yun. May Christmas party sa Dec 25 yung mga Filipino community dito ng mga tito ko. It comprises of mga 8-10 families. Sabi ng tito ko, magbigay daw kami ng something sa bawat pamilya kase ganun daw sila. So kahit alam ko sa utak ko na paubos na nga yung pera namin, na-pressure ako. So nung may nakita kaming mga naka-sale na mugs na $9 (Php 360) each, yun na yung naisip kong ipang regalo sa mga pami-pamilya. So times mo sa 8, $72 din yun! Mug sya na may parang nakabalot na crochet dun sa pinakang body tapos may box of hot chocolate sa ibabaw. Basta ganun, hindi sya basta basta mug. So ayun nga. Binalik namin. Haha. Wala na kong pake kung anong sabihin ng tito ko o nila na wala kaming regalo. Na-pressure and nahiya lang talaga ko nung una. Kasi ang thinking ko kahit noon pa, bakit ka magreregalo kung alam mo namang wala kang budget. Siguro ayaw kong masabihan na kuripot ako kahit totoo namang wala lang talaga kaming extra na pera. Feeling mo kasi na hindi ka papaniwalaan. And totoong kuripot ako pag wala akong pera pero pag meron ang generous ko. Eh ang problema, nagpapaka-generous ako ngayon kahit wala na nga kaming pera. So kelangan kong pigilan ang sarili ko. Kelangan magpaka-practical. Sabi ko nga kay Kenneth, wag na kong regaluhan sa birthday ko. Kahit nasweet-an ako, medyo nainis ako na may binili pa ding regalo. Sumasakit talaga ulo kakaisip ng bayarin namin sa credit card. Umabot na sya ng $1,700 (almost Php 70k) eh uuwi pa kami ng Pilipinas next year. Hays. Hindi kasi ako sanay na may utang kaya hindi ako mapakali. Eto nagsisimula na namang sumakit. Tapos pa, meron akong need na mag-explain sa kanila (sa pamilya ko) na wala akong masyadong pampasalubong. Pwede bang matic na na maisip nila na kaya konti ang pasalubong ko is dahil kulang ang budget namin hindi dahil nagkukuripot ako? Pwede bang yun yung maisip nila? Nasstress talaga ako. Para bang sobrang kelangan kong i-defend yung sarili ko at mag-explain ng todo para mapapaniwala sila. Lalo pa nung sinabihan ako ng tita ko na, “Ang dami nyo na sigurong ipon pampasalubong.” Kahit ba sabihin na pabiro lang yun, nakakadagdag sya sa pressure. Pag sinabi mong, “Wala nga ang daming bayarin.” feeling mo hindi ka pinapaniwalaan. Pano kaya namin babayaran yung $1,700 na yun. Hays.
  •  Ganun pa man, masaya pa din in general ang araw na to. For some reason, super okay ang bonding namin ni Kenneth ngayon. Na-feel ko ulit na super love na love namin ang isa’t isa tapos tawanan lang kami. 8 years na kasi kaming magkasama so hindi mo makakaila na nag-fade na yung super kilig moments. Pero ngayon bumalik ng konti. Nakatulong din siguro yung pagkain kasi ang sarap nung mga inorder namin. Hehe. Since ang mahal nung bill namin, sabi ko yun na yung birthday celeb ko kahit 2 days to go pa bago ako mag-birthday.
Sayang saya sya sa steak nya
  • After nitong mga to, pagod na kami. Lalo na ko kasi naka-upo lang naman sya tapos ako yung nag-iikot paghahanap ng pasalubong. Paguwi namin ang sakit pa din ng ulo ko so nagpamasahe ako kay Kenneth. Nakatulog ako agad haha. Di na kami nakapag-record ni Nick ng Ketchup Pepisode. Yun talaga ang pinaka-stress reliever ko pag minamasahe ni Kenneth yung ulo ko.
  • Nagising ako ng mga past 12 midnight tapos gising pa din sya. Nanonood sya ng video ng nagluluto ng chicken. Tapos tinatawanan namin si tita kasi nakakatawa yung mga side comments nya habang nagluluto sya. Ayun masaya pa din hanggang sa pagtulog. Sana laging ganito para naman hindi miserable yung buhay namin dito sa Canada. Exaggerated lang yung miserable pero talagang mas masaya kasi sa Pinas.
Categories
Canada Insights Life Ramblings

Fleeting Dreams

ELEMENTARY

Nung elementary ako (specifically nung grade 5 and 6) ang wish ko lang ay:

  • Maging kasing cool ni Jolina Magdangal

Sobrang idol ko non si Jolina ginagaya ko yung hairstyle at fashion nya.

