Few days ago nagkaron ako ng sudden urge bumalik ng Japan. Di ko na i-eexplain pero basta paborito ko ang Japan sa lahat ng napuntahan ako. Tapos sabi ko kay Kenneth, punta kaming Japan. Si Kenneth naman sumasakay lang kasi alam naman nyang hindi posible. Tapos eventually, ni-let go ko na rin ang pagde-daydream ko kasi alam ko rin na hindi nga posible ngayon.
Pero after ma-mention dito sa video na ‘to na yung nanay daw nya ay nagso-solo backpacking trip, bigla akong na-inspire na maghintay. Tumatak kasi sa isip ko na perfect mag-travel pag bata ka pa. Pwede pa rin naman pag matanda pero mas okay lang kung bata. Pero nung nakita ko yung nanay nya, oo nga, okay din pala pag may edad na. At para sakin, mas perfect ang solo travels pag matanda na kasi kung muka na kong lola, hindi na ko prone sa mga predators. Tapos mas magiging patient sakin ang mga tao since may edad na ko. Andaming perks. Kaya dapat magpalakas ako ngayon para ready to go pa rin ang lola mo.

Tinanong ko si Kenneth kung okay lang sa kanya na mag-travel ako ng solo. May hesitation akong na-feel. Sabi ko gusto ko kasing mag stationery store at museum hopping. Nung narinig nya yung reason, feeling ko yun ang nagpa-oo sa kanya. Kasi wala syang interes sa mga ganun haha. Pero kung gagawin ko man ‘to, sa Japan lang ako may tiwala. Kelangan ko ng sense of safety pag naglalakad ako ng solo sa gabi dahil may trauma pa rin ako nung may nag-attempt mangholdap sakin. Pero siguro kung mas matanda na ko, baka mas maging matapang na kong magsolo. Can’t wait to get older 🤍
