A couple of months ago, I started paying for Etsy ads. What it does is when a potential customer search for something that’s similar to what I offer, my listing will get prioritization and will be placed on the top search. I alloted $1 per day for these Etsy ads hoping to drive more sales ($1 a day is a lot for my small sticker shop). During these months of running ads, I barely make anything. Every sale I make goes to these ad payments and it’s not even driving more sales. There were times when I even owe them money because my sales weren’t compensating for the ad payments. So a few weeks ago, I stopped paying for the ads. Seeing my money disappear like that, having a negative balance on my payment dashboard, it was starting to get depressing.
Tag: art life
Today’s Log 14 | Teleport
SUNDAY
9:46 AM
Ang ganda ng ambience ngayon. Kasi kumukulog at umuulan. Basta ang sarap sa feeling. Ang sarap mag-chill at magbasa ng libro. Wait titingin lang ulit ako sa labas baka mawala yung feeling.

Hayyyyy ang sarap. Parang may nostalgic feels. Ngayon ko na-aappreciate yung pagka-sentimental ko. Minsan kasi nakakalungkot maging senti pero may mga ganitong moments na may ability sya na kaya ka nyang ibalik dun sa happy feelings. Feeling mo nata-transport ka sa nakaraan. Para syang super power. Nakaka-good vibes.
Pasira lang ‘tong si Kenneth kasi ang ingay. Naglalaro ulit ng COD. Alam nyo naman pag naglalaro puro murahan at sigawan. Kala mo naman nasa gyera talaga.
Nagiisip ako ng gagawin ngayon. Gawa muna akong to-do list.

Excited nga pala ko sa upcoming Apple Event. 2 days na lang! Kasi may possibility na bumili ako ng bagong iMac dahil nga hindi na maganda yung performance nitong laptop ko sa mga pinaggagawa ko. Eh mag-aaral pa ko ng animation so hindi nya talaga kakayanin. Parang sira na nga din yung bluetooth kasi ang gulong gamitin nung mouse tapos hindi na sya kumokonek sa speaker.

Pero wala talaga kong pambili. Yung naipon ko ay mga 1/4 pa lang nung total amount. Baka nga 1/5 pa. Pero pinagusapan namin ni Kenneth at ang gagawin namin ay uutangin muna namin sa travel fund namin. Kasi sa lagay ngayon parang hindi pa din naman namin magagamit yung travel fund. So yun. Tapos ibebenta ko na ‘tong laptop. Ewan ko lang kung magkano na lang ang value na ‘to. Maigi ding pandagdag.
Gutom na ko.
10:21 AM
Nasira na yung happy feels nairita ko kay Kenneth. Pero okay na. May rules na kami sa office. Bawal sya magingay pag nagaaral ako 😂
2:24 PM
Almost 4 hrs na pala ko nagddrawing. Yun talaga ang problema sakin hindi ko alam kung kelan titigil. Lagi kong plano na every 30 minutes maguunat ako pero nalilimutan ko lagi. Mapapatigil lang ako pag may sumasakit na sakin or nangingimi na yung muka ko.

Hindi ko alam kung pano ‘to tatapusin. Baka magsimula na lang ulit ako sa una.
3:31 PM
Nag-crave sa lechon belly rice bowl at quezo mais.

Nagsisi ako sa lechon belly sumakit yung ulo at batok ko. Never again (?).
5:47 PM
My drawing setup plus trying to re-color my sketch.

Medyo madaming happenings compared sa mga nakaraan na linggo. Diba nag-apply ako sa Digital Media Design program. At medyo mabusisi yung requirements nila so big deal makapasok dun. Nagsubmit ako ng mga drawings, logo, game cover design, etc. So in short, nakapasok ako. At sabi nung ibang applicants, marahil daw isa ako sa mga matataas ang scores kasi isa ako sa mga naunang i-e-mail. Di na ako nagtaka. Jooooke.

