Pakiramdam ko malapit na kong maging guru kakabasa ko ng mga self help books 😂 Nagsimula sa Digital Minimalism tapos sinundan ko ng Atomic Habits. Digital Minimalism para mabawasan yung bad habits ko sa paggamit ng phone and Atomic Habits para makapag-create ako ng good habits and para na din mabago yung iba pang bad habits.

Bakit ba ngayon ko lang ‘to naisip? Siguro kung sinimulan kong magbagong buhay pagka-resign na pagka-resign ko, dami ko na sigurong na-achieve or ang laki na siguro ng improvement ko. Pero ayokong mag-dwell dun. At least bumabawi naman ako ngayon.
Siguro naman, gone are the days yung mga drama ko sa previous blog posts ko na naaasar ako sa sarili ko, na wala akong disiplina, kasi ang procrastinator ko, etc. Sana naman tapos na yang mga dialogue ko na ‘yan. Kasi nakatulong yung book para makita ko ang mga bagay bagay in a different light.
Siguro yung pinaka nag-stick sakin na nabasa ko sa Atomic Habits so far (di ko pa sya tapos), is yung pagsasabi natin sa sarili natin ng mga bagay about ourselves like, “Procrastinator kasi talaga ako.” or “Hindi kasi talaga ko magaling sa directions.” or “Wala kasi akong self control.” Okay so kung ganun, eh di wala na pala talaga kong pag-asa?? Mag-stick na lang ako sa ganun kasi yun na talaga yung identity ko? Mali. Sabi ni author, “Our identities are not set in stone.” We have the option to edit and improve and expand our identities. And na-realize kong tama nga talaga. Nili-link kasi natin yung bad habits natin sa identities natin.
Eto example. Yung sabi ko kanina na mahina ako sa directions. Bukambibig ko ‘to lagi. So usually naka-rely lang ako sa mga kasama ko or kay Kenneth most of the time pagdating sa directions. Pero bakit nung pumunta kaming Japan ng mga friends ko or nung pumunta kaming Hong Kong ng Mama ko, ako yung navigator? So ang nangyayari pala, pag merong tao na alam kong sila yung willing mag lead ng way, nagigi akong dependent na lang sa kanila and I tend to chill. Hindi ko pinapagana yung isip ko pagdating sa directions kasi anjan naman sila.

Pero when it’s time na ako sa grupo yung mas nakakaalam or for example, saming dalwa ng Mama, na mas ako yung nakakaintindi ng Google maps or nung subway app kasi hindi naman sya techie, I feel the need to step up. And kaya ko naman pala talaga. So it’s a choice. Pagkasama ko si Kenneth, choice ko na hindi maging magaling sa directions and sa Mama ko naman, choice kong maging magaling.

Plano ko naman basahin next yun The Four Agreements by Miguel Ruiz. Ngayon sobrang enjoy na enjoy ako magbasa. Mapa-fiction or non-fiction.

And regarding dun sa concern ko na pano kung yung mga friends ko ay ma-hassle-an dahil hindi na ko nakikipagchat masyado which will result to not communicating at all, turns out it’s all in my head. Kasi they had positive responses about it. Humingi pa ng copy si Nick nung Atomic Habits. Ewan ko lang kung babasahin nun 😄
Since naiisabuhay ko na yung cliché na saying na, “Time is gold.” And next ko namang susubukan ay yung, “Health is wealth.” Eto yung isa ko pang bad habit na gustong mabago kasi ang hilig ko sa junk food and sa matatamis.

RANDOM POSTS: