Categories
Family Life

Christmas 2022

After 5 Christmases here in Canada, eto ang pinakamasayang Pasko ko. Binasa ko uli ang mga nakaraang Pasko at eto ang summary:

2017 – Last Pasko sa Pilipinas

2018 – First Christmas sa Canada kaya distracted pa (di pa homesick). First time din maka-experience ng white people Christmas party.

2019 – Depressed sa pagka-homesick. Maghapong nagmukmok sa apartment, walang pakana.

2020 – Bumawi. Masaya at buong araw nagluto.

2021 – Neutral. May konting iyak pero may saya.

2022

Dec 24

Nung Christmas Eve, sa bahay kami ng mga tito ko. As the ate and nakatatandang pinsan, may instruction ang tita ko na mamakana raw ako ng mga games para raw hindi kami mga nakaupo lang at nagce-cellphone. Na-stress ako. Hindi natural sakin magpakana at magpa-games. Ini-imagine ko pa lang na kelangan kong kunin ang atensyon ng mga tao at mag-explain ng lalaruin para ma-entertain sila, nade-drain na ang energy ko. Tapos pano kung hindi pa sila cooperative at makornihan sila? Matatanda na kasi yung mga pinsan ko, hindi na madaling utuin. At yung family ng tito ko, hindi sila yung hyper and energetic, kaya siguro ako ang naatasan. Eh kaso hindi rin naman ganun ang personality kooo. Kaya leading up to this day, may anxiety ako. PERO, nung natapos na yung Christmas party ganap at umuwi akong masaya, na-realize kong tinorture ko lang pala ang sarili ko nung mga nakaraang araw. Nagaalala ako sa wala.

I won!

After nung day na ‘to, naging proud pa nga ako sa sarili ko. Since hindi nga ako natural na extrovert (although kaya ko pag kinakailangan, nakaka ubos lang talaga ng enerhiya), na-proud ako sa ginawa ko. Yung pinaka proud moment siguro ay nung napa-stay ko yung mahiyain na girlfriend ng pinsan ko. Aalis na kasi talaga sya pagkakain tapos sabi ko, “Can you stay for one game?” (English kasi di sya nakakaintindi ng Tagalog). Sure daw (pero halata mong medyo napilitan).

Usually hindi sya nakikipag-mingle kasi na-a-out of place sya dahil puro kami Pinoy. Pero that day, may instruction din yung tita ko na mag-English kami pag dumating na sya and try to make her feel at ease daw. So ako, medyo chinika ko sya about sa pagiging vegetarian nya. At yun nga, after namin laruin yung one game (charades), nag-stay na sya for the rest of the games.

Sinabihan ako ng tito ko (na parang may hint of pakisuyo) na sumama kami sa kanilang mag-Misa de Gallo. Kahit sa Pasko man lang daw sumimba kami. So yun sumimba kami at in fairness, parang nabitin pa nga ako. Ang entertaining kasi nung pari. Tapos may question and answer portion pa at lumalapit sya sa mga tao. Ang kakaiba lang kasi hindi ako inantok. Pero sa next Pasko na ulit ako sisimba pag sinabihan ulit ako ng tito ko.

Bago pala ‘to lahat nangyari, nag-pictorial muna kami ng mga kitties bago pumunta sa bahay ng tito ko.

Dec 25

Yung mismong Pasko, nag-chill lang kami. Ang suggestion ni Kenneth ay manood na lang kami ng movie. Nung nagbasa ako ng Christmas 2021 namin, nakalagay pala dun na nanood rin kami ng movie nung Christmas day. At sabi ko pa, yun na ang Christmas tradition namin. Pero walang nakaalala samin ni Kenneth about sa tradition na yun haha.

Black Panther: Wakanda Forever ang pinanood namin. Last year Marvel movie rin, Spider-Man: No Way Home naman. Di kami pareho nag-enjoy sa Wakanda Forever. Di ko type yung in-introduce na character at yung new villain. Basta ang weak nung movie for me. Hindi ako na-amaze, natuwa, hindi tumulo yung luha ko, di ako natakot, basta wala masyadong feelings. Siguro eto yung lowest for me kung ira-rank ko lahat ng Marvel movies. Pero ang ganda nung sinehan. First time ko maka-experience manood ng sine na naka-recliner seats. Ganito pala ang feeling. Sobrang comfy. Nabano ako.

Nung tanghali, kasi gabi pa yung movie date namin, pinanood namin sa Netflix yung Falling for Christmas ni Lindsay Lohan. Sobrang waley. 1 out of 5 stars. Tagal ko nang iniiwasan yung movie na yun. Kaso yung Last Christmas ni Emilia Clarke na gusto ko talagang panoorin, napanood na raw ni Kenneth. So sinubukan namin si Falling for Christmas kasi nasa top Netflix movies naman sya. Ampangit. Ang maganda lang siguro yung set at filming location.

Kaka-disappoint ang araw na ‘to for movies.

Dec 26

Eto naman yung Christmas ganap with Winnipeg friends. Kami yung host so busy si Kenneth paglilinis at ako naman sa pagluluto. May high pa ata ako sa pagiging proud ko sa sarili nung Christmas Eve kaya nagpa-games ako ulit. May dala rin na pang-bingo si Piya so nag-bingo kami at nanalo nanaman ako haha.

Medyo nagpasira lang yung sama ng pakiramdam ko. Negative naman nung nag-test ako. Ilang days na kong nanlalambot pero kinakaya pa naman. Kaya pa naman mag-enjoy. Eto pa rin ang best Christmas dito sa Canada nevertheless.

Pero kahit masaya ako ngayong Christmas season, na-guilty ako sa saya ko. Kasi parang sila naman sa Pilipinas yung hindi ganun ka-saya. Na-fracture yung wrist ng lola ko so naka-cast sya ngayon huhuhu. Tapos yung ibang family member namin may kanya-kanyang lakad, kaya ang konti lang nilang nag-celebrate.

So yun. Personally, best Christmas so far kahit may hindi kaaya-ayang pangyayari. Magastos rin kaya kelangan kong dagdagan yung holiday budget namin next year. For New Year wala kaming ganap. Ako’y tamad talagang magluto. May pupuntahan lang kaming New Year event sa The Forks and that’s it.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s