Hay. Life is short. Rest in peace ate Tin π€ I feel guilty that we drifted apart because youβre a wonderful and kind person. We had a lot of good memories and fun conversations. You were like a big sister to me. Nakakahinayang at nakakalungkot na wala ka na π I miss you.
Excited akong magswimming kahit hindi naman ako magsi-swimming. Wala lang. Gusto ko lang tumambay by the beach/pool tapos kakain ng masarap pag nagutom na. Gusto ko lang yung summer vibes kasi sa Winnipeg snow pa rin ng snow that time.
Nagpapahinga muna ako sa paglalaro ng Axie. So magsusulat muna ako dito. Mga nangyayari sa buhay ko ngayon. In general ano nga bang nangyayari sakin ngayon? Ah. Medyo nagiging busy ako ngayon. Kasi manager na ko. Haha. Wala akong magagawa kasi manager yung tawag nila pag meron kang pinapalaro na Axie teams sa iba. Yun yung pinagkakaabalahan ko these past few days. Pagha-hire ng scholars. Hindi ko rin alam bakit sila tinawag na scholars.
Tanginang shield yan
Busy din ako paglalaro. Yun lang naman yung routine ko eh. Make sure na may pagkain kami during meal times whether magluto ako or umorder online, matapos yung paglalaro ko ng Axie, at try na isingit ang pagbabasa between those two. Plus maki-update sa nangyayari sa cryptoverse para maging at ease na meron pa kaming pera pagdating ng retirement namin. Yun. Importante na meron tayong routine para hindi kung ano-anong pumapasok na mga unnecessary things sa utak natin.
Na-discover namin sa Costco. Crispy apple chips. Kakaadik.Isa sa mga nil-look forward ko sa araw-araw ay ang magmeryenda
Kausap ko kagabi ang Mama. Nagkkwentuhan lang kami at kinakamusta ko sila kasi nag-positive sila ni Tricia. Ayoko munang makampante hangga’t hindi pa sila nakakarecover talaga. Basta everyday winiwish ko sana maging okay na sila at maging back to normal na. So sa pagkkwentuhan namin, tinanong nya ano daw hapunan namin. Sabi ko ito:
Ayun. Tapos ngayon anniversary nila. Hindi sila makapag-celebrate ng maayos dahil nga naka-quarantine pa sila. Baka umorder na lang daw sila ng food or magluto ang Papa. Hays sana talaga ok na sila. Buong family kasi ng kuya nag-positive din. Daddy rin ni Kenneth. Buti naka-recover sila β€οΈ Kaya Mama at Tricia magpagaling na kayo.
Kahapon ‘to nung nasa totoong office nila si Kenneth. So sya muna officemate ko kahapon.
Dami naming nadiscover sa Costco last week. Nung nasa Costco kami ewan ko pero parang walang topak si Kenneth. Anything na ituro ko umo-okey sya. Madalas kasi laging kontra. Mahal daw etc. Pero that day di sya masyadong kontra so ang dami naming snacks. Pero nung pauwi na nag-away kami haha. Biglang naging masungit. Lagi talaga yun! Umiinit ang ulo pag naggrocery kami. Sinabi ko na nga na wag na syang sumama. Mag stay na lang sya sa sasakyan. Nakakahawa kasi yung negative energy. Ang saya saya kong maningin ng mga prutas, karne, chocolate, tapos biglang pag tingin mo sa kanya feeling mo tinotorture sya. Kakasura.
Eto yung nakakaadik
Ah tapos last week, pumunta kami sa birthday-an nung officemate ni Kenneth. So na-meet ko din officemates nya. Ang saya din nung gabi na yun. Ang sarap ng food at company. Tapos may karaoke pa so nagkantahan din. Nagpalitan lang kami ng mic ni Hope (katabi ko) kasi mahilig din pala syang kumanta. Sana maulit!
Haha nakakatawa naki-twinning pa si Kenneth dun sa may birthday
Ang saya din pala nung baby shower nila Trix kaso wala akong picture. Noon na lang ako ulit nakapaglaro ng Pusoy Dos tapos super cute ni Muy.
Ang lawak at ang ganda ng bahay nila. Nakaka-inspire.
Wala na kong maisip na significant na nangyari. Ah last. May Nintendo Switch na sila Nick so naglaro kami nung minsan ng Overcooked 2.
Bulok ni Nick! Hahaha joke. Pero medyo kasi merong game na tarantang taranta sya (naka-video call kami) tapos sigaw ng sigaw pero yung character nya nakatayo lang π€£π€£π€£ Tanga eh hahaha. Sana maging available ulit sya gusto ko ulit maglaro. At para magamit naman yung Switch namin na naka tengga na lang.
I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.
Nagsimula ang 2020 na fairly masaya. Mejo sad kasi hindi ko nanaman nakasama ang family ko nung holidays, pero masaya din kasi nag-book ako ng ticket pauwi. Kaya nung Feb, I’m back to Pinas! Yehu! Thank you talaga sa Papa sa pag-sponsor ng kalahati ng ticket ko. Siguro eto talaga yung pinaka-highlight ng 2020 ko. At sobrang timely pa kasi ito yung time before i-announce yung pandemic. So nakauwi at nakabalik ako ng maayos. At dahil walang kasiguraduhan kung kelan ako makakauwi ulit kasi magulo pa rin, at least nakauwi na ko kahit mabilis lang. Read my whole back to Pinas experience here.
