Lately, lagi na lang akong 2 AM or 1 AM natutulog. Kasi nagsisimula yung mood kong mag-drawing and gumawa ng anything art related pag tapos na si Kenneth magtrabaho. So mga 5 PM sya matatapos, dun pa lang ako magsisimula. Kaya parang nanlalambot ako netong mga nakaraang araw. Tas wala pa kong exercise nga kasi kung ano ano nanamang sumasakit sakin. Kakawalang gana tuloy.
So feeling ko kelangan kong magbago ng routine. Kasi kahit isipin ko na productive naman ako kahit puyat ako, eh hindi naman maganda dahil baka kung ano nanamang maramdaman ko, mas makakasama pa in the long run. Kaya ngayon matutulog ako ng maaga. Mga 10:30 PM matutulog na ko. Tas sa mga susunod na days aagapan ko pa.
Anyway, excited na kong dumating yung washi tapes na inorder ko sa manufacturer. Apat na designs yun so nakakatuwa na makita yung designs ko sa ganung klaseng product. Sana maganda ang kalabasan. Bukas padating din yung order ko na backing slash thank you card para sa mga future orders. Mas professional na syang tingnan pag may ganun. Inutang ko muna sa savings namin yung pinambayad dun so sana naman kumita. Ang dami pa namang kompetensya na washi tapes sa Etsy tapos mas mura. Bahala na. Buti medyo mura lang naman kasi direct manufacturer.
Nakakainggit yung ibang artists na idols ko sa IG, talagang halos araw-araw sila nakakapag-drawing. Ako depende sa mood so ang konti ng napproduce ko. Ang hirap talaga pag innate na tamad. Naffrustrate ako sa sarili ko.
Drawing ko kahapon. Sana ganito everyday.
PS:
11:35 PM na. Matutulog na talaga ko. Toothbrush muna. Nakapag-drawing naman ako kahit papano.
Nung last day ng April ni-log ko yung ginawa ko sa isang buong araw para ma-check kung productive ba ko. Kasi nga feeling ko parang ang konti ng nagagawa ko simula nung nag-freelance ako. So ito ang kinalabasan:
7:10 am Woke up
7:15 am Pooped
7:30 am Nagiisip ng gagawin kung magw-workout
7:40 am Food prep
7:45 am Workout
8:05 am Rest
8:30 am Vacuum
8:45 am Prep and cook (with social media in between kasi pinapakuluan pa yung sopas)
9:45 am Ligo while sopas is cooking
10 am Continue cooking
10:20 am Brunch
10:40 am Impis dishes + laundry
11:10 am Chill
11:35 am Work (ended up journaling)
12:15 pm Figure out what productive thing to do (ate sopas)
12:40 pm Chill
1 pm Work (Etsy store, new listings, business social media posts)
4 pm Chill and eat
5 pm Piano
5:55 pm Chill
7 pm Work (new designs + future plans)
9:45 pm Chill
10:45 pm Zzzz
So ico-compute ko yung hours na productive ako and chill lang. Pero eto ang gusto ko sa freelance. Magbbreak ako kung kelan ko gusto. Hindi katulad sa office na minsan sasapit ang 10 or 11 am tapos antok na antok na ko pero hindi ako makapag-break dahil 12 pm pa ang lunch break ko. Tapos 30 mins lang yung lunch break. Okay so eto ang kinalabasan:
Work – 5 hrs 45 mins
Chill – 3 hrs 55 mins
Homemaking – 1 hr 40 mins
Eat – 1 hr 45 mins
Self care – 2 hrs 10 mins
Daily routine – 30 mins
Hindi ako ganun kasaya sa work hours ko pero since araw-araw naman ako nagttrabaho (including weekends), okay na siguro ang 6 hours a day. Pero siguro yung chill hours ko need kong bawasan ng konti, gawin kong mas productive like reading or learning a new language. Yung sa pagkain ko talagang mabagal na ko kumain ever since so normal na yan. So mukang ang need ko lang i-adjust is yung chill hours. Kahit reduce lang to 3 hours kasi hindi ako pwede nang nas-stress dahil nga ang dami kong health issues.
Ang saya palang mag-keep track ng daily activities. Gagawin ko uli to bukas.
