First of all, medyo naffrustrate talaga ako sa productivity ko simula nung nagresign ako. Sabi ko nung may trabaho pa ako, nasasayang yung oras ko sa office. Imbis na nakakapag-art attack ako and maka-attract ng potential clients, nasa office ako. Sabi ko, makapagresign lang ako, ang dami ko sanang oras para makapag create. Pero ngayong resigned na nga ako, hindi ko ma-utilize yung oras ko ng maayos. Sobrang distracted ako sa Instagram. Hays. The temptations.
Although hindi naman ako naging zero percent productive, ang konti pa din ng nagagawa ko. Nakaka-disappoint. Tapos magi-guilty ako eh kasalanan ko naman talaga. Kanina, kakatapos lang nung ginagawa ko na art set. Ang theme is baking cookies. Happy naman ako sa kinalabasan.
Set 1: Objects
Set 2: Experience
So yan lang yung nagawa kong productive. And 2 weeks ko syang ginawa. Pero feeling ko kaya ko tong gawin in 2-3 days. Hindi ko alam kung bakit pero wala talaga ako sa mood gumawa sa umaga. Yung pag maliwanag. Mas gising yung utak ko and mas nakakapagisip ako pag gabi. Kaso ang tendency ko, pag tapos na si Kenneth sa trabaho, gusto kong mag-bonding kami kaya sinasabayan ko syang mag-chill. Pero ang lame ng excuse ko kaya kelangan ko pa din magbago.
Pagdating naman sa cooking skills ko, feeling ko ang tino ko na talagang magluto. Sobrang nakaka-proud kasi almost everytime nagluluto ako, wala nang sukatan. Tancha tancha na lang. Dati kasi for example magluluto akong nilaga, pag sinabing 1 tsp salt, susukatin ko talaga. Sobrang noob. Pero ngayon hindi na. Tsaka minsan hindi ko fina-follow yung recipe unlike dati na kung ano yung nandun, yun lang yung gagawin ko. Kaya nung sinabihan ako ni Aryan na gumawa na daw akong ng separate IG account para sa mga niluluto ko, gumawa nga ako kasi naisip ko din magandang reference pag nauubusan ako ng ideas ng mga lulutuin. Chef Bumburumbum yung pangalan, si Kenneth ang nakaisip. Bumburumbum kasi kilala ang mga Pagbilaoins sa word na to. Mga niluto ko the past 2 weeks:
Frittata cups
Baked macaroni
My favorite, maja blanca
Since naka self-quarantine pa din kami, hindi ako makapag-grocery. So naubusan na ko ng mga lulutuin. Ubos na ang mga gulay namin so ang limited lang ng mga recipes na pwedeng lutuin, wala nang pangsahog. Eh as much as possible ayaw ko pang lutuin yung mga de lata namin. So madalas nagpapadeliver din kami sa labas which is isa pang gusto kong iwasan kasi mahagad talaga. Pero minsan wala din talaga kong disiplina. Tapos yung latest pinadeliver namin ni Kenneth eh yung medyo matinong ramen dito sa Winnipeg. Pero compared mo sa ramen places sa Manila, sobrang inferior pa din netong nandito. High yung expectation namin nung una kase chef daw from Japan so ine-expect ko, yung lasa, at par dun sa mga ramen na natry namin sa Japan or at least yung sa Pilipinas. Pero ang waley pa din. Matabang yung broth. Kaya sobrang na-appreciate ko yung mga ramen places sa Manila. Ganun pala talaga siguro kahirap gumawa ng masarap na ramen.
The underwhelming ramen
Hinati ko yung ramen kasi alam kong hindi ko mauubos yung buo
Balak ko nga palang gumawa ng Youtube channel about sa art ko. Why not. Malay mo may manood. Pero naiisip ko ang matrabaho masyado. Hindi pa nga ako nakaka-gain ng momentum sa art stuff ko tapos sisingitan ko pa ng iba nanamang activity. Hays. Kakaasar. Nakaka-disappoint talaga. I will try my best pa din.
Ordered some books. Yung graphic design book lang talaga ang intended kong bilhin. Extra lang yung iba para umabot ng $45 para free shipping.
Tapos ako jobless kasi nag-resign na ko to pursue ang aking career in art/design
In our mini office
So kahapon, parang feel na feel namin yung pagka-house wife ko. Feel na feel ni Kenneth. Kasi the night before, gumawa na ko ng daily schedule ko para productive ako throughout the day at nakakakain kami sa oras. Since alam kong 12PM ang lunch break nya, nasa schedule ko na 11AM, magluluto na ko. Para 12PM, ready na ang pagkain at sabay kaming mag-lunch.
Best nilaga ever daw
Few minutes after 12PM, lumabas na sya sa mini office namin tapos ang sabi, “What’s for lunch?” habang nakangiti. Halatang halata na gusto nya yung inaasikaso sya. Haha. Kasi kahit noon pa, may usapan kami na magiging house wife ako kapag kaya ng sweldo nya para nga ma-pursue ko yung art career ko. Ngayon parang kaya naman pero yung tipong wala na kaming maiipon masyado. Saktong sakto lang sa mga bills and groceries. Kaya ginagalingan ko dito sa freelance ko para makapag-contribute ako kahit papano. And yun yung purpose nung daily schedule na ginawa ko, para di ako ma-sidetrack. Ang daming distractions pag freelancer. Ang daling manood na lang ng Netflix, tapos kain tulog. Hindi pwede.
Taking notes sa pinapanood kong illustration class
So kahapon yun. Kanina, tinuloy ko lang yung tine-take kong online class. Ang dami kong natutunan. Excited and kabado at the same time kasi after ng theories, application naman ang next. Di ko alam kung bakit every time magddrawing ako kinakabahan ako. I think sa sobrang gusto kong makapag-produce ng quality work, inaatake ako ng doubt and anxiety. Nauunahan ako ng kaba. Pero sabi nga sa podcast na napakinggan ko, fear is okay. Kasi the moment na wala na yung fear, ibig sabihin non parang bored ka na sa ginagawa mo or wala ka nang gana.