Kaya din gusto nila akong makauwi kasi retirement ng Papa. At age 55, nag-retire na ang Papa. So may pa-party tapos may mga awarding kaya gusto ng Mama’t Papa na kumpleto kami. Since nag-retire ang Papa, ang pinagkakaabalahan nya ngayon ay yung pinaparentahan nila na apartment at Shopee and Lazada online shopping π
Bukod sa nakasama ko uli ang family at mga kaibigan at former officemates ko, nakita ko ulit si Almond! Huhu ang laki na ni Almond. At ang sweet pa din nya. Hays excited na uli akong makita sya.
Nung umuwi din ako nagkaron ng opportunity na magbati kami ni Xali. Siguro 6 months kaming hindi nag-usap pero salamat sa efforts ni Nick, naging okay din kami ulit. The F Buddies are reunited again π
Dahil sa layovers, nakabalik akong Japan at Korea pero sa airport lang. Haha counted ba yun.
We moved to a new and improved apartment! Eto ulit yung isa sa mga top highlights. Alamin kung bakit dito.
I resigned! Finally may freedom na kong i-pursue ang art ko. And the ‘Most Supportive Husband’ award goes to Kenneth. Sobrang salamat talaga kay Kenneth kasi hindi ko naman ‘to magagawa kung hindi sya sobrang supportive. Super thank you talaga. I love you so much.
Balak ko talaga mag-aral after ko mag-resign. Kaya nag-apply ako sa Digital Media Design program at natanggap ako! Sobrang in-anticipate ko yung araw na ma-receive ko yung e-mail na tanggap ako. Kasi nga dito, hindi ganun kadali makapasok sa gusto mong program (or course kung tawagin satin). Pero hindi ako tumuloy. Pero confidence booster pa din yung natanggap ako. I felt validated.
Natupad ang wish ko simula nung bata pa ko. Nagkaron na ko ng sarili kong piano!
Naka-1 year ang podcast namin ni Nick. Akalain mo yun umabot ng more than a year ang F Buddies podcast. But it came to an end nung September ata kasi nga naging clout chaser si Nick. Hahaha! Joke lang (pero half meant π).
Speaking of anniversaries, naka-1 year na din ang Pod Sibs Book Club. At sana magtuloy-tuloy pa sa coming years.
And in line with the above bullet point, I read 25 books this year! A personal record. Wow sobrang amazed talaga ko na nakabasa ko ng ganito kadami. To more interesting reads next year!
We made new friends! Nung medyo maluwag pa ang protocols, madalas kami mag-hangout with our neighbors na couple din, si Trix and Kris. At dahil nga magkapitbahay lang kami, madalas kami nakakanood ng movies or maglaro dun sa Switch or mag-bake. Kaso sad kasi before Christmas, nag-red zone dito sa Manitoba and bawal na tumanggap ng bisita. Bawi na lang kami next year.
At dahil mas adventurous si neighbor couple, for the first time, nakapunta kaming beach dito. Two years na kami dito sa Winnipeg pero di namin naisip mag-beach. Siguro nga kasi alam namin na hindi ganun kaganda compared satin sa Pinas. Pero na-enjoy pa din naman namin. Sabi nga, make the most of where you are.
I became a part of the Linya-Linya creatives team as a Linya-Linya intern sensation! Saya nung experience kahit 1 month lang and na-challenge ako ulit kasi may mga deadlines, kelangan mong magproduce at mag-present ng madaming drawing, etc. Back to work yung feeling kumbaga after months of being a freelancer na hindi masyadong busy. Pero masaya kasi ang saya nung team. Pero dun ko din na-realize na kahit gano kabait nung team, lone wolf talaga ko. Gusto ko talaga hawak ko yung oras ko. Yung pwede akong tamarin pag tamad ako. Pag wala ako sa mood mag-drawing at feel kong mag-cross stitch halimbawa, magagawa ko. Pero super happy pa din na na-meet ko sila π
Kakaunti man, super saya ko pag nakakatanggap ako ng freelance work. Kaya thank you sa mga kaibigan kong suki na binigyan ako ng extra income this 2020 lalo na at resigned na ko.
This is the year for games. Kasi for the first time in a long while, naadik ulit ako sa isang mobile game. Dati Clash of Clans pero sobrang ilang years ago na yun. This year naman Coin Master. Haha. Tapos eto din yung year na bumili kami ng Nintendo Switch. Pero mukang wala talaga kong potential maging gamer kasi sa una ko lang inaraw-araw yung Switch. Tapos after a few weeks waley na. Pero hindi naman nasayang kasi bumili din kami ng fitness game at yun yung madalas namin “nilalaro”.
At since mahilig ako sa gadgets, ang mga bago kong gadgets ay yung Wacom Cintiq 16, Google Nest Mini (free from Spotify), robo vacuum, Airpods Pro, plus yung na-mention ko kanina na piano nga at Switch, at yung latest na hindi pa dumadating, iPhone 12 Mini. Tagal kong inaantay na sana magkaron ulit ng maliit na iPhone. XS yung gamit ko ngayon pero nabibigatan pa din ako at nalalakihan sa screen. Ang wish ko siguro in the future, not necessarily for 2021, ay iPad Pro at MacBook Pro with the new Apple chip. Yun lang naman sana π€£
Naka-attend ako ng LighBox Expo kahit online lang. Sana next year maka-attend ako in person with someone na mahilig din sa art.
