Categories
Canada Life Pilipinas

McKinley

Recently, I find myself frequently thinking about my old job when I was still in the Philippines. I don’t miss my job there. What I miss is the location of our office building in McKinley Hill Taguig. The first thing that comes to mind is the nearby Starbucks. I miss it. I don’t drink coffee, but I love sweets. So when sugar cravings hit, I would just go down from the 7th floor, walk a few minutes, and head to Starbucks to buy myself a chocolate chip macadamia cookie (my favorite) or banoffee pie or cakes or brownies. It’s just so convenient. When I have to get that one missing ingredient or need to buy laundry detergent, I can just go to the nearby grocery store and do a little grocery shopping. And also, that grocery store is inside a mall; so you can just imagine what else I can do during my lunch break or after work hours. Again, very convenient. There’s sugaring and hair salons too. I forgot the complete name of the mall but we just call it “Venice” or “Canal”. The mall was designed to replicate the Grand Canal in Macau and it looks okay and it’s Instagrammable so it’s mostly crowded.

If I crave pizza, ramen, sushi, or milk tea,  no problem. Just a few minutes walk and I could indulge myself. Before coming here in Canada, I can’t imagine myself missing McKinley. I thought this place would be — better. Better restaurants, better hangout spots, better atmosphere in general. Unfortunately, I was kind of disappointed. If I would to describe this place, it’s bleak and quite boring. Sorry Winnipeg. I noticed most businesses here don’t care about presentation or aesthetics and design. And that’s one of the things that I miss because Taguig has such a cool and creative vibe. Here, not so much. Yes, they try to have fun events and festivals but — it’s just different.

Maybe that’s why I thought (or still thinking) about moving to a bigger city like Toronto or Vancouver. To get that similar vibe again. And since we don’t know a lot of people here, moving to a more attractive place would make up for the home sickness a little bit. It would somehow distract me from missing my relatives and friends. Good for my mental health, I guess.

When I daydream, like winning the lottery, my immediate thought would be to go back to the Philippines and buy a condo in Taguig. Or if we finally retire and have lots of savings, I’ll think of moving back to the Philippines and live our final years there. Anything that involves having lots of money, I’ll initially think of going back to the Philippines. Maybe we should just go back? Ditch the dollars, say goodbye to free health care and every good thing this country has to offer? UGH. Maybe I’m just feeling extremely home sick. Let’s give it a few days.

PS:

Meron pala kong previous post na sabi ko hindi ako naho-home sick. Ano ka ngayon.

Categories
Ramblings

First Day of Anatomy Class

Kanina, nagd-daydream na naman ako about school days. Nung elementary, highschool tapos nung college. Yung mga highlights ng student days ko. Naalala ko nung first week ng college, nakapaskil sa bulletin board yung mga top 10 sa college entrance exam per subject. Basta tanda ko may English & Math tapos baka yung iba IQ and Logic. Basta almost lahat dun sa subject na yun andun yung pangalan ko tapos nasa top 5. Tapos ako non syempre ang yabang ko deep inside pero kunwari too cool to care ako. Haha. Pero pag dating ko sa bahay binida ko na agad sa mga Mama tapos ang Kuya, 2nd year college sya non, nakita din pala nya yung bulletin board. Tapos sinasabi nya daw sa mga kaklase nya, “Kapatid ko yan!” Ngayon nasasayangan ako dapat pala pinicturan ko yung bulletin board 😄 Kase yung mga top students nung highschool nataasan ko pa sa ibang subjects dun sa college na entrance exam. Eh wala naman ako sa top nung highschool kase di ako masipag magaral. May pagka-trouble maker ako non kaya nagulat siguro sila na napasama ako dun sa top. Muntik pa kong masuspend nung highschool kase nagdala ako ng baraha sa school tapos tinuruan kong magsugal yung mga seatmates ko. Nahuli kame tapos nakita nung teacher yung mga perang pusta. “Kaninong baraha yan?” Eh since catholic school super against sila sa any type ng gambling kaya ayun. Example lang yun mababaw pa lang yun.