11:08AM na so kelangan ko nang magluto. As for me, masaya ako. Syempre sino ba namang hindi sasaya na mas hawak mo yung oras mo. Pero yun nga. Nakaka-pressure din and may guilt feelings kasi wala na kong nacocontribute na income sa household. Never naman akong nakarinig kay Kenneth ng kahit ano. Suportado nya talaga ko. Yung malikot na utak ko lang ang kalaban ko. Madaming naiisip na hindi na naman dapat ika-worry. Basta ang goal ko ay mag-focus dito sa art ko which will lead to potential clients. Good luck sakin. And sabi ko nga, worse comes to worst, may balikan naman. Pwede naman akong bumalik sa office job kung hindi ito mag-workout. Pero bago mangyari yun, ita-try ko muna ang best ko. Okay magluluto na ko.
A rare sight! Normally suplado si Cashew pero tumabi at umupo sya sa legs ko 😍
Pag sinabi yung pandemic, naaalala ko yung Pandemic board game na binili ko noon na nilalaro namin ng mga pinsan ko. Ngayon, eto na nga: COVID-19. Nung una, halos walang sumeseryoso sa kanya. Pero ngayon, lahat takot lumabas ng bahay para iwas hawa. Eto yung photo na pinadala ni Nick sakin. View from their apartment sa Manila.
Ghost town
Mas strict sa Pilipinas. Naka lockdown sila ngayon. Pero ang mas gustong gamitin na term ng mga nakatataas ay ‘Enhanced Community Quarantine’. Para daw di mag-panic.
Dito naman sa Canada, wala pa ngang COVID-19 case, nag-hoard na ang mga tao. Lalo na nung nagka-positive. Tapos ang daming naging racist kasi Pinoy yung unang taong nag-positive. Tapos may history sya ng travel sa Pinas. As of now, 18 cases yung nandito. Kaya siguro medyo lax pa sila. Pero kahit dineclare nang ‘state of emergency’ na daw dito sa Manitoba, nagpapapasok pa din dun sa company namin. Buti na lang resigned na ko. Last day ko kahapon. Eto yung card na binigay nila sakin and thank you naman sa Starbucks GC. Di ko inexpect na may ganun.
Thanks Nicole! Best boss ever. Thanks FEDS Team!
Ang daming nangyari. Ang dami ding nangyari sa buhay ko na hindi related sa virus. Pero yung mga related muna sa virus:
Lahat galit sa China
Madaming natawa at natanga kung bakit nagkakaubusan ng toilet paper
Overpriced alcohol from resellers na hindi mo malaman kung totoo bang alcohol
Quarantine passes? Yun ba yung tawag dun. Basta kelangan ng pass para makalabas ka ng bahay (PH only)
Nagsilabasan ang mga TikTokers at ang daming taong na-hook so ang daming cringy TikTok videos sa feed mo. Pero nakakaaliw naman yung iba. Pero karamihan sobrang papansin lang.
Bukod sa TikTok videos, nagsilabasan din ang mga taong selfish. Eto yung mga hoarders, naka-admit (kasi positive sa COVID) tapos tumakas sa ospital, mga taong labas pa din ng labas kahit sinabing bawal nga muna, etc.
“Mother Earth is healing” posts sa social media and yung mga articles na may naka-predict na daw na mangyayari tong virus na ‘to this 2020
Online concerts, online talk shows (Jimmy Kimmel, Jimmy Fallon, basta sila), daily podcast episodes (kasi dati weekly lang mag-release ang podcasters), online yoga classes, basta lahat ng pwedeng gawing online ginawa nilang online which is very good naman. Pantanggal inip.
Time. Ang dami nang time. Siguro wala nang nag-ppost ng “<insert verb here> pag may time.”
I think yung mga ibang nangyari na hindi related sa virus bukas bukas na lang since Pandemic na yung title ng blog post na to. Basta sana bumalik si Kenneth ng nasa maayos na kalagayan and virus-free (kasi nasa Calgary sya ngayon) and sana maging productive naman ako sa coming days kasi nanood lang ako ng Love is Blind maghapon (watch kung gusto nyong maasar at maaliw at the same time) at nag-Insta and FB plus Youtube. And super sana, sana gumaling na ang mga kitty cats. Hays.
G: Gagawin ko yung isa sa mga ultimate dream ko nung highschool.
K: Ano?
G: Maghihikaw na ako sa kilay.
K: You’re too old! (Mahilig kaming mag-Englishan pag kaming dalwa lang 😆)
G: Bakit hindi naman ako mukang matanda ah!
K: Matanda ka na.
G: Hindi nga ako mukang matanda. Tsaka hindi ko yun magawa dati dahil bawal nga. Ngayon wala nang magbabawal hindi na nila (Mama at Papa) ako mapipigilan.
K: Hindi na cool.
G: Ay hindi nga ako mukang matanda. Kung hindi mo ako kilala, tingin mo ilang taon ako?
K: 31.
G: Ano nga??
K: 20.
G: (Naniwala at nag-light up ang mata) Ano nga? Yung totoo.
K: 20 nga.
G: Mamatay man ako? (Ultimate question para malaman mo ang totoo)
K: Oo.
Naks! Hahaha. Favorite ko kasi sobrang rare ako makatanggap ng compliment sa kanya. Pero kahit hindi na cool, parang gusto ko pa din gawin para mafulfill yung wish ko nung highschool.
Yung pinambili ko ng Cricut, printer at materials para masimulan yung sticker shop ko, nabawi ko na 😁
Naalala ko yung saya ko nung binili ko kayo
Siguro nasa $1,000 yung pinuhunan ko para makapagsimula. And nabawi ko na! 😁 Kumita pa ng $25 (1k pesos). Yahoooo!
As of now sarado pa din yung shop ko kase lilipat na kami sa bagong apartment sa Saturday. Excited na ko pero paniguradong pagod nanaman kami sa paglilipat. 😩
Natatakot ako na baka masyado akong matuwa dito tapos malungkot nanaman ako pagbalik sa Canada. Ang saya kasi kahit nakakapagod. Ang hindi ko lang masyadong gusto, mananaba ako dito sa dami ng kainan. Pero naisip ko, baka kaya super saya ng pagbalik ko kasi nga matagal akong hindi nakita so ang bait sakin ng Mama at Papa, pag may gusto akong kainin pinagbibigyan ako lagi, tapos ang sarap sarap ng buhay ko dito sa bahay. Sobrang luwag pati nila sakin sa curfew. Pero siguro kung permanent ako dito, hindi naman sila magiging ganun. Ano ako sineswerte. Haha.
