
What I appreciate about this holiday season is, it was a bit chill. Wala masyadong strong emotions, may stress pero na-manage naman. Similar last year, wala kaming pakana for the New Year. Ang overwhelming na masyado pag nag-prepare pa kami for New Year’s Eve, kasi sunod-sunod ang Christmas parties plus pareho pang December ang birthdays namin ni Kenneth.
Christmas Eve

Christmas Eve has always been with family. Sabi ng tito at tita ko, mag-prepare ulit kami ng games. Sila na daw bahala sa prizes. Last year lang nagsimula yung pa-games kasi may nadagdag na sa family nung kinasal si Mclein and AJ. Nung binabasa ko yung last Christmas post ko, stressed na stressed pala ko nung sinabihan nila ko na magpakana ng games. Nakakatuwa lang ma-witness yung pagbabago kasi this year nung sinabihan ulit kami, sabi ko lang, “Okay.” Kaya nung binalikan ko yung post ko last year, sobrang natawa ako nung na-recall ko kung gano ako ka-problemado dun sa simpleng bagay na yun.

Nag-bake ulit ako ng cookies, as requested by Kuya Jon2. Dalwang types yung binake ko at first time kong i-try yung white chocolate chip strawberry streusel cookies. Haba ng pangalan pero in short, di ako natuwa. Hindi masarap. Pero nung triny naman nila, masarap naman daw. Hindi marunong mag-fake ng reaction yung tito ko pagdating sa pagkain so naniniwala naman ako. Tinanong nya pa ko kung san ko raw natututunan yung pagbake-bake.




This year, di kami swinerte sa games kasi isang beses lang ata kami nanalo haha. Pero ang masaya dun, may pa-consolation prize yung tita ko. So every game kahit talo, may prize pa rin. Tsaka last year swerte na kami so give chance to others naman daw.



Past 12 na kami nakauwi. Kahit medyo low energy ako gawa ng pelvic pain ko, enjoy pa rin. Thank you sa tito and tita ko for hosting this every year!

Christmas tradition



Christmas day is cinema day! 2021 na-establish ang tradition na ‘to and this year, our Christmas movie is Wonka. Bago yun, gusto ni Kenneth na magluto kami for Christmas pero sabi ko hindi ako makakapag-contribute. Tamad pa ko kasi two-day preparation yung binake ko na cookies kahapon plus ako rin yung nag-abala sa pagbili ng mga Christmas gifts. At sa Christmas dinner namin with friends sa 30th, ako yung magluluto ng dadalhin namin. So I think mabuting sya na lang ang mag-prepare. Tsaka 2 weeks naman syang naka-off so kayang kaya na nya yun. Kaya for Christmas, nagluto sya ng roast beef and baked macaroni.

Back to Wonka, pareho naming nagustuhan yung movie. Ang feel-good lang nya. May part na naiyak ako kasi sobrang touching nung scene plus yung music kasi nakakaiyak. Aquaman talaga yung bet nyang panoorin kaso ayoko talaga. Buti nagustuhan nya rin ‘tong Wonka.

Triny namin yung isang sinehan as suggested by Piya. Ang ganda nga pala dun. Merong seats na pang-couple so wala kaming katabi. Gusto kong ire-watch yung Wonka pag available na for streaming. Huhu ganda talaga nung song dun sa scene na naiyak ako, ‘For a Moment’ yung title.



Christmas dinner with friends
Di ko na ike-kwento in detail pero super stressful nung paalis na kami papunta sa dinner. Sobrang naaasar ako sa sarili ko, tapos nakadagdag pa ng stress si Kenneth kasi parang annoyed pa sya. Imbis na sya yung maging comfort at mag-balance nung sitwasyon, pinapalala pa nya by being quiet and serious and looking annoyed.

Hay grabe talaga yung panic at stress ko. Ang dami kong deep breathing sa sasakyan nung on the way na kami para ma-regulate yung emotions ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Nung malapit na kami, nag chill out na rin si Kenneth so nakatulong din yun. Parang tinest talaga ko nung moment na yun. Buti naging okay na bago pa kami makarating. Okay, let’s skip to the good part.

New Year’s Eve Eve is with friends. This year, kasama na namin sila Hersey and sila yung host. Sobrang napa-wow ako sa table setup nila. Nakaka-inspire yung effort. Sa mga weddings lang ata ako nakaka-experience ng ganitong type of setup kaya nakaka-impress talaga. May fresh flowers, may plate for soup, salad, main, at yung table decor din ang ganda. Pag may bigger place na kami, gusto kong mag-host ng ganitong dinner party tapos gagayahin ko rin yung mga nakikita ko sa TikTok hehe.


Di man kami swinerte sa games nung Christmas Eve with family, naghakot naman kami ng prizes this day haha. Nahiya na nga kami actually. Dapat pala shinare namin yung coffee pouches kaso late ko na naisip kainis.





Mga 12 na rin ata kami nakauwi. Thank you friends and thanks Hersey & Crispin for hosting. Thank you rin sa free massage haha.

New Year’s Eve
At this point, ubos na ang energy ko. Pasira din kasi yung pelvic pain ko, pasulpot sulpot yung sakit, nakaka-contribute sya sa mood and energy ko. Parang gusto ko na lang umupo with my weighted blanket habang nanonood ng k-drama, which is yun yung ginawa namin nung gabi.
Tumawag ang Kuya kasi andun sila lahat sa bahay. Nagiinom sila ng mga Papa tapos rinig ko yung ingay sa background. Maya-maya tumawag na rin ang Mama at pinapakita nya yung mga handa nila. Sobrang na-FOMO ako dun sa parirutong huhu. Basta ang sarap lahat ng food nila. Sa family namin, mas big deal ang New Year kesa sa Christmas. Excited na kong mag-celebrate ng holidays na kasama sila ulit!


Plano talaga namin lumabas nung gabi para panoorin yung fireworks (di ko alam kung kaninong pa-fireworks yun). Pero ang tamad ko talaga. Sabi ko wag na kaming lumabas. Happy naman ako na sa bahay lang kami. Nag-step up na si Kenneth kasi alam nyang wala talagang mangyayari pag tinamad na ko. So sya yung nagisip kung san kami magpapa-deliver ng dinner, at sya rin yung nag-push na lumabas pa rin kami to see fireworks. Gusto nya lang daw makarinig ng pumuputok kasi ang tahimik ng New Year dito. Ang compromise nya, kahit di na raw kami lumabas ng sasakyan, magpa-park lang kami at sisilip sa paputok. Okay sakin yun. Aprub! Let’s go!

Sobrang traffic so na-stuck na kami. Sa kalagitnaan ng traffic na namin napanood yung fireworks. Ang malas lang kasi nung nag-standstill na talaga, taklob ng malaking puno yung view. Sobrang liit na part lang nung nakikita namin. Pero okay pa rin. Tuwa pa rin kami ni Kenneth.


Hindi man amazing yung fireworks kumpara sa mga dating Bagong Taon namin sa Pilipinas, we made the most out of it. I must admit that some things pale in comparison to what we were used to when we were still in the Philippines, pero natutunan kong ipagpasalamat na lang lahat. Kasi marami ring na-offer ang Winnipeg na wala sa Pilipinas. Favorite ko pa rin yung sinabi ng dati kong boss kahit yung mismong boss hindi ko favorite. Sabi nya, “Make the most of where you are.” Kasi kung didibdibin ko yung pagkukumpara, magiging miserable ang buhay ko dito. Oo ang tipid nung fireworks, mas maingay at mas maganda yung sa Pinas, pero bakit ko hahanapin yung wala. Susulitin ko na lang kung ano yung nasa harap ko kasi in this moment, yun yung totoo. Yun yung reality ko.
Haha di ko in-expect na mapupunta ko dun. Siguro hindi talaga maiiwasan magmuni-muni pag natapos na ang taon at may bago nang parating. Pero okay lang kasi ito yung mga thoughts na masarap balikan. Tsaka naisip ko pala, posibleng last Christmas and New Year na namin sa Winnipeg for now. Di pa naman guaranteed pero posible. Yun. Happy New Year sa inyo. Sana excited kayo sa mga gusto nyong mangyari sa 2024. Ako excited na may halong worry. Salamat sa oras pagbabasa. Bukas ulit!

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