Back to first few weeks ng college. Parang first day namin sa Anatomy class non. Tapos isa yun sa mga kinakatakutan na subjects ng nursing students; kasama na ko dun. So first day  non so medyo basic pa yung discussion. Nagtanong yung professor sa class kung sang intestine daw naa-absorb ang nutrients, kung sa small daw or sa large intestine. Sa isip ko, very basic yung tanong kasi napag-aralan na to nung elementary pero naririnig ko yung mga kaklase ko ang sabi “Laaaarge!”. Sabi ko “Smaaaall.” pero medyo mahina lang pero loud enough para marinig nung prof. So since hindi unanimous ang sagot namin, pinataas nung prof kung sino daw ang in favor sa large intestine. Lahat sila halos tumaas. For a split second, nag-doubt ako baka mali ang stock knowledge ko. Tapos pinataas na kung sino ang sa small intestine so tumaas ako ng kamay eh di tinginan sila kase ako lang ang tumaas. Yung iba pa ang sama ng tingin. Sure na sure siguro sila sa sagot nila. Kung alam ko lang na papatayuin ako para i-explain yung sagot ko, hindi na sana ko tumaas ng kamay. Eh first day kase tapos super di pa ko komportable at hindi ko naman kilala ang 95% sa kanila. At hindi ko naman alam pano i-explain. Basta alam ko lang na yun ang tamang sagot. Grr. So inulit ko lang yung statement nya kanina (words not exact), “Sa small intestine naa-absorb yung nutrients from food tapos sa large intestine napupunta yung waste.” Kahit di ko na-explain ng very hard, mukang good enough na sa kanya yung sagot ko kase sabi nya, “Correct. The small intestine absorbs nutrients and minerals blah blah blah…” Tapos after nya mag-explain tinawag pa nya kong “Miss Genius” Arrghh. Cringe. Genius hindi naman ako genius. Baka sobrang mag-expect sila na sobrang talino ko hindi naman. Ayun 80 lang yung final grade ko sa Anatomy haha. Genius pala ha.

Kala nya siguro nung first day na yun isa ko sa mga magiging butihing estudyante nya pero after ilang weeks lang nakita nya din ang totoo kong kulay. From Miss Genius naging Miss Problematic. Lagi nyang sinisita yung black nail polish ko na minsan nagtutuklap tuklap na. Isa yun sa mga hindi nya nagustuhan. Tapos yung pinaka-worst ko sigurong ginawa sa klase nya, at ngayon eh hindi ako makapaniwalang ginawa ko yun kase sobrang rude, eh nung habang nagdidiscuss sya, nag earphones ako kase meron akong gustong pakinggan na kanta. Sa isip ko nun, ok lang yun kase hininaan ko naman yung volume para makinig ko pa din yung dini-discuss nya. Ang tanga nung argument 😂 Pero nung na-look back ko sya after ilang years, sobrang mali talaga haha. Napaka-rude. Nung nakita nya kong naka-earphones, “Miss Abadilla, naririnig mo ba ko?” Sabi ko, “Yes po.” Tapos hindi ko pa din tinanggal yung earphones. Nagtino na naman ako ng konti lalo nung sinabing 85 na daw ang passing. Parang 2nd year college pinatupad yun. Buti na lang.

Medyo madami pa kong naaalala pero tinamad na ko kasi nagising na si Kenneth tapos sa kanya ko na nakwento lahat tinamad na kong ulitin for now. Babayu.

Categories
Art

Sleep is Magic

When I sleep, I sing songs I’ve never heard before. I see places and things so bizarre that it would make a great art piece. My creativity flourishes. But then I’d wake up. And all I’m left with is my boring, conscious thoughts.

Categories
Art Life

Slowmo

Minsan hindi ko talaga mapigilan maisip kung anong mangyayari sa art venture ko. Gusto kong isipin na ginagawa ko lang sya for fun. As a creative outlet kasi talagang meron akong satisfaction na nararamdaman pag nakaka-create ako ng something na matino. Kaso pag may nakikita ako na super successful sa creative business nila, gusto ko din maging ganun. So parang nap-pressure ako. Hanggang sa hindi na sya nagiging fun. Lagi akong naghahanap ng validation at nagiisip ng iba-ibang ways para masabi kong “I made it!”

