Finally nasa bahay na uli si Almond. Pag gising ko si Almond agad ang naisip ko at nag-download ako ng Messenger para i-check kung may sinend silang pics ni Almond na nasa bahay na, kaso wala huhu. Pero okay lang. At least alam kong komportable na sya at makaka-receive na sya ng madaming hugs and cuddles.

Para akong nabunutan ng tinik. Wala nang gumagambala sa utak ko. May gana na kong gawin ang mga pinapalano kong gawin:
- Mag-binge ng mga planner videos since dumating na ang aking planerrr. Sa Amazon Japan ako nag-order kasi mas mura (even after shipping fees) tapos dumating sya in 2 days! Ang wish ko ay magamit ko sya all-year round at wag magkaron ng blank page tulad ng mga naging planner ko noon.
- Gumawa ng blog entry para sa mga purchases ko this Black Friday month. Nabudol talaga ako. Iniisip ko nakakatipid ako, kasi puro sale naman. Ewan ko ba.
- Tapusin yung bago kong sticker sheet na ginagawa. Naisip kong i-drawing ay tamagotchi kasi never akong nagkaron ng tamagochi sa buong buhay ko.
- May excitement na kong nararamdaman sa pagbukas ng early birthday gift ko. Pero baka antayin ko na lang talaga yung birthday ko para feel na feel.
- Simulan na yung book club pick namin for November kasi ang lapit na ng discussion
- Tapusin yung book report ko for How to Change Your Mind
Ano kayang uunahin ko?