Heto na ang mga quotes and commentaries sa book na to. Self explanatory naman yung title so wala nang intro.
Huhu. So true.
In all honesty, naaapektohan talaga yung mood ko and sometimes hindi ko ma-pinpoint kung bakit. Sometimes obvious yung reason pero minsan basta naapektohan na lang ako. Parang nasisira na agad yung araw after ko magcheck ng iba-ibang social media apps.
CALL TO ACTION: Wag nang magcheck ng phone sa umaga. Do your morning routine first. Magtiklop ng kumot, maglinis ng litter box, pakainin ang mga kitties, load dishwasher, etc.
When I was a nursing student, we are required to read these thick, heavy medical books. We have to read a considerable amount of pages just for this one quiz. But, I actually find joy in summarizing them and taking note of the most important concepts. I also feel like retention is high when I take down notes.
This is what I felt when I started reading Digital Minimalism by Cal Newport. Only 1% into the book and already, I was like, “Yes, yes, YES!” And with that, I thought of taking some thorough notes which I can go back to whenever I need a reminder.
I am aware that I have a problem with the amount of time I spend on my phone. When I checked my screen time, my daily average usage is 7+ hours! I felt very disappointed with myself and a bit angry. It just means I’m losing control of my time.
Hayzz
So when I picked up this book and read a couple of pages, I felt extremely relieved. There is hope! I feel like this book is going to save me from my compulsive internet use. I am usually pessimistic about self help books because I tend to just follow the advice in the beginning then go back to my old bad habits after a few weeks or days. But this time it’s different. I’d like to think that it’s different this time. I am diving into this with an optimistic mindset. I don’t want to be enslaved by this technology forever.
I’m so excited to reread the introduction part of the book and take note of everything that speaks to me. I’ll do it in a separate post and link it here:
I’m not the biggest fan but I watched the BLACKPINK docu because it seemed really interesting. The question that came to mind after watching it was, “What is your goal and how badly do you want it?” It made me realize that I am doing very little to reach my goal and made me question myself. How badly do I want it? The docu is good btw.
So how badly do I want to be a great artist? Not as much? Is that why I’m not doing the best I can? Is it because I don’t really want it that bad? Is that fine? Am I lacking passion? Is it okay to not be so passionate about something? Is it because we can get by even if I’m unemployed? So is that the reason why I don’t put much effort because nothing is at stake? That is possible.
I enjoy doing art, sure. But when I feel pressured because I’m not as good as the artists that I look up to, it’s not so fun anymore. Maybe I’m just not the type of person who works well under pressure. But sometimes, without that pressure, I tend to relax too much. Which isn’t good also. So the answer is? BALANCE.
Gusto ko talaga yung mga ganitong moments na tanong ko sagot ko. Galing ko talaga mag-advice. Sana naman i-follow ko.
SETTING: Tanghali. Sobrang maaraw pero minus 4 degrees sa labas. Andito ko sa office at tulog si Cashew katabi ng monitor ko. Pero umalis na sya. Halos kakatapos ko lang magtanghalian at naisip kong magsulat dito.
Unang patikim
HANASH: Nag-snow na kahapon pero patikim pa lang. Tunaw na ulit ngayon. I think medyo madaming chika so simulan na natin.
First time mag-Seafood City
Ooh la laπ
Not sure kung na-share ko na ba ‘to pero at last! Nakapunta na kami sa Seafood City. Pinoy stuff haven ang lugar na ‘to. Syempre hindi namin pinalampas ang chicharong bulaklak pero grabe yung mantika. Nakakaguilty ang bawat kagat pero ang sarap naman eh. Dami pa naming sinubukan and the week after ata bumalik pa kami.
Sakto lang. Mas masarap yung fruit salad. First time ulit in 2+ years!!May Pinoy grocery store din βΊοΈ
Dinnery party with friends
Natuloy din ang get together ng mga Mapuans. So nagkwentuhan lang hanggang past midnight and kain ng masarap na food. Naglaro din kami ng Overcooked 2.
π
Kahapon andito uli si Trix naglaro uli kami and kwentuhan.