My pasalubongs
First time to see snow on a plane window
So pagdating kong NAIA paglabas ng immigration, nakita ko na agad ang Papa. Tapos sinalubong ako ng Papa tapos nag-hug kami. Feel na feel ko nga ang love nung paguwi ko kasi puro hugs. Tapos ang Mama nakasunod sa likod ng Papa, naiiyak. Haha.
Love you Mama and Papa!!!
Nag-overnight kami sa BGC kasi late na ko nakadating, mga 11PM. So bukas, magiikot lang kami sa SM Aura kasi sabi ko magsh-shopping ako. Hindi kasi ako masyadong namimili ng damit sa Canada kasi mahal na, pangit pa ng designs. Napa OA yung pagsh-shopping ko kasi halos hindi ko na tinitingnan yung price tag. Basta pag gusto ko, yun na ang bibilhin ko. Medyo Ariana Grande ang theme ko non, “I see it, I like it, I want it, I got it.” Eh di ang ending, ubos agad ang baon ko. Feeling ko kasi non ang dami kong pera. First day pa lang ubos agad.
Feeling ko sobrang nakukuriputan sakin mga kaibigan ko at kapamilya ko. Hindi kasi ako nanlilibre. Haha eh kasi nga naubos na agad sa damit. Tsaka sa dami ng taong kinikita ko, kung libre ko lahat bawat labas namin, aba wala na talagang matitira sakin. Baka ma-trauma na kong umuwi. Selected days lang yung nanlibre ako. Syempre ang Mama at Papa nung first day tapos si Bogs and friends nung lumuwas ulit akong Maynila para puntahan si Tricia. Lagi kasi akong nililibre ni Bogs, never ko pa sya nalibre kaya talagang naka-set ang isip ko na ililibre ko sya. Nilibre ko din pala yung former officemates ko pero milk tea lang naman yun kaya medyo kaya pa. Tapos ngayon naman magde-date kami ng Mommy (lola) sa Mesa, libre ko ang Mommy syempre. Aba nung isang araw ba naman, dumaan dito sa bahay may dalang ang pao. Pabirthday at papasko daw nya sakin. Tapos pagka-abot, buksan ko na daw. Nagulat ako, 10k ang laman! Eh eh nakapa-generous talaga ng Mommy. Kaso hindi talaga ako nagmana sa pagkagalante nya. Buti na lang din.
Nung shopping day sa Aura, umuwi din kami agad tapos dumiretso kami agad sa mga Mommy. Naghihintay na sila (mga tita at pinsan ko). May funny back story pala sa paguwi ko. Hindi alam ng mga tita at pinsan ko na uuwi ako. Pero na-sense nila na may uuwi. Hindi sila mapakali kung sino. Chinat ako nung isa kong tita, si Ate Beng2, na parang hinuhuli ako. Kasi ang-nasense nilang uuwi is yung tito ko (Kuya Jon2) na kasama namin sa Canada. Ang bungad na chat sakin ni Ate Beng2, “Anong oras ang flight ni Kuya Jon2?” So naisip ko, hindi nila alam na ako yung uuwi so sinakyan ko lang. Sabi ko, “Pano mo nalaman?”. Eh di tuwang tuwa si Ate Beng2 kasi “tama” yung hula nila. Sabi pa sakin, “Wag mong sasabihin sa Mama mo na alam ko nang uuwi si Kuya Jon2.” Wag ko din daw sasabihin sa Kuya Jon2. Tawang tawa ako ay. Hindi alam ay sya ang pinapasakay. Sa kwento ng Mama, as in hindi daw sila mapakali sa panghuhula kung sinong uuwi. Eh tapos nung kasama ko na ang Mama, nag-selfie kaming tatlo ng Papa tapos sinend agad sa family group chat namin. Di gulat yung mga tita ko. Haha naisahan ko daw sila. Kaya daw pala hindi na ko sumasagot sa tawag kasi nakasakay na kong eroplano. So paguwi naming Pagbilao (probinsya namin), ayun iyak na iyak ang Mommy kahit alam naman nyang pauwi nga ako. Tapos yung mga pinsan kong dalaginding na, talon ng talon. Ang sarap ng ulam. Sobrang lambot na sinigang na baboy tsaka may biniklad din.
Kinabukasan, naiyak ako. Parang tanga yung reason. Pag bangon ko kasi kakain na daw, ang ulam ay biniklad tapos may hotdog. Sabi ko, “Tender Juicy ito??” Tuwang tuwa ako na napapatawa tapos maya maya, napapaluha na ako! Tawang tawa sa akin ang Mama at Papa. Di ko din inexpect na maiiyak ako sa Tender Juicy. Araw araw ang sarap ng pagkain. Kaya inaalalayan ko pagkain ko kasi talagang mananaba ako. Pero minsan hindi mapigilan pag talagang miss ko yung pagkain. First time ko ulit makita yung kapatid ko na si Kim. May pasok kasi sya kagabi. Natutuwa naman ako at lagi nyang gamit yung pasalubong ko na bluetooth earbuds. Laging nakasabit sa leeg nya. Ang itinerary ko naman nung day na to:
Samahan sa checkup ang Mama
Visit Kuya and family (first time kong makikita yung pamangkin ko na si baby Gustavio!)
Visit my in-laws, Mommy Glo and Daddy Saldi (kaso hindi natuloy kasi nagpacheckup din si Daddy tapos late na nakauwi)
Tuwang tuwa yung isa kong pamangkin na si Gillian pati ang Kuya at si Xantel. Eto pala yung isang pampasira ng uwi ko: jet lag. Nakakainis lagi akong inaantok. Pampasira eh. Pero ngayon parang naka-adjust na ko. Pero ang aga ko nanaman nagising ngayon (4AM) kaya naisip ko munang magpost dito bago ko pa malimutan ang mga nangyari. After namin sa Kuya, kumain naman kaming Buddy’s. Ang sarap nanaman! Iba talaga ang dating ng pizza nila tapos ang order ako ay yung porkchop steak nila. Ugghhh sarap!!
Thursday, third day. Itinerary:
Visit Almond (our cat)
Ninang Rachel’s dinner treat
Visit my in-laws (this time natuloy na)
Hays nakakamiss si Almond. Tapos ang lambig lambing nya. Gusto ko na syang isama pabalik ng Canada. Tanda nya pa kayo ako? Pero nagpapalambing sya sakin. Sana tanda nya pa ko. Tapos nag-video call ako kay Kenneth para makita nya din si Almond. Ang bitin nga ng dalaw ko kay Almond kasi ang Papa ang kasama ko. Mainipin kasi yun. Nagiwan lang ako ng chocolate para kay Yulo kasi alagang alaga niya si Almond simula nung umalis si Arien pa-UK. I’m gonna miss you Almond!
