Categories
Family Food Pilipinas

Boodle Fight + Sarah G + Sweetie Almond | Pinas 2022 Pt. 3

April 16-20

DAY 10

Swimming day again. Days pala kasi overnight kami this time. Commercial muna sa Papa na paglabas ko ng kwarto nasa dining table nagvi-videoke mag-isa hehe.

Mukang nag-eenjoy sa bigay kong iPad 😄

Swimming timeee again!

Sa Agdangan naman kami nag-swimming. As usual, ang sasarap nanaman ng pagkain. At as usual, wala uli akong planong mag-swimming dahil tinatamad akong magbanlaw pagkatapos. Too much effort sakin ang maligo ng 2x a day kaya din siguro ako tinatamad.

So dun sa pinuntahan naming resort, merong mga floating cottages. Ganito yung itsura:

Eto yung magandang floating cottage. Hindi kami dito dinala nung bangkero. May bayad ata.

Eh di gusto nilang puntahan yun. Since naka-bangka naman, minimal ang chance mabasa, sumama na ako.

Nag-swimming lang ang mga kids tapos kami ni Louisa, nakaupo lang dun sa edge ng cottage.

Si Ate Beng2 hindi umalis sa bangka

Syanga pala, walang signal dito sa resort na ‘to. Maganda rin na wala kasi hindi kami distracted sa internet.

Say it with me: “SARAP!”
Ganda ng sunset

“Never have I ever…”

After kumain, next activity ay maglaro ng card games. Avalon again or yung bago kong binili. Pero nagkatamaran kasi hindi G lahat. Yung ibang kids distracted sa kung ano mang pinaguusapan nila. Nabuhayan lang lahat nung nilabas yung soju. Eh since may mga minor, mga nagsi-paalam muna sila sa mga nanay nila kung pwede silang maginom. Nagulat ako na pinayagan sila. Ang daya!! Samantalang ako graduate na ko ng college non hindi pa rin pwede.

Nung nagiinuman na, naglaro kami ng ‘Never have I ever…’ tsaka ‘Spin the bottle’. Nakakatuwang marinig yung mga sagot nila kasi hindi naman nila sasabihin yung mga ganung bagay pag normal kaming magkakasama. May mga nari-reveal na secrets tsaka may konting drama tulad nung nagtanong si Isabelle kay Illysa ng, “Na-backstab mo na ba ako sa mga kaibigan mo?” Haha.

May mga cute na tanong na, “Never have I ever got broken hearted.” or “…kissed someone on the lips.” Sa kanila siguro hindi cute pero sakin super cute. Since ako nga ang pinaka-matanda, lahat ata ng “Never have I ever…” statements nila uminom ako.

May moment na hindi ko inexpect na madaming iinom sa, “Never have I ever had a crush with the same sex.” Ang interesting lang and I’m so happy na nashe-share nila yung mga ganun. Parang mas nakikilala ko sila and at the same time, na-realize ko na tumatanda na talaga sila. May pagka-bittersweet yung realization na yun kasi medyo kine-crave ko yung mga moments na bata pa sila; but at the same time, maganda ring i-look forward yung mga times na mas deeper na yung conversations namin pag nag-mature na sila.

May gumawa ng bonfire

Nag-eenjoy kami sa heart to heart namin tapos biglang yung mga adults pinatigil kami. Ah yun pala yung isa pang nakakatawa. Lapit nang lapit sa table namin ang Mama tsaka si Ate Beng2. Gustong mag-eaves drop sa mga pinaguusapan namin. So pag lumalapit sila, tinitigil namin yung game.

Pero pinatigil kami eventually kasi may gumawa nga ng bonfire. Meron daw hotdogs at s’mores so yun daw muna ang gawin namin. With a heavy heart, nag-grill kami ng hotdogs at gumawa ng s’mores. Gusto pa kasi naming mag-inom at mag-reveal ng mga secrets. Pero naubusan na rin kami ng soju kaya no choice rin.

📸: Marcus

After nun, tumambay na lang kami sa tabing dagat. Limot ko na kung anong pinaguusapan namin tapos nagsi-tulugan na rin ng mga 2AM.

DAY 11

Palarong pambansa

Nagpa-games si Ate Gigi. Wala akong makitang pics nung isang game na magsasalok ng tubig sa dagat tapos pasa pasa. Basta masaya din yun.

Floating cottage part 2

Nag-enjoy sila masyado dun sa floating cottage kaya gusto nilang bumalik. Hindi na dapat ako sasama kasi di nga ako magsi-swimming pero sumama na rin ako because of FOMO.

Kami uli ni Louisa yung KJ mag-swimming so nag-take lang kami ng pictures tapos tinawagan namin si Kenneth kasi sa gitna lang ng dagat may signal. Ah kaya din pala naisipan kong sumama para makapag internet.

Uwian na

Isa sa mga pinaka masarap na kain ko nung uwi ko 🤤

May mga nangyari pa tulad nung umiyak si Illysa dahil nagka-asaran yung magkapatid, nasalabay si Louisa, and other random pics bago mag-uwian:

Mommy with the apos

DAY 12

Taguig

Pumunta kaming Maynila para bumili ng dress ko para sa kasal ng pinsan namin. Feeling ko natuwa ang Mama kasi another reason para lumuwas ng Maynila. Okay din naman sakin kasi pareho kaming layas tsaka na-miss ko rin ang Taguig. Almost 6 years akong nagtrabaho sa McKinley Hill kaya masaya din mag-reminisce.