  • Palaguin ang stationery collection ko

Sobrang uso noon samin ang mga stationery. Pagandahan ng stationery tapos susulatan mo yung mga kaibigan mo. Kahit noon ang hilig ko na talaga sa mga paper goods. Kaya nung nadiscover ko yung Papemelroti ang saya saya ko.

  • Magka-menstruation

Inis na inis ako non. Kelan ba ko magkaka-menstruation?! Yung mga kaklase ko meron na. Kumbaga sa millennials ngayon: major fomo. Haha. Cool ka pag nagka-period ka na. Eh wala late bloomer ako. First year highschool na ata ako nagkaron.

  • Gusto ko lang laging tumambay sa bahay ng bestfriend ko na si May at magkwentuhan tungkol sa mga crush namin sa school at mga crush naming boyband

Ang crush ko noon si Justin Timberlake at si Ben ng A1. Ayoko pang maging highschool nung mga time na yun kasi magkakahiwalay kami ng bestfriend ko. Sa ibang school kasi sya papasok. Pag nagtatanungan kaming mga classmates kung saan papasok ng highschool, iba ibang school yung sinasabi nila. Hindi dun sa school na papasukan ko. So pagdating ng highschool wala akong kakilala.

HIGHSCHOOL

Nung highschool ako, ang wish ko lang ay:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom ng mga magulang ko

Gusto kong tumambay kasama ang barkada ko na hindi ako kukulitin ng Mama na umuwi na. Gusto ko ng madaming adventures nung highschool kaso nga, lagi akong papauwiin ng maaga.

  • Bukod sa pagtambay with friends, ang gusto ko lang non ay mabili ko yung mga gusto kong libro sa National Book Store

May time na since wala akong pambili, tatambay ako sa NBS tapos dun ko babasahin yung libro. Kaso hindi ko naman yun matatapos so nabibitin ako pagbabasa.

So may internal monologue na nangyayari sa isip ko, “Pag ako may trabaho na, bibilhin ko to, at ito, at ito. Lahat ng librong gusto ko.” Fast forward na may trabaho na ako at hindi pa uso ang e-books, ang kuripot ko pa din bumili ng libro. So sa Booksale ako madalas pumupunta.

Jackpot
Hahaha
  • Gustong gusto kong magka digital camera

Kaya nung niregaluhan ako ng tito ko na nasa UK ng pambili ng digi cam, tuwang tuwa ako. Mahilig kasi akong magpicture ng kahit ano. Yung patay na butiki sa tagiliran ng SM, yung mga kinakalawang na barbwire dun sa damuhan ng isang subdivision, scotch tape, mga sinampay, every single inuman documented, tapos syempre sarili ko. Ang emo ko pa naman dati so very dramatic yung mga shots ko.

Ngayon hindi na ko ganun kahilig magpicture ng very random na mga bagay. Namiss ko yung old self ko na yun. Ngayon parang laging Instagrammable dapat. Kaya siguro ang hilig kong mag-reminisce. Naaalala ko yung mga traits ko noon na gusto kong ibalik at gusto kong dalhin hanggang pagtanda ko.

My 1st digital camera. Wala pang IG ng panahon na to pero may pa-flat lay tayo.
The patay na butiki sa tagiliran ng SM. Not a joke.
How poetic 😁
  • Gusto kong maging rockstar

No explanation needed.

