Categories
Canada Career Family Life Pals Pilipinas

2020 Highlights

I stumbled upon my 2017 Highlights post and medyo nalungkot ako kasi hindi ako nakagawa ng 2018 and 2019 highlights. So ngayong 2020, kahit masalimuot ang mga pangyayari sa buong mundo, gusto kong i-highlight din naman yung mga magagandang pangyayari.

  • Nagsimula ang 2020 na fairly masaya. Mejo sad kasi hindi ko nanaman nakasama ang family ko nung holidays, pero masaya din kasi nag-book ako ng ticket pauwi. Kaya nung Feb, I’m back to Pinas! Yehu! Thank you talaga sa Papa sa pag-sponsor ng kalahati ng ticket ko. Siguro eto talaga yung pinaka-highlight ng 2020 ko. At sobrang timely pa kasi ito yung time before i-announce yung pandemic. So nakauwi at nakabalik ako ng maayos. At dahil walang kasiguraduhan kung kelan ako makakauwi ulit kasi magulo pa rin, at least nakauwi na ko kahit mabilis lang. Read my whole back to Pinas experience here.
  • Kaya din gusto nila akong makauwi kasi retirement ng Papa. At age 55, nag-retire na ang Papa. So may pa-party tapos may mga awarding kaya gusto ng Mama’t Papa na kumpleto kami. Since nag-retire ang Papa, ang pinagkakaabalahan nya ngayon ay yung pinaparentahan nila na apartment at Shopee and Lazada online shopping 😅
  • Bukod sa nakasama ko uli ang family at mga kaibigan at former officemates ko, nakita ko ulit si Almond! Huhu ang laki na ni Almond. At ang sweet pa din nya. Hays excited na uli akong makita sya.
  • Nung umuwi din ako nagkaron ng opportunity na magbati kami ni Xali. Siguro 6 months kaming hindi nag-usap pero salamat sa efforts ni Nick, naging okay din kami ulit. The F Buddies are reunited again 😂
  • Dahil sa layovers, nakabalik akong Japan at Korea pero sa airport lang. Haha counted ba yun.
  • We moved to a new and improved apartment! Eto ulit yung isa sa mga top highlights. Alamin kung bakit dito.
  • I resigned! Finally may freedom na kong i-pursue ang art ko. And the ‘Most Supportive Husband’ award goes to Kenneth. Sobrang salamat talaga kay Kenneth kasi hindi ko naman ‘to magagawa kung hindi sya sobrang supportive. Super thank you talaga. I love you so much.
  • Balak ko talaga mag-aral after ko mag-resign. Kaya nag-apply ako sa Digital Media Design program at natanggap ako! Sobrang in-anticipate ko yung araw na ma-receive ko yung e-mail na tanggap ako. Kasi nga dito, hindi ganun kadali makapasok sa gusto mong program (or course kung tawagin satin). Pero hindi ako tumuloy. Pero confidence booster pa din yung natanggap ako. I felt validated.
  • Natupad ang wish ko simula nung bata pa ko. Nagkaron na ko ng sarili kong piano!
  • Naka-1 year ang podcast namin ni Nick. Akalain mo yun umabot ng more than a year ang F Buddies podcast. But it came to an end nung September ata kasi nga naging clout chaser si Nick. Hahaha! Joke lang (pero half meant 😆).
  • Speaking of anniversaries, naka-1 year na din ang Pod Sibs Book Club. At sana magtuloy-tuloy pa sa coming years.
  • And in line with the above bullet point, I read 25 books this year! A personal record. Wow sobrang amazed talaga ko na nakabasa ko ng ganito kadami. To more interesting reads next year!