Si Cashew na laging tulog pero sobrang ingay pag gising
Haha eto nanaman ako sa blog series ko. Masundan kaya tong ‘motivational hacks’ ko na to. Basta may nadinig kase ako sa isang podcast na sobrang na-inspire ako and up to now nag-stick sya sakin.
Sya daw ay everyday pumupunta sa gym. So tingin siguro ng mga tao sa kanya ay “this guy enjoys working out”. Pero hindi daw. Sobrang hate daw nya mag-gym. Pero kaya pa din nya ginagawa is kasi yun yung type of person na gusto nyang maging — a person who goes to the gym. And that keeps him going. So yun. Kaya everytime tinatamad ako o ano man (whether drawing, reading or exercise), naiisip ko yun lagi.
So yun lang ang motivational hack for the day. Sobrang kelangan ko ng mga ganito kasi nga fulltime freelancer na ko. Hindi ako pwedeng parelax relax lang. Okay goodluck!
Okay so. Sobrang excited ako ngayon kasi binili ko yung digital piano ng pinsan ko at dadalhin daw nila dito ngayon. Yahooo!! Sobrang tagal ko nang dream (as in grade 1 pa lang ako) na magka piano. As in ito yung isa sa mga pinaka-aasam asam ko. Digital lang sya pero para syang the real thing. I have been a keyboard snob (naks) kasi para syang laruan pindutin. Since clasically trained ako (sobrang yabang pakinggan nakakajirits), never ko naenjoy magpiano sa keyboard. Pag piano kase, mejo may resistance yung keys (or tiklado). Unlike sa keyboard na soft yung keys. At kahit yung mga piano teachers ko din ang nagsabi hindi daw ako gagaling magpiano sa keyboard/organ. Pero dito sa digital piano, matigas syang pindutin hindi parang laruan. Kaya nung na-experience kong tumugtog dun, sobrang sayo ko! Ang mahal kase ng totoong piano and kahit may pambili ako non, hindi naman yun pwede dito sa maliit na apartment. Pano pati iaakyat yun. So nung nadiscover ko sa pinsan ko tong digital, medyo abot kaya and para na din syang the real deal.
So eto na nga. Tinanong ko kse yung pinsan ko magkano ang bili nya dun sa kanya. Nasa 50-55k daw. Tas biglang sabi, “Wanna buy mine instead?” Tapos half the price daw. Say whaaat? Yayayayayay!! Eh halos hindi nagamit yun. Alam ko kse 6 months kaming nakatira sa kanila dati. Yeheyyy! Sana wag maudlot at dumating na talaga mamaya.
And sa sobrang excited ko, umorder na ko sa Amazon ng piano books a few days ago.
Thanks sa Amazon gift card from our bank
Hays I can’t wait! Kaya siguro hindi pa ako makaligo ngayon. Mamaya siguro tatawag na yung tito ko para sabihing on the way na sila. Hihihi. Hay feeling ko maiiyak ako mamaya. Huhu ang saya kooo 😭
Lately, sobrang nahihilig akong magluto at magbake. Hindi ko sure kung nahihilig ba o kelangan lang kasi wala naman ibang magluluto dito. Sino bang madaming free time saming dalwa, syempre yung walang trabaho. Pero parang mixed na hilig at no choice kase natutuwa din naman ako lalo na pag masarap yung gawa ko (which is 90-95% of the time). Yun eh sa panlasa ko lang ha. Baka kay Kenneth lang pumapasa yung luto ko. But nevertheless, na-upgrade talaga yung cooking skills ko habang tumatagal and lalo ngayon na mas napapadalas ang pagluluto ko. Exhibit A to C:
Crispy pork binagoongan. Sarap!
Chewy chocolate chip oatmeal cookie. Ang sarap!
Lomi. Sabi ni Kenneth masarap pero sakin sakto lang.
Tapos thank you saking Etsy shop, hindi zero ang nacocontribute ko sa household na to. May ilan pa din na bumibili ng stickers despite of COVID-19. Madaming nagsu-support sa mga small businesses. Pero syempre, konti lang ang kinikita ko dun. Kelangan ko pang mag-isip ng ibang source of income. Sa ngayon, pagiging illustrator na talaga ang tina-target ko. May special place pa din sakin ang graphic design pero mukang nage-enjoy akong magdrawing nowadays. We’ll see kung sa ang punta nito.