Book Club Anniversary
Wow lagpas 1 year na pala kami. Ang bilis. Kung wala pang nag-point out, hindi namin marerealize na naka 1 year na pala kami. So ang saya kasi may sarili na din kaming Discord group. Mas masaya na ang kwentuhan and mas madami nang nagpaparticipate sa usapan.
Parang kelan lang β¨
Ang mga binabasa ko ngayon ay Pride and Prejudice, The Wind-Up Bird Chronicle and baka magsimula ako ng isang middle grade book para may pang balance sa dalwang books na ‘to.
Mas masarap ang rocky road ng Selecta
Meal Kits
Hindi βto ganun kasarap
Tuloy pa din ang mga meal kits deliveries namin. May mga discount codes pa din kasi ako kaya medyo nakakatipid pa. Tapos yung Chef’s Plate binigyan kami ng 2 free boxes kase nagka-aberya yung delivery namin 2 weeks ago ata yun. So yun. Kaso fail yung ibang recipes hindi masarap. Swertehan din.
The most recent one (pork enchiladas). Okay naman 4/5 π
Random
Nakigaya ko sa bathtub trip ni Kenneth at ang saya pala talaga! Sobrang nakakarelax nung init sa katawan at sa isip. Mamaya makapag bathtub ulit. At dahil kami ay sosyal, bumili ako ng Lush products. Pag naubos na, dishwashing liquid na lang π
Reading out BOTM. Tapos ko na sya.
Pagdating sa mga pinapanood, tinatapos ko yung The Haunting of Bly Manor. Kung hindi ko nalaman na andun din pala si Victoria Pedretti, baka di ko panoorin yun.
Bath time buddies
May bago nanaman kaming biniling game. Hays last na talaga ‘to for now. Pero sa lahat ng games, sya ang may pinaka may pakinabang. Fitness game kasi sya. Ring Fit Adventure ang name.
Posible kayang ma-achieve ko yung college weight ko
So consistently naman namin syang ginagamit para sulit na sulit. So basically may body motion sensor (ba yun?) tapos pag tumakbo ka, tatakbo din yung character mo. Tapos may mga monsters din. Mapapatay mo sila pag nag-squat ka or knee to chest press and kung ano ano pang type ng exercise so nakakaaliw π In fairness nakakapagod talaga sya at ang sakit sa muscles kinabukasan.
Compared dati, laki na talaga ng na-gain ko π More than 10kg siguro
As mentioned kanina, nag-snow na dito nung isang gabi. Nakakatamad nanaman maglalabas. Sobrang tatamarin akong mag-drop off ng orders. Ang lamiggggg. Nilabas na rin namin yung humidifier namin at ang dry nanaman ng hangin. Ang sakit sa lalamunan.
Medyo heavy ang pakiramdam ko ngayon actually. Parang ang bibigat kase ng mga nangyayare sa mga taong nakapaligid sakin kaya medyo nadala ko ata yung load. Kaya ngayon nagttry lang akong magrelax.
Nagkaka-trouble in podcast paradise din kami ni Nick kasi nagkakatamaran na. Mostly kaya ako tinatamad kasi parang nakikita ko sa kanya na tamad na sya. Eh this was supposed to be fun kaya kung hindi na sya fun, tigil na lang. Sabi naman nya gusto pa din daw nya ituloy pero I don’t know baka unaware lang sya sa sinasabi nya.
Ako kase yung type ng tao na hindi namimilit. Madali akong kausap. So kung tamad ka, mas tatamarin ako. Kung ayaw mo, mas ayaw ko. Hindi sa parang nagmamatigas pero automatic talaga na nagiging ganun yung feelings ko. Kaya sana magkaalaman na lang kung tuloy pa ba o hindi. Parang di na kasi kami same wavelength pagdating sa pagpa-podcast. And hindi naman ibig sabihin friendship over na. Duh. For me ganun pa din, kung pano kami nung wala pang podcast. We’ll see. I’m gonna feel things out muna kung mawawala yung doubts ko sa F Buddies podcast. Kase pag nafi-feel ko pa rin na forced, baka magstep back na ko.