  • We made new friends! Nung medyo maluwag pa ang protocols, madalas kami mag-hangout with our neighbors na couple din, si Trix and Kris. At dahil nga magkapitbahay lang kami, madalas kami nakakanood ng movies or maglaro dun sa Switch or mag-bake. Kaso sad kasi before Christmas, nag-red zone dito sa Manitoba and bawal na tumanggap ng bisita. Bawi na lang kami next year.
  • At dahil mas adventurous si neighbor couple, for the first time, nakapunta kaming beach dito. Two years na kami dito sa Winnipeg pero di namin naisip mag-beach. Siguro nga kasi alam namin na hindi ganun kaganda compared satin sa Pinas. Pero na-enjoy pa din naman namin. Sabi nga, make the most of where you are.
  • I became a part of the Linya-Linya creatives team as a Linya-Linya intern sensation! Saya nung experience kahit 1 month lang and na-challenge ako ulit kasi may mga deadlines, kelangan mong magproduce at mag-present ng madaming drawing, etc. Back to work yung feeling kumbaga after months of being a freelancer na hindi masyadong busy. Pero masaya kasi ang saya nung team. Pero dun ko din na-realize na kahit gano kabait nung team, lone wolf talaga ko. Gusto ko talaga hawak ko yung oras ko. Yung pwede akong tamarin pag tamad ako. Pag wala ako sa mood mag-drawing at feel kong mag-cross stitch halimbawa, magagawa ko. Pero super happy pa din na na-meet ko sila 😊
  • Kakaunti man, super saya ko pag nakakatanggap ako ng freelance work. Kaya thank you sa mga kaibigan kong suki na binigyan ako ng extra income this 2020 lalo na at resigned na ko.
  • This is the year for games. Kasi for the first time in a long while, naadik ulit ako sa isang mobile game. Dati Clash of Clans pero sobrang ilang years ago na yun. This year naman Coin Master. Haha. Tapos eto din yung year na bumili kami ng Nintendo Switch. Pero mukang wala talaga kong potential maging gamer kasi sa una ko lang inaraw-araw yung Switch. Tapos after a few weeks waley na. Pero hindi naman nasayang kasi bumili din kami ng fitness game at yun yung madalas namin “nilalaro”.
  • At since mahilig ako sa gadgets, ang mga bago kong gadgets ay yung Wacom Cintiq 16, Google Nest Mini (free from Spotify), robo vacuum, Airpods Pro, plus yung na-mention ko kanina na piano nga at Switch, at yung latest na hindi pa dumadating, iPhone 12 Mini. Tagal kong inaantay na sana magkaron ulit ng maliit na iPhone. XS yung gamit ko ngayon pero nabibigatan pa din ako at nalalakihan sa screen. Ang wish ko siguro in the future, not necessarily for 2021, ay iPad Pro at MacBook Pro with the new Apple chip. Yun lang naman sana 🤣
  • Naka-attend ako ng LighBox Expo kahit online lang. Sana next year maka-attend ako in person with someone na mahilig din sa art.
  • I discovered meal kits.
  • I became a digital minimalist and a stoic. Well at least trying to be. Sobrang beginner ko pa pero I’m trying to improve everyday. Pero naisip ko may advantage din pala ang pagiging serial story sharer ko sa IG. Kasi ngayon, yun yung reference ko sa paggawa ng blog post na ‘to.
📷: @bitesbythepage
  • I discovered a new hobby. Macrame. Kala ko na-max ko na ang limit sa hobbies na magiging interesado ako pero hindi. Ang dami pang interesting na pwedeng gawin. Tsaka yun nga, bakit ko naman ili-limit ang sarili ko.
  • I made 450+ sales sa aking Etsy shop. Nag-increase yung orders lalo na nung December. At ngayon, may orders na din dun sa new hobby ko. Kaya mamaya yun ang gagawin ko.