Since wala akong magawa ngayon kahit nasa office ako at kelangan kong magtrabaho, nagbabasa-basa ako ng articles. Tapos may nabasa ako about sa “the gig economy”. About sa mga solo entrepreneurs. May na-mention about people na nagsimula sa hobby lang tapos super successful na ngayon. Bigla kong na-imagine kung pano kaya kung ako yun. Tapos di ako natuwa dun sa thought. Parang na-imagine ko na super busy ko tapos hindi na ako nag-eenjoy sa ginagawa ko kasi para sa clients lang lahat ng ginagawa ko. Imbis na ma-motivate ako dun sa article, parang nagka-urge ako na magslow down. Na wag i-pressure ang sarili ko na maging successful. Na truly i-enjoy ko na lang tong creative side ko. Yung impulses ko na “Sana dumami ang clients ko!” is nag-fade. Tingin ko good thing to sakin. Kase minsan yung utak ko hindi ko na ma-control parang and dami masyadong iniisip na hindi naman ganun ka-importante. Kaya siguro gustong gusto ko laging madistract kase kung hindi parang mababaliw ako. Non-stop kasi talaga ang utak ko sobrang sobrang dami kong iniisip mapa-past, present or future. Ang dami kong opinyon sa mga bagay-bagay at ang dami ko masyadong feelings. Overthinking to the max talaga. Kelangan ko na siguro talaga ng meditation.

Categories
Canada Career

Antisocial Phase

May naisip ako. Hindi pala ako magaling sa commitment. Kase naiisip ko na i-ban na ulit ang social media sa life ko. Ang gagamitin ko na lang eh yung IG ko for business purposes. Eh ilang beses ko na yun ginawa hindi naman ako nag-succeed. Pero ita-try ko ulit. Gusto ko na lang makipag-interact sa friends ko thru chat.

Ang isa pa, yung mini clique ko sa office ngayon. Kami yung magkakasama during training tapos nagkaron kami ng agreement na sabay sabay pa din kaming magla-lunch kahit tapos na yung training. Magkakaiba kasi kami ng unit so hindi na kami magkakasama everyday. Tapos recently, nagkick in yung pagka-antisocial ko. Kahapon nagstay lang ako sa desk ko tinamad ako maglunch na may kasama. Hinanap nila ako sabi ko na lang I’m not feeling well. Minsan kase kakapagod din talaga makipag-usap tapos paulit-ulit lang minsan. Iba pa din talaga pag Pinoy interaction. So either antisocial mode ako or annoyed lang talaga ako dun sa isang biglang sumama na lang sa grupo namin. Matagal-tagal na sya sa company pero parang loner sya kaya biglang sumama saming mga newbies. Ok lang sana kung mabait sya pero hindi ko kasi gusto personality nya. Condescending makipagusap. And kahit yung mga ka-department ko nag-warning sakin about sa kanya. So mukang hindi talaga maganda ang track record nya. Sya ang reyna ng small talk talaga. Sobrang repetitive ng mga tanong nya at boring na boring ako sa kanya. “So how was your weekend? What did you do last night? What did you bring for lunch? So how was your weekend? What did you do last night?” Ah awan sayo fuck you! Haha joke joke. Pero sobrang umay na umay na kase ako sa kanya. Tapos makikipagusap pa sayo may kulangot sa ilong, may amos sa bibig tapos sabog sabog yung pagkain sa damit nya. Haha oo ganun ka-gross. Feeling ko sya talaga ang dahilan eh kaya di ako sumama sa lunch.

Pero ngayon sumama na ako kaninang lunch kahit di ko pa din feel. Baka maisip pa nila na ayaw ko na sila ka-hang out hindi naman sa ganun. May ganito lang talaga kong moments na wala sa mood minsan. So as expected, itong si booger girl ganun nga ang mga tanong. So blah blah blah? Did you blah blah blah? Parang ang template kasi masyado ng conversational skills nya. Hindi spontaneous na smooth yung flow. Parang laging pilit. Ayaw ko ng ganun di nakakatuwa. Tapos yun nga may attitude pa sya. Whatever booger.

Categories
Canada Life

White People Christmas Party

First time ko kahapon maka-attend ng Christmas party ng mga puti. So kahapon nga, Christmas party namin sa work. Eto yung mga differences na napansin ko:

  • FOOD

Nung nadinig ko pa lang na ang food daw namin ay sandwiches and wraps, cheese and crackers at salad, kitang kita na agad ang difference. Nasan ang shanghai? Nasan ang caldereta ni ate Janice? Cake wala man lang. Ice cream? Spaghetti or pansit, cheesy pichi pichi ng Amber’s. Hay kakamiss. Pero eto ang trip nila:

Parang meryenda lang ng nagda-diet

Kakapanibago. Sanay ako na pag Christmas party at kainan na, yung tipo na hindi na ko magkaintindihan kung anong kukunin ko kasi ang daming pagkain at lahat mukang masarap.