Ang sarap nanaman ng food nung nag-dinner kami ng Ninang ko. Ang sarap nung salads, nachos, wings, etc. After non diretso kami kina manugang. Mga 11PM na kami nakauwi kasi ang dami ding kwentuhan. Tapos pinanood namin ulit yung performance ni Marcelito sa Youtube.
Friday itinerary:
Visit Tricia in Manila. Sister bonding 😄
Meetup with former officemates
Meetup with Bogs and Nick
Kala ko ang dami kong mapapamili kasi yun din yung isa kong purpose bakit ako lumuwas ng Maynila. Kaso parang nagipit sa oras kasi nagpabalik balik kami sa Makati at BGC para i-meet yung mga imi-meet ko. Na-try ko yung mga mukang masasarap na nakikita ko sa IG feed ko kaso disappointing.
Tapos sobrang daming chika with the officemates. Nakakamiss din talaga. Bitin yung usap. Pero happy na nakakwentuhan ko ulit sila. Medyo rated X yung mga kwentuhan kaya na-bother ako na medyo nakikinig ng kapatid ko. Sa Canada naman may mga Pinoy din, pero wala silang kachismis chismis sa katawan. Extremes yung difference. Kung sa Pinas chismis ang bumubuhay sa everyday office work, sa Canada naman work work work bahay lang. Kaya din siguro gusto ko na lang maging freelancer kasi ganun din naman. Parang mas mag-eenjoy pa kong sa bahay na lang. Wala ka pang boss.
Ang bitin din ng meeting with Bogs. Parang di kami halos nakapagkwentuhan. Nag-dinner lang talaga tapos konting usap. Kasama ni Benjo (asawa ni Bogs) yung kapatid nya na halos ka-age ni Tricia. So niloloko namin yung dalwa. Nakipagkita din si Nick kasi pauwi din sya ng Lucena. As usual super nakakamiss si Nick kahit ang dalas naman namin magusap dahil sa podcast. Plano naming gumawa ng episode na magkasama na kami kaso nasa 2nd week na ko ng stay ko, hindi kami makakuha ng time kasi nasa Maynila sya ng weekdays. Baka this weekend umuwi sya para lang makapagrecord kami. Ang boring naman kasi kung wala man lang kaming episode na magkasama. Hindi pati ako mahihirapan mag-edit kasi walang delay.
Ang mahal palang magpa-drive sa Manila. Bukod sa bayad sa driver, syempre kelangan mo din syang bigyan ng pangkain, tapos bayad pa sa toll and gas and parking. Eh ayaw ni Kenneth mag-commute ako (holdapan incident) kaya magpa-drive daw ako. So yung baon ko, lalong lumiit. Eh mamimili pa ko ng mga medyas namin at boxers ni Kenneth. Kaya ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan stressed ang Mama sa mga bayarin. So nung day na to, mga 1AM na ata kami nakauwing Pagbilao. Puyat nanaman. Kahit puyat at pagod, ang hirap pa din matulog. Medyo maingay kasi dito sa bahay tapos ang aga din nilang nagigising. Ang Papa parang 4AM gising na para mag-jogging. Tapos ang Mama may pasok ng 8AM kaya nagpprepare na ng mga 6AM. Hays kelan kaya makakabawi ng tulog.
Saturday. Eto yung isa sa mga eventful na day. Eventful naman lahat pero yung imi-meet ko kasi nung day na to, hindi ko nakausap ng 6 months. Nagaway kasi kami and ang naging resulta, hindi na kami nagusap. Pero bago mangyari yun, birthday bash muna ng Papa. Eto talaga ang reason bakit ako umuwi. Nag-sponsor ang Papa ng kalahati ng ticket ko kaya din ako nakauwi. Iyak ako ng iyak nung day na nakausap ko ang Papa tapos nagtatatalon ako. Few days after namin magusap, binook ko na agad yung ticket. Ang saya ko talaga non na makakauwi ako. Nung pumutok yung balita ng Taal (pun medyo intended) at Corona virus, hindi nag-fade yung saya ko sa paguwi. Looking forward pa din talaga ako. So birthday ng Papa and at the same time, retirement day. Kaya extra special and gusto nyang kumpleto kami. I love you Papa and Mama!
So after ng birthday bop, nag-meet na kami agad ni Nick para pumunta sa meeting place. Si Nick na common friend namin, may plano nga kaming pagbatiin ni Xali. To cut the story short, nagbati na kami. Awkward nung una kasi hindi kami nagsasalita sa isa’t isa directly. Si Nick yung super trying his best na pagusapin kami. Tapos sya yung naiiyak, tapos napansin ko parang nagte-tremors na yung pisngi nya. Kinakabahan din kasi sya. Haha. Tapos ramdam naming hirap na hirap na sya. Pero eventually nagusap na din kami kasi ang usapan, move on na lang. Hindi na namin pinagusapan yung details kasi naisip naming magaaway lang pag binalikan pa. Hindi ko alam kung awkward sa kanya pero sakin nung medyo tumagal-tagal na, parang hindi na awkwardness yung nafi-feel ko. Parang medyo shy type na nacoconscious kasi nga ang tagal naming walang communication. Parang hindi awkward para sakin kasi kilala ko naman sya eh tapos feeling ko ang daming stories na dapat naming pagkwentuhan especially yung situation ni Dale (another common friend). At the same time, pinapakiramdaman ko kung okay na ba talaga sya or may something pa kasi sakin wala na. Pero since hindi ko naman ma-figure out, iniisip ko na lang na sana nga okay na talaga. Kung 15 years kami ni Nick magkaibigan, kami almost 18 years. And masaya na magkaron ng kaibigan na ganun katagal.
After magka-ayos, videoke na with the other close friends. Of course namiss kong mag-videoke kasama sila. Sa Canada walang ganun. Boring talaga. Tapos first time kong mag-inom ulit ng hard. After videoke, kain sa tapsihan tapos nag beach trip kami. Dun namin tinuloy yung inuman. Dumaan pa pala kaming 7-11 before sa beach tapos kumuha ako ng TJ hotdog tapos di ko binayaran. Tawang tawa sakin si Nick. Hindi sya maka-move on. Nakatulog na ko sa beach, hindi na din ako masyadong nag-inom. Mga 5AM na ko nakauwi ng bahay. Puyat nanaman!