I discovered meal kits.
I became a digital minimalist and a stoic. Well at least trying to be. Sobrang beginner ko pa pero I’m trying to improve everyday. Pero naisip ko may advantage din pala ang pagiging serial story sharer ko sa IG. Kasi ngayon, yun yung reference ko sa paggawa ng blog post na ‘to.
π·: @bitesbythepage
I discovered a new hobby. Macrame. Kala ko na-max ko na ang limit sa hobbies na magiging interesado ako pero hindi. Ang dami pang interesting na pwedeng gawin. Tsaka yun nga, bakit ko naman ili-limit ang sarili ko.
I made 450+ sales sa aking Etsy shop. Nag-increase yung orders lalo na nung December. At ngayon, may orders na din dun sa new hobby ko. Kaya mamaya yun ang gagawin ko.
Ang nostalgic ko kanina kasi nag-oorganize ako ng hard drive ko. Inaayos ko per category like βFamilyβ, βKennethβ, βFriendsβ tapos per category, naka-organize per year and month. Like this:
Sobrang dami ko pang kailangan i-sort. Siguro nasa 25k photos pa or more. Tumigil na muna ko. Ang sakit na sa mata.
Ang saya talagang mag-reminisce. Kahit wala na ang Daddy (lolo ko), natutuwa ako pag nakikita ko yung mga photos nung andito pa sya. And pasalamat ako sa sarili ko non na nag-take ako ng pictures nung mga moments na ‘yon.
Noong digicam days, college days ko βyon, sobrang obsessed ako sa pictures. Kung nabasa nyo yung post ko na Fleeting Dreams, kahit ano talaga pini-picturan ko. Feeling ko pati ang galing galing ko. Pero nung nawala na sa uso yung pi-picturan mo yung bawat event, bawat inuman, bawat lahat, na-conscious na kong mag-take ng pictures. At pinagsisisihan ko yun kasi minsan, yung mga uneventful ganaps ang nakakatuwang balikan.
Ngayon, ang pictures na lang na nasa phone ko eh puro pusa namin at mga niluluto ko. Ang rare na namin mag-picture ni Kenneth kasi duh, palagi lang naman kami andito sa bahay. Pero minsan pala magpi-picture ako. Pandagdag lang sa memories. Tapos gagawa ako ng baduy na slideshow ireregalo ko sa anniversary namin π
Naisip ko din na gumawa ng mga throwback blog post (eto nanaman ako sa mga blog post series ko). Kukuha ako ng random photo sa hard drive ko tapos ita-try ko alalahanin yung nangyari nung araw na βyon. Parang ang saya non. Simulan ko na pala ngayon. Papapiliin ko si Kenneth ng year and month. Tapos random category.
March 16, 2013
So eto ako. Kumakanta kasama ang banda ko sa B-Side. JOKE. So eto si Sarah Gaugler. Pero ang reason talaga ba’t ako umattend ng gig na to eh gawa ni Saab kasi nga girl crush tapos reader ako ng blog nya etc. First time ko din sya ma-meet so ang saya ko nung gabi na ‘to. Pero parang nagka-issue ata si Saab at yung kapatid ni Sarah Gaugler. Haha basta may nabalitaan akong ganun.
So kasama ko si Nick dito. Si Kenneth malamang nasa Cebu for work. So eto ata yung mga times na kinupkop ko si Nick ng ilang months. Tapos nung nabalitaan kong nasa B-Side si Saab para mag-host ng gig, niyaya ko si Nick kasi malapit lang samin. Si Candy ata yung co-host nya. Hindi pa sila Cheats. Isingit ko na din yung pic namin ni Saab kahit sobrang nakakahiya sa balat nya.
Tapos naging crush ni Nick si Sarah Gaugler π
Ang hot nga naman kasi ni Sarah Gaugler nung gabi na ‘to. Tas nagustuhan ko din yung music nila.
Wala na kong masyadong maalala nung gabi na ‘to. Hindi ko na din alam kung sino pang mga tumugtog kasi sila lang dalwa yung kinunan ko ng pics. Ang goal ko lang talaga nung gabi na ‘to eh magpapicture kay Saab. And it’s a success! π
Yun lang! Magbabasa na ko ng BOTM namin. Gusto ko nang matapos kasi malapit lapit na rin ang discussion.
Madalas pag nagsusulat ako dito, puro mga kalungkutan at pighati (hindi ko talaga alam ang literal meaning ng pighati pero lagi syang kakabit ng kalungkutan). Pero kahapon, ang ganda ng mood ko. So yun naman ang isusulat ko ngayon para maiba lang. Eto yung mga tingin ko na reasons bakit ako good mood kahapon:
Madami na ulit akong spins sa Coin Master Sa mga hindi nakakaalam, mobile game ‘to na inintroduce samin ni Nick. Basically, slot machine sya at padamihan ng coins and spins. May mga quests, card collecting, pets, etc. Ang daming components kaya nakakaadik. Adik kami ni Kenneth tsaka iba pa naming friends. At one point nung naubusan na ko ng spins, gusto ko nang magquit paglalaro. Eh dumami ulit so adik nanaman ako.