My messy desk
And konting balita lang sa mga nangyayari ngayon para sa future self ko pag binalikan ko tong post na to:
Pataas pa din ng pataas ang cases ng COVID-19 positive. Sa Pinas, naka-lockdown pa din sila and mukang maeextend pa din ang quarantine. Dito naman sa Canada, specifically sa Manitoba, pwede naman lumabas pero strict ang pag-observe ng social distancing.
Isa sa mga struggles nila sa Pinas ay ang pagbili ng pagkain. Kung san makakapag-grocery. Tapos may schedule din kasi ang pag-labas. Ang Papa naman, ang struggle nya ay kung pano makakatiis na wag umalis ng bahay. Napagalitan ko nga nung minsan kasi lumabas daw tapos naginom. Sinumbong sakin ni Tricia. Eh di chinat ko pinagsabihan ko. Pero sineen lang ako hehe. Baka tampo sakin.
Yung isa sa mga pinakamasaklap na nabalitaan ko eh yung mga bangkay na nakatambak lang sa hallways ng ospital kasi hindi na kasya sa freezer sa sobrang dami. Grabe yung video nakakapanindig balahibo. Grabe talaga. Kaya Papa please wag kang makulit. Kasi kahit sabihin na ayos kami dito, hindi ka naman masasatisfy ng ganun kung alam mong yung mga kamaganak mo sa Pinas ganun ang sitwasyon. Hays. Kung pwede lang talagang dito na kami lahat.
Madaming galit sa gobyerno at madaming nagaaway-away.
First of all, medyo naffrustrate talaga ako sa productivity ko simula nung nagresign ako. Sabi ko nung may trabaho pa ako, nasasayang yung oras ko sa office. Imbis na nakakapag-art attack ako and maka-attract ng potential clients, nasa office ako. Sabi ko, makapagresign lang ako, ang dami ko sanang oras para makapag create. Pero ngayong resigned na nga ako, hindi ko ma-utilize yung oras ko ng maayos. Sobrang distracted ako sa Instagram. Hays. The temptations.
Although hindi naman ako naging zero percent productive, ang konti pa din ng nagagawa ko. Nakaka-disappoint. Tapos magi-guilty ako eh kasalanan ko naman talaga. Kanina, kakatapos lang nung ginagawa ko na art set. Ang theme is baking cookies. Happy naman ako sa kinalabasan.
Set 1: Objects
Set 2: Experience
So yan lang yung nagawa kong productive. And 2 weeks ko syang ginawa. Pero feeling ko kaya ko tong gawin in 2-3 days. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood gumawa sa umaga. Yung pag maliwanag. Mas gising yung utak ko and mas nakakapagisip ako pag gabi. Kaso ang tendency ko, pag tapos na si Kenneth sa trabaho, gusto kong mag-bonding kami kaya sinasabayan ko syang mag-chill. Pero ang lame ng excuse ko kaya kelangan ko pa din magbago.
Pagdating naman sa cooking skills ko, feeling ko ang tino ko na talagang magluto. Sobrang nakaka-proud kasi almost everytime nagluluto ako, wala nang sukatan. Tancha tancha na lang. Dati kasi for example magluluto akong nilaga, pag sinabing 1 tsp salt, susukatin ko talaga. Sobrang noob. Pero ngayon hindi na. Tsaka minsan hindi ko fina-follow yung recipe unlike dati na kung ano yung nandun, yun lang yung gagawin ko. Kaya nung sinabihan ako ni Aryan na gumawa na daw akong ng separate IG account para sa mga niluluto ko, gumawa nga ako kasi naisip ko din magandang reference pag nauubusan ako ng ideas ng mga lulutuin. Chef Bumburumbum yung pangalan, si Kenneth ang nakaisip. Bumburumbum kasi kilala ang mga Pagbilaoins sa word na to. Mga niluto ko the past 2 weeks:
Frittata cups
Baked macaroni
My favorite, maja blanca
Since naka self-quarantine pa din kami, hindi ako makapag-grocery. So naubusan na ko ng mga lulutuin. Ubos na ang mga gulay namin so ang limited lang ng mga recipes na pwedeng lutuin, wala nang pangsahog. Eh as much as possible ayaw ko pang lutuin yung mga de lata namin. So madalas nagpapadeliver din kami sa labas which is isa pang gusto kong iwasan kasi mahagad talaga. Pero minsan wala din talaga kong disiplina. Tapos yung latest pinadeliver namin ni Kenneth eh yung medyo matinong ramen dito sa Winnipeg. Pero compared mo sa ramen places sa Manila, sobrang inferior pa din netong nandito. High yung expectation namin nung una kase chef daw from Japan so ine-expect ko, yung lasa, at par dun sa mga ramen na natry namin sa Japan or at least yung sa Pilipinas. Pero ang waley pa din. Matabang yung broth. Kaya sobrang na-appreciate ko yung mga ramen places sa Manila. Ganun pala talaga siguro kahirap gumawa ng masarap na ramen.