Random Pics
Walnut cuteness πRegular video call with my βateβ πMini snack bar sa officeTraining them to be a lap cat πSlowwww progress with my online courses. Hays. Pero sabi ni Kenneth ang galing ko na daw talaga. Thank you!Mga days na feel ni Kenneth magluto ng bulalo π Look at that utak!Thanksgiving treat from the CentinosAway bati away bati (100x)KIMBAEK!!! Finally!!Free joke from this food delivery. Ang fail nung joke kase di ko nagets π Picturan ko daw sila πππMay ganito na palang feature sa Messenger. Perfect for watch parties πMy reading companions π
May bago kaming gadget! Bumili kaming Nintendo Switch nung isang araw. Wala talaga sa plano naming bumili ng Switch kasi PS5 ang natitipuhan namin. Pero hindi kami gamers, so nung nabalitaan namin na sold out na yung pre-orders ng PS5, hindi kami nalungkot.
Excited pa rin kahit hindi adik sa games π
Kaya lang din pati namin naisipan bumili ng console, parang regalo lang sa sarili namin. Kasi hindi kami mahilig bumili ng damit, sapatos, hindi din kami yung tipong palit phone every year. Napapagastos lang kami sa pagkain. Kahit nung nasa Pinas pa kami mahilig kaming kumain at magtry ng iba-ibang kainan. So hanggang dito nadala namin. Mahilig kaming magpadeliver so parang yun na yung luho namin.
Commercial muna ng niluto ni Kenneth na roast pork. Sarap!
So yun na nga. Out of curiosity and para lang din may paglibangan kami pag naiinip, naisipan namin bumili ng PS5. Pero since sold out, aantayin na lang namin yung official release date which is mga 2 weeks from now. Eh kaso nakausap ko yung kaibigan namin. Kino-convince ako na Switch na lang yung bilhin. Eh na-convince naman kami so bumili kami nung mismong araw na yun π
Grabe yung gastos nung araw na yun at yung sumunod na araw. Kasi syempre pag bumili ka ng Switch, sunod sunod na yung pagbili ng accessories. Screen protector, hard case, another set of controller, charging dock ng controllers, ano pa ba. Basta yung mga yun.
πΈπΈπΈ
At ang isa pang unexpected buy, yung AirPods Pro. Haha. Naconvince ko si Kenneth. Sabi ko ibabawas ko dun sa napagbentahan ko ng stickers and sa mga art commissions ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naatat. Siguro dahil malapit nang mag-end of the world.
So yun. Ayaw ko pang tingnan yung credit card bill namin kung magkano na. Kakabayad ko lang last week nung kalahati ng bill eh. Ano na kayang itsura non ngayon.
So far, enjoy na enjoy naman kami paglalaro. Yun pa pala yung isa pang expense, games. Ang mahal pala ng mga laro. Kala ko 1k lang sa peso. Nasa 3k din pala. So pumili sya ng game which is yung The Legend of Zelda: Breath of the Wild kahit wala kaming idea sa story ni Zelda π Pero since lahat ng pinanood at binasa namin ay Zelda daw yung the best, eh di yun na. tapos ang pinili ko ay Overcooked 2 at Two Point Hospital.
Kagabi naglaro kami with the couple next door. Ang saya π
Nilalaro ko din yung Zelda. Inabot na ko ng tanghali paglalaro simula nung pagkagising ko. Kaya bukas ayoko munang hawakan yung Switch hanggat hindi pa ko tapos sa mga chores at tasks ko.
Mario lang alam ko π
Ang mga naka-line up na games sa next purchase namin ay Mario Kart 8 at Super Mario Odyssey. Siguro next year na yun pag may bonus na π
Orayt 10 PM na. Antok na din ako. Hindi dumating yung meal kit namin from Chef’s Plate. Sana dumating na bukas para may ready to luto na.
UPDATE: Ang laki ng bill namin! Waaa. Buti na lang dumating na yung welcome bonus. Welcome bonus yung $300 (around 11.5k sa peso) na promo ng bank pag nag-open ka sa kanila ng account. Tapos yung credit card namin may cashback na $200 (mga 8k) eh di may $500 na kaming pambayad na hindi nanggagaling sa bulsa namin. Free money talaga sya kung iisipin. Kaya din malakas yung loob ko na medyo gumastos kasi alam kong may paparating na pera hehe. Pero kahit ibawas sa bill namin yung $500, ang laki pa din π π« Bawas delivery muna and tipid tipid.