Paalam 2020!

Categories
Art Career

How You Like That?

I’m not the biggest fan but I watched the BLACKPINK docu because it seemed really interesting. The question that came to mind after watching it was, “What is your goal and how badly do you want it?” It made me realize that I am doing very little to reach my goal and made me question myself. How badly do I want it? The docu is good btw.

So how badly do I want to be a great artist? Not as much? Is that why I’m not doing the best I can? Is it because I don’t really want it that bad? Is that fine? Am I lacking passion? Is it okay to not be so passionate about something? Is it because we can get by even if I’m unemployed? So is that the reason why I don’t put much effort because nothing is at stake? That is possible.

I enjoy doing art, sure. But when I feel pressured because I’m not as good as the artists that I look up to, it’s not so fun anymore. Maybe I’m just not the type of person who works well under pressure. But sometimes, without that pressure, I tend to relax too much. Which isn’t good also. So the answer is? BALANCE.

Gusto ko talaga yung mga ganitong moments na tanong ko sagot ko. Galing ko talaga mag-advice. Sana naman i-follow ko.

Categories
Art Career Life

Linya-Linya Intern Sensation + Happy Mail

  • Siguro yung pinaka-major is intern ako ng Linya-Linya. Fan ako ng Linya-Linya so super happy ko nung na-accept ako. Tapos nakatrabaho ko si Ali and si Rob Cham na magaling na artist. Masaya yung experience kasi first time kong maging part ng Creatives Team. So maganda din na may ganito akong klase ng experience since kina-career ko nga nga ang maging artist. One month lang yung internship which is okay lang naman kase namimiss ko na din na mag-focus sa sarili kong art. And ang saya din na may mga tao na nakaka-relate sa ginagawa mo which is yun ang wala ako before this. Wala kasi akong friends na artist/illustrator.
Ang topic namin dito is Tiktok 😂
  • Siguro etong past few months yung all time high record ng sales ng online shop ko. Nagugulat ako minsan halos araw-araw may orders. So ang saya. Tapos si Dale din may mga illustration na pinapagawa so another extra income. Kelangan ko lang talagang mas maging masipag pa. Hindi pa din ako happy sa productivity ko.
Rainy day ❤️
Love my “cactus plant” 😅
  • Natupad yung isa sa mga nasa wish list ko which is yung Wacom Cintiq 16 na tablet! Yehey. In fairness sa pessimistic self ko, nag-improve naman talaga ko sa pagddrawing pero hindi pa din ako satisfied. Masyadong mataas ang standard ko para sa sarili ko which is okay naman yun pero minsan masama rin. So lagi ko din chinecheck yung sarili ko pag masyado akong nagiging too hard on myself.
Happy day
  • Super ganda ng It’s Okay to Not Be Okay. K-drama sya. Kaya din extra maganda kase nagustuhan din ni Kenneth so bonding namin yung panonood nito. Rare makagusto si Kenneth ng k-drama tapos love story pa so yun.
Hihihi
At nakagawa pa ko ng fan art 😂
  • Pina-spay na namin si Walnut. Buti okay naman yung recovery nya and halos back to normal na sya ngayon. Medyo delicate pa din kami sa paghawak sa kanya just in case tender pa yung surgical site.
😽😽😽
  • Another bonding moment, yung game na Codenames. Parang ito yung game na pinakang nag-enjoy kami na kami lang yung naglalaro. Basta fun game sya.
Kahit cooperative game sya, nagawa pa din naming maging competitive sa isa’t isa 😂
  • Naka 1 year na yung podcast naman ni Nick! Haha akalain mo yun.
  • Yung recent is yung pa-free Google Nest Mini ng Spotify. So far nakakaaliw syang gamitin.
“Hey Google make me rich“

So far yun lang naman yung highlight ng August and September 2020 namin. Tuloy pa din yung monthly book discussions namin and tuloy pa din yung online art courses ko. Medyo nawala yung sipag ko sa pagluluto pero paminsan minsan ginaganahan. Okay din kami ni Kenneth. Feeling ko pa-improve ng pa-improve ang relationship/partnership namin kahit may mga pinagaawayan at pinagtatalunan. Orayt next time ulit. Nanonood ako ng The Notebook ngayon. Kanina Sweet Home Alabama tapos kahapon Legally Blonde 😄

Noah and Allie 😍
Categories
Art Career Life

June 2020 Updates

Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.

Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.

Ang mga supposed classmates ko na very Gen Z

Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.

Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.

Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.

Say bye to your balls Cashew

Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.

Still a cutie with his cone on

So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.