  • EXCHANGE GIFT
Di ko masyado trip yung amoy nung essential oils

Dito Secret Santa ang tawag. Nung tinanong ako ng supervisor ko, “Are you joining Secret Santa?” Eh di “Sure!” naman ako. Nung sinabi na kung magkano daw ang exchange gift at sinabing $20 aka 800 pesos, sa isip ko sana di na lang pala ako sumali. Kase may mga hindi sumali. Kala ko lahat kasali kaya gasing sali naman ako. Tapos ang nabunot ko pa lalake. Hirap regaluhan ng lalake. Tapos nung mismong bigayan na ng gifts, yun pala sabay-sabay nyo bubuksan yung regalo tapos hindi necessarily kelangan na malaman mo yung “Secret Santa” mo. Kaya nga secret eh.

  • CLIQUES

Eto hindi necessarily related sa Christmas party pero eto yung napapansin ko pag may mga events yung unit namin tapos nasa isang conference room lang kami. Pansin ko sa mga puti, wala silang cliques. Kasi ako dati sa Pilipinas meron akong constant group na kasama sa work. Yung talagang as in naging close friends ko na sila. So pag lunch, corporate events, lakad outside office, or meetings, meron akong clique na lagi kaming magkakatabi. Pero dito, pansin ko sa mga puti, wala sila non. Kahit san sila mapa-upo ok lang. Kase mga hari at reyna nga sila ng small talk eh. Makaka-survive sila kahit san sila ilagay. Ako palpak lagi sa small talk. Magcocompile pala ko ng mga fail at awkward small talks ko.

Overall, okay naman. Di nga lang ako nanalo sa raffle. Merong isa kaming officemate na may gift sya sa lahat samin. Ang cool nung naisip nya gusto ko din gawin next time.

I won $2

Tapos kahit sobrang awkward ko sa mga small talks, buti yung katabi ko sobrang daldalita tapos shineshare nya yung love life nya sa group. Sya lang yung salita ng salita tapos twice or thrice nya ata nabanggit na, “I played erotic bingo last weekend.” Sobrang oversharing talaga nakakatawa. Tapos nakwento nya yung dine-date nya tapos nalaman nya na yung friend nya, same lalake sila ng dine-date. Dami nyang kwento. Sa loob ng 1 hour, dami ko na agad alam sa kanya tulad ng: 27 y/o sya, single, mahilig sya sa chocolates, mahilig sya sa bingo at dildos, at madami syang dates na fail.

Nung second time nya binanggit yung erotic bingo, na-curious na ko sabi ko sa kanya, “How does that work?” “Oh it’s just a regular bingo except you win sex toys. I was one number away from the dildo.” Napatawa kami pero nafeel ko yung iba, super jina-judge na sya. Parang napapatawa ba na napapakunot. Ako naaaliw sa kanya. Super la sya pake. Tapos nung dinistribute na yung gifts, yung nareceive nya is nakalagay sa paper bag na mahaba na parang wine ang nakalagay. Basta mahaba and patayo yung shape nung paper bag. Sabi ni erotic bingo, “Ooohh. I wonder what this is.” Tapos sabi ko sa kanya, mahina lang, “It’s a dildo.” Super hagalpak sya ng tawa. Tapos sabi nya, “Guys! Did you hear what she said?!” Tapos sinabi nya yung sinabi ko. Napatawa na may halong surprise yung mga puti (isa dun yung supervisor namin). Tawa lang din ako ng tawa. Tapos kwento na ulit sya na next time daw dadalhin nya yung nanay nya sa pagbibingo.

Categories
Canada Career Family Life Travel

Munimuni Saturday

More than 3 months na kami dito sa Winnipeg. So far, so good. Kanina lang, may friend na nagtanong sakin (si Gel) kung naho-home sick daw ba ko and kung well-adjusted na kami dito. Matagal ko na tong napansin sa sarili ko (siguro mga 1-2 months pa lang kami dito), na hindi ako naho-home sick. Halos walang feeling na “Huhuhu gusto ko nang umuwi.” Ang super nahihirapan lang ako, until now, is yung sepanx ko kay Almond (our cat). Para kasi talaga namin syang baby. Pareho kaming first time pet owners at that time. Super naiintindihan ko na sila kung bakit ganun nila ka-love mga alaga nila. As in ngayon ko lang to naramdaman. Yung pag nags-send ng mga pics and videos si Aryen natutuwa ako but at the same time sobrang nalulungkot. Gusto ko sya mahawakan at makiss. Kung uuwi man kami ng Pilipinas (kung kelan man yun), isa si Almond sa pinaka unang agenda. Miss na miss ko na talaga sya. Hays.