Sa ngayon, especially dahil nagkaron ng pandemic, ayaw ko pang mag-baby. Ilang taon ko na ring napag-desisyonan ‘toβalthough minsan aaminin kong napapaibig akoβkaso for the wrong reasons naman.
Minsan pag may mababalitaan akong parent na hindi maganda ang trato sa anak nya, mapapaisip ako na, “Pag ako naging magulang hindi ganyan ang gagawin ko, ganito dapat…” or “Ano kayang magiging itsura ng magiging anak namin?” or “Pag ako nagkaanak ganito ko sya papalakihin, i-eenroll ko sya sa foreign language class or sa piano or sa ballet⦔
So in short, more of ako yung masa-satisfy, and for self indulgence lang yung reasons. Kaya bumabalik at bumabalik ako sa desisyon na ayaw ko pa, or ayaw ko talaga forever.
Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda pala ng araw ko ngayon. Ang dami kong nagawa and parang almost perfect day sya kung tatanungin ako kung anong perfect day para sakin. Tsk sana wag ma-jinx hindi pa tapos ang araw. Matulog na kaya ako.
Commercial π Halloween costume ni Cashew π
Una, nagising ako ng 7:30 ng umaga tapos almost every morning ganun na yung routine ko. Magtitiklop ako ng kumot, aayusin ang kama, ilalagay yung mga tuyong pinggan sa lalagyan, magwawalis ng nagkalat na litter ng dalwa naming pusa. Tapos ang sarap nung feeling na hindi ako nagmamadali. Wala akong hinahabol na oras. Tapos paglabas ko pa ng kwarto medyo nahapyawan ko pa yung sunrise. Kaya ang saya ko din ngayon eh kase fall na. Hahaba na ulit ang gabi. Maaabutan ko na lagi ang sunrise. So yun ang routine ko sa umaga at more than 2 weeks na ata na ganito. Sobrang amazing nun for me kasi hindi talaga ko nagtitiklop ng pinagtulugan namin dati. Kasali ako dun sa mga advance magisip na magugulo din naman. Pero may inner joy talaga pag maayos ang kapaligiran.
So ang sarap din ng agahan ko. Laing at tinapang bangus. Eto rin ang dinner at tanghalian ko kahapon and ang sarap talaga. Sobrang Pinoy feels and yun yung mga small things na nagpapasaya samin since nandito kami sa ibang bansa. Sana may tira pa para agahan ko uli bukas.
Good job Mama Nors!
Siguro mga past 10am na ko natapos kasi mabagal akong kumain and mabagal nga akong gumalaw. Sumaglit ako sa office at nagtrabaho ng konti. Inasikaso ko lang yung mga orders sa sticker shop ko at nagprint ng konting stickers. Sa wakas gumana na yung Cricut machine ko! Sa wakas talaga.
New sticker sheet
So since magla-lunch time na rin, nagprepare ako nung binili kong salad. Bago sya sa paningin ko nung naggrocery kami kahapon kaya gusto kong subukan (avocado ranch). At since medyo bumibigat na ko eh gusto kong magpaka-healthy ng konti. So another masarap na pagkain nanaman tapos pinaresan ko pa ng ube cheese pandesal na order ko lang din online. Panalo pati tanghalian. Iβm on a roll!
Maiba naman muna sa caesar salad
Pagkatapos ng konting trabaho, pumasok ako sa kwarto at nagbasa ng aming September book of the month. As mentioned before, meron kaming book club with my pod sibs at ang book na binabasa namin ngayon ay Stardust by Neil Gaiman. Ang ganda nanaman sa mood kasi ang ganda nung story. Mamaya magbabasa ako ulit kasi malapit na yung discussion namin. So nung nasa almost 20% na ko, as expected, nakatulog na ko. At hindi dahil nakakaantok yung book kasi nga maganda sya. Ganun lang talaga ko pag nagbabasa whether pangit or okay yung book. Kaya maganda din magbasa sa gabi, pampatulog. Pagkagising ko sa idlip ko, nakapagbasa pa ko ng konti so 23% na yung progress ko ngayon.