Ito ata ang pinaka-mahal na cookie na natikman ko pero isa sa pinakamasarap (if not the best)
Categories
Art Career

Art Binge

Nowadays, sobrang nagbi-binge ako sa anything art related na makita ko sa IG and Youtube. Tapos nagsupport pa ko ng mga artists sa Patreon. Nagiisip nga ako kung gagawa ba ko ng creator account sa Patreon pero for sure naman walang magiging interesado. And isa pa, wala naman akong maisip na content na worthy ng money nila. Btw, Patreon is a platform to support artists by subscribing to their paid content. And actually kung tutuusin affordable lang sya kasi may iba-ibang tiers. As low as $1, magkaka-aaccess ka dun sa ibang content. Pero the higher the tier, syempre mas valuable yung maa-access mo.

So currently, andun ako sa $10 tier ni Samantha Mash and Sara Faber tapos nasa $5 tier ako ni Janice Sung. Sila yung mga idols ko ngayon at kino-consume ko yung past posts nila simula nung nag-start sila ng Patreon nila. And meron ding artist like si Samantha Mash, may sticker freebies na exclusive lang sa “patrons” nya. So patrons yung tawag saming mga supporters.

Kaya ako na-engganyo magsubscribe kasi yung paid and exclusive content nila, merong thorough tutorials ng illustration process nila. And sobrang curious ako dun. At meron pang business related tips and advice. So yun yung mga kailangan ko ngayon dahil wala akong ibang source of info. And dito sa platform na to, sobrang generous talaga nila sa information.

Si Sara Faber yung bini-binge ko ang content ngayon. More than a year na kasi syang nasa Patreon and sobrang dami na nyang na-produce na content. May blogs, vlogs, tutorials, step by step process, weekly updates, ang dami talaga. And meron na syang 1k+ patrons. Ang galing nya and parang super sweet and bait nya. Worth it yung money. So yun lang halos yung ginawa ko maghapon.

Was able to finish this yesterday!

I’m happy dito sa latest creation ko. Mas gusto ko sya kesa dun sa huli. The colors, shadows and highlights mukang nag-improve naman. Kaso sobrang ngalay yung kamay at braso ko kaya pahinga muna ngayon. 8 hours yung total tracked time so sana sa next mas bumilis ako. Kasi kung commission to, mga USD200+ siguro isisingil ko dito. And hindi ganun kasulit yung 8 hours sa $200 ngayong nandito na kami sa Canada. Kung sa Pinas ang laking pera na ng $200 pero iba ang cost of living dito so sana mas gumaling pa yung skills ko para mas bumilis ako. And to give context, meron kaming grocery shopping (lalo na pag sa Asian store) na ang total babayaran namin nasa $150. Tapos hindi naman ako bumibili ng mga kung ano-ano. Sakto lang. So yung $200 parang ang liit na para sakin. Eh kung sa Pinas yun tapos icoconvert eh di around 10k pesos. Aba mga sampung groceries na yun! Oh well. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga tao na “Wag ka kasing magcoconvert!” Ay sa hindi ko mapigilan.

Ay. Naalala ko. Hindi dumating yung package ko. Ngayon dapat yun dadating ba’t kaya hindi dumating. Umorder kasi ako ng backing cards para sa shipping ng stickers ko. Excited pa naman akong makita. Umorder din ako ng stickers ni Samantha Mash hindi pa dumadating. Shipped from US kaya siguro medyo matagal. Sana bukas dumating na.

Ok yun lang. Back to binging na ko. Nasa January 2019 na ko ng posts ni Sara so medyo madami pa. Bukas try ko mag-drawing ulit. Medyo wala din kasi ako sa mood ngayon. Tapos sumakit pa yung dibdib ko kanina hindi ko alam kung bakit. Basta may mga episodes akong ganito na bigla na lang kikirot tapos mawawala after a few minutes. Medyo nakakatakot nga baka heart problem kasi may mga times din na basta parang may naffeel ako sa pagtibok ng puso ko (arrhythmia) tapos bigla akong mahihilo and mahihirapan huminga. Hays ano nanaman kaya to. Kailangan ko nanaman i-remind ang sarili kong mag-healthy living.