Speaking of Nick, nagrecord na ulit kami ng new episode ng podcast namin As of this morning, nasakin na yung edited episode and excited na kong pakinggan at excited na ko sa aming pagbabalik. Kaso mukang magbbusy uli si Nick kasi natanggap na sya sa ospital. We will see.
Na-hire uli ako ni Dale para i-illustrate ang kanyang novel So nage-enjoy akong magisip ng mga kung ano-anong ideas. Iba talaga yung motivation kapag may direction yung ginagawa mo. Nahihirapan kasi ako sa mga personal projects. Pag may client kasi may goal ka na agad kung anong kailangan mong gawin at may idea ka kung san ka pupunta.
And since good mood ako, kinamusta ko yung mga friends ko Nakakatawa yung pinagusapan ni Xali about lack of kilig. In short, tumatanda na kami.
Itaewon Class To cap off the night, actually madaling araw na, nanood ako ng isang episode ng Itaewon Class kaso hindi ko natapos kasi inantok na ko
Hindi perfect day yung kahapon dahil may isang makulit. Pero somehow, ang ganda talaga ng mood ko. Parang rare kasi yun sakin nowadays.
Kung good mood ako kahapon, ayos pa din naman ako ngayon. Madami akong nagawang household chores pagkagising na pagkagising ko tapos nagluto akong chicken pastel and may dumating na package from Amazon. Dumating na yung facial wash ko at moisturizer. At ang pinaka-exciting, dumating na yung robo vacuum! Medyo matagal ko nang gustong bumili ng robo vacuum pero naisip ko gastos lang. Pero na-remind ako ulit nung naglilinis ako ng cat litter na nagkalat sa sahig tapos kalilinis ko lang, nagkalat nanaman ang mga kitties. Ang repetitive nya tapos every time na gagamit ng litter box ang mga kitties, magkakalat at magkakalat sila. So naisip ko ang ginhawa sana kung may robo vacuum. Tapos nagdecrease pa yung price ng $50 so grinab ko na agad. Payag naman si Kenneth and banong bano kami kanina nung tinesting na namin.
Pati sila bano
4:30PM na ngayon and ngayon pa lang ako gagawa ng art related stuff. Nadistract kasi ako paglalaro ng Coin Master habang nanonood ng Community. Ang ganda ng tv show na to. Ang daming life lessons. Kaya feeling ko uulit ulitin ko to tapos magttake notes ako.
Orayt yun na muna. Sana tuloy tuloy ang magandang mood. Makabawi man lang sa mga araw na malungkot.
Natatakot ako na baka masyado akong matuwa dito tapos malungkot nanaman ako pagbalik sa Canada. Ang saya kasi kahit nakakapagod. Ang hindi ko lang masyadong gusto, mananaba ako dito sa dami ng kainan. Pero naisip ko, baka kaya super saya ng pagbalik ko kasi nga matagal akong hindi nakita so ang bait sakin ng Mama at Papa, pag may gusto akong kainin pinagbibigyan ako lagi, tapos ang sarap sarap ng buhay ko dito sa bahay. Sobrang luwag pati nila sakin sa curfew. Pero siguro kung permanent ako dito, hindi naman sila magiging ganun. Ano ako sineswerte. Haha.
My pasalubongs
First time to see snow on a plane window
So pagdating kong NAIA paglabas ng immigration, nakita ko na agad ang Papa. Tapos sinalubong ako ng Papa tapos nag-hug kami. Feel na feel ko nga ang love nung paguwi ko kasi puro hugs. Tapos ang Mama nakasunod sa likod ng Papa, naiiyak. Haha.
Love you Mama and Papa!!!
Nag-overnight kami sa BGC kasi late na ko nakadating, mga 11PM. So bukas, magiikot lang kami sa SM Aura kasi sabi ko magsh-shopping ako. Hindi kasi ako masyadong namimili ng damit sa Canada kasi mahal na, pangit pa ng designs. Napa OA yung pagsh-shopping ko kasi halos hindi ko na tinitingnan yung price tag. Basta pag gusto ko, yun na ang bibilhin ko. Medyo Ariana Grande ang theme ko non, “I see it, I like it, I want it, I got it.” Eh di ang ending, ubos agad ang baon ko. Feeling ko kasi non ang dami kong pera. First day pa lang ubos agad.
Feeling ko sobrang nakukuriputan sakin mga kaibigan ko at kapamilya ko. Hindi kasi ako nanlilibre. Haha eh kasi nga naubos na agad sa damit. Tsaka sa dami ng taong kinikita ko, kung libre ko lahat bawat labas namin, aba wala na talagang matitira sakin. Baka ma-trauma na kong umuwi. Selected days lang yung nanlibre ako. Syempre ang Mama at Papa nung first day tapos si Bogs and friends nung lumuwas ulit akong Maynila para puntahan si Tricia. Lagi kasi akong nililibre ni Bogs, never ko pa sya nalibre kaya talagang naka-set ang isip ko na ililibre ko sya. Nilibre ko din pala yung former officemates ko pero milk tea lang naman yun kaya medyo kaya pa. Tapos ngayon naman magde-date kami ng Mommy (lola) sa Mesa, libre ko ang Mommy syempre. Aba nung isang araw ba naman, dumaan dito sa bahay may dalang ang pao. Pabirthday at papasko daw nya sakin. Tapos pagka-abot, buksan ko na daw. Nagulat ako, 10k ang laman! Eh eh nakapa-generous talaga ng Mommy. Kaso hindi talaga ako nagmana sa pagkagalante nya. Buti na lang din.