Kilig ako dito kasi nameet ko yung crush ko na bassist ng Hilera

COLLEGE

Nung college ako, ang wish ko lang ay ganun din:

  • Tanggalin yung curfew ko at payagan akong mag-inom at umuwi ng madaling araw

Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko na pinapayagan silang uminom at abutin ng madaling araw paguwi. Sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na ang tanda ko na daw, bakit hindi pa din ako pinapayagan uminom? Asa pa naman na payagan ako. So lagi na lang sikreto.

Inuman sa gutter while stargazing
  • Magpabutas sa kilay katulad nung kay Amy Lee ng Evanescence

Hindi ko to nagawa. Gawin ko kaya ngayon?

  • Ang isa pa pala, gusto kong payagan na akong magboyfriend

Ayaw naman ng Papa. Tandang tanda ko yung laging dialogue ng Papa na, “Pagka graduate mo, pagbabang pagbaba mo ng stage, kahit mag-asawa ka na agad.” Basta wag lang daw habang nagaaral. So ayun, lagi ulit sikreto.

Pero kahit naman bawal uminom, bawal abutin ng madaling araw at bawal magboyfriend, ginawa ko pa din yun lahat. Kaya sobrang sakit ng ulo nila sakin. As in sobra. Dalwang beses akong lumayas sa bahay. Yung isa pala ako na yung pinalayas.

Okay ang grades ko sa school, naging scholar pa nga ako at one point. Yun ang pang-bargain ko sa kanila. Pero pag inabutan ako ng galit ng Papa ko, sasabihin sakin na, “Hindi ko kailangan ng matalinong anak! Ang gusto ko ay sumusunod!”

  • Magkaron ng sariling piano

Yung piano kasi nasa bahay ng lola ko. Pwede naman akong magpractice dun kaso, yung pinsan ko na baby pa at that time, naiistorbo ang pagtulog pag nagpa-piano ako. So pagsasabihan ako ng tita ko na hinaan ang pagtugtog. Ang hirap naman ng ganun. So medyo nawalan na ko ng gana.

Internal monologue: “Pag ako nagkabahay, bibili ako ng piano. Hindi pwedeng walang piano.”

  • Mas dumami yung wish ko nung college. Wish ko din non na tumira ako sa Maynila.

Lagi akong nagd-daydream na makatira ako sa Maynila. Tapos naiimagine ko na ang ganda ng kwarto ko, hindi makalat. Tapos nakaupo ako sa may bintana habang nagbabasa ng libro or nanonood ng tv series tapos umuulan sa labas. Sobrang comforting nung thought na yun sakin. Parang hot chocolate na may mini marshmallows. Mahilig din kasi akong magbasa ng teen magazine non. Dun ko napipicture yung Manila life kasi nakikita ko dun yung mga featured nilang hangout spots, mga restaurants na wala sa probinsya namin, mga magagandang malls, etc. Parang ang saya sayang tumira sa Manila based dun sa mga magazines na yun.

Internal monologue ko nung college: “Gusto ko nang magsolo sa bahay. Yung walang magsasabi sakin kung anong oras ako dapat umuwi. Yung hindi puro na lang bawal lahat. Pag yun na-achieve ko, sobrang saya ko na. Parang wala na kong hihilingin pa.”

My old room

Fast forward na nakatira na ko sa Maynila, na-experience ko na yung mga hangout spots. Natikman ko na yung cookie sa Brother’s Burger na based dun sa teen magazine na nabasa ko, the best cookie daw. Ginupit ko pa yun dun sa magazine tapos dinikit ko sa dingding ng kwarto ko. Na-experience ko nang mag-solo sa apartment habang nagbabasa at umuulan sa labas. Ang sarap talaga. Hanggang ngayon isa pa din yun sa mga favorite kong mangyare. Pero hindi totoo yung, “Wala na kong hihilingin pa.” Ang babaw lang talaga ng mga gusto ko noon.

Spot the cookie article

AFTER COLLEGE

Nung nagtatrabaho na ko (sa Pilipinas muna), ang wish ko lang ay:

  • Mabili yung mga gadgets na gusto kong bilhin

Gusto ko nung bagong iPhone, iPad, Macbook Pro. Gusto ko nung Fuji na mirrorless camera.

