Categories
Happy Things Life

Happy Things #16

It’s been a while so this might be a long list.

Ciel

Ang nagpapangiti sakin tuwing umaga.

12k Views

I know di naman importante ang stats pero di ko rin naman pipigilan ang sarili kong matuwa na naka-12k views yung reel na ginawa ko for my sticker shop slash journaling account.

Won a Giveaway

It’s a stationery giveaway. First time kong magka-fountain pen at ang mahal pala nung pen na pinamigay nila. 8k pesos! Honestly I’m underwhelmed. Ang hassle gamitin. Iniisip kong ibenta sya pero nung napanood ko na better daw sya for the environment, I will give it another try.

Clementine Cafe

Babalik balikan mo sa sarap. Favorite ko talaga yung dessert nila na ang haba ng pangalan. Yung cashew & banana chia seed pudding, rhubarb strawberry compôte, berries, and granola. Eto yun:

Tapos ang sarap din nung fried chicken on toast nila. Hays.

Bukambibig

Kenneth works at home. And I love it when I hear him talking to his workmates and say, “My wife said..” “It’s my wife who..” “My wife told me about..”

Cute 🤍

New Pan

Tagal na namin gustong palitan yung kawali namin and finally, non-stick na ulit yung pan namin. Ganado nanaman ako pagluluto nito.

Rihanna Superbowl Performance

Enough said.

Headspace

I subscribed to Headspace. Nakakaganang mag-meditate pag gamit ‘tong app na ‘to. Pero ang mahal ng monthly subscription pag dito sa Canada. ₱700 per month! Pag sa Pilipinas ₱150. So syempre as a kuripot, pinanggawa ko ng account yung kapatid ko na nasa PH tapos sa kanya na lang ako nagbabayad ng monthly. Mwahaha..

Same sa Spotify Premium namin. PH account yung gamit ko, so ₱130 lang a month compared to ₱600. Mwahaha..

Office Girl Again

Next week ang start ko. Excited na kong pumasok ulit. Parang mas feel ko ngayon na on site instead of work from home. Looking forward ako na maglakad sa lamig at snow habang papunta akong bus stop (kasi 5 minute-walk lang naman). Gusto ko rin yung change of environment. Pero siguro after ilang weeks gugustuhin ko nang work from home na lang.

Université

Merong in person option yung class that day so pumunta ulit akong school. Sadly, last term ko na kasi in conflict yung schedule ng classes sa bago kong work. Yung last three classes, di na ko makaka-attend. Sad. Pero ang saya nung day na ‘to kasi sumayaw at nagkantahan kami. Parang kindergarten lang.

Super Sprint ll

At dahil last term ko na sa university, nag-sign up ulit ako for Super Sprint! Ahhhh! Eto yung magbabayad ako ng malaking halaga for 2 months of French classes tapos pag complete attendance ako, ibabalik nila yung pera ko. Successful ako nung first attempt ko, na-refund sakin yung bayad. Excited at medyo kinakabahan nanaman ako. Kailangan kong mapabalik yung bayad koooo.

May option akong pumili ng gusto kong sched so di sya makakaapekto sa work ko. 8 months na pala kong nagte-take ng classes. At ang pinaka masaya dun, wala akong binayaran hihi. Kasi kung may bayad, kahit sobrang tagal ko nang goal na matuto ng ibang language, di bale na lang 😂

The Bear

Galing lahat ng actors. Crush ko si Carmy. Excited na ko sa season 2 kung meron man. Yun lang.

Oathtaking

Kala ko magiging official Canadians lang kami pag na-receive na namin yung Canadian passports namin pero hindi pala. After pala ng oathtaking, yun na yun. Yay looking forward na kong makapag-travel na hindi problema ang visa.

Books

So far ang gaganda ng mga librong nabasa ko. Dalwa pa lang naman. Ongoing pa yung pangatlo (Someday is Today by Matthew Dicks) pero ang ganda rin tas nakakatawa. It’s my second book from this author. Sobrang nagustuhan ko rin yung una (Storyworthy).

Dance Workouts

Naisipan kong i-try yung mga dance workouts sa YT at mas nagustuhan ko sya. Mas preferred ko sya kesa sa mga boring workout videos na bilang lang ng bilang. Nakaka-energize yung music kaya mas nakakaganang gumalaw. Favorite ko so far yung ang mga songs ay from the 2000’s. Ang dali lang nung steps pero nakakapagod kahit 15 minutes lang.

The end.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s