Categories
Family Insights Life Money Diaries

2023 Game Plan

THEME:

Sink into the Present

I chose this kasi eto yung overarching theme ng mga paboritong non-fiction books na nabasa ko last year. Eto ang sagot sa overthinking, sa anxiety, sa pag-eenjoy, sa pag-create ng good relationships. When I’m truly present, I only focus sa kung anong nangyayari right in front of me, right at this moment. I’m forced to get rid of the past (where it’s nice to revisit sometimes until you get stuck) and the future (where everything is uncertain, pressuring the brain to do a lot of guesswork which leads to overthinking and anxiety). So instead, I will do my best to let the present be my default mode and only pay brief visits to the past and future when needed.

Categories
Family Life

Christmas 2022

After 5 Christmases here in Canada, eto ang pinakamasayang Pasko ko. Binasa ko uli ang mga nakaraang Pasko at eto ang summary:

2017 – Last Pasko sa Pilipinas

2018 – First Christmas sa Canada kaya distracted pa (di pa homesick). First time din maka-experience ng white people Christmas party.

2019 – Depressed sa pagka-homesick. Maghapong nagmukmok sa apartment, walang pakana.

2020 – Bumawi. Masaya at buong araw nagluto.

2021 – Neutral. May konting iyak pero may saya.

2022

Dec 24

Categories
Family Life

My Imposing Wish List

In a few days, birthday ko na. At gumawa ako ng wish list kung saan pwersahan kong kinumbinsi (yung iba naman hindi kelangan ng pwersa) ang pamilya kong ibili ako ng regalo. May mga kaibigan rin akong na-convince hihihi. Medyo ganito rin yung ginawa ko last year at na-achieve ko din yung goal ko na may matanggap na regalo sa birthday ko. Ang unfair kasi. Kahit nasa malayo ako, gumagawa ako ng paraan para bigyan yung family ko ng regalo sa birthdays nila at sa Pasko, tapos sila hindi makaisip ng way? Walaaa wag na kayong magpalusot. Para san pa ang convenience ng online shoppping. So ako na ang gumawa ng paraan. Mwahaha.

Categories
Family

Happy Birthday Poops!

My birthday message:

HBD

Haha! My real birthday message:

Categories
Family Hobbies Life

Almond is Free!

Finally nasa bahay na uli si Almond. Pag gising ko si Almond agad ang naisip ko at nag-download ako ng Messenger para i-check kung may sinend silang pics ni Almond na nasa bahay na, kaso wala huhu. Pero okay lang. At least alam kong komportable na sya at makaka-receive na sya ng madaming hugs and cuddles.

Almond’s last day sa pet “hotel”
Categories
Family

Fake Twitter #18

Di daw masyadong kumakain si Almond 💔 Lapit na Almond konti na lang 😞

Categories
Family

Iwan si Almond

Iwan si Almond sa pet “hotel” for 3 days. Ganda ng tawag—pet hotel—pero nakakulong lang naman sya sa cage. Tapos ang dumi pa. Hays. Gusto ko nang dalhin dito si Almond sa next uwi ko. Sobrang hirap kasi. Bawal sila na kasama ng pasahero, sa air cargo lang daw. Eh ayoko naman na solo si Almond dun tapos ilang oras ang byahe, 15-18 hours. Di ako mapapakali.

Kanina pa ko umiiyak. Nai-imagine ko kung gano sya ka-uncomfortable ngayon. Sobrang sweet pa naman ni Almond. Lalo akong naiiyak nung ka-chat ko si Aryen kasi umiiyak din sya. Hay gusto ko nang mag-Friday night para makabalik na ulit sya sa bahay. Sorry Almond 😭

🥺😢😢
Categories
Family

First Man by Camila Cabello

We’ve been enjoying watching the new season of The Voice where Camila Cabello was a judge. She mentioned once or twice the time when she performed a song to her dad during the Grammy’s. I remembered it now and looked it up then decided to watch it. Four minutes later, I was BAWLING.

Categories
Family Happy Things Life

Happy Things #13

Lucky Streak

Nanalo kami sa 50-50 raffle nung birthday ni Theo haha! Di ako swerte sa mga pa-raffle kaya sobrang saya.

Categories
Family Life

Halloween: Canada vs Pinoy Edition

Hinalungkat ko yung archives ko pero wala ako ni-isang November 1st na entry. Nakita ko kasi yung favorite artist ko na pinost nya yung Nov 1st journal entries nya through the years so gusto kong gayahin, pero yun nga, wala akong nakita. Gagawa na lang ako ngayon.