
In a few days, birthday ko na. At gumawa ako ng wish list kung saan pwersahan kong kinumbinsi (yung iba naman hindi kelangan ng pwersa) ang pamilya kong ibili ako ng regalo. May mga kaibigan rin akong na-convince hihihi. Medyo ganito rin yung ginawa ko last year at na-achieve ko din yung goal ko na may matanggap na regalo sa birthday ko. Ang unfair kasi. Kahit nasa malayo ako, gumagawa ako ng paraan para bigyan yung family ko ng regalo sa birthdays nila at sa Pasko, tapos sila hindi makaisip ng way? Walaaa wag na kayong magpalusot. Para san pa ang convenience ng online shoppping. So ako na ang gumawa ng paraan. Mwahaha.
Syempre petty rin naman ako minsan. Masama bang mag-asam ng regalo pag birthday. Once a year na nga lang eh. Mahilig naman kayong mag-online shopping so imbis na address nyo, address ko na lang ilagay nyo. Tsaka kung titingnan yung wish list ko, hindi naman mahal yung iba. 80 to 100 pesos nga lang yung iba dun eh (shipping included). Kaya to my family, please regaluhan nyo na ko. Para masaya.

Nagtatampo ako sa Mama pag tinatanong ko dati kung anong regalo sakin. Laging ang sagot ay, “Paguwi mo na.” Kakaasar. Pag birthday ni mayora may regalo tapos ako na anak wala? Tsaka kelan pa yung uwi ko na yun. So dun sa wish list ko para madalian sila, nilagay ko dun yung link kung san nila pwedeng bilhin yung item, yung price, shipping fee, address ko, etc. Nagre-range yung price from $2 to $150 so at least may options sila. Wala ka nang kawala Mama 🤪

Kay Tricia (bunso naming kapatid) natutuwa ako kasi sya mismo ang nagtatanong kung anong gusto kong regalo, tapos sya rin ang nangungulit sa Mama na regaluhan ako since tamad ang Mama na umorder pag di nya alam yung website. Shopee, Lazada at SHEIN lang ang expertise nya. Yung kuya ko naman nagtatampo din ako kasi sa buong buhay ko, never nya kong niregaluhan. Pero pag birthday nya ang lakas magbiro ng, “Regalo mo?” Sinend ko rin yung wish list sa kanya so ewan ko kung meron akong gift na matatanggap this year. Sabi ko paturo sya kay Tricia kung di sya magkaigi.

So yun lang naman ang kababawan at ka-petty-han ko on my birthday at this holiday season. Dala lang siguro ‘to ng lungkot na may kasamang inggit sa darating na family Christmas party namin. Nami-miss kong sumali sa mga games at makipag islaman tuwing may magmumusay. Sana makapag-Pasko na ko sa Pilipinas soon para wala na kong mga ganitong drama.