As of now, meron na ako ng mga ito kaya masaya naman ako. Pero yung saya or yung high, ang bilis lang. Since na-fulfill ko na yung karamihan sa wishlist ko, parang nababawasan na yung spark or yung spice sa buhay. Basta yung parang something na meron kang dine-desire at looking forward ka dun sa araw na mangyayari yun. Pag nawala yun, parang ang meaningless ng buhay. Kailangan ko ng panibagong wishlist and not necessarily materyal na bagay. Dadamihan ko pa para mas masaya.

Internal monologue: “Parang ang hirap maging billionaire katulad ni Kylie Jenner. Kasi pag dumating sa point na madali na lang sakin bumili ng kahit anong gusto ko, parang ang boring na. Kaya tamang millionaire na lang. ASA.”

  • Magsugal everyday
Mga nanghihingi ng balato 🤣 Hindi pa kami ni Kenneth dito haha.

Sobrang adik ko sa Texas Hold’em at pusoy dati. Nung nasa Maynila na, level up na. Casino na. Nagkaron pa ng time na pumupunta ko sa casino mag-isa. Buti ngayon tapos na yung phase ko na yun.

  • Ma-try yung mga restaurants na magaganda ang reviews

Nagkaron ng time na every week kami sa Ramen Nagi. Sobrang dami naming nakainan na masasarap. Di ko na ma-mention lahat basta ang dami at ang sarap. Ang daming choices. Nakaka-miss kumain ng masarap.

  • Makapag-travel every year sa iba ibang lugar

Ang saya na na-experience ko ang Japan, Singapore, Korea, Taiwan at Hong Kong + Macau. Hindi ganun kalaki ang sweldo namin sa Pilipinas pero nakakaipon at nakakatravel kami. Pero ngayong nasa Canada na at lumaki-laki na ang sweldo, anyare?

  • Ma-approve yung application namin sa Canada

Internal monologue: “Pag ako nakatira na sa Canada, hindi siguro ako mabobore dun. Ang dami sigurong pwedeng mapuntahan tapos ang sasarap ng pagkain. Mabibili ko na siguro lahat ng gusto kong bilhin tapos ibibili ko ang Mama nung branded na bag na gusto nya tapos ang Papa ibibili ko ng iPad. Makaka-travel kami kung san namin gusto. Tapos pag nasa Canada na kami wala na dun yung mga toxic na tao. Madali na rin akong makaka-attend ng mga concerts (hindi pa ko nakaka-attend ng concert hanggang ngayon). Last but not the least, siguradong safe dun (naholdap kasi ako sa Makati). Magkakaron na ako ng peace of mind.”

Pero ngayong nasa Canada na kami… ewan.

CANADA

Nung nagtatrabaho na ko dito sa Canada, ang wish ko lang ay:

  • Makauwi

Gusto ko nang magbakasyon sa Pilipinas. Hindi ko alam kung gusto ko bang bumalik na lang sa Pilipinas at iwanan na tong Canada or baka phase lang to. Hindi ko pa din alam. Pag namimiss ko ang Pilipinas, nalilimutan ko yung mga ayaw ko sa kanya. Yung traffic, yung paranoia na baka maholdap na naman ako, yung sweldo na maliit, yung mga nakakatakot na lindol, mga toxic officemates, yung masikip naming apartment, yan mga naiisip ko off the top of my head. Pag namimiss ko ang Pilipinas, ang naiisip ko mostly ay yung mga magagandang parts. Makakasama ko na ulit ang pamilya at mga kaibigan ko, makakakain na ko ng masarap, may lasa na ang hipon at kasag, walang madulas na snow, walang nakakamatay na weather, magkakaron na ulit kami ng nightlife, hindi ko na poproblemahin kung pano makipag-small talk sa mga puti, yung mga chismisan namin ng mga officemates ko, family and friends ko ulit. Ang hirap talaga ma-kuntento.

  • Makapag-resign sa boring kong trabaho at maging freelance artist na may sustainable na income

Gusto ko yung ganito. Nasa loob lang ako ng bahay, freelancer. Hawak ko ang oras ko. Pag low batt na yung iPad, magpapahinga muna ako sa pagddrawing at manonood ng tv series. Kaso nga, hindi stable ang income. Baka hindi kami mabuhay dito sa Canada.

