Categories
Calm Life

Mabisang Gamot

Pagbukas ko ng bintana, bumulagta sakin ang malawak na asul at matingkad na kahel. Sobrang sarap sa pakiramdam. Nakatitig lang ako ng ilang minuto habang nakangiti at nilalanghap ang sandaling ito. Inisa-isa kong tinitigan ang mga punong walang dahon at napansin kong umiindayog sila sa ihip ng hangin na mistulang kumakaway. Hindi maikakaila na panandalian nitong naiibsan ang lumbay at ligalig ng buhay—kahit ilang minuto lang. Salamat sa kamangha-manghang palabas. Sana bukas ulit.

Categories
Food French Pals

Déjeuner au Café Clémentine • Lunch at Clementine Café | I Try to Blog In French #15

Dernier dimanche, nous sommes allés au café Clementine avec nos amis. Il faisait très froid. Nous sommes arrivé à 13h30 et il y a avait 1 heure de waiting time. Donc, nous sommes retournés à notre voiture pour attendre.

Last Sunday, we went to Clementine Cafe with our friends. It was so cold. We arrived at 1:30PM and there’s a 1 hour waiting time. So we went back to our car to wait.

Categories
Books TV

Kakagutom

Still trying to finish my book report for ‘Recapture the Rapture’ at medyo drained na ko so titigil na muna ako. Sobrang nagustuhan ko kasi yung libro kaya gusto kong i-extract yung mga napulot ko at i-summarize ko sya in a way na madali ko syang maa-absorb. Pag magbabase lang kasi ako dun sa mga hinighlight ko, minsan kailangan ko pang basahin ng ilang beses bago ko ma-gets ulit. At least sa book report ko, sarili kong words so madali kong maiintindihan.

Gusto ko lang i-share yung isang part na sinulat ko kasi medyo connected rin sya dun sa last post ko.

Categories
Career Insights Life

30% Artist, 70% Housewife

Napatigil ako sa book reporting ko ng ‘Recapture the Rapture’ nung nabasa ko ulit yung isang hinighlight ko.

I arise in the morning torn between a desire to improve (or save) the world and a desire to enjoy (or savor) the world. This makes it hard to plan the day.”

E. B. White, author of the children’s classic Charlotte’s Web
Categories
Ramblings

2:18 AM

“Di makatulog sa gabi sa kaiisip..” Anong oras na di pa rin ako makatulog. Nakatulog ako ng 8PM, nagising ako ng 12:30AM. Halos 2hrs na kong nagpipilit bumalik sa tulog pero kung ano-anong tumatakbo sa utak ko na mga random things. Sana makatulog na ko in 3.. 2.. 1.

Categories
Happy Things Life

I’m Grateful For..

Bigla kong binalikan ‘tong app na ‘to na isang taon ko nang inabandona. Napagusapan kasi sa journaling hangout kahapon yung gratitude journal tas naalala ko na may ganito nga pala ko. Naalala ko kung gano ako ka-excited sa app na ‘to noon tapos binili ko pa yung premium version (mura lang naman). Nakapagsulat ako kanina at natapos ko ngayon so share ko lang yung entry ko for today.

App is called Morning!
Categories
Family Insights

Yung 1%

May pinapanood ako at bigla kong naalala yung time na na-stranded ako sa Incheon Airport. Konting konti na lang nasa Pilipinas na ko tapos nagkaproblema pa grrr. Pinipigilan ko yung emotions ko that time pero nung kausap ko na ang Mama, wala umiyak na ko. Ang layo na kasi ng nilakbay ko (18 hrs!) tapos papabalikin lang ako?! Pero yung best part, wala akong ibang narinig sa Mama kundi, “Makakauwi ka.” Kahit 99% sure akong hindi na ko makakauwi, ang sarap pa rin pakinggan nung konting hope na baka nga makauwi ako. As a recovering pessimistic, kelangan ko talaga ng mga positive people sa buhay ko. At bilang ganti, kelangan ko rin mas maging positive para sa ibang tao.

Categories
Ramblings Wellness

Chestnut

This is the 3rd day na constant yung knot sa chest ko. Siguro made-describe ko sya as parang kinakabahan without the dugdug of the heart. Sabi ng Mama magpa-consult na raw ako at baka may problema ako sa puso. Magpapa-sched ako mamaya.

Hindi ito ang first time na naramdaman ko ‘to kaya may tatlo akong naiisip na rason:

Categories
Happy Things Life

Happy Things #15

Baked Goodies

Gumawa akong banana bread. Masarap naman pero mas sasarap sana kung matamis yung saging na ginamit ko. Pinahinog ko naman sya pero hindi talaga gaano matamis ang mga saging dito. Pero ang moist tapos ang dami kong nilagay na chocolate chips. Pag dumating na yung inorder kong pagkamahal-mahal na sea salt flakes, may bago akong ita-try na cookie recipe.

Categories
Hobbies Insights Life

I’m Not a Computer

I realized that I may have gone overboard with my journaling. Suddenly, I wanted to capture all my thoughts, every single one of them—but I have too many thoughts which makes documenting everything unrealistic. After that uneasy realization, I try to remember what makes journaling therapeutic for me. Journaling empties my mind and relaxes me, leaving me refreshed and unburdened. I think what’s important for me to remember is that journaling is a tool and not a chore. I have to be at peace with the fact that it’s impossible to capture and document everything, that it’s okay to forget things here and there. Except this one. This is quite important. I should also learn to trust my self that when it comes to truly and absolutely important things, I won’t forget.