Mag-picture daw kami tapos kunwari raw nasa Canada kami 😅

Pumunta muna kaming Uptown kasi andun yung damit na titingnan ko tapos Aura kasi may bibilhin sila. Monday ‘to so medyo disappointed ako kasi walang food bazaar. Tanda ko kasi Friday to Sunday lang meron. Eh meron akong favorite na binibili dun. Yung roast beef pita. Tapos nagulat ako meron!

Di ko inexpect na matitikman kita ulit!

Medyo sad lang kasi walang caramelized onions. Hindi daw kasi mabenta yung onions sa customers so inalis na nila totally. Tapos ininterview ko si ate kase sobrang curious ako pano sya niluluto. 8 hrs daw yung beef sa oven so medyo nagka-idea ako. Yung roast beef recipes kasi na nakikita ko online yung rare yung gitna.

Kumain din kami sa Manam. Di ko masyadong miss ang Manam kasi kumain kami dito nung last kong uwi. Locavore yung nami-miss ko. Yung lechon oyster sisig at yung Mac’s chicken. Sarap!

Nung pa-hapon na, pumunta kaming Landers. Walang ganito nung uwi ko so interested akong puntahan. Wala akong planong mamili, pero nakita ko yung isa sa favorite Japanese snack ko. So bumili ako ng mga anim which is hindi magandang idea kasi at this point, naumay na ko sa kanya. Nag-take lang kami ng mga goofy pics habang namimili sila.

Also, nakita namin si Sarah G at Matteo G. Di naman ako fan pero gusto kong i-send sa family group chat namin kasi alam kong matutuwa sila.

DAY 13

Almond QT

On our way to Almond with mon petit frère

Eto yung day na tumulog ako sa mga in-laws ko which means more time with Almond! Hays miss na miss na miss ko si Almond. Sobrang sweet nya kasi. Yung dalwa kasi dito ang damot sa lambing. Kaya naging spoiled ako sa ka-sweetan ni Almond nung uwi ko. Hays kung ganun lang talaga kadali na dalhin sya dito.

Naka-upo lang sya sakin habang tinatapos ko yung Business Proposal. Si Walnut kasi, siguro mga after 5 mins aalis na. Si Cashew hindi mo maaasahan na umupo sa lap. Si Almond nakakatulog talaga sa lap ko 🤍

Super sweet 🥺
Ang hilig pa mang-kiss ni Almond 🤍

Kumain kami sa labas for dinner (thank you Kat, Mommy and Daddy!) tapos nag wine night with Kat and Almond.

DAY 14

Eto yung day before kami pumuntang Bohol. Apat lang kami pa-Bohol. Kami ng Mama, Ate Beng2 (tita) at Tricia (ma petite soeur). Parang girls trip. Kaso ang nangyari, since surprise yung pag-uwi ng mga Bri-ish peeps, na-book yung Bohol sa mga araw na nasa Pinas pa sila. So 4 days yung nabawas na dapat magkakasama kami. Tapos ang sad pa, pag-uwi namin, pabalik na sila ng UK kinabukasan. So kung alam lang namin, binook sana namin yung Bohol nung nakaalis na sila.

Bye muna Almond

Pero bago yun, nasa mga in-laws ko pa ako at nag-bonding muna kami uli ni Almond bago ako umalis.

🤍🤍🤍
Video call with Poops and Cashew

Ang sarap nung vegan tapa na kinain namin nung breakfast tapos natikman ko uli yung mushroom sisig. Dumaan din kami sa tita ni Kenneth bago nila ko ihatid sa bahay.

Side story, pagkahatid nila sakin sa bahay, kinailangan kong bumalik kina Kenneth para i-apply yung gamot ni Almond. Hinatid ako ni Kimo kasama si Tricia at Marcus kasi gusto ni Marcus makita si Almond. Apparently, cat lover din pala si Marcus.

Almond fans club

Back to the Bohol situation, kami ni Tricia, nag-attempt na i-rebook yung Bohol. Kaso ang laki ng idadagdag sa rebooking fee tsaka may matatamaan din na lakad ng Mama. Kaya yung despedida party ng mga Bri-ish peeps, ginawa na lang na ngayon para kumpleto kami. So nag-kainan, videoke, sayawan, nag-color game, may nag-speech rin so may konting iyakan, etc.

Despedida 🇬🇧

Singing our national anthem

Napaluha ang Mommy nung pinapanood nya na nagsasayaw ang Kuya Nante and Ate Regie. Late na rin kami nakauwi pero umuna na ko sa kanila kasi hindi ko na kaya, at mag-eempake pa ako ng gamit pa-Bohol. Masaya rin yung Bohol kaya excited akong i-reminisce sa future post 🤍

PH 2022 SERIES

Part 1: Reunions + Yummy Food + Avalon
Part 2: Slumber Parties + Unlimited Lamon + Emooo
Part 3: You are here
Part 4: Bohol Trip • 1 | 2 | 3
Part 5: Bye Cousins + AWOL Stories + Zumba sa Restaurant
Part 6: Last Few Days


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment