Categories
Canada Life

Christmas 2020

Syempre hindi papatalo ang mga tao sa COVID. Kahit papano, based on my social media feed, masaya naman ang mga tao pagcecelebrate ng Pasko. Kami din nafeel namin ang holiday spirit lalo na nung December 24. First time namin maghanda para sa Noche Buena. Last Christmas kasi wala kaming pakana, nag-invite lang yung tito ko na mag-dinner sa kanila. Christmas of 2019 yung pinakamalungkot na Christmas sa buong buhay ko. Umiiyak ako. Pero kalimutan na natin yun. Everytime kasi maaalala ko yun, parang nagdi-dip ng konti yung mood ko. Naaalala ko kung gano ako kalungkot nung mga panahon na yun. Pero bumawi naman ngayong 2020 despite of the pandemic. Naitawid namin ang Pasko in high spirits.

Kagulo πŸ˜‚

Mula pagkagising ko ng mga 7AM hanggang 5PM, nagluluto ako. Pero parang hindi ko na-feel masyado yung pagod. Siguro nga kasi nasa magandang mood ako. Hindi ako palabati hangga’t hindi ako binabati, pero that time ang dami kong binabati ng Merry Christmas. Feel na feel ko lang. At yun yung proof na good mood talaga ko.

Slow cooked roast beef with mushroom gravy 🀀

Da making of pistachio sans rival:

Meringue
The struggle: Assembling
πŸ€£πŸ˜…πŸ˜…
Hide imperfections with butter cream πŸ˜‚
Last step sa wakas

Bukod sa pistachio sans rival na first time kong i-try gawin, excited din ako sa binili naming costume nung dalwa. Sobrang cuteee!!! Ang likot nga lang ni Walnut. Hindi sya natuwa. Pero si Cashew feel na feel yung costume nya. Sobrang behave.

Nabudol ko ang Mama at si Tricia na bigyan ako ng gift! Kaso sa Dec. 30 pa ang dating. Pero at least meron hihi. Kahit pilit at ako pa yung nakaisip ng paraan para maregaluhan ako, ang saya pa din. Nakaka-miss maka-receive ng regalo. Naaalala ko noon sa Pinas nung may mga gifts na hindi ko masyadong type. Nasasayangan ako kasi hindi ko naman magagamit. Pero ngayon okay lang kahit bigyan nyo ko ng kahit ano basta ma-feel ko lang ulit yung act of receiving gifts. Bigla ko syang na-appreciate ngayon. May natanggap naman akong Christmas gift this year na hindi sapilitan. Isa. Haha. Thank you Kris and Trix!

Noche buena

So may isa pang paparating na holiday. New Year ang most celebrated holiday sa family namin. Simula’t sapul hindi kami nagno-Noche Buena pero pagdating ng Media Noche, andun ang madaming foods and nung hindi pa bawal, mga paputok. Hindi ko alam kung bakit New Year yung mas special pero simula nung nagkamalay ako ganun na. And this year, pangalwang New Year na yung hindi ko kasama ang family ko. Sobrang sad. Kaya isa sa mga wish ko ay makapag-celebrate ulit ng New Year kasama sila. Sana soon.

PS:

Dumating na yung gifts 😍

Thanks Mama and Tricia!!😊
Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s