Nung shopping day sa Aura, umuwi din kami agad tapos dumiretso kami agad sa mga Mommy. Naghihintay na sila (mga tita at pinsan ko). May funny back story pala sa paguwi ko. Hindi alam ng mga tita at pinsan ko na uuwi ako. Pero na-sense nila na may uuwi. Hindi sila mapakali kung sino. Chinat ako nung isa kong tita, si Ate Beng2, na parang hinuhuli ako. Kasi ang-nasense nilang uuwi is yung tito ko (Kuya Jon2) na kasama namin sa Canada. Ang bungad na chat sakin ni Ate Beng2, “Anong oras ang flight ni Kuya Jon2?” So naisip ko, hindi nila alam na ako yung uuwi so sinakyan ko lang. Sabi ko, “Pano mo nalaman?”. Eh di tuwang tuwa si Ate Beng2 kasi “tama” yung hula nila. Sabi pa sakin, “Wag mong sasabihin sa Mama mo na alam ko nang uuwi si Kuya Jon2.” Wag ko din daw sasabihin sa Kuya Jon2. Tawang tawa ako ay. Hindi alam ay sya ang pinapasakay. Sa kwento ng Mama, as in hindi daw sila mapakali sa panghuhula kung sinong uuwi. Eh tapos nung kasama ko na ang Mama, nag-selfie kaming tatlo ng Papa tapos sinend agad sa family group chat namin. Di gulat yung mga tita ko. Haha naisahan ko daw sila. Kaya daw pala hindi na ko sumasagot sa tawag kasi nakasakay na kong eroplano. So paguwi naming Pagbilao (probinsya namin), ayun iyak na iyak ang Mommy kahit alam naman nyang pauwi nga ako. Tapos yung mga pinsan kong dalaginding na, talon ng talon. Ang sarap ng ulam. Sobrang lambot na sinigang na baboy tsaka may biniklad din.
Kinabukasan, naiyak ako. Parang tanga yung reason. Pag bangon ko kasi kakain na daw, ang ulam ay biniklad tapos may hotdog. Sabi ko, “Tender Juicy ito??” Tuwang tuwa ako na napapatawa tapos maya maya, napapaluha na ako! Tawang tawa sa akin ang Mama at Papa. Di ko din inexpect na maiiyak ako sa Tender Juicy. Araw araw ang sarap ng pagkain. Kaya inaalalayan ko pagkain ko kasi talagang mananaba ako. Pero minsan hindi mapigilan pag talagang miss ko yung pagkain. First time ko ulit makita yung kapatid ko na si Kim. May pasok kasi sya kagabi. Natutuwa naman ako at lagi nyang gamit yung pasalubong ko na bluetooth earbuds. Laging nakasabit sa leeg nya. Ang itinerary ko naman nung day na to:
Samahan sa checkup ang Mama
Visit Kuya and family (first time kong makikita yung pamangkin ko na si baby Gustavio!)
Visit my in-laws, Mommy Glo and Daddy Saldi (kaso hindi natuloy kasi nagpacheckup din si Daddy tapos late na nakauwi)
Tuwang tuwa yung isa kong pamangkin na si Gillian pati ang Kuya at si Xantel. Eto pala yung isang pampasira ng uwi ko: jet lag. Nakakainis lagi akong inaantok. Pampasira eh. Pero ngayon parang naka-adjust na ko. Pero ang aga ko nanaman nagising ngayon (4AM) kaya naisip ko munang magpost dito bago ko pa malimutan ang mga nangyari. After namin sa Kuya, kumain naman kaming Buddy’s. Ang sarap nanaman! Iba talaga ang dating ng pizza nila tapos ang order ako ay yung porkchop steak nila. Ugghhh sarap!!
Thursday, third day. Itinerary:
Visit Almond (our cat)
Ninang Rachel’s dinner treat
Visit my in-laws (this time natuloy na)
Hays nakakamiss si Almond. Tapos ang lambig lambing nya. Gusto ko na syang isama pabalik ng Canada. Tanda nya pa kayo ako? Pero nagpapalambing sya sakin. Sana tanda nya pa ko. Tapos nag-video call ako kay Kenneth para makita nya din si Almond. Ang bitin nga ng dalaw ko kay Almond kasi ang Papa ang kasama ko. Mainipin kasi yun. Nagiwan lang ako ng chocolate para kay Yulo kasi alagang alaga niya si Almond simula nung umalis si Arien pa-UK. I’m gonna miss you Almond!
Ang sarap nanaman ng food nung nag-dinner kami ng Ninang ko. Ang sarap nung salads, nachos, wings, etc. After non diretso kami kina manugang. Mga 11PM na kami nakauwi kasi ang dami ding kwentuhan. Tapos pinanood namin ulit yung performance ni Marcelito sa Youtube.