Sunday, kainan ulit. Since sabi ko sa Papa na seafood ang pinaka namimiss kong kainan, nagset sya ng lunch sa Ancent Seafood Restaurant. Para syang seafood paluto. Sobrang daming seafood! Nakakaconscious kumain at nananaba na nga ako. Lahat napapansin na tumaba ako. Ok lang kasi at least nagiging conscious akong lumamon.
After busog lusog lunch, dinner naman sa Gerry’s Grill with Kenneth’s side of the family. Ang sarap na naman! Namiss ko yung shanghai nila at adobo flakes. Basta Pinoy food okay na okay sakin. After dinner inakit ko ang F Buddies (Nick, Bong, Xali) na lumabas kasi hindi kami masyadong nakapag bonding na kaming apat lang. Nag tsaa kape lang kami sa Anneville (kung san naiwan ko yung phone ko) tapos nung magsasara na yung Anneville, lumipat kaming Cafe Jungle. Eh since 10PM na and kina Kenneth ako matutulog, nakakahiya naman na gabihin ako masyado kasi mapupuyat sila pag-aantay sakin, tapos si Nick eh kailangan na din lumuwas ng Maynila, nag-decide na din kaming maguwian na. Nakakatawa lang lagi pag topic si Mamshie of the decade. Very controversial kasi kaya between sa aming apat lang nao-open yung topic. Pagkauwi ko nagchat lang ako kay Xali na “Happy ako na ok na tayo ulit.” Parang yun na yung closure. Feeling ko kasi may kulay nung nagkita kami tapos biglang usap na lang na as if walang nangyare. So feeling ko kelangan ko syang i-verbalize. Happy din daw sya. Sana naman wag na kaming mag-away. Sabi nga ni Gel matatanda na kami. Tama nga naman.
Yes malapit na kong matapos. Ang next day na idodocument ko is nangyare kahapon, Monday. Grabe ang sarap ng tulog ko kila Kenneth. Ang tahimik kase dun tapos solo ako sa kama. Walang disturbance. Kung hindi pa ako ginising ni Mommy Glo hindi pa ko babangon. Since naiwan ko nga yung phone ko sa Anneville, kelangan namin syang balikan pagkabukas na pagkabukas. Buti naman at mabait yung nakapulot. Gusto ko sanang bigyan ng chocolate kaso wala naman akong dala. Nung kinagabihan kinokondisyon ko na yung sarili ko na wala na akong phone. Na gagamitin ko na lang yung extra phone ni Kenneth. Pero buti na lang napabalik. Umuwi na din akong Pagbilao after lunch. Meron naman kaming spa date ng Mama sa hapon pagkabalik nya ng office. Nakatulog na naman ako habang finu-foot spa ako (natawa ako nung tina-type ko yung finu-foot spa). Umuwi na din kami immediately after. Nood lang ng konting TV tapos natulog na din kami ng Mama. Magkatabi kami matulog kasi yung kwarto ko, ang Papa na ang nag-occupy. Hindi sila magkatabi natutulog kasi malakas daw humilik ang Papa hindi makatulog ang Mama. Dati nga nung kumpleto pa kami dito sa bahay, sa salas natutulog ang Papa. Nasa-sad nga ako nung una pero nasanay na din ako. Pero ayaw kong mangyari yun samin ni Kenneth. Dapat lagi kaming tabi.
And today is another day! Itinerary:
Visit Daddy huhuhu
Date with my lola plus my K-pop fanatic cousin
Parang yun lang
Medyo chill yung day na to kasi nga ang hectic nung mga nakaraang days. Updated si Kenneth sa happenings kasi almost everyday kaming nagvi-videocall. Nakakatawa nung isang gabi kasi nagkkwento ako about sa pagbabati namin ni Xali tapos biglang masisingitan ko ng “granola bars” at “Japan”. Nananaginip ako habang nagkkwento akong nakamulat. Hahaha. Eh pinipilit kong tapusin yung kwento ko kasi fresh pa. Baka may malimutan pa ko. Miss ko na ang kitty cats. For sure miss na miss na ko ni Walnut. Si Cashew kase very walang pake lang. Super rare maglambing.
Nung rare moments na wala akong magawa sa bahay, pumunta ko sa luma kong kwarto. Naghalungkat lang ako ng kung ano-ano. Tapos nakita ko yung wallet ko nung highschool. Ang dami kong nakitang memorabilias. Nakakatawa yung nakita kong papel na nakatupi tapos pag-open ko, song composition ko nung teenage phase ko. Ang cringy eh. Pero ang galing talaga ng sound/music association. Kasi siguro 10 years ko na yung hindi nakikita pero nung binasa ko, alam ko pa din yung tono nung ginawa kong kanta. Nakita ko din yung mga luma kong drawings. Kung pinagpatuloy ko lang yun super galing ko na siguro ngayon.
Okay! Tapos na ang pagre-recall. Feeling ko may di pa ko naisama pero eto yung mga highlights. 8 more days ang makakapiling ko na ulit si Kenneth and kitty cats. Excited nanaman ako! Sana hindi i-ban ng Canada ang mga taong nagtravel from Asian countries. Pota wag naman huhuhu.
Ang laki talaga ng naitutulong nitong blog ko na to sa sarili ko. Therapy talaga. Magulo kasi ang isip ko. Para bang yung movie na Inception. Patong patong. Side note: Na-experience ko na yung totoong inception. Nananaginip ako na nananaginip ako. Diba yun yun?
Anyway, absent ako ngayon. Friday ngayon. Kahapon, absent din ako. Nung Monday, absent din ako. Masama naman talaga yung pakiramdam ko tuwing umaga, pero for some weird reason, gagaling na ko after a few hours. Medyo nagguilty ako kasi kinausap na ko ng supervisor ko about absenteeism. Tapos ang dami ko nanamang absent. This week, 2 days lang ang ipinasok ko. Haha. Lagot nanaman. Eh totoo naman kasi talagang nagkakasakit ako anong magagawa ko.