The underwhelming ramen
Hinati ko yung ramen kasi alam kong hindi ko mauubos yung buo
Balak ko nga palang gumawa ng Youtube channel about sa art ko. Why not. Malay mo may manood. Pero naiisip ko ang matrabaho masyado. Hindi pa nga ako nakaka-gain ng momentum sa art stuff ko tapos sisingitan ko pa ng iba nanamang activity. Hays. Kakaasar. Nakaka-disappoint talaga. I will try my best pa din.
Ordered some books. Yung graphic design book lang talaga ang intended kong bilhin. Extra lang yung iba para umabot ng $45 para free shipping.
Tapos ako jobless kasi nag-resign na ko to pursue ang aking career in art/design
In our mini office
So kahapon, parang feel na feel namin yung pagka-house wife ko. Feel na feel ni Kenneth. Kasi the night before, gumawa na ko ng daily schedule ko para productive ako throughout the day at nakakakain kami sa oras. Since alam kong 12PM ang lunch break nya, nasa schedule ko na 11AM, magluluto na ko. Para 12PM, ready na ang pagkain at sabay kaming mag-lunch.
Best nilaga ever daw
Few minutes after 12PM, lumabas na sya sa mini office namin tapos ang sabi, “What’s for lunch?” habang nakangiti. Halatang halata na gusto nya yung inaasikaso sya. Haha. Kasi kahit noon pa, may usapan kami na magiging house wife ako kapag kaya ng sweldo nya para nga ma-pursue ko yung art career ko. Ngayon parang kaya naman pero yung tipong wala na kaming maiipon masyado. Saktong sakto lang sa mga bills and groceries. Kaya ginagalingan ko dito sa freelance ko para makapag-contribute ako kahit papano. And yun yung purpose nung daily schedule na ginawa ko, para di ako ma-sidetrack. Ang daming distractions pag freelancer. Ang daling manood na lang ng Netflix, tapos kain tulog. Hindi pwede.
Taking notes sa pinapanood kong illustration class
So kahapon yun. Kanina, tinuloy ko lang yung tine-take kong online class. Ang dami kong natutunan. Excited and kabado at the same time kasi after ng theories, application naman ang next. Di ko alam kung bakit every time magddrawing ako kinakabahan ako. I think sa sobrang gusto kong makapag-produce ng quality work, inaatake ako ng doubt and anxiety. Nauunahan ako ng kaba. Pero sabi nga sa podcast na napakinggan ko, fear is okay. Kasi the moment na wala na yung fear, ibig sabihin non parang bored ka na sa ginagawa mo or wala ka nang gana.
11:08AM na so kelangan ko nang magluto. As for me, masaya ako. Syempre sino ba namang hindi sasaya na mas hawak mo yung oras mo. Pero yun nga. Nakaka-pressure din and may guilt feelings kasi wala na kong nacocontribute na income sa household. Never naman akong nakarinig kay Kenneth ng kahit ano. Suportado nya talaga ko. Yung malikot na utak ko lang ang kalaban ko. Madaming naiisip na hindi na naman dapat ika-worry. Basta ang goal ko ay mag-focus dito sa art ko which will lead to potential clients. Good luck sakin. And sabi ko nga, worse comes to worst, may balikan naman. Pwede naman akong bumalik sa office job kung hindi ito mag-workout. Pero bago mangyari yun, ita-try ko muna ang best ko. Okay magluluto na ko.
A rare sight! Normally suplado si Cashew pero tumabi at umupo sya sa legs ko 😍
Pag sinabi yung pandemic, naaalala ko yung Pandemic board game na binili ko noon na nilalaro namin ng mga pinsan ko. Ngayon, eto na nga: COVID-19. Nung una, halos walang sumeseryoso sa kanya. Pero ngayon, lahat takot lumabas ng bahay para iwas hawa. Eto yung photo na pinadala ni Nick sakin. View from their apartment sa Manila.