Friday itinerary:
Visit Tricia in Manila. Sister bonding π
Meetup with former officemates
Meetup with Bogs and Nick
Kala ko ang dami kong mapapamili kasi yun din yung isa kong purpose bakit ako lumuwas ng Maynila. Kaso parang nagipit sa oras kasi nagpabalik balik kami sa Makati at BGC para i-meet yung mga imi-meet ko. Na-try ko yung mga mukang masasarap na nakikita ko sa IG feed ko kaso disappointing.
Tapos sobrang daming chika with the officemates. Nakakamiss din talaga. Bitin yung usap. Pero happy na nakakwentuhan ko ulit sila. Medyo rated X yung mga kwentuhan kaya na-bother ako na medyo nakikinig ng kapatid ko. Sa Canada naman may mga Pinoy din, pero wala silang kachismis chismis sa katawan. Extremes yung difference. Kung sa Pinas chismis ang bumubuhay sa everyday office work, sa Canada naman work work work bahay lang. Kaya din siguro gusto ko na lang maging freelancer kasi ganun din naman. Parang mas mag-eenjoy pa kong sa bahay na lang. Wala ka pang boss.
Ang bitin din ng meeting with Bogs. Parang di kami halos nakapagkwentuhan. Nag-dinner lang talaga tapos konting usap. Kasama ni Benjo (asawa ni Bogs) yung kapatid nya na halos ka-age ni Tricia. So niloloko namin yung dalwa. Nakipagkita din si Nick kasi pauwi din sya ng Lucena. As usual super nakakamiss si Nick kahit ang dalas naman namin magusap dahil sa podcast. Plano naming gumawa ng episode na magkasama na kami kaso nasa 2nd week na ko ng stay ko, hindi kami makakuha ng time kasi nasa Maynila sya ng weekdays. Baka this weekend umuwi sya para lang makapagrecord kami. Ang boring naman kasi kung wala man lang kaming episode na magkasama. Hindi pati ako mahihirapan mag-edit kasi walang delay.
Ang mahal palang magpa-drive sa Manila. Bukod sa bayad sa driver, syempre kelangan mo din syang bigyan ng pangkain, tapos bayad pa sa toll and gas and parking. Eh ayaw ni Kenneth mag-commute ako (holdapan incident) kaya magpa-drive daw ako. So yung baon ko, lalong lumiit. Eh mamimili pa ko ng mga medyas namin at boxers ni Kenneth. Kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan stressed ang Mama sa mga bayarin. So nung day na to, mga 1AM na ata kami nakauwing Pagbilao. Puyat nanaman. Kahit puyat at pagod, ang hirap pa din matulog. Medyo maingay kasi dito sa bahay tapos ang aga din nilang nagigising. Ang Papa parang 4AM gising na para mag-jogging. Tapos ang Mama may pasok ng 8AM kaya nagpprepare na ng mga 6AM. Hays kelan kaya makakabawi ng tulog.
Saturday. Eto yung isa sa mga eventful na day. Eventful naman lahat pero yung imi-meet ko kasi nung day na to, hindi ko nakausap ng 6 months. Nagaway kasi kami and ang naging resulta, hindi na kami nagusap. Pero bago mangyari yun, birthday bash muna ng Papa. Eto talaga ang reason bakit ako umuwi. Nag-sponsor ang Papa ng kalahati ng ticket ko kaya din ako nakauwi. Iyak ako ng iyak nung day na nakausap ko ang Papa tapos nagtatatalon ako. Few days after namin magusap, binook ko na agad yung ticket. Ang saya ko talaga non na makakauwi ako. Nung pumutok yung balita ng Taal (pun medyo intended) at Corona virus, hindi nag-fade yung saya ko sa paguwi. Looking forward pa din talaga ako. So birthday ng Papa and at the same time, retirement day. Kaya extra special and gusto nyang kumpleto kami. I love you Papa and Mama!
So after ng birthday bop, nag-meet na kami agad ni Nick para pumunta sa meeting place. Si Nick na common friend namin, may plano nga kaming pagbatiin ni Xali. To cut the story short, nagbati na kami. Awkward nung una kasi hindi kami nagsasalita sa isa’t isa directly. Si Nick yung super trying his best na pagusapin kami. Tapos sya yung naiiyak, tapos napansin ko parang nagte-tremors na yung pisngi nya. Kinakabahan din kasi sya. Haha. Tapos ramdam naming hirap na hirap na sya. Pero eventually nagusap na din kami kasi ang usapan, move on na lang. Hindi na namin pinagusapan yung details kasi naisip naming magaaway lang pag binalikan pa. Hindi ko alam kung awkward sa kanya pero sakin nung medyo tumagal-tagal na, parang hindi na awkwardness yung nafi-feel ko. Parang medyo shy type na nacoconscious kasi nga ang tagal naming walang communication. Parang hindi awkward para sakin kasi kilala ko naman sya eh tapos feeling ko ang daming stories na dapat naming pagkwentuhan especially yung situation ni Dale (another common friend). At the same time, pinapakiramdaman ko kung okay na ba talaga sya or may something pa kasi sakin wala na. Pero since hindi ko naman ma-figure out, iniisip ko na lang na sana nga okay na talaga. Kung 15 years kami ni Nick magkaibigan, kami almost 18 years. And masaya na magkaron ng kaibigan na ganun katagal.