Three days ago, nag-submit kami ng application dun sa apartment na gusto naming lipatan. Hindi pwedeng basta may pambayad ka, ok ka nang tumira dun sa apartment. Kailangan mag-apply. May mga background check pa silang ginagawa. Hanggang ngayon nagaantay pa din kami ng balita. Sobrang magulo simula nung naisip naming mag-decide na lumipat. Patapos na kasi yung contract namin dito sa current apartment. Kaya magulo kasi pabalik balik yung decision namin kung lilipat ba kami o hindi na lang muna. Ang mahal kasi nung mga apartments na magaganda. Etong apartment namin ngayon, ayos naman. Sobrang upgrade eto compared sa apartment namin sa Pinas. Sobrang laki para saming dalwa.
Pero ang pangit lang, since nasa affordable range yung apartment na to, may mga tenants na masasamang loob. Yung landlord na mismo ang nagsabi. May mga tenants daw dito na nagd-drugs. At muka ngang totoo kasi minsan na kaming nawalan ng package. Nung una, pag may nagiiwan ng package sa pinto ng unit namin, wala namang kumukuha. Pero may one time na may kumuha so takot na kaming magpadeliver. Nung nagpa-deliver ako ng cat food (so medyo malaki yung box), pagdating ko, andun naman yung box sa pinto pero wasak yung box. Inattempt nilang buksan. Kung hindi pa nakita nung landlord baka mas wasak pa yun. Eh di try nilang kainin yung cat food.
Isa pang uncomforatable, laging may tumatawag saming pulis. Dito kasi, para sa mga hindi familiar kasi bago lang din sakin to dati, may buzzer. So may parang phone sa labas ng building tapos pag-dial nila ng unit number namin, may tatawag sa cellphone ko. Tapos sasagutin ko at pipindutin yung 9 para mabuksan yung gate at makapasok yung tao na yun sa building. So usually, ang tumatawag lang sakin ay mga delivery people. Nagulat ako na pulis yung kausap ko tapos sabi eh, “This is Winnipeg police. Let us enter into the building.” parang ganun. Eh di may konting kaba kahit alam naman naming wala kaming ginawa. Yun pala, akala eh landlord kami kasi yung unit number namin ay 101. Eh nasa 105 yung landlord. Inassume lang nila na yung first unit ay landlord’s unit. So dun sa mga next na tawag, dini-direct ko sila sa landlord. Hindi ko pinagbubuksan. Malay ko ba baka fake police officer sila so ayaw ko silang pagbuksan. Sabi ko tumawag kayo sa 105. Hanggang sa pag alam kong wala naman kaming delivery, hindi ko na sinasagot. At minsan pa alanganing oras tumatawag. 11 PM or madaling araw. Tapos may one time na may kumatok sa unit namin, pagbukas ni Kenneth, mga pulis na naman! Akala na naman landlord kami. So bukod sa istorbo na lagi na lang kaming tinatawagan ng pulis, nakaka-bother din na bakit may pulis? So for sure may nag-report na may gumagawa ng illegal activities. Kaya naisipan naming lumipat na basta afford.
So meron nga kaming nakita na medyo mahal kasi bago lang yung building tapos maganda yung location. Katabi lang ng grocery store tapos may mga fastfood sa tapat. We’ll see kung maa-approve kami. Kakayanin na lang kahit mahal ng kaunti.
Two days ago, umattend ako ng tinatawang nilang ‘Information Session’. Eto yung parang “mini seminar” at dinidiscuss nila yung program (or course) na gusto mong i-take sa school nila. Namention ko na to previously pero dito, imbis na course ang tawag, program yung tawag nila (Nursing program, IT program). Tapos imbis na subjects, courses yung tawag nila (English course, Math course). So yun. Back to Information Session, yung program na gusto kong i-take ay Digital Media Design. Two-year program sya. May isa nanamang kakaiba dito in terms of college education. Dito, kelangan mong mag-apply para makapasok. As in magsusulat ka ng essay kung bakit ito yung program na napili mo, tapos since Digital Media Design ang pinili ko, magssubmit ako ng mga drawings, paintings, arts and crafts, etc. (portfolio ang tawag). Tapos may deliberation. 40 students lang daw ang tinatanggap nila sa program na to. So medyo scary talaga. Kelangan mong galingan sa portfolio. So yun ang pagkakaabalahan ko sa upcoming weeks. April pa naman yung deadline pero maigi na yung maagap. Kailangang galingan. Dun sa attendees ng Information Session, mag-gauge mo na kung ilan yung applicants na interested dun sa program. Puno yung hall so madaming competition. Kailangang galingan.
Kanina, since absent nga ako ngayon, naka-punta ako dun sa dental appointment ko. Alanganin kasi yung oras ng appointment, 11AM. May sina-suggest na ipagawa sakin since na-chip nga yung ngipin ko nung kumakain ako ng popcorn. Buti hindi ngipin sa unahan. Crown yung gustong ipagawa sakin. Eh ang mahal nun! Yung estimate na binigay sakin nasa $1,100. Php 44,000! Di bale na! Pagtyatyagaan ko na lang na may tumutusok sa side ng dila ko. Ang pointy kase nung ngipin after may natanggal so tumutusok sa gilid ng dila ko. Sobrang hindi komportable. Feeling ko magkakasugat yung dila ko. Eh hindi daw pwedeng pasta lang gusto talaga nila crown. Tapos $1,100?! Di bale na talaga. Hahanap na lang ako ng ibang dentist na willing pasta-an o kaya paguwi kong Pinas dun ko na lang ipapagawa.
Sobrang nagmamasid ako kanina nung nasa labas ako kasi yung dental clinic, malapit lang sa office namin. Hihi. Baka biglang makasalubong ko si sungit-pero-minsan-friendly-pero-parang-fake-friendly-our-team-assistant Ryan. Ngayon ko lang naisip na medyo ang pangit pala nung job title nya na Team Assistant. Kung satin sa Pinas, Assistant Supervisor yun. Pero dito, Team Assistant ang tawag so parang assistant sya ng team. So parang assistant namin sya. Haha. Ang daming kakaiba talaga dito sa Canada.