Ano kayang mangyayari kay Tristan
After non naglaba ako tapos nung napansin kong 4:30 PM na, nag-ready na akong magluto ng hapunan. Eto yung meal kit ulit from Chef’s Plate naman. Hindi ako masyadong nasarapan pero since ang sarap naman nung agahan at tanghalian ko, pwede na. Pagkatapos ng hapunan, ligpit ligpit ng pinagkainan habang naliligo si Kenneth. Tapos nagbonding lang kami sa salas ng konti. May pinapanood syang bagong series na hindi ko trip. Ratched yung pangalan. Ang warm nung hug namin kaya ang sarap sa feeling.
Maple teriyaki pork chops. Ayos ba yung plating?π
Pagkatapos ng few minutes na hug pumunta na ko dito sa office para ipagpatuloy yung pinagaaralan ko na gesture drawing. I think may improvement naman. So habang nagddrawing ako nakikinig lang ako ng mga new podcast episodes (Eve’s Drop and Telebabad Tapes) tapos ang ganda pa din ng mood ko. Hindi ko pa actually natapos yung isang podcast kase dun ko biglang narealize na ang ganda ng araw na to tapos tinigil ko muna para ma-document ko dito. So ayun. Andito na tayo sa present time. After nito ipagpapatuloy ko na yung pagbabasa ko. Bukas na ko ulit magddrawing habang nakikinig ulit ng podcast.
Medyo excited akong ipagpatuloy bukas kasi nagiimprove na ko π
Since mahilig kami sa mga fluffy cats, sobrang daming fur everywhere. Kaya din kami bumili ng air purifier para mabawasan kahit konti. At since sobrang daming fur everywhere at mahilig silang sumampa sa table lalo na pag kumakain kami, napupunta ang fur nila sa pagkain namin. Minsan makikita ko may isang balahibo dun sa isusubo ko.
Kaya ko naisip banggitin dito kasi natawa ako nung sinabi ko kay Kenneth na βPag may nakikita akong balahibo sa pagkain ko pinapabayaan ko na kinakain ko na rinβ tapos ang sagot nya βAko din.β Haha nung una kasi tinatanggal ko pa. Tapos nasanay at naumay na ko.
In conclusion, mas mabuti nang kumain ng balahibo ng pusa, wag lang buhok ng tao. Goodnight.
Medyo madaming happenings ang naganap na gusto kong mabalikan in the future kaya kelangan ko na tong isulat bago pa lumipas. Gawin ko na lang chronological order.
Singit ko lang yung binili ko sa Dollarama. Ganda π
Few weeks ago, napa-binge watch ako ng vlogs ni Penelope Pop. Matagal ko na syang finafollow and aware ako noon na may Youtube channel sya pero hindi ko masyadong pinapanood. Pero nung napanood ko yung isang vlog nya about organization, ayun nagtuloy tuloy na. So peg na peg ko sya ngayon and sya yung naging driving force ko para i-organiza ang space namin. As of today, ang dami ko nang naayos and super happy ako sa result.
Made this para di ako masyadong malito
Yung isa pang bago, meron akong sinubukan na meal kit subscription from Hello Fresh. Malaki yung discount nya for first time customers kaya napa-try ako. Pumatak lang na less than $5 (P185) ang isang meal and since mahina akong kumain, yung isang serving ay 2 servings sakin. Mura na yun kase ang typical meal dito ay $10 (P380) so naging $2-3 per meal lang yung sakin (around P95). And in fairness, not bad yung mga food. Mostly masarap pa nga. Ikaw pa rin ang magluluto pero okay lang naman kasi mahilig din akong magluto. Kaso pag tapos na ang promotion, papatak na $10-11 ang isang meal.
JerennnπLiving for the visually appealing packaging
Next week, Chef’s Plate naman yung parating na box samin since malaki ulit ang discount kase first time ulit. May isa pa kong gustong i-try. Goodfood naman ang pangalan nung company.
