Categories
Canada Life

White People Christmas Party

First time ko kahapon maka-attend ng Christmas party ng mga puti. So kahapon nga, Christmas party namin sa work. Eto yung mga differences na napansin ko:

  • FOOD

Nung nadinig ko pa lang na ang food daw namin ay sandwiches and wraps, cheese and crackers at salad, kitang kita na agad ang difference. Nasan ang shanghai? Nasan ang caldereta ni ate Janice? Cake wala man lang. Ice cream? Spaghetti or pansit, cheesy pichi pichi ng Amber’s. Hay kakamiss. Pero eto ang trip nila:

Parang meryenda lang ng nagda-diet

Kakapanibago. Sanay ako na pag Christmas party at kainan na, yung tipo na hindi na ko magkaintindihan kung anong kukunin ko kasi ang daming pagkain at lahat mukang masarap.

  • EXCHANGE GIFT
Di ko masyado trip yung amoy nung essential oils

Dito Secret Santa ang tawag. Nung tinanong ako ng supervisor ko, “Are you joining Secret Santa?” Eh di “Sure!” naman ako. Nung sinabi na kung magkano daw ang exchange gift at sinabing $20 aka 800 pesos, sa isip ko sana di na lang pala ako sumali. Kase may mga hindi sumali. Kala ko lahat kasali kaya gasing sali naman ako. Tapos ang nabunot ko pa lalake. Hirap regaluhan ng lalake. Tapos nung mismong bigayan na ng gifts, yun pala sabay-sabay nyo bubuksan yung regalo tapos hindi necessarily kelangan na malaman mo yung “Secret Santa” mo. Kaya nga secret eh.

  • CLIQUES

Eto hindi necessarily related sa Christmas party pero eto yung napapansin ko pag may mga events yung unit namin tapos nasa isang conference room lang kami. Pansin ko sa mga puti, wala silang cliques. Kasi ako dati sa Pilipinas meron akong constant group na kasama sa work. Yung talagang as in naging close friends ko na sila. So pag lunch, corporate events, lakad outside office, or meetings, meron akong clique na lagi kaming magkakatabi. Pero dito, pansin ko sa mga puti, wala sila non. Kahit san sila mapa-upo ok lang. Kase mga hari at reyna nga sila ng small talk eh. Makaka-survive sila kahit san sila ilagay. Ako palpak lagi sa small talk. Magcocompile pala ko ng mga fail at awkward small talks ko.

Overall, okay naman. Di nga lang ako nanalo sa raffle. Merong isa kaming officemate na may gift sya sa lahat samin. Ang cool nung naisip nya gusto ko din gawin next time.

I won $2

Tapos kahit sobrang awkward ko sa mga small talks, buti yung katabi ko sobrang daldalita tapos shineshare nya yung love life nya sa group. Sya lang yung salita ng salita tapos twice or thrice nya ata nabanggit na, “I played erotic bingo last weekend.” Sobrang oversharing talaga nakakatawa. Tapos nakwento nya yung dine-date nya tapos nalaman nya na yung friend nya, same lalake sila ng dine-date. Dami nyang kwento. Sa loob ng 1 hour, dami ko na agad alam sa kanya tulad ng: 27 y/o sya, single, mahilig sya sa chocolates, mahilig sya sa bingo at dildos, at madami syang dates na fail.

Nung second time nya binanggit yung erotic bingo, na-curious na ko sabi ko sa kanya, “How does that work?” “Oh it’s just a regular bingo except you win sex toys. I was one number away from the dildo.” Napatawa kami pero nafeel ko yung iba, super jina-judge na sya. Parang napapatawa ba na napapakunot. Ako naaaliw sa kanya. Super la sya pake. Tapos nung dinistribute na yung gifts, yung nareceive nya is nakalagay sa paper bag na mahaba na parang wine ang nakalagay. Basta mahaba and patayo yung shape nung paper bag. Sabi ni erotic bingo, “Ooohh. I wonder what this is.” Tapos sabi ko sa kanya, mahina lang, “It’s a dildo.” Super hagalpak sya ng tawa. Tapos sabi nya, “Guys! Did you hear what she said?!” Tapos sinabi nya yung sinabi ko. Napatawa na may halong surprise yung mga puti (isa dun yung supervisor namin). Tawa lang din ako ng tawa. Tapos kwento na ulit sya na next time daw dadalhin nya yung nanay nya sa pagbibingo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s