  • Maka-move sa ibang province or sa Australia

Hindi talaga ako ganun kasaya dito sa Winnipeg. Minsan iniisip ko baka dahil homesick lang ako pero parang hindi talaga. Gusto kong mag-try sa ibang lugar. Baka mas dun ko mahanap yung balance. Ang layo kasi masyado ng Canada sa Pilipinas. Kaya iniisip kong mag-move kaya kami sa Australia? Yun ang gusto kong ma-figure out. Hindi naman ako naghahanap ng perfect na lugar, gusto ko lang na mas madami yung positives kesa sa negatives. Dito kasi parang ang dami kong hindi gusto. Sana mahanap ko yun.


So ayun. From Jolina-loving-gusto-ko-nang-magsolo-at-maging-independent to I-feel-miserable-buy-me-a-one-way-ticket-to-Pinas. Nakakatawa lang ang buhay. Dati gustong gusto kong makawala pero ngayon gusto ko nang makabalik. Kung may nagbabasa ng blog ko, i-message nyo nga ako. Do you feel me? Sabagay. Ang boring naman kung laging masaya.

Categories
Canada Wellness

Endometriosis, Ya Boring

So inoperahan na naman ako for the 3rd time. Una appendectomy tapos laparoscopy nung endometriosis ko. Same year tong dalwa, 2015. Tapos ngayon, as expected, bumalik yung endometriosis ko so lap nanaman. Kaya nakabasyon ako ngayon ng 2 weeks. Ang daya dito kasi satin sa Pinas, 2 months ang pahinga ko non. Actually medyo looking forward ako dito sa 3rd surgery ko kasi nga bored na bored na ako sa trabaho ko gusto ko munang makawala. Ang dami kong planong gawin sa bakasyon ko pero hindi ko pa fully magawa. Sobrang weak ko pa at nangangalay ako pag hindi ako nakasandal.

8 hrs fasting

Naisipan kong mag-post ulit kasi tinag ako ni Aryan sa story nya. Nasa Japan kasi sya ngayon tapos nag-story sya nung ride sa USJ, yung favorite ko na Space Fantasy. Tas may caption na thank you daw sa blog ko. Ang tinutukoy nya eh yung Japan blog ko kasi nabanggit ko dun na unexpectedly, super nagustuhan ko yung Space Fantasy ride. So binalikan ko yung post ko na yun tapos natatawa ako kase super detailed. Nilagay ko pa dun yung mga pag-aaway namin ni Kenneth kasi naliligaw kami lagi at nung umiyak ako dahil sa collagen. Tapos, napansin ko dun sa mga posts ko, may mga comments from 2017 and 2018 ng mga tao na hindi ko kilala. Nagtatanong sila ng something about sa trip namin sa Japan kasi sila din, papuntang Japan. Natuwa ako kase may nakakadiscover pala ng blog ko at nakakatulong pala sya. Haha. Eto yung isang comment:

Haha sorry Carmel wala akong idea na may makakabasa pala ng blog ko

So na-inspire ulit akong magsulat. And na-miss ko din ilathala ang mga mundane parts ng buhay ko. Sarap din balikan paminsan-minsan.

So inoperahan na nga ako. Nakakatampo lang kasi walang nakaalala sa mga kamag-anak ko. Mas naalala pa nung mga kaibigan ko. Mama ko hindi naalala. Busyng busy sa Korea trip nila. Kaya ang lungkot ko non. Hindi ko na lang masyadong inisip baka ma-stress lang ako, makaapekto pa sa recovery ko. Pero sobrang tampo ako. SOBRA! 😤

On the bright side, super thankful ako kay Kenneth. Grabe sobrang maalaga. Nagugulat ako laging areglado ang gamot ko. Sana lagi na lang akong may sakit hindi kami nagaaway at nagkakainisan. Haha. Bukas baka magpabili ako ng Jollibee. Parang kulang ang pagkakasakit pag walang Jollibee.