Ghost town
Mas strict sa Pilipinas. Naka lockdown sila ngayon. Pero ang mas gustong gamitin na term ng mga nakatataas ay ‘Enhanced Community Quarantine’. Para daw di mag-panic.
Dito naman sa Canada, wala pa ngang COVID-19 case, nag-hoard na ang mga tao. Lalo na nung nagka-positive. Tapos ang daming naging racist kasi Pinoy yung unang taong nag-positive. Tapos may history sya ng travel sa Pinas. As of now, 18 cases yung nandito. Kaya siguro medyo lax pa sila. Pero kahit dineclare nang ‘state of emergency’ na daw dito sa Manitoba, nagpapapasok pa din dun sa company namin. Buti na lang resigned na ko. Last day ko kahapon. Eto yung card na binigay nila sakin and thank you naman sa Starbucks GC. Di ko inexpect na may ganun.
Thanks Nicole! Best boss ever. Thanks FEDS Team!
Ang daming nangyari. Ang dami ding nangyari sa buhay ko na hindi related sa virus. Pero yung mga related muna sa virus:
Lahat galit sa China
Madaming natawa at natanga kung bakit nagkakaubusan ng toilet paper
Overpriced alcohol from resellers na hindi mo malaman kung totoo bang alcohol
Quarantine passes? Yun ba yung tawag dun. Basta kelangan ng pass para makalabas ka ng bahay (PH only)
Nagsilabasan ang mga TikTokers at ang daming taong na-hook so ang daming cringy TikTok videos sa feed mo. Pero nakakaaliw naman yung iba. Pero karamihan sobrang papansin lang.
Bukod sa TikTok videos, nagsilabasan din ang mga taong selfish. Eto yung mga hoarders, naka-admit (kasi positive sa COVID) tapos tumakas sa ospital, mga taong labas pa din ng labas kahit sinabing bawal nga muna, etc.
“Mother Earth is healing” posts sa social media and yung mga articles na may naka-predict na daw na mangyayari tong virus na ‘to this 2020
Online concerts, online talk shows (Jimmy Kimmel, Jimmy Fallon, basta sila), daily podcast episodes (kasi dati weekly lang mag-release ang podcasters), online yoga classes, basta lahat ng pwedeng gawing online ginawa nilang online which is very good naman. Pantanggal inip.
Time. Ang dami nang time. Siguro wala nang nag-ppost ng “<insert verb here> pag may time.”
I think yung mga ibang nangyari na hindi related sa virus bukas bukas na lang since Pandemic na yung title ng blog post na to. Basta sana bumalik si Kenneth ng nasa maayos na kalagayan and virus-free (kasi nasa Calgary sya ngayon) and sana maging productive naman ako sa coming days kasi nanood lang ako ng Love is Blind maghapon (watch kung gusto nyong maasar at maaliw at the same time) at nag-Insta and FB plus Youtube. And super sana, sana gumaling na ang mga kitty cats. Hays.
G: Gagawin ko yung isa sa mga ultimate dream ko nung highschool.
K: Ano?
G: Maghihikaw na ako sa kilay.
K: You’re too old! (Mahilig kaming mag-Englishan pag kaming dalwa lang 😆)
G: Bakit hindi naman ako mukang matanda ah!
K: Matanda ka na.
G: Hindi nga ako mukang matanda. Tsaka hindi ko yun magawa dati dahil bawal nga. Ngayon wala nang magbabawal hindi na nila (Mama at Papa) ako mapipigilan.
K: Hindi na cool.
G: Ay hindi nga ako mukang matanda. Kung hindi mo ako kilala, tingin mo ilang taon ako?
K: 31.
G: Ano nga??
K: 20.
G: (Naniwala at nag-light up ang mata) Ano nga? Yung totoo.
K: 20 nga.
G: Mamatay man ako? (Ultimate question para malaman mo ang totoo)
K: Oo.
Naks! Hahaha. Favorite ko kasi sobrang rare ako makatanggap ng compliment sa kanya. Pero kahit hindi na cool, parang gusto ko pa din gawin para mafulfill yung wish ko nung highschool.