Ang haba na ng post ko pero gusto ko lang idagdag na sobrang nakakatawa yung binabasa ko ngayon:
Favorite ko na si Ali Wong talaga. Sobrang walang pretentions sa katawan. Ang vulgar minsan ng humor nya pero okay pa din. Stand up comedian sya pero una ko syang napanood dun sa movie nya na Alway Be My Maybe. Nung nakita ko sya dun naisip ko, “Sino kaya tong artista na to at pumayag si Keanu Reeves na magpa-kiss sa kanya?” Hindi ko sya masyadong gusto dun sa movie. Sya ata yung nagsulat at nagproduce nung movie na yun. Pero nung napanood ko sya dun sa Netflix special nya na Hard Knock Wife, sobrang tawang tawang tawa talaga ako! As in sobra. Yung Netflix special ni Aziz Ansari ang dami ko nang tawa pero kay Ali Wong talaga extreme! Kahit hindi naman ako super maka-relate kasi puro mom and pregnancy jokes yung kanya, halakhak talaga ako.
So yun lang. 2 AM na pala. Ang aga ko kasing nakatulog kanina, 8 PM, tapos nagising ako ng 11 PM. Gigisingin ko na si Kenneth at nakatulog na sa salas panonood ng Mandalorian. Goodnights!
Dumating na yung pinakahihintay kong January 2. Pero nung December 31 pa lang, I feel so much better already. Nung tinitingnan ko yung mga New Year photos especially ng mga kapamilya ko, ang saya ko for them. Kita kong nageenjoy sila. May konting sadness kase syempre mas ok na nandun ako; pero walang bitterness. Unlike nung Pasko. Pero nung New Year ang light sa feeling tapos natutuwa akong tingnan yung mga pics ng mga tao. I’m so happy na na-reach ko na din yung state of mind ko na to. Sana wala nang balikan.
Siguro ang isa pa, pag talagang may mga bagay na nillook forward ka, it gives you a purpose. Hindi naman yung tipong very deep na purpose in life. A purpose to go on. Move on. It refrains myself from thinking unnecessary and unhealthy thoughts. So eto yung mga bagay na nillook forward ko as of the moment:
Book club discussion tomorrow. This will be our 4th book discussion and even though hindi consistent yung mga participants, I’m glad that this is still going on. I think I’ll just have to brainstorm to make it more interesting for them I guess? Because I notice in every book discussion, it involves a different set of people. Wala yung consistent na joiner talaga. But at the same time, I think it’s not my job to actually keep them engaged. Kung talagang trip nila tong trip ko, hindi ko na sila kelangan pilitin or laging i-remind. They will just join kase gusto nila. So I’ll just leave it at that. I’m still glad that the book club inspired a lot of people to read again and rekindle their relationship with books.
New podcast episode. It’s a New Year episode obviously. Medyo seryoso yung pinagusapan namin kahapon so looking forward akong i-edit yung recording. Hindi kami vocal ni Nick in terms of how valuable our friendship is, but I really want to thank him for still being virtually present in my life kahit malayo na ako. I think it’s more tricky to maintain connection if it’s a guy friend kasi hindi naman sila madaldal and ma-chat. This podcast acted as a bridge between us two and actually brought us closer. So good luck Nick! I hope your wish will come true on March.
Philippines. I will visit our home country a month from now. Super excited and nawala na yung stress ko about the pasalubong nonsense. I’m putting too much pressure on myself. And I want to thank Aryan for lending her ears (pero eyes talaga kase sa chat). Nawala yung weight ng worries ko after talking to her. I have resigned to the fact that I can’t do anything about what my folks will say if I can’t give them mega pasalubong and all that shit. I will just be comfortable in the fact that this is the reality. The reality being: we’re broke. Broke in the sense that we can’t afford to buy expensive pasalubong for everyone the same way as my uncles used to give us pasalubong when they visit PH before until now. So I’ll just let it be.
I’m looking forward for my friends’ milestones in life as well. Aryen’s exam result (I’m sure she’ll pass), Gel’s wedding this year, Aryan and Hudas’ reunion, Bogs’ health and future baby, Dany having a new baby soon, Benson’s mansion and Dale’s plan to go to Canada.
More years with Kenneth. In the past few months, I notice a change in our dynamic. We are getting along better than ever. I believe it started after my surgery. Sobrang amazing nung recovery period ko kasi never kaming nag-away. Walang inisan, hindi ako naiirita sa kanya, hindi sya badtrip. Basta parang magic. Kelangan ko pa palang ma-operahan para ma-reach namin yung ganun. So when that happened, I noticed it right away. I didn’t want to say anything to him for fear of jinxing it. And I said to myself that we have to maintain this momentum. On my part, I know what I have to do. I have to have more patience and I have to control my temper. So that I did. There are times where I can’t help it but at least I’m watching myself now.
I have to prepare my sticker orders now but I’m also looking forward to my career. It’s still murky and uncertain but I’m excited. As I’ve said on our podcast, my theme for this year and the years to come is discipline. Several times, I find myself mindlessly scrolling through Instagram, watching Youtube videos non-stop, and I just really have to stop. So discipline. And self-control. Less overthinking. More value.
Sabi ko na nga ba eh magiging okay-ish na din ako after. Pagkatapos ko dun sa January 2 blog post ko, nanood kami ng Star Wars ni Kenneth pero nakatulugan ko yung The Empire Strikes Back. Isa ako sa konting percentage ng tao na hindi pa napapanood ang Star Wars. So since nakatulog ako kagabi feeling ko yun lang ang gagawin namin ni Kenneth maghapon. Baka matapos namin yung buong franchise ngayon.
Para naman hindi puro depressing stuff ang nandito, eto yung isa sa mga bagay na nillook forward ko. Baka lumipat na kami ng apartment next month. Yahoo. Baka 2-BR yung kunin namin pero titingnan pa sa budget. Halos kapresyo kasi nung apartment namin ngayon pero bagong bago tapos merong in-suite laundry at dishwasher. Tapos yung usual na ref, stove at microwave meron na din. Kaya perfect time na lumipat. At ang pinaka importanteng part, it’s pet friendly!! Excited na ako para kina Cashew and Walnut. Ang struggle lang is mag-disassemble ng mga malalaking furniture. Pero ok lang it’s gonna be worth it. Sana okay talaga dun sa apartment na yun. Kaka-excite hihi.
Kahit mostly okay na ko ulit, may mga stragglers pa din na kailangan kong gawan ng action pero dine-delay ko. Katulad nung portfolio para makapasok ako sa Digital Media Design program. Kelangan kong galingan pero siguro magstart na lang ako after kong umattend nung information session sa January 8. Isa pa eh yung approval ng leave ko sa February. Hindi talaga ko pinayagan kahit unpaid leave. May isa pang option akong ita-try pero pag hindi pa din, magreresign na ko. Kaya dapat ko nang ayusin yung online shop ko para may income pa din or maghanap ako ng online job.