UPDATE:

Still reading through Sara Faber’s blog posts and it’s making me feel bad kasi ang problema nya eh sobra syang overworked. Na sobrang stressed sya kasi ang dami nyang nagagawa sa buong araw and mentally drained na sya. Tapos ako naman ang problema ko feeling ko ang chill ko naman masyado. Na parang napasobra naman yung pagrerelax and destress ko. Ewan ko. Actually hindi talaga yun ang feeling ko (gulo), feeling ko ang busy busy ko everyday pero kung ibabase ko yung pagka-busy ko sa napproduce kong art, unproductive ako. Pero kung i-eevaluate ko yung araw ko, hindi nga ako masyado nakakapanood ng Netflix. As in parang twice or thrice a week lang. Pero ang takaw ko sa IG at Messenger. Hindi lang talaga siguro ako magaling sa time management. Subukan ko nga gumawa ulit ng schedule.

Categories
Art Career Life

Freelancer/Housewife

Kahapon yung first day na ang situation ay:

  • Weekday = workday
  • Tapos pareho kaming nasa bahay ni Kenneth
  • Pero work from home sya (gawa ng COVID-19)
  • Tapos ako jobless kasi nag-resign na ko to pursue ang aking career in art/design
In our mini office

So kahapon, parang feel na feel namin yung pagka-house wife ko. Feel na feel ni Kenneth. Kasi the night before, gumawa na ko ng daily schedule ko para productive ako throughout the day at nakakakain kami sa oras. Since alam kong 12PM ang lunch break nya, nasa schedule ko na 11AM, magluluto na ko. Para 12PM, ready na ang pagkain at sabay kaming mag-lunch.

Best nilaga ever daw

Few minutes after 12PM, lumabas na sya sa mini office namin tapos ang sabi, “What’s for lunch?” habang nakangiti. Halatang halata na gusto nya yung inaasikaso sya. Haha. Kasi kahit noon pa, may usapan kami na magiging house wife ako kapag kaya ng sweldo nya para nga ma-pursue ko yung art career ko. Ngayon parang kaya naman pero yung tipong wala na kaming maiipon masyado. Saktong sakto lang sa mga bills and groceries. Kaya ginagalingan ko dito sa freelance ko para makapag-contribute ako kahit papano. And yun yung purpose nung daily schedule na ginawa ko, para di ako ma-sidetrack. Ang daming distractions pag freelancer. Ang daling manood na lang ng Netflix, tapos kain tulog. Hindi pwede.

Taking notes sa pinapanood kong illustration class

So kahapon yun. Kanina, tinuloy ko lang yung tine-take kong online class. Ang dami kong natutunan. Excited and kabado at the same time kasi after ng theories, application naman ang next. Di ko alam kung bakit every time magddrawing ako kinakabahan ako. I think sa sobrang gusto kong makapag-produce ng quality work, inaatake ako ng doubt and anxiety. Nauunahan ako ng kaba. Pero sabi nga sa podcast na napakinggan ko, fear is okay. Kasi the moment na wala na yung fear, ibig sabihin non parang bored ka na sa ginagawa mo or wala ka nang gana.

11:08AM na so kelangan ko nang magluto. As for me, masaya ako. Syempre sino ba namang hindi sasaya na mas hawak mo yung oras mo. Pero yun nga. Nakaka-pressure din and may guilt feelings kasi wala na kong nacocontribute na income sa household. Never naman akong nakarinig kay Kenneth ng kahit ano. Suportado nya talaga ko. Yung malikot na utak ko lang ang kalaban ko. Madaming naiisip na hindi na naman dapat ika-worry. Basta ang goal ko ay mag-focus dito sa art ko which will lead to potential clients. Good luck sakin. And sabi ko nga, worse comes to worst, may balikan naman. Pwede naman akong bumalik sa office job kung hindi ito mag-workout. Pero bago mangyari yun, ita-try ko muna ang best ko. Okay magluluto na ko.