Lugaw a la Kenneth. The best!

Yung mismong operation ko naman, k lang. Ibang iba nung inoperahan ako satin. Although naka-set na yung expectation ko kaya hindi na ko masyadong nag-expect ng special treatment. Dito kasi, pagka-opera, uuwi na. Hindi ka i-coconfine. Andun na kami ng 6am (2 hrs before the surgery). May isang room dun tapos pinagbihis ako dun ng gown. May binigay sakin na plastic bag para paglagyan ng damit at sapatos ko. Yung mismong operation inabot lang ng 1.5 hrs. Tapos sa recovery room, mga 2 hrs. Nung na-feel nung nurse sa recovery room na “kaya” ko na. Kahit hilo-hilo pa talaga ko at nanghihina at ang sakit pa nung tyan ko from the operation, pinalakad na ko agad. Tapos sabi ni ate, “I think she’ll need a wheelchair.” Wow. May option palang wala? Tapos inabot na sakin yung plastic bag ko at pinagbihis na ko. Walang assist assist ha. Grabe walang awa.

Kachat ko si Aryen, yung friend ko na nurse din. Gulat na gulat na pinauwi ako agad. Naka-general anaesthesia daw ako tapos basta basta lang ganun. Well, matagal na nila tong sistema so wala naman akong magagawa. Talagang hindi lang ako sanay na ganito. Sobrang independent agad. Satin medyo bine-baby pa eh. Sa St. Luke’s pa ko lagi non kaya special treatment talaga. Ilang doctor ang nagrrounds sakin. Pero yun nga, libre kasi dito. Although libre din naman satin kasi may health coverage din naman from the company. Pero dito libre lahat ng Canadians at permanent residents, so almost lahat ng tao. Walang private hospitals dito, lahat government owned. So nag-create sila ng system para ma-accomodate lahat. Yun ang naiisip ko.

Friday ako inoperahan, Monday na ngayon. Wala akong ginawa kundi manood ng movies at series. Throwback Sunday ako kahapon kasi yung mga pinanood ko: Clueless, Wild Child, Matilda at Nanny Mcphee. Tapos nung minsan naman marathon ng Brooklyn 99. Kaya ayan yung title: ya boring. Ang funny at cute cute ni Amy Santiago. Ngayon naman Lucifer ang minamarathon namin. Sana mas productive na ko sa mga susunod na days. Napapagod na kong umupo at humiga. Ang sakit sakit na din ng pwet ko parang magkaka bed sore na ko. Naglalakad lakad naman ako kaso nakakangalay sa likod. Hindi ako makatuwid ng likod sumasakit yung tahi. Tapos parang dumugo pa nung minsan. Ayun.

Paul Rudd. Hihi.

PS:

In a couple of years, possible ulit bumalik yung endometriosis ko kase, that’s just how it is. Bastos kasi tong endometriosis na to eh. I-Google nyo at mababasa nyo na unknown cause, no treatment. Iba din.

 

Categories
Canada Life

Canada-versary

Eksaktong 1 year na kami dito sa Canada. August 9 last year, first time kong makapunta sa ibang bansa na hindi Asia. Tapos hindi para magbakasyon, for good na. Sobrang nabibilisan ako. Hindi ko ma-imagine na 1 year na kami agad dito. Pero parang andami na din nangyare. Try kong i-recall:

  • First snow experience. Minus 50 degrees Celsius! Grabe. Pag yung aircon nga sa office ko dati 24 degrees lamig na lamig na ko. Sabi Manitoba daw ang pinaka-malamig na province sa Canada.
  • April 2019 kami nag-move out sa tito ko. Okay naman dito sa apartment namin. Matahimik. Nasa tapat lang namin yung bus stop. Buti nandito yung unit namin sa harapan, may view kahit papano. Compared sa dating apartment namin sa Taguig, sobrang laki nitong apartment namin dito para samin. Bukod sa usual na couch at dining area, nakapaglagay pa kami ng dalwang study tables. Tapos balak kong bumili ng piano, yung digital lang para kasya pa din. Pagiipunan ko muna kasi $1.3k din, 50k sa peso.
  • Cashew and Walnut! May pusa kami dati sa Pilipinas, si Almond. Pero since hindi namin sya madadala dito, kumuha kami ng pusa. Parang hindi na namin kaya na walang alagang pusa. Love na love namin sila. Nung una si Cashew lang. Eh parang feeling ko ang lungkot ni Cashew pag pumapasok kami sa office kaya kumuha pa akong isa. Gusto ko pa nga ng pangatlo, Chestnut ang pangalan. Sabi nila Pistachio naman daw, parang ang haba naman masyado. 5 months pa lang sila pero super laki na, lalo na si Cashew.
WalShew
  • Nabili ka na yung mirrorless camera na matagal ko nang gusto. Yung Fuji X-T30. Kaso hindi ko pa masyadong magamit. Excited na kong mag-travel para makapag picture-picture na ng kung ano ano. Dito kasi sa Winnipeg parang wala masyadong okay na scenery. Try namin mag-road trip sa weekend pag hindi on call si Kenneth.
  • Nakabili na kami ng sasakyan. Si Kenneth ang pumili, Rav4 daw. Since wala naman akong alam sa sasakyan, ako ang in charge sa kulay. Silver pinili ko. Tapos ang galing nung plate number kase KGM yung initials, K at G syempre for Kenneth and Glenice tapos yung M, pwedeng Magsusugal or Magkaaway or Mwah. 😅
  • Nag-enroll ako sa school. Graphic Communications yung name ng program. Part-time program lang sya pero baka next year try ko yung full time. Yun eh kung may budget kami kasi kelangan kong mag-resign nun pag nagkataon. Habang wala pa kaming babies eto muna aatupagin ko. Gusto ko na talagang mag-shift ng career, yung sa gusto ko talaga.
  • Okay naman ang work. Hindi masyadong mahirap. Pero may kumontak sakin na medyo mas mataas yung offer so may interview ako sa Monday. Clerk yung position tapos sa government. Okay lang sakin kung makuha man ako or hindi kasi ang goal ko naman talaga eh sa graphic design. So kung matanggap man ako, malamang mag-reresign din ako dun. Pero ewan ko, feeling ko matatanggap ako. Haha. Kelangan ko lang galingan sa interview. Bukas ako magp-prepare.
  • Nagpasimula ako ng Book Club. As of now, merong 50+ members. Bale ang goal is 1 month, 1 book, tapos discussion sa end ng month. Kakastart lang namin ngayong August. Yung book na binabasa namin for August ay yung ‘The Hate U Give’ by Angie Thomas. Tuwang tuwa sila na merong book club kasi yung mga members, sila yung super hilig magbasa dati katulad ko. Tapos nung nagka-work na, nawawalan na ng time. So etong book club yung motivation namin para mag-start ulit sa pagkahilig magbasa.

So far parang yun yung mga highlights. Mag-aaral na ko ulit tapos nood ng Strong Girl Bong-soon or Money Heist.

Categories
Canada Life Pilipinas

McKinley

Recently, I find myself frequently thinking about my old job when I was still in the Philippines. I don’t miss my job there. What I miss is the location of our office building in McKinley Hill Taguig. The first thing that comes to mind is the nearby Starbucks. I miss it. I don’t drink coffee, but I love sweets. So when sugar cravings hit, I would just go down from the 7th floor, walk a few minutes, and head to Starbucks to buy myself a chocolate chip macadamia cookie (my favorite) or banoffee pie or cakes or brownies. It’s just so convenient. When I have to get that one missing ingredient or need to buy laundry detergent, I can just go to the nearby grocery store and do a little grocery shopping. And also, that grocery store is inside a mall; so you can just imagine what else I can do during my lunch break or after work hours. Again, very convenient. There’s sugaring and hair salons too. I forgot the complete name of the mall but we just call it “Venice” or “Canal”. The mall was designed to replicate the Grand Canal in Macau and it looks okay and it’s Instagrammable so it’s mostly crowded.