Pero bukod kay Almond, I’m actually doing okay. Sabi ko nga dun sa friend ko, siguro dahil sinet ko ng tama yung expectations ko. Bago kami pumunta dito, expected ko na na malayo ako sa family, na once every X years lang kami makakauwi, na hindi mga Pinoy ang katrabaho ko so kelangan mag-adjust sa culture, na malamig dito, etc. So pagpunta namin dito, naka-mind set na ko sa mga yun. Bukod sa 95% ng family ko at 100% ng friends ko ay nasa Pilipinas at iba pang countries other than Canada, may mga certain things pa din na mas better satin kesa dito; katulad ng mga restaurants. Mas madaming choices satin. Dito halos puro fastfood. Tapos yung mga malls. Ang malls dito meh. Satin pagandahan, pasosyalan. Pero wala namang perfect place. Kailangan lang ng tamang attitude towards change. At based sa pagwe-weigh in ko ng mga bagay bagay, ito na talaga yung pipiliin ko. Sana maconvice ko din ang family ko na mag-stay dito.

Ang bilis lumipas ng araw. Lalo na nung nag-start akong magtrabaho. Ang bilis mag-Friday. Sana laging ganun para feeling ko mabilis lang din lumipas ang work days.

Gusto ko nang maka-ipon. Para makapag-travel. Isa yun sa mga goals ko talaga. Makapag-travel kung saan saan. Ang ganda kasi ng effect nya sa well-being ko. Lalo na dito na kami nakatira sa Winnipeg. Sobrang refreshing siguro mag-travel sa magagandang lugar at interesting places. Wala kasi dito masyado mapuntahan. If I’m being honest, mas maganda pa sa Taguig kesa dito. 😄 Pero sa Taguig, forever kaming magre-rent. Dito makakabili kami ng bahay in 1-2 years (if I’m being optimistic).

Saturday ngayon. Napansin ko na naka-earphones ako pero wala namang music. *plays music* Nanonood lang ako ng Netflix kanina hanggang sa nakatulog na ko. Sinimulan ko sa Dynasty, tapos inulit ko yung first 2 episodes ng Girlboss. Tapos balak ko panoorin mamaya ay The Office. Hindi ko na maalala kung san ako natapos sa The Office kasi simula nung nawala si Michael Scott, medyo nawalan ako ng interest sa kanya. Pero matatapos ko din yun in time. *munimuni ends*

Good food but a little spicy for me
Categories
Canada Life

Winter is Legit Coming

Sobrang dami kong kwento. Pero limot ko na kung ano ano yun. Magstart ako sa natatandaan ko.

November 6 – Tuesday

Nung isang araw nagpa-wax ako. Feeling ko di ako mahihirapan sa pagpunta dun sa salon kasi one bus lang from work. Little did I knowww… Ganun kasi ako madalas. I-ssearch ko kung pano pumunta, tapos pag andun na ko saka ko i-ssearch kung pano umuwi. So pag search ko ng pauwi, tatlong bus pala ang sasakyan ko 😫 Three unfamiliar routes. Takot ako kasi baka maiwan ako ng bus tapos hindi ko pa kabisado yung mga bus stops eh ang lamig lamig. Ayokong magpalakad-lakad para maghanap ng bus stop. Feeling ko pag naligaw ako sa ganitong lamig matatagpuan na lang akong frozen to death kung saan.

How cute is that tail. The salon had a dog named Sierra. She looks so pretty and she let me pet her.