Pero ayun nga. Nang dahil sa COVID, ito yung first time na gagawin nilang online yung program nila. Hindi pa din pwedeng magbukas ang mga schools. At dahil sa fact na yun, nawalan ako ng gana na tumuloy. Sobrang excited ako nung una pero kung pure online lang yung mangyayari, naisip ko na hahanap na lang ako ng ibang online courses at mag-self study na lang ako. Mas mura pa. Ang reason ko naman bakit gusto kong makapasok dun sa program ay hindi dahil para magkaron ako ng diploma na mailalagay ko sa resume ko. Ang rason talaga ay gusto yung sense of collaboration kapag nasa isang classroom kayo. Makikita ko yung gawa nila, matututo ako sa kanila, tapos may konting competition. Feeling ko yun ang makakapagpa-motivate sakin. Pero kung nandito lang ako sa bahay at solong gumagawa ng projects, bakit pa ko mageenroll. Hindi sulit. Tapos hindi pa nagbaba yung tuition. Ipambibili ko na lang ng magandang computer yung ipangti-tuition ko sana. So yun ang decision ko. Agree naman si Kenneth.

Isa pa pala, since first time nga nilang gagawin na online ang lahat, parang magiging experimental ang year na to sa kanila. So wala ako masyadong tiwala na smooth and organized ang lahat sa end nila. Basta hindi talaga to yung ineexpect ko. Nakaka-disappoint. Pero ang good news pa din, nakapasok ako! Nakaka-validate lang. Kasi out of 100+ na nagsubmit ng portfolios nila, isa ako sa mga natanggap. At nakita ko yung mga gawa nung ibang applicants, magaling din yung iba tapos yung iba sakto lang.
Sobrang daming resources ngayon online at may mga magagaling na artists na hindi naman pumasok ng art school. Ang kalaban ko lang talaga dito ay yung katamaran ko. Ang tamad ko kasi. Hays. Minsan pag nanonood ako ng online courses aantukin ako agad. Ang dali na maglaro na lang ng Coin Master or manood ng Modern Family sa Netflix. Please naman sana naman wag na akong magpadala sa katamaran ko. Ilang beses ko na to sinulat dito. Nakasalalay ang kinabukasan ko dito.

Speaking of Coin Master, adik na adik kami ni Kenneth sa Coin Master. Mobile game sya na inintroduce ni Nick samin. Ang galing nung gameplay at sobrang naappreciate ko yung graphics at illustrations dun sa game. Kaya naman nung unang araw ng paglalaro ko, nagising ako ng 7am tapos hanggang 3pm naglalaro pa din ako. Halos hindi ako nakakain ng maayos kaka-spin. At isa pa pala, ang saya din nung community ng Coin Master players sa Facebook. Ang supportive nung mga players. Okay tama na ang tungkol sa Coin Master.

Isa pang balita, pinakapon na namin si Cashew nung isang araw. Nakaka-stress kasi nagkaron ng complication. Kaya awang awa ako kay Cashew at naiyak. Nagdadalwang isip tuloy ako kung dun pa namin ipapa-spay si Walnut at baka ang bulok nung clinic na yun. Mabuti naman at nakaka-recover na sya ngayon. Wala nang masyadong dugo sa incision site. Ang nakaka-stress lang ngayon ay ang sungit ni Walnut kay Cashew. Nagtataray pag nakikita si Cashew. Kasi nga sensitive ang pangamoy ng pusa at dahil galing sa vet si Cashew at meron syang wound, iba yung amoy nya para kay Walnut. Hindi narerecognize ni Walnut yung kakaibang amoy kaya feeling nya intruder si Cashew. Sana naman ay magbati na yung dalwa bukas kasi ang hirap din lagi ka dapat nakabantay tapos hindi pwedeng nasa isang kwarto lang sila. Kahapon kasi kinalmot ni Walnut si Cashew sa muka buti hindi tumama.

So ang plan of action ko ngayon, manood ng manood ng online courses, matuto, i-apply ang natutunan at mag-drawing ng mag-drawing as much as I can. Kung gusto kong makatipid, yan dapat ang mga gawin ko. Sisimulan ko na after nitong post ko na to. Kung kailan 11pm na itutulog na. Hay nako.