Meal #1 – 5/5 πNice infographicNo more excess parsley na malalanta lang
Ang question ko sa sarili ko ay, oorder pa din ba ko after ng promotion kahit papatak na $10-11 ang isang meal? I think yes. Worth it pa din naman. Lalo na kasi nga nakakadalwang kainan ako sa isang serving nila. And totoo din kasi na kapag sarili naming grocery, ang daming nasasayang lalo na yung mga gulay kasi hindi mo naman pwedeng ifreezer yun. So more or less same gastos lang. Ang difference lang pag naggrocery compared sa meal kits ay food waste. And ayaw naman natin magaksaya ng pagkain. So I think yes. May mga weeks pa din siguro na go kami sa meal kits lalo na kung masarap yung menu nila ng week na yun. Every week kase iba iba yung nasa menu and ikaw ang pipili kung anong meal kit yung gusto mong ipadala nila.
Meal #2 – 2.5/5 πCuteee
So yun another discovery and fun experience sa mga meal kits. Namiss ko tuloy nung nagpapadeliver pa ko ng food sa Dear Diet. Ang sasarap din ng food nila and yun, luto na. So mas convenient tapos may mga healthy desserts pa. Talagang another proof na mas spoiled tayo sa Pinas.
Meal #3 – 4/5 π
Next naman. Nahulog si Walnut sa bathtub π Lately kasi nagiinarte si Kenneth and nahilig syang magbathtub para daw relaxed and chill. So pag nagbabathtub sya, lumalapit si Walnut and Cashew tapos naglalakad lakad sila dun sa edge ng bathtub. So ayun si Walnut nadulas. Takbo ako agad kase ang lakas nung splash tapos alam ko na kung anong nangyare. Kawawa yung dalwa kase syempre basang basa si Walnut tapos si Kenneth ang daming kalmot π Bathtub pa more π
After a few minutes…Kawawa ka naman Walnut πTried Lush for the first time
Smells so good pero and mahaaaal
May mga social events din na naganap tulad ng baking and dinner party. Pumunta dito si Trix (kapitbahay namin) and nagyaya magbake kasi ang dami daw nilang peanut butter. Ayung nagbake kami ng peanut butter swirl brownies. Masarap sya pero lately naumay ako. Nakarami na ako masyado ng kain.
Tapos nung isang araw naman 25th anniversary ng tito and tita ko so ayun nagdinner kami sa kanila. Actually medyo nabother ako kasi ang dami nilang bisita. Puno yung taas and baba ng bahay nila kase ilang families yun. Kaya after non parang ayaw muna namin makipag socialize. Pass muna sa mga gatherings at mahirap na.
Doubled the recipeHappy silver wedding anniv!Foooood
So yun lang pala ang mga nangyari. Ay wait hindi pa pala! Nung Friday nag e-numan kami with the Linya-Linya team dahil last day na namin as an intern sensation! Super mami-miss kong maging part ng Linya-Linya Creatives Team. Bukod sa pagddrawing, isa sa pinaka mamimiss ko eh magdeliberate ng mga new shirts. Feeling ko yun yung favorite part ko π May access kami sa mga future shirts na gagawin and kinukuha nila yung input namin kung okay ba sya, bebenta ba sya, etc.
Lastly, pinanood ko sa Netflix yung famous na documentary nowadays called The Social Dilemma. Really really interesting. Buko sa personal concerns ko, mas naging concern ako sa mga bata na sobrang adik and nagkakaron sila ng poor body image. Nakikita ko kasi to sa mga pinsan ko and as much as gusto kong sabihan yung nanay nila, ang hirap din namang maki-epal. And hindi ko naman sila nakakasama 24-7 so baka dinidisiplina naman sila, hindi lang namin nakikita. Sana. And with that, I’m gonna end this blog post.
Watch it!
Random pics throughout the past few weeks:
One of the many video calls with Gillian and Kuya β€οΈ
Share ko lang dahil nacool-an lang ako ng very slight.
Two people named Bea DMed me on Instagram almost at the same time (as in few seconds lang yung interval) thanking me.
The first Bea thanked me for sending her resources because sheβs also interested in art and graphic design then the second Bea thanked me for sending them a free box of Hello Fresh.