A rare sight! Normally suplado si Cashew pero tumabi at umupo sya sa legs ko 😍
Categories
Career Life

Pandemic + I Resigned

Pag sinabi yung pandemic, naaalala ko yung Pandemic board game na binili ko noon na nilalaro namin ng mga pinsan ko. Ngayon, eto na nga: COVID-19. Nung una, halos walang sumeseryoso sa kanya. Pero ngayon, lahat takot lumabas ng bahay para iwas hawa. Eto yung photo na pinadala ni Nick sakin. View from their apartment sa Manila.

Ghost town

Mas strict sa Pilipinas. Naka lockdown sila ngayon. Pero ang mas gustong gamitin na term ng mga nakatataas ay ‘Enhanced Community Quarantine’. Para daw di mag-panic.

Dito naman sa Canada, wala pa ngang COVID-19 case, nag-hoard na ang mga tao. Lalo na nung nagka-positive. Tapos ang daming naging racist kasi Pinoy yung unang taong nag-positive. Tapos may history sya ng travel sa Pinas. As of now, 18 cases yung nandito. Kaya siguro medyo lax pa sila. Pero kahit dineclare nang ‘state of emergency’ na daw dito sa Manitoba, nagpapapasok pa din dun sa company namin. Buti na lang resigned na ko. Last day ko kahapon. Eto yung card na binigay nila sakin and thank you naman sa Starbucks GC. Di ko inexpect na may ganun.

Thanks Nicole! Best boss ever.
Thanks FEDS Team!

Ang daming nangyari. Ang dami ding nangyari sa buhay ko na hindi related sa virus. Pero yung mga related muna sa virus:

  • Lahat galit sa China
  • Madaming natawa at natanga kung bakit nagkakaubusan ng toilet paper
  • Overpriced alcohol from resellers na hindi mo malaman kung totoo bang alcohol
  • Quarantine passes? Yun ba yung tawag dun. Basta kelangan ng pass para makalabas ka ng bahay (PH only)
  • Nagsilabasan ang mga TikTokers at ang daming taong na-hook so ang daming cringy TikTok videos sa feed mo. Pero nakakaaliw naman yung iba. Pero karamihan sobrang papansin lang.
  • Bukod sa TikTok videos, nagsilabasan din ang mga taong selfish. Eto yung mga hoarders, naka-admit (kasi positive sa COVID) tapos tumakas sa ospital, mga taong labas pa din ng labas kahit sinabing bawal nga muna, etc.
  • “Mother Earth is healing” posts sa social media and yung mga articles na may naka-predict na daw na mangyayari tong virus na ‘to this 2020
  • Online concerts, online talk shows (Jimmy Kimmel, Jimmy Fallon, basta sila), daily podcast episodes (kasi dati weekly lang mag-release ang podcasters), online yoga classes, basta lahat ng pwedeng gawing online ginawa nilang online which is very good naman. Pantanggal inip.
  • Time. Ang dami nang time. Siguro wala nang nag-ppost ng “<insert verb here> pag may time.”

I think yung mga ibang nangyari na hindi related sa virus bukas bukas na lang since Pandemic na yung title ng blog post na to. Basta sana bumalik si Kenneth ng nasa maayos na kalagayan and virus-free (kasi nasa Calgary sya ngayon) and sana maging productive naman ako sa coming days kasi nanood lang ako ng Love is Blind maghapon (watch kung gusto nyong maasar at maaliw at the same time) at nag-Insta and FB plus Youtube. And super sana, sana gumaling na ang mga kitty cats. Hays.

Feel better 😞
Sorry kitties 😢
Categories
Canada Career

Antisocial Phase

May naisip ako. Hindi pala ako magaling sa commitment. Kase naiisip ko na i-ban na ulit ang social media sa life ko. Ang gagamitin ko na lang eh yung IG ko for business purposes. Eh ilang beses ko na yun ginawa hindi naman ako nag-succeed. Pero ita-try ko ulit. Gusto ko na lang makipag-interact sa friends ko thru chat.