After magka-ayos, videoke na with the other close friends. Of course namiss kong mag-videoke kasama sila. Sa Canada walang ganun. Boring talaga. Tapos first time kong mag-inom ulit ng hard. After videoke, kain sa tapsihan tapos nag beach trip kami. Dun namin tinuloy yung inuman. Dumaan pa pala kaming 7-11 before sa beach tapos kumuha ako ng TJ hotdog tapos di ko binayaran. Tawang tawa sakin si Nick. Hindi sya maka-move on. Nakatulog na ko sa beach, hindi na din ako masyadong nag-inom. Mga 5AM na ko nakauwi ng bahay. Puyat nanaman!
Sunday, kainan ulit. Since sabi ko sa Papa na seafood ang pinaka namimiss kong kainan, nagset sya ng lunch sa Ancent Seafood Restaurant. Para syang seafood paluto. Sobrang daming seafood! Nakakaconscious kumain at nananaba na nga ako. Lahat napapansin na tumaba ako. Ok lang kasi at least nagiging conscious akong lumamon.
After busog lusog lunch, dinner naman sa Gerry’s Grill with Kenneth’s side of the family. Ang sarap na naman! Namiss ko yung shanghai nila at adobo flakes. Basta Pinoy food okay na okay sakin. After dinner inakit ko ang F Buddies (Nick, Bong, Xali) na lumabas kasi hindi kami masyadong nakapag bonding na kaming apat lang. Nag tsaa kape lang kami sa Anneville (kung san naiwan ko yung phone ko) tapos nung magsasara na yung Anneville, lumipat kaming Cafe Jungle. Eh since 10PM na and kina Kenneth ako matutulog, nakakahiya naman na gabihin ako masyado kasi mapupuyat sila pag-aantay sakin, tapos si Nick eh kailangan na din lumuwas ng Maynila, nag-decide na din kaming maguwian na. Nakakatawa lang lagi pag topic si Mamshie of the decade. Very controversial kasi kaya between sa aming apat lang nao-open yung topic. Pagkauwi ko nagchat lang ako kay Xali na “Happy ako na ok na tayo ulit.” Parang yun na yung closure. Feeling ko kasi may kulay nung nagkita kami tapos biglang usap na lang na as if walang nangyare. So feeling ko kelangan ko syang i-verbalize. Happy din daw sya. Sana naman wag na kaming mag-away. Sabi nga ni Gel matatanda na kami. Tama nga naman.
Yes malapit na kong matapos. Ang next day na idodocument ko is nangyare kahapon, Monday. Grabe ang sarap ng tulog ko kila Kenneth. Ang tahimik kase dun tapos solo ako sa kama. Walang disturbance. Kung hindi pa ako ginising ni Mommy Glo hindi pa ko babangon. Since naiwan ko nga yung phone ko sa Anneville, kelangan namin syang balikan pagkabukas na pagkabukas. Buti naman at mabait yung nakapulot. Gusto ko sanang bigyan ng chocolate kaso wala naman akong dala. Nung kinagabihan kinokondisyon ko na yung sarili ko na wala na akong phone. Na gagamitin ko na lang yung extra phone ni Kenneth. Pero buti na lang napabalik. Umuwi na din akong Pagbilao after lunch. Meron naman kaming spa date ng Mama sa hapon pagkabalik nya ng office. Nakatulog na naman ako habang finu-foot spa ako (natawa ako nung tina-type ko yung finu-foot spa). Umuwi na din kami immediately after. Nood lang ng konting TV tapos natulog na din kami ng Mama. Magkatabi kami matulog kasi yung kwarto ko, ang Papa na ang nag-occupy. Hindi sila magkatabi natutulog kasi malakas daw humilik ang Papa hindi makatulog ang Mama. Dati nga nung kumpleto pa kami dito sa bahay, sa salas natutulog ang Papa. Nasa-sad nga ako nung una pero nasanay na din ako. Pero ayaw kong mangyari yun samin ni Kenneth. Dapat lagi kaming tabi.
And today is another day! Itinerary:
Visit Daddy huhuhu
Date with my lola plus my K-pop fanatic cousin
Parang yun lang
Medyo chill yung day na to kasi nga ang hectic nung mga nakaraang days. Updated si Kenneth sa happenings kasi almost everyday kaming nagvi-videocall. Nakakatawa nung isang gabi kasi nagkkwento ako about sa pagbabati namin ni Xali tapos biglang masisingitan ko ng “granola bars” at “Japan”. Nananaginip ako habang nagkkwento akong nakamulat. Hahaha. Eh pinipilit kong tapusin yung kwento ko kasi fresh pa. Baka may malimutan pa ko. Miss ko na ang kitty cats. For sure miss na miss na ko ni Walnut. Si Cashew kase very walang pake lang. Super rare maglambing.
