Eksaktong 1 year na kami dito sa Canada. August 9 last year, first time kong makapunta sa ibang bansa na hindi Asia. Tapos hindi para magbakasyon, for good na. Sobrang nabibilisan ako. Hindi ko ma-imagine na 1 year na kami agad dito. Pero parang andami na din nangyare. Try kong i-recall:
- First snow experience. Minus 50 degrees Celsius! Grabe. Pag yung aircon nga sa office ko dati 24 degrees lamig na lamig na ko. Sabi Manitoba daw ang pinaka-malamig na province sa Canada.
- April 2019 kami nag-move out sa tito ko. Okay naman dito sa apartment namin. Matahimik. Nasa tapat lang namin yung bus stop. Buti nandito yung unit namin sa harapan, may view kahit papano. Compared sa dating apartment namin sa Taguig, sobrang laki nitong apartment namin dito para samin. Bukod sa usual na couch at dining area, nakapaglagay pa kami ng dalwang study tables. Tapos balak kong bumili ng piano, yung digital lang para kasya pa din. Pagiipunan ko muna kasi $1.3k din, 50k sa peso.
- Cashew and Walnut! May pusa kami dati sa Pilipinas, si Almond. Pero since hindi namin sya madadala dito, kumuha kami ng pusa. Parang hindi na namin kaya na walang alagang pusa. Love na love namin sila. Nung una si Cashew lang. Eh parang feeling ko ang lungkot ni Cashew pag pumapasok kami sa office kaya kumuha pa akong isa. Gusto ko pa nga ng pangatlo, Chestnut ang pangalan. Sabi nila Pistachio naman daw, parang ang haba naman masyado. 5 months pa lang sila pero super laki na, lalo na si Cashew.

- Nabili ka na yung mirrorless camera na matagal ko nang gusto. Yung Fuji X-T30. Kaso hindi ko pa masyadong magamit. Excited na kong mag-travel para makapag picture-picture na ng kung ano ano. Dito kasi sa Winnipeg parang wala masyadong okay na scenery. Try namin mag-road trip sa weekend pag hindi on call si Kenneth.
- Nakabili na kami ng sasakyan. Si Kenneth ang pumili, Rav4 daw. Since wala naman akong alam sa sasakyan, ako ang in charge sa kulay. Silver pinili ko. Tapos ang galing nung plate number kase KGM yung initials, K at G syempre for Kenneth and Glenice tapos yung M, pwedeng Magsusugal or Magkaaway or Mwah. 😅
- Nag-enroll ako sa school. Graphic Communications yung name ng program. Part-time program lang sya pero baka next year try ko yung full time. Yun eh kung may budget kami kasi kelangan kong mag-resign nun pag nagkataon. Habang wala pa kaming babies eto muna aatupagin ko. Gusto ko na talagang mag-shift ng career, yung sa gusto ko talaga.
- Okay naman ang work. Hindi masyadong mahirap. Pero may kumontak sakin na medyo mas mataas yung offer so may interview ako sa Monday. Clerk yung position tapos sa government. Okay lang sakin kung makuha man ako or hindi kasi ang goal ko naman talaga eh sa graphic design. So kung matanggap man ako, malamang mag-reresign din ako dun. Pero ewan ko, feeling ko matatanggap ako. Haha. Kelangan ko lang galingan sa interview. Bukas ako magp-prepare.
- Nagpasimula ako ng Book Club. As of now, merong 50+ members. Bale ang goal is 1 month, 1 book, tapos discussion sa end ng month. Kakastart lang namin ngayong August. Yung book na binabasa namin for August ay yung ‘The Hate U Give’ by Angie Thomas. Tuwang tuwa sila na merong book club kasi yung mga members, sila yung super hilig magbasa dati katulad ko. Tapos nung nagka-work na, nawawalan na ng time. So etong book club yung motivation namin para mag-start ulit sa pagkahilig magbasa.
So far parang yun yung mga highlights. Mag-aaral na ko ulit tapos nood ng Strong Girl Bong-soon or Money Heist.