Ang isa pa, yung mini clique ko sa office ngayon. Kami yung magkakasama during training tapos nagkaron kami ng agreement na sabay sabay pa din kaming magla-lunch kahit tapos na yung training. Magkakaiba kasi kami ng unit so hindi na kami magkakasama everyday. Tapos recently, nagkick in yung pagka-antisocial ko. Kahapon nagstay lang ako sa desk ko tinamad ako maglunch na may kasama. Hinanap nila ako sabi ko na lang I’m not feeling well. Minsan kase kakapagod din talaga makipag-usap tapos paulit-ulit lang minsan. Iba pa din talaga pag Pinoy interaction. So either antisocial mode ako or annoyed lang talaga ako dun sa isang biglang sumama na lang sa grupo namin. Matagal-tagal na sya sa company pero parang loner sya kaya biglang sumama saming mga newbies. Ok lang sana kung mabait sya pero hindi ko kasi gusto personality nya. Condescending makipagusap. And kahit yung mga ka-department ko nag-warning sakin about sa kanya. So mukang hindi talaga maganda ang track record nya. Sya ang reyna ng small talk talaga. Sobrang repetitive ng mga tanong nya at boring na boring ako sa kanya. “So how was your weekend? What did you do last night? What did you bring for lunch? So how was your weekend? What did you do last night?” Ah awan sayo fuck you! Haha joke joke. Pero sobrang umay na umay na kase ako sa kanya. Tapos makikipagusap pa sayo may kulangot sa ilong, may amos sa bibig tapos sabog sabog yung pagkain sa damit nya. Haha oo ganun ka-gross. Feeling ko sya talaga ang dahilan eh kaya di ako sumama sa lunch.

Pero ngayon sumama na ako kaninang lunch kahit di ko pa din feel. Baka maisip pa nila na ayaw ko na sila ka-hang out hindi naman sa ganun. May ganito lang talaga kong moments na wala sa mood minsan. So as expected, itong si booger girl ganun nga ang mga tanong. So blah blah blah? Did you blah blah blah? Parang ang template kasi masyado ng conversational skills nya. Hindi spontaneous na smooth yung flow. Parang laging pilit. Ayaw ko ng ganun di nakakatuwa. Tapos yun nga may attitude pa sya. Whatever booger.

Categories
Canada Career Family Life Travel

Munimuni Saturday

More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.

Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.

Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.

Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. 😄 Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).

Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*

Good food but a little spicy for me

Categories
Canada Career Wellness

Nosebleed + Potential First Day

Nino-nose bleed ako dito sa Canada. As in literal na nosebleed. Nung una di ko pinapansin pero nung dumadalas sinearch ko na kay bff Google. Ayun na nga. Gawa daw sa dry at malamig na hangin. Nothing to worry naman daw. Pero iniisip ko kung bibili akong humidifier. Samantalang dati dehumidifier ang binibili namin kasi masyadong humid sa loob ng apartment ang daling masira at mabulok ng mga pagkain. Dito kahit ilang araw nasa pantry ang ulam hindi napapanis. Amazing.

Start na ko bukas sa trabaho pero hanggang ngayon, ayoko pa din i-assume na totoo na talaga. Kahit pumirma na ko at lahat, parang ayaw ko pa din maniwala. Ayaw ko kase madisappoint kaya naiisip ko lahat ng possibilities. Na baka nagkamali lang sila tapos pagdating ko dun biglang, “I’m sorry but I don’t see your name in our list.” Ay baka mamura ko siya. Pero Tagalog para di nya gets. Kaya bukas, maniniwala lang ako na tanggap na talaga ko pag andun na ko sa mismong loob at nagsisimula na ang training. Hay sana talaga. Excited na talaga ko sumweldo.

These past few days ako ay iritable sa isang person na to kaya gustong gusto ko na mag-blog para maglabas ng sama ng loob. Nakakatulong kasi talaga. Di ko kasi magets personality nya parang aning. Kahit matagal-tagal na din kaming friends (frenemy?) para talaga syang ewan. Pero ang maganda naman, naka-move on na ko. Kaya parang di ko na feel i-kwento ang mga nangyari. Basta ako ay looking forward bukas at sa future.