Nung rare moments na wala akong magawa sa bahay, pumunta ko sa luma kong kwarto. Naghalungkat lang ako ng kung ano-ano. Tapos nakita ko yung wallet ko nung highschool. Ang dami kong nakitang memorabilias. Nakakatawa yung nakita kong papel na nakatupi tapos pag-open ko, song composition ko nung teenage phase ko. Ang cringy eh. Pero ang galing talaga ng sound/music association. Kasi siguro 10 years ko na yung hindi nakikita pero nung binasa ko, alam ko pa din yung tono nung ginawa kong kanta. Nakita ko din yung mga luma kong drawings. Kung pinagpatuloy ko lang yun super galing ko na siguro ngayon.
Okay! Tapos na ang pagre-recall. Feeling ko may di pa ko naisama pero eto yung mga highlights. 8 more days ang makakapiling ko na ulit si Kenneth and kitty cats. Excited nanaman ako! Sana hindi i-ban ng Canada ang mga taong nagtravel from Asian countries. Pota wag naman huhuhu.
Dumating na yung pinakahihintay kong January 2. Pero nung December 31 pa lang, I feel so much better already. Nung tinitingnan ko yung mga New Year photos especially ng mga kapamilya ko, ang saya ko for them. Kita kong nageenjoy sila. May konting sadness kase syempre mas ok na nandun ako; pero walang bitterness. Unlike nung Pasko. Pero nung New Year ang light sa feeling tapos natutuwa akong tingnan yung mga pics ng mga tao. I’m so happy na na-reach ko na din yung state of mind ko na to. Sana wala nang balikan.
Siguro ang isa pa, pag talagang may mga bagay na nillook forward ka, it gives you a purpose. Hindi naman yung tipong very deep na purpose in life. A purpose to go on. Move on. It refrains myself from thinking unnecessary and unhealthy thoughts. So eto yung mga bagay na nillook forward ko as of the moment:
Book club discussion tomorrow. This will be our 4th book discussion and even though hindi consistent yung mga participants, I’m glad that this is still going on. I think I’ll just have to brainstorm to make it more interesting for them I guess? Because I notice in every book discussion, it involves a different set of people. Wala yung consistent na joiner talaga. But at the same time, I think it’s not my job to actually keep them engaged. Kung talagang trip nila tong trip ko, hindi ko na sila kelangan pilitin or laging i-remind. They will just join kase gusto nila. So I’ll just leave it at that. I’m still glad that the book club inspired a lot of people to read again and rekindle their relationship with books.
New podcast episode. It’s a New Year episode obviously. Medyo seryoso yung pinagusapan namin kahapon so looking forward akong i-edit yung recording. Hindi kami vocal ni Nick in terms of how valuable our friendship is, but I really want to thank him for still being virtually present in my life kahit malayo na ako. I think it’s more tricky to maintain connection if it’s a guy friend kasi hindi naman sila madaldal and ma-chat. This podcast acted as a bridge between us two and actually brought us closer. So good luck Nick! I hope your wish will come true on March.
Philippines. I will visit our home country a month from now. Super excited and nawala na yung stress ko about the pasalubong nonsense. I’m putting too much pressure on myself. And I want to thank Aryan for lending her ears (pero eyes talaga kase sa chat). Nawala yung weight ng worries ko after talking to her. I have resigned to the fact that I can’t do anything about what my folks will say if I can’t give them mega pasalubong and all that shit. I will just be comfortable in the fact that this is the reality. The reality being: we’re broke. Broke in the sense that we can’t afford to buy expensive pasalubong for everyone the same way as my uncles used to give us pasalubong when they visit PH before until now. So I’ll just let it be.
I’m looking forward for my friends’ milestones in life as well. Aryen’s exam result (I’m sure she’ll pass), Gel’s wedding this year, Aryan and Hudas’ reunion, Bogs’ health and future baby, Dany having a new baby soon, Benson’s mansion and Dale’s plan to go to Canada.
More years with Kenneth. In the past few months, I notice a change in our dynamic. We are getting along better than ever. I believe it started after my surgery. Sobrang amazing nung recovery period ko kasi never kaming nag-away. Walang inisan, hindi ako naiirita sa kanya, hindi sya badtrip. Basta parang magic. Kelangan ko pa palang ma-operahan para ma-reach namin yung ganun. So when that happened, I noticed it right away. I didn’t want to say anything to him for fear of jinxing it. And I said to myself that we have to maintain this momentum. On my part, I know what I have to do. I have to have more patience and I have to control my temper. So that I did. There are times where I can’t help it but at least I’m watching myself now.
I have to prepare my sticker orders now but I’m also looking forward to my career. It’s still murky and uncertain but I’m excited. As I’ve said on our podcast, my theme for this year and the years to come is discipline. Several times, I find myself mindlessly scrolling through Instagram, watching Youtube videos non-stop, and I just really have to stop. So discipline. And self-control. Less overthinking. More value.
Isa sa mga nakakainis at nakakasad pag nasa ibang bansa ka ay (obviously) yung time difference. Gigising ka sa umaga tapos makikita mo andaming ganap sa Messenger kasi pagabi pa lang sa kanila. Tapos kung kelan may time ka na magreply, mga magtutulugan na sila kasi mga antok na at gabi na nga dun. So maghihintay ako ng matagal na oras hanggang gabi. Looking forward ako lagi na mag-gabi dito kasi umaga na dun, gising na sila ulit. Kaya minsan nagpapakapuyat na lang ako para maabutan ko silang gising para maka-usap ko sila. π Sad.