If I crave pizza, ramen, sushi, or milk tea,  no problem. Just a few minutes walk and I could indulge myself. Before coming here in Canada, I can’t imagine myself missing McKinley. I thought this place would be — better. Better restaurants, better hangout spots, better atmosphere in general. Unfortunately, I was kind of disappointed. If I would to describe this place, it’s bleak and quite boring. Sorry Winnipeg. I noticed most businesses here don’t care about presentation or aesthetics and design. And that’s one of the things that I miss because Taguig has such a cool and creative vibe. Here, not so much. Yes, they try to have fun events and festivals but — it’s just different.

Maybe that’s why I thought (or still thinking) about moving to a bigger city like Toronto or Vancouver. To get that similar vibe again. And since we don’t know a lot of people here, moving to a more attractive place would make up for the home sickness a little bit. It would somehow distract me from missing my relatives and friends. Good for my mental health, I guess.

When I daydream, like winning the lottery, my immediate thought would be to go back to the Philippines and buy a condo in Taguig. Or if we finally retire and have lots of savings, I’ll think of moving back to the Philippines and live our final years there. Anything that involves having lots of money, I’ll initially think of going back to the Philippines. Maybe we should just go back? Ditch the dollars, say goodbye to free health care and every good thing this country has to offer? UGH. Maybe I’m just feeling extremely home sick. Let’s give it a few days.

PS:

Meron pala kong previous post na sabi ko hindi ako naho-home sick. Ano ka ngayon.

Categories
Canada Career

Antisocial Phase

May naisip ako. Hindi pala ako magaling sa commitment. Kase naiisip ko na i-ban na ulit ang social media sa life ko. Ang gagamitin ko na lang eh yung IG ko for business purposes. Eh ilang beses ko na yun ginawa hindi naman ako nag-succeed. Pero ita-try ko ulit. Gusto ko na lang makipag-interact sa friends ko thru chat.

Ang isa pa, yung mini clique ko sa office ngayon. Kami yung magkakasama during training tapos nagkaron kami ng agreement na sabay sabay pa din kaming magla-lunch kahit tapos na yung training. Magkakaiba kasi kami ng unit so hindi na kami magkakasama everyday. Tapos recently, nagkick in yung pagka-antisocial ko. Kahapon nagstay lang ako sa desk ko tinamad ako maglunch na may kasama. Hinanap nila ako sabi ko na lang I’m not feeling well. Minsan kase kakapagod din talaga makipag-usap tapos paulit-ulit lang minsan. Iba pa din talaga pag Pinoy interaction. So either antisocial mode ako or annoyed lang talaga ako dun sa isang biglang sumama na lang sa grupo namin. Matagal-tagal na sya sa company pero parang loner sya kaya biglang sumama saming mga newbies. Ok lang sana kung mabait sya pero hindi ko kasi gusto personality nya. Condescending makipagusap. And kahit yung mga ka-department ko nag-warning sakin about sa kanya. So mukang hindi talaga maganda ang track record nya. Sya ang reyna ng small talk talaga. Sobrang repetitive ng mga tanong nya at boring na boring ako sa kanya. “So how was your weekend? What did you do last night? What did you bring for lunch? So how was your weekend? What did you do last night?” Ah awan sayo fuck you! Haha joke joke. Pero sobrang umay na umay na kase ako sa kanya. Tapos makikipagusap pa sayo may kulangot sa ilong, may amos sa bibig tapos sabog sabog yung pagkain sa damit nya. Haha oo ganun ka-gross. Feeling ko sya talaga ang dahilan eh kaya di ako sumama sa lunch.

Pero ngayon sumama na ako kaninang lunch kahit di ko pa din feel. Baka maisip pa nila na ayaw ko na sila ka-hang out hindi naman sa ganun. May ganito lang talaga kong moments na wala sa mood minsan. So as expected, itong si booger girl ganun nga ang mga tanong. So blah blah blah? Did you blah blah blah? Parang ang template kasi masyado ng conversational skills nya. Hindi spontaneous na smooth yung flow. Parang laging pilit. Ayaw ko ng ganun di nakakatuwa. Tapos yun nga may attitude pa sya. Whatever booger.