First time ko na-feel non na naninigas na yung muka ko. Yung kamay ko kahit naka-gloves talagang nagna-numb na. For a split second, naisip ko, parang di ko na kaya at baka bumigay na yung katawan ko. Pine-pep talk ko na lang yung sarili ko tapos pa-talon talon ako para dumaloy yung dugo ko. In short, naligaw ako ng slight. 😂 Kita ko sa Google maps na ang lapit ko na sa bus pero di ko pa din makita yang lintik na bus stop na yan. Alam kong bulok ako sa directions pero hindi ko alam na ganun ako kabulok. So in short ulit, nakita ko na. Tapos 5 minutes pa bago dumating yung bus according sa Navigo. Feeling ko 5 hours yung 5 minutes hay ang lamig talaga. Tapos nung dumating yung bus parang woo! Ang saya! Parang best thing na nangyare sa araw ko yung pagdating ng bus. Habang palapit yung bus naiimagine ko na yung warmth pag pasok ko sa loob. Makakapagrelax na din ako.

November 7 – Wednesday

So after that traumatic experience… OA traumatic. 🤣 Nag “bundle up” ako nitong araw na to. Naks bundle up. Haha. Pero hindi pa din pala sapat! Sabi nung isa kong co-trainee kailangan ko ng mas makapal at mas mahabang jacket so plano ko nang bumili. Fuck tipid muna.

So naisip kong dumaan sa Superstore. Dito nagg-grocery mga tito ko so dito na din ako napunta. Malapit lang pati. Sabi ng tito ko kung kelan daw malamig saka ko naiisipan gumala. Natripan ko kasi na magluto tapos bibili din ako ng mga pambaon sa office para less work na din sa tita ko. Every morning kasi nagluluto sya tapos nadadamay pa ko sa pa-sandwich kasi pinanggagawa nya ng sandwich mga pinsan ko. So parang ang dali dali ng mornings ko kasi okay na lahat. Feeling ko para akong grade school na inaasikaso ng nanay ko.

Bacon & mushroom alfredo with arugula pesto kasi ang mahal ng basil

Nung papunta kong Superstore, may mga areas na ang daming snow. Imbis na dun ako dumaan sa clear na road, dun ako sa may snow tumatapak. Tapos nabano ako nung lumubog yung sapatos ko sa snow. Parang feel na feel ko ba masyado. 😂 May mga roads na parang may film lang ng snow na nakapatong so ang dulas. Ilang beses na ko muntik madulas kaya ang bagal ko maglakad. Kailangan ko ata ng parang spikes na nilalagay sa ilalim ng boots. Parang nabanggit ata yun ng tita ko sakin. One of these days.

Cools

Mga cool stuff (at least for me) na nakita ko habang naliligaw sa aisles ng Superstore:

I’m not a fan of the mint Oreos (yung green na filling). Pero bakit sarap na sarap ako dito sa peppermint? Dahil ba mahilig ako sa pepper. Haha labo.
Very very interesting

Pinipigilan ko yung sarili ko na mag-explore masyado kasi baka dumami yung mabili ko, mabibigatan ako pagbibitbit. So parang ni-rush ko lang yung pagg-grocery ko tas umalis na ko.

November 8 – Thursday

Wala na ko masyado matandaan kasi Saturday na ngayon. Pero ang tanda ko sumama ko sa mga tito ko kasi papunta silang KP (Kildonan Place – nearby mall). Balak ko na kasi sundin yung advice ni Shanshan (officemate) na bumili ng mas makapal na jacket for fall.

Ecstacy. Eskimo.

Ang mahal! Hays. Buti na lang pay day na bukas. Tas bumili din ako ng kumodigan (coined it). Para kasi syang hybrid ng kumot at cardigan. Basta nakita ko lang din sya na parang magiging useful once tapos na kami sa training.

November 9 – Friday

PAY DAY! Ang saya saya saya ko! Kasi first time kong sumweldo ng ganun kalaki. Siguro sa iba hindi malaki pero sakin nalalakihan na ko. Hihihi. Kung icocompare ko sya sa dati kong work, yung 2 weeks na sinweldo ko dito is equivalent sa 1.5 month na sweldo ko sa Pinas. Natuwa talaga ako ng very hard. Excited na ko sa next pay day.