Eto namang mga to eh somehow within my control. Talaga lang na pag nawala ako sa mood or nadepress ako, nawawalan ako ng ganang gumalaw. Kaya kelangan kong mag snap out of my current state at mas maging positive. Maghanap ng inspiration at magisip ng maayos. Kasi kung hindi, para akong hinihigop ng dilim at lungkot and as a result, nawawalan ng pakinabang. Ang grim pero yun talaga ang naffeel ko nowadays. Usually parang tatawanan ko lang or gagawin kong light ang mga bagay bagay pero kelangan ko tong i-address. Akala ko pa naman puro happy thoughts tong post na to pero ito na lang siguro yung one last hurrah ng pagkadepress ko. Feeling ko on the verge na talaga ako sa depression pero kita ko pa naman yung liwanag sa dilim. Haha grabe bakit ganito na kong magsalita. Usually hindi ko ine-entertain yung ganitong thoughts pero baka makatulong pag sinusulat ko. Parang andito ako sa state na nasakin yung decision kung hahayaan ko akong lumubog or magiging malakas ako para labanan yun. And I’d like to think of myself as a strong person. Sobrang madidisappoint ako sa sarili ko pag hahayaan ko to. Madami naman akong dapat ipagpasalamat at may mga tao pa din namang hindi disappointment sa buhay ko. Kelangan mo talagang magfocus sa liwanag o dun sa positive and really try to magnify it. Wag mong hahayaang mag-fade. Okay! I think na-sort out ko na ng maayos ang mga nasa isip ko at alam ko namang equipped ako para labanan ang pangit na parte ng sarili ko. Seryoso muna tayo ngayon.
Nakakainis ang lungkot lungkot naman ngayong Christmas season. Gusto ko nang matapos. Nakakalungkot na dati sobrang favorite ko ang December pero ngayon gusto ko syang murahin. Parang lumipas lang yung birthdays namin at Pasko na parang wala lang. Eto dapat yung pinaka masayang month of the year eh. Anyare?
Dumagdag pa yung stress ko sa mga kamaganak ko at yung pressure na magbigay ng magbigay dahil Pasko. Tapos yung paguwi ko nakaka stress na din kasi alam mong may expectation na dapat madaming pasalubong tapos for sure may mga kain pa yan sa labas. Tapos mahihiya naman ako kung hindi ako ang magbabayad. Kasi may mga kamaganak kami sa ibang bansa and every time na uuwi sila noon, yun yung nassense ko sa mga kamaganak ko na dapat sagot nung balikbayan. Hindi nila naiintindihan na posible namang kapusin din kahit nandito sa ibang bansa. So yun ang naiisip ko kahit pauwi pa lang naman ako. Pwede ding ako lang nagiisip nito pero pinapahirapan ko lang talaga ang sarili ko. Nastress na ko agad kahit wala pa ko sa sitwasyon na yun. Eto yung alam kong isang problema sakin na hindi ko naman macontrol. Advance ako masyado magisip.
Isama mo pa yung mga tao na sobrang hindi ko magets bakit kayang kaya nilang mang seen zone after kang may sabihin na malungkot or basta something na kareply reply dapat. Mga insensitive at walang pakealam. Hindi ko talaga kasi yun kaya. Hindi ako ganun kaya masama sa loob ko. Yun yung mga times na gusto ko na lang i-delete yung Messenger ko kasi mga walang kwenta namang mga kachat. Libreng magreply baka nakakalimutan nyo lang. Wag na lang kayong magstart ng conversation kung di nyo naman kayang makipagusap ng matino. Walang pwedeng magsabi na imposibleng gawin yun kasi may isa din akong katulad ko na hindi bastos kachat. Salamat naman at least may isa. Actually parang dalwa. Thank you sa inyong dalwa.
Gustuhin ko mang lumabas ng bahay para kahit papano ba eh may gawin, mas pinili kong magkulong na lang dito sa bahay. Mukang wrong move pala. Dapat pala lumabas kami. Sobrang lamig naman kasi. Nakakatamad lumabas hindi nakakatuwa yung lamig. Napapaisip ako baka talagang hindi kami para dito. Or hirap lang akong tanggapin na ganito talaga dito. Pinili naming pumunta dito. Eh hindi ko naman kasi inexpect na ganito kalamig at magiging ganito kalungkot.
Kala ko pagpunta namin dito mas magkaka financial freedom kami. Parang lalo pa ngang nagiging limitado. To think hindi kami maluho. Damit ko nga paulit ulit eh. Buti na lang wala naman akong pake. Ang importante laba. Hay siguro kung wala kaming pusa mga baliw na kami. Baka kelangan ko na talaga ng psychiatrist. Parang ang unhealthy ng mind ko. Lahat parang either kinakainisan ko or ikakalungkot ko. Minsan yung mga pusa na lang namin ang nakakapagbigay ng comfort sakin. Buti na lang din mas nakakausap ko na si Kenneth parang mas nagkakasundo na kami ngayon.
Sana phase lang to. Hirap na hirap kasi akong humugot ng saya sa mga bagay na meron dito at meron ako ngayon. Lahat na lang naiisip ko yung mga wala. Yung mga taong wala at mga bagay or lugar na wala. Nung kumain kami sa Jollibee ayun ang saya ko non. Tapos magffade na pag lumipas na. Para bang yung scene sa Inside Out na movie. Feeling ko biglang hahawakan ni Sadness yung ball of joy tapos ayun, malungkot na. Parang nung mga nakaraan naman ok ako. Bigla lang nag-Pasko tapos nasira na. Puro masasayang pictures na lang ang nakikita ko. Scroll pa din naman ako ng scroll.
Nakakatawa pagtingin ko sa date, Pasko pa din pala dito. Kala ko December 26 na. Tulog kasi kaming dalwa kanina tapos paggising ko nakita ko 9:00 pero di ko alam kung AM or PM. Inisip ko AM. PM pa lang pala. So Pasko pa. Gusto ko nang mag January 2.
PS:
Most of the time, pag malungkot or galit ang post ko, after kong ilabas dito, gumagaan yung pakiramdam ko kahit papano. Kaya kalimitan, yung feeling ko dito sa post ko at yung feelings ko after kong i-post to, magkaiba na.