So ang una kong ginawa, nagpadala ako sa Mama at Papa ng konti kasi kakatapos lang ng anniversary nila. So gift ko yun. Tapos may dinner treat ako dito sa mga tito ko. Sabi nung tita ko nung minsan, “Ano san tayo sa sweldo mo?” Tas sabi ko, “Name it!” Hahaha! Kayayabang. Tapos sabi nung tito ko magkano daw ang budget. Sabi ko, “Sky is the limit!” Wahaha! Pero seryoso ako. Ngayon lang naman. One-time limited offer kasi first sweldo. Sa mga susunod coupons na. 😂

Mura na to sa kanila 😅
Categories
Canada Career Wellness

Nosebleed + Potential First Day

Nino-nose bleed ako dito sa Canada. As in literal na nosebleed. Nung una di ko pinapansin pero nung dumadalas sinearch ko na kay bff Google. Ayun na nga. Gawa daw sa dry at malamig na hangin. Nothing to worry naman daw. Pero iniisip ko kung bibili akong humidifier. Samantalang dati dehumidifier ang binibili namin kasi masyadong humid sa loob ng apartment ang daling masira at mabulok ng mga pagkain. Dito kahit ilang araw nasa pantry ang ulam hindi napapanis. Amazing.

Start na ko bukas sa trabaho pero hanggang ngayon, ayoko pa din i-assume na totoo na talaga. Kahit pumirma na ko at lahat, parang ayaw ko pa din maniwala. Ayaw ko kase madisappoint kaya naiisip ko lahat ng possibilities. Na baka nagkamali lang sila tapos pagdating ko dun biglang, “I’m sorry but I don’t see your name in our list.” Ay baka mamura ko siya. Pero Tagalog para di nya gets. Kaya bukas, maniniwala lang ako na tanggap na talaga ko pag andun na ko sa mismong loob at nagsisimula na ang training. Hay sana talaga. Excited na talaga ko sumweldo.

These past few days ako ay iritable sa isang person na to kaya gustong gusto ko na mag-blog para maglabas ng sama ng loob. Nakakatulong kasi talaga. Di ko kasi magets personality nya parang aning. Kahit matagal-tagal na din kaming friends (frenemy?) para talaga syang ewan. Pero ang maganda naman, naka-move on na ko. Kaya parang di ko na feel i-kwento ang mga nangyari. Basta ako ay looking forward bukas at sa future.

Categories
Art Canada Career Life

My Lucky Streak

I just noticed (my aunt and uncle noticed it too), during these past few months in Canada, that I had been quite lucky. Here’s a couple of lucky things that happened:

  • We went to the casino and I won $100 playing Blackjack. I had gambling issues and used to go to casinos all by myself. But that was before and I stopped gambling ultimately when I had my losing streak. So when we went to this casino, I was playing just for fun. I wasn’t even playing my own money. My uncle gave us $20 each. When I won $10, I was planning on stopping. But I decided to just continue and didn’t care if I lose. But then I didn’t. 😉
FullSizeRender 2
Kept this as a souvenir
  • We were shopping in this store and I bought some stuff and this nice (pricey) wrap-around jacket that’s perfect for fall. Only I didn’t buy it. When I checked the receipt, the salesperson didn’t scan the tag on the jacket so I got it for free. I know that wasn’t the right thing to do; but I am jobless and a person who sometimes gets tempted so…
  • After just a month here, I already got a job. It was only a 2-month placement so it isn’t really something that’s permanent but still, that was pretty lucky. Unfortunately, I was having some health issues and I’m sorry, no disrespect, but I just loathe the job. I will certainly miss the residents and most of them are sweet but that’s just isn’t enough for me to stay.
  • So after working there for 2 weeks, I quit and hope that I will immediately find another job. And luckily, after a couple of weeks, I received several interview invitations. Then I got interviewed for this certain position (which is kind of similar to my previous job back home) and got an offer a few days after the interview. I was sooo happy and was jumping for joy nonstop. But that’s not it! It was a double entendre because not only I got hired, they hired me for a higher position! Which means higher salary! I can’t help but smile thinking about it.
  • Over to Dust Designs news (my graphic art business), I just got a client who needed some tags and things for her wedding. So I am currently working on it and like how things are going.
Their two options
  • I almost forgot the iPad. It wasn’t totally free because the bank let me chose if I’d want to have free monthly banking fees for a year or I’ll pay the monthly fees but I’ll get an iPad. I chose the latter because I’m planning to get an iPad anyway so it’s like I’m paying it in installments. Apparently, “24-month installment for zero interest!” is not a thing here. So that worked out. Also, the bank manager offered us free monthly fees for the first 2 months. So it’s like I got a discounted, 10 months to pay iPad. Yes!

  • Also, I get to experience snow. I consider that lucky because not everyone has the chance to experience snow. 😊

And that was it! I should be happy but… No wait, I am happy. But I am also worried. I’m worried that something unlucky will happen because of all these lucky